Share

Chapter 50: Death Anniversary

INAYA si Adeline ng mga kateam na kumain sa labas dahil birthday ng isa sa mga ito. Saglit na nakipag-inuman si Adeline sa mga kasamahan bago nagpaalam na uuwi na. Nasa labas ng restobar si Matias at naghihintay sa kaniya pero dumaan muna siya sa restroom.

Palabas na siya nang mahagip ng kaniyang paningin ang isang lalaking naglalakad palabas ng restobar. Pamilyar ang likod nito.

Vincent?

Hinaplos ni Adeline ang dibdib na malakas ang pintig. Likod lang ng lalaki ang nakita niya pero nagwala na kaagad ang kaniyang sistema.

Napalunok siya saka ipinilig ang ulo at sumakay sa sasakyan kung saan naghihintay si Matias.

“Sa coffee shop muna tayo, Matias.”

Bumili muna ng kape si Adeline para kahit papaano ay mahismasaan siya. Nang maubos ay saka siya nagpasyang umuwi.

Dumiretso siya sa master bedroom matapos silipin ang dalawang bata sa kani-kanilang silid. Natigilan siya nang makitang walang t
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status