Share

Chapter 61: Cold

NASA sala si Adeline at tahimik na naghahanap ng bagong trabaho gamit ang kaniyang laptop nang pumasok ang kaninang lumabas na maid at inabala siya.

“Ma’am, may naghahanap po sa inyo.”

Natigilan si Adeline at nag-angat ng mukha. “Sino?”

“Si madame del Gallego po.”

Muling natigilan si Adeline saka tumango sa katulong, “Pakisamahan mo dito.”

Madame del Gallego? Hindi naman siguro nalagutan ng hininga si Connor? Kung oo ay tiyak na hindi na nito hihintayin ang maid sa labas at susugod na ito sa kaniya ngayon para pagsasampalin at sisihin siya.

“Opo, ma’am.”

Isinarado ni Adeline ang hawak na laptop saka tumayo at tumingin sa pinto. Hindi nagtagal ay bumalik ang maid kasunod ang ina ni Connor na mukhang wala maayos na tulog.

Hindi alam ni Adeline kung ano ang magiging reaksyon niya. Malayong-malayo ang ginang sa dating sopistikada nitong ayos. Maging ang awra nito ay malaki ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status