Lahat ng Kabanata ng My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town: Kabanata 41 - Kabanata 50

80 Kabanata

Chapter 41: Desire

MASAKIT ang ulo ni Adeline nang magising kinabukasan. Nagmulat siya ng mata at tumingin sa paligid habang sapo ang ulo. Magarang furniture. Gray na wall. Minimalist at halatang panglalaki. Nangunot ang noo ni Adeline saka bumangon. Nagulat siya at napasinghap nang nahulog ang kumot na nakatakip sa kaniyang katawan at napagtantong hubad siya. Halos takasan siya ng kaluluwa nang makita ang pulang marka sa kaliwa niyang dibdib. Mukhang pinanggigilan sa halik. Napatalon siya sa kama at mabilis na hinila ang kumot upang itakip sa katawan nang bumukas ang pinto. Isang matangkad na lalaki ang pumasok. Suot ang gray na sweat pants, puting t-shirt at itim na maskara. Magulo ang buhok nito at sa tindig palang ay alam na niya kung sino. 
Magbasa pa

Chapter 42: I'm Not Losing You

GALIT na galit si Drake habang papunta sa lugar kung nasaan si Shun. Tinawagan siya nito matapos ang pag-uusap nila ni Adeline. Sinabi nito na nahuli na nito ang driver ng kotseng halos sumagasa sa kaniyang asawa. Kuyom ang kaniyang mga kamao habang nagtatagis ang bagang papasok sa isang lumang bahay kung saan dinala ni Shun ang salarin.Agad na sinalubong ni Drake ng suntok sa sikmura ang lalaking may piring at nakaluhod sa harapan ni Shun. Umubo ito dahil sa sakit pero hindi iyon sapat para kay Drake. Muntik nang mamatay ang asawa niya. Wala siyang sasantuhin kung si Adeline ang masaktan.Hinila niya ang leeg ng suot nitong t-shirt. “Sinong nag-utos sa ‘yo?”“H-Hindi ko alam—Argh!”Lumagatok ang kamao ni Drake sa labis na galit matapos muling suntukin ang lalaki. “SINO ANG-UTOS SA IYO?”“H-Hindi ko talaga alam, sir. T-Tinawagan lang ako at b-binayaran para patayin si Drake Velasquez.”“Fck!” Mura ni Drake saka nilingo
Magbasa pa

Chapter 43: Twins

NANG makauwi si Adeline kasama sina Dylan at Sofia ay inasikaso niya ang mga ito. Nilinisan niya ng katawan ang dalawa. Nahihiya pa si Dylan pero nginitian niya lamang ito habang binibihisan. Kasalukuyan silang nasa kwarto ni Dylan nang ilabas ni Adeline ang regalo niya sa dalawang bata.“May gift ako sa inyo,” nakangiting saad ni Adeline.Tuwang-tuwa si Sofia habang tinitigan naman ni Dylan ang binili niyang regalo para dito. Natigilan si Adeline saka hinaplos ang buhok ng batang lalaki.“Hindi mo ba nagustuhan, kuya?”Tumingin si Dylan sa kaniya na may namumuong luha sa mga mata. “G-Gusto…”Hinalikan ni Adeline ang ulo ng bata. “Kahit anong gusto mo ibibigay ko kaya ‘wag kang mahihiyang magsabi sa ‘kin.”Tumingala ito sa kaniya at sa gulat niya ay nanginig ang mga labi nito habang nagsasalita. “P-Pwede ba kitang tawaging mama?”Nakaramdam ng kung anong pitik sa puso si
Magbasa pa

Chapter 44: Rage

IBINABA ni Adeline ang telepono matapos kausapin si Matias. Naipadala na niya dito ang speciman na kailangan para sa DNA test nina Sofia at Dylan. Kaaalis palang ni Matias pero gusto na kaagad niyang malaman ang resulta. Hindi na siya makapaghintay pero alam niyang aabutin pa ng ilang araw bago makarating sa kaniya ang sagot.Pumasok muli sa opisina si Adeline at pinilit ang sarili na magfocus sa trabaho ngunit hindi pa siya nagtatagal sa upuan ay tumunog na ang cellphone niya. Ang yaya ng mga bata ang tumatawag.“Hello?”[Hello, ma’am. Pasensya na po. Kailangan niyo pong pumunta sa school ngayon. Nakipag-away po kasi si Dylan at nasugatan si Sofia.]Marahas na napatayo si Adeline at walang sabi-sabi na hinablot ang kaniyang bag para umalis. Nang matapos ang tawag ay saktong nakalabas na siya kaya agad siyang tumawag ng taxi.Abot-abot ang kaba ni Adeline habang lulan ng taxi. Hindi niya akalain na
Magbasa pa

Chapter 45: Insults

EXCITED ang lahat ng kateam ni Adeline nang dumating ang araw ng Fashion week. Naghanda sila para sa kompetisyon at kahit excited rin ay kinakabahan si Adeline.Kasama ng napili nilang modelo ay nasa dressing room si Adeline, pinagmamasdan ang modelo na isuot ang damit.Lumabas ng dressing room si Adeline upang pumwesto kasama ang mga kateam.“Congrats to us, Adeline!” Ang team leader iyon na tuwang-tuwa na isa ang design nila sa nakasali sa kompetisyon.Nagsimula ang show at masasabi ni Adeline na sobrang laking achievement na na makasama ang design niya kahit minanipula lamang niya si Diana. Pero kung tutuusin ay maganda naman talaga ng design niya. “Ang gaganda ng lahat! Grabe! Hindi ko akalaing darating ang araw na magagawa nating makipagsabayan sa malalaking companies!”“Ako rin! Sobrang saya!”Nag-uusap ang mga kateam ni Adeline habang nanunuod. Nang matapos ay agad silang tumuloy sa event hall ng isang hotel.Sa hotel na nagpalit ng damit si Adeline kasama ang mga kateam at sa
Magbasa pa

Chapter 46: Reputation

WALANG tao sa restroom nang pumasok si Adeline. Napailing siya nang makita sa salamin ang hitsura niya. Kitan-kita ang bakas ng wine na naghugis mapa sa kaniyang damit. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga saka kumuha ng tissue saka binasa at sinubukang alisin ang mantsa o kahit sana mabawasan lang pero imposible.“Sht!” Iritadong bulong ni Adeline at sinukuan na ang pagpupunas sa mantsa. Inayos niya ang sarili, nagretouch bago muling lumabas ng restroom.Nang isilid niya sa dalang bag ang hawak na lipstick ay diretso na sa pasilyo ang paningin niya ngunit natigilan siya nang halos bumunggo siya sa isang lalaking nakatayo at nakasandal ang likod sa wall.Nnagunot ang noo niya kasabay ng pagreact ng kaniyang puso nang makilala ng pamilyar na lalaking nakasuot ng maskara.Lumunok si Adeline, “Vince…”Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki. Inangat nito ang kaliwang kamay at nakaipit sa daliri nito ang isang sigarilyo. Humithit ito habang nakatitig sa kaniya ang itim na mga mata.“You
Magbasa pa

Chapter 47: Pizza

WALANG maramdaman si Adeline habang palabas ng restroom. Hindi siya dumaan sa pasilyo pabalik sa event hall. Sa halip ay ang kabilang direksyon ang tinahak niya papunta sa exit.Blangko ang ekspresyon sa kaniyang mukha at walang mababakas na emosyon sa kaniyang mga mata.Kahit kailan ay hindi siya maghahabol pa sa isang lalaki. Tama na ang isang niyang pagpapakatanga at kahit wala silang nakaraan ni Connor del Gallego ay apektado siya dahil siya ang pinagsasabihan ng masasakit na salitang iyon.“Adeline…”May humawak sa braso ni Adeline bago pa siya makalabas sa exit. Si Vincent iyon at agad siyang pinihit paharap dito.Tiningnan niya ang lalaki sa mga mata. “‘Wag muna ngayon, Vince. Gusto ko nalang umuwi.”Bumuntong-hininga si Vincent at marahang binitawan ang kaniyang braso. Tumitig ito sa kaniya na may pag-aalala sa mga mata bago tumango ng marahan.“Do you want me to send you home?”Umiling si Adeline. “Hindi na. Nasa labas ang bodyguard ko.”Hindi na nagsalita pa si Vincent. Pina
Magbasa pa

Chapter 48: I'm Just Here

BUMALIK si Adeline sa del Gallego building at nagpanggap na kalalabas lang sa trabaho. Nakatingin sa kaniya si Matias na may pagtataka sa mukha.“Bakit?”Umiling ang lalaki, “Wala po, ma’am. Sabi kasi ng kasamahan niyo sa trabaho ay kanina ka pa nag-out.”Napakagat ng labi si Adeline. “Sige na, magdrive ka na.”Tahimik lang si Adeline habang pauwi. Nasa isip niya pa rin ang nangyari kanina sa condo ni Vincent Ryu. Ang mga kilos nito. Ang bawat sulyap nito na kadalasan ay nahuhuli niya. Ang bawat paglapit nito. Lahat ng iyon ay paulit-ulit na naglalaro sa kaniyang isipan na tila ba isang sirang CD.“Nandito na tayo, ma’am.”Napakurap-kurap si Adeline. Narito na nga sila. Sa loob ng garahe. Mukhang napansin ni Matias na wala siya sa sarili kaya dumiretso na ito sa loob ng garahe.Tinanguan niya lamang ito saka siya lumabas. Tahimik siyang pumasok sa loob ng mansyon at dumiretso sa master bedroom matapos icheck sina Sofia at Dylan na nanunuod ng TV sa silid ng huli. Ganoon nalang ang gu
Magbasa pa

Chapter 49: Worries

INAYA ni Adeline na maghapunan si Gabriel pero tumanggi ito at sinabing busog pa. Hindi na niya ito inabala pa dahil nagbabasa ng libro ang lalaki. Nang makarating sa kusina ay naghihintay na sina Sofia, Dylan at Drake sa kaniya. Nasa kabisera si Drake at matamang pinagmamasdan sina Sofia at Dylan na pinag-uusapan ang tungkol sa pinanuod nilang palabas.Tumigil sa may bukana ng kusina si Adeline at pinagmasdan ang tatlo. Gusto na niyang hilahin ang oras para malaman kung tama ba ang hinala niya na magkapatid sina Dylan at Sofia. Ang totoo ay inihabol niya kay Matias ang isang hibla ng buhok ni Drake para sa paternity test ng dalawang bata. Alam niyang maaring hindi reliable ang resulta pero kung magmatch ang tatlo, given na magkakahawig ang mga ito ay malaking tulong na upang masagot ang mga tanong niya.“Si Don Alvaro?” Tanong ni Adeline habang lumalapit sa mahabang dining table.Umiling ang mayordoma, “Umalis po ang Don kanina, ma’am.”Tumango si Adeline at naupo sa upuang katabi n
Magbasa pa

Chapter 50: Death Anniversary

INAYA si Adeline ng mga kateam na kumain sa labas dahil birthday ng isa sa mga ito. Saglit na nakipag-inuman si Adeline sa mga kasamahan bago nagpaalam na uuwi na. Nasa labas ng restobar si Matias at naghihintay sa kaniya pero dumaan muna siya sa restroom.Palabas na siya nang mahagip ng kaniyang paningin ang isang lalaking naglalakad palabas ng restobar. Pamilyar ang likod nito.Vincent?Hinaplos ni Adeline ang dibdib na malakas ang pintig. Likod lang ng lalaki ang nakita niya pero nagwala na kaagad ang kaniyang sistema.Napalunok siya saka ipinilig ang ulo at sumakay sa sasakyan kung saan naghihintay si Matias.“Sa coffee shop muna tayo, Matias.”Bumili muna ng kape si Adeline para kahit papaano ay mahismasaan siya. Nang maubos ay saka siya nagpasyang umuwi.Dumiretso siya sa master bedroom matapos silipin ang dalawang bata sa kani-kanilang silid. Natigilan siya nang makitang walang t
Magbasa pa
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status