HINDI kaagad pumasok ng silid si Drake. Matapos mag walkout ni Don Alvaro ay sumunod na rito si Diana at Aries. Lumabas naman si Drake para magpahangin saglit.Naalala niya kung paano umiyak sa kaniya si Adeline. She was hurt because he doubted her. Hindi naman niya intensyong saktan ang asawa. Nagselos lang talaga siya dahil alam naman niyang may nakaraan ang dalawa pero oo, hindi excuse na nagselos siya. Hindi niya dapat sinaktan si Adeline. Tuloy ay kay Vincent naman siya nagseselos dahil nadamayan nito si Adeline kahit siya rin naman iyon.Tumigil si Drake sa garden at nagtiim-bagang. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at ilang saglit pa ay sinipa ang lupa sa kaniyang harapan.“P-tang-na! Yawa!”Tumingin si Drake sa direksyon ng nagsalita. Tumatayo si Gabriel at pinapagpagan ang ulo na nasabuyan ng mga lupang sinipa niya.Nangunot ang noo ni Drake habang pinagmamasdan ito. Napatingin naman sa kaniya ang kaibigan at agad siyang minura, “Hay-p ka, Velasquez!”“Anong ginagawa
KAILANGAN nang kumilos ni Adeline bago pa siys tuluyang mapatalsik sa mansyon ng mga Velasquez. Kampante siya sa pangako ni Drake na mananatili siyang asawa nito pero alam niyang hindi posible iyon lalo na kung malantad ang tungkol sa kanila ni Vincent.Kailangan na niyang putulan ng pakpak si Diana at pabagsakin ang mga del Gallego tulad ng kasunduan niya sa mga Pascua.Hawak ang isang folder na naglalaman ng mga mahahalagang dokumento at mga litrato ay nakatayo si Adeline sa harap ng restroom ng isang coffee shop.Bago pa siya bumalik ng Pilipinas at pinaimbestigahan na niya kay Matias si Diana. Nalaman niya ang lahat ng sikreto nito at pati ang tunay na pagkatao. Anak si Diana ni Conrad del Gallego, ang ama ni Connor del Gallego. Si Zandra, ang ina ni Diana ang lihim na kabit ni Conrad at hindi iyon alam ng asawa nito.Nakakatawang isipin na kung sino ang mga taong nagmamalinis ay siya palang may bahong tinatago.
MAG-ASAWANG sampal ang natanggap ni Adeline nang dumating ang mga magulang ni Connor habang naghihintay siya sa harap ng emergency room. Siya ang tumawag sa mga ito gamit ang cellphone ni Connor mismo nang makarating sila sa hospital.“Anong ginawa mo sa anak ko, Adeline!” Ramdam ni Adeline ang hinagpis sa boses ni Madame del Gallego.“Anong ginawa mo? Bakit siya nandito? You wench! You did this to my son!”Walang magawa si Adeline. Hindi niya nagawang ipagtanggol ang sarili nang sundan nito ang mga sampal na natamo niya.“Walanghiya ka, Adeline! Kapag may nangyaring masama sa anak ko, mananagot ka sa akin!”Muli ay nanatiling tahimik si Adeline. Akma pang hihilahin ng ginang ang kaniyang buhok nang awatin ito ng asawang si Conrad del Gallego.“Lumayas ka, Adeline! Lumayas ka! ‘Wag na ‘wag kang magpapakita ulit sa akin kundi sisirain ko ang pagmumukha mo!”Lumunok si Adeline at walang i
TUMITIG si Adeline sa asawa. Nababakas niya ang galit sa mga mata nito. Marahil ay dahil nadadawit na naman sa gulo ang pangalan niya kaya akala nito ay may ginagawa na naman siyang kasalanan. “Connor popped out of nowhere and saved me. May mga nakakita sa nangyari kaya kahit tanungin mo.” Umungol si Drake at halata sa mukha ang inis. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Adeline. You were almost killed at wala kang balak sabihin sa akin!” “Hindi ko alam kung sino ang nag-utos sa kanila pero balak nila akong dukutin.” Nagtagis ang mga ngipin ni Drake saka lumapit sa kaniya. “And you didn't report it?” “Uulit sila, Drake. Kung irereport ko, gugulo ang sitwasyon. Tulungan mo nalang ako na protektahan ang dalawang bata.” “And you?” Halata ang galit sa boses nito. “Are you baiting yourself to catch them? Alam mo ba ang sinasabi mo, Adel
NASA sala si Adeline at tahimik na naghahanap ng bagong trabaho gamit ang kaniyang laptop nang pumasok ang kaninang lumabas na maid at inabala siya.“Ma’am, may naghahanap po sa inyo.”Natigilan si Adeline at nag-angat ng mukha. “Sino?”“Si madame del Gallego po.”Muling natigilan si Adeline saka tumango sa katulong, “Pakisamahan mo dito.”Madame del Gallego? Hindi naman siguro nalagutan ng hininga si Connor? Kung oo ay tiyak na hindi na nito hihintayin ang maid sa labas at susugod na ito sa kaniya ngayon para pagsasampalin at sisihin siya.“Opo, ma’am.”Isinarado ni Adeline ang hawak na laptop saka tumayo at tumingin sa pinto. Hindi nagtagal ay bumalik ang maid kasunod ang ina ni Connor na mukhang wala maayos na tulog.Hindi alam ni Adeline kung ano ang magiging reaksyon niya. Malayong-malayo ang ginang sa dating sopistikada nitong ayos. Maging ang awra nito ay malaki ang
NAGULAT si Adeline nang makita si Drake na dahan-dahang bumababa ng hagdan habang blangko ang ekspresyon sa mukha. Kunot ang noo nito at paulit-ulit na umiigting ang panga. Gulat na gulat rin ang ginang nang makita ang tagapagmana ng mga Velasquez na nakatindig at maayos. Hindi pa kumakalat ang balita na maayos na ang kalagayan nito kaya nagulat siya na bumalik na pala sa normal ang katawan ng tagapagmana. “It’s nice to see you again, madame. It's a shame we met here and not at some party.” “I-I thought you're still recovering?” Drake looked so intimidating. He was standing tall beside Adeline which made both of them look strong and intimidating. Adeline would look nothing without her husband, but now that they're standing together, they look so powerful. It's as if they can bring anyone down and no one would ever try to get close to them or they'd burn alive. Tumaas ang isang kilay ni Drake. “I am.” Umiling ang ginang, “May kailangan ako sa asawa mo, Mr. Velasquez.”
NAGTIIM-BAGANG si Adeline at agad na tumayo ng tuwid. Tinitigan niya ang kaharap na ginang saka malamig na nagsalita dahilan ng lalong pagkagulat nito.“People change, madame. Lalo na kung nakaranas ng kasamaan.”“Hindi! Nagsisinungaling ka!”“Fine!” Iritadong saad ni Adeline. “Pupuntahan ko ang anak mo pero kakausapin ko lang siya.”“Adeline…”Hinarap ni Drake ang asawa na agad tumigil sa pagsasalita. Tiim ang bagang nito at malalim ang titig sa mga mata niya.“Isang beses lang, Drake. Para matigil na ito. Saka kailangan ko ring magpasalamat sa kaniya sa pagliligtas niya sa buhay ko.”Mariing pumikit si Drake at humugot ng malalim na hininga. Kung siya ang papipiliin ay hindi niya hahayaang lumapit sa taong iyon ang kaniyang asawa pero may punto si Adeline. Iniligtas ng lalaki ang kaniyang asawa kaya nararapat lang na magpasalamat dito.“Sasama ako.”“Drake, hindi na kailangan.”“I’m not asking for your permission, Adeline. I’ll go with you and you can't stop me.”Wala nang nagawa si
NADATNAN nina Drake at Adeline sa sala sina Gabriel at Don Alvaro na seryosong nag-uusap. “Magandang ideya nga iyon, Don Alvaro.”“Oo, Gabriel. Ayaw ko rin namang masira ang pamilya ko. Unang-una ay ako ang may pakana nito.”Natigilan si Adeline at napatingin sa asawa. Sila ang pinag-uusapan. Tiningnan niya ang Don at mukhang wala na sa isipan nito ang sinabi nito noon sa kaniya na makipagdivorce sa kaniyang asawa.“Masyadong malikot ang pag-iisip ng mga tao, Don Alvaro. Kahit wala naman talagang patunay na may affair sila ay ipinagpipilitan.”“What is this all about?” Sumali sa usapan si Drake habang lumalapit sa dalawa. Sumunod naman si Adeline sa asawa.“Drake, apo. Napag-usapan lang namin ni Gabriel ang maaring solusyon sa problema.”“Solusyon?”“Magbakasyon kayo ni Adeline. Out of the country, out of town, bahala kayo. Basta magbakasyon kayo ng ilang linggo. Sisigura