Share

Chapter 42: I'm Not Losing You

GALIT na galit si Drake habang papunta sa lugar kung nasaan si Shun. Tinawagan siya nito matapos ang pag-uusap nila ni Adeline. Sinabi nito na nahuli na nito ang driver ng kotseng halos sumagasa sa kaniyang asawa. Kuyom ang kaniyang mga kamao habang nagtatagis ang bagang papasok sa isang lumang bahay kung saan dinala ni Shun ang salarin.

Agad na sinalubong ni Drake ng suntok sa sikmura ang lalaking may piring at nakaluhod sa harapan ni Shun. Umubo ito dahil sa sakit pero hindi iyon sapat para kay Drake. Muntik nang mamatay ang asawa niya. Wala siyang sasantuhin kung si Adeline ang masaktan.

Hinila niya ang leeg ng suot nitong t-shirt. “Sinong nag-utos sa ‘yo?”

“H-Hindi ko alam—Argh!”

Lumagatok ang kamao ni Drake sa labis na galit matapos muling suntukin ang lalaki. “SINO ANG-UTOS SA IYO?”

“H-Hindi ko talaga alam, sir. T-Tinawagan lang ako at b-binayaran para patayin si Drake Velasquez.”

“Fck!” Mura ni Drake saka nilingo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status