NAGTIPON-tipon sa tabing dagat sina Adeline, Drake at ang mga kaibigan nito nang sumapit ang alas otso ng gabi. Nag-iinuman ang mga kalalakihan nang makaisip ng laro si Theo.
“Truth or dare na may twist ito, mga ‘tol at ladies. Magsasabi ng isang truth at gagawa ng isang dare. Kapag hindi ginawa ang dare o tumanggi sa truth, shot puno.” “Woah! Nice!” Si Kai na nakipag high-five kay Theo. “Sunod-sunod nalang para walang dayaan,” si Gabriel na tinanguan ni Adeline. “Sino ang una?” “Ikaw nalang, tutal ikaw naman ang may pakana ng katang-han na ‘to,” pabalang na sagot ni Drake kay Theo. Umismid lang si Theo at si Kai ang unang nagtanong. “Kailan ka nagpatuli, ‘tol?” Naghalakhakan ang mga lalaki. Napapailing nalang na tumawa si Adeline at ganoon rin si Liz. Iritadong sumagot si Theo kaysa uminom ng isang shot na puno sa tagayan.NATAGO si Adeline nang tumayo si Drake at ambang aalis nang biglang lumuhod si Liz at hinawakan sa mga binti si Drake, pinigilang umalis.“Drake, please…give me a chance. Try me. I will be good.”Natanaw ni Adeline ang mga kaibigan ni Drake sa malayo na nagulat sa nangyayari pero ni isa sa mga ito ay walang nagtangkang lumapit dahil sa gulat.“Liz, let go! Don't stoop this low and beg for my love. You don't deserve this!”Umiiyak na umiling si Liz, “Hindi, Drake! Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako pabalik.”Kumilos si Theo at tumakbo palapit sa dalawa. Hinawakan ni Theo si Liz at pinilit na itayo.“No! Let me go, Theo! Drake, please! I love you so much! Ako nalang!”Napalunok si Adeline habang pinagmamasdan ang nangyayari. The desperation in her eyes. She felt that before when she badly wanted to save her father, and her baby.Umiwas siya ng tingin at humugot ng mala
NAGLULUTO si Adeline ng hapunan. Gusto niyang ipagluto ng hapunan ang mga bata kaya siya na ang nagpresintang magluto ngayon. Wala si Don Alvaro dahil ayon sa mayordoma ay may nilakad ito kasama ang assistant nito. Tanging ang mga kasambahay, mga bodyguards, sina Aries at Diana, Drake at ang mga bata ang kasama niya.Matatapos na siya nang maramdaman ni Adeline na may pumasok sa kusina. Nang lingunin niya ay si Diana iyon na matalim ang tingin na ipinupukol sa kaniya.“Ikaw ba ang nagkalat ng chismis tungkol sa akin, Adeline?”Bumuntong-hininga si Adeline at tinalikuran ang babae saka nagpatuloy sa pagluluto. Palihim na ngumisi si Adeline.Chismis, huh?“Bakit ko naman gagawin iyon? Ni hindi ko nga alam ang buong pangalan mo.”“‘Wag mo akong lokohin, Adeline! Ikaw lang ang may galit sa akin sa pamamahay na ito!”“Sa labas ba ng bahay na ‘to wala kang kagalit?” Sarkastikong tanong ni Ade
GALIT na galit si Drake sa nangyari pero wala siyang magawa. Alam niyang sinasadya ni Aries na pikunin siya at sagiin ang manipis niyang pasensya sa pamamagitan ni Adeline. Mahirap sa kalooban na pabayaan ang asawa na pinagtutulungan.Nang makapasok siya sa kanilang silid ay sumandal siya sa nakasaradong pinto at mariing pumikit. He needs Vincent Ryu.Agad na bumaba ulit si Drake at naabutan si Adeline na palabas ng bahay. Kaagad siyang bumalik silid at kinuha ang maskara niya pagkatapos ay bumaba galing sa verandah.Alam niyang mali na gawin ito pero hindi niya intensyon na paglaruan ang asawa. Alam niya ang takbo ng utak ng kaniyang pinsan at tiyuhin kaya habang naghahanap siya ng matibay na panlaban sa dalawa, iiwasan niya si Adeline.Dumaan siya sa isang pharmacy at bumili ng gamot bago hinanap si Adeline. Tinawagan niya si Adeline nang matagpuan niya ito sa playground. Pinagmasdan niya ang asawa at nang matapos ang tawag ay mas pinakatitigan pa.Nang makita niya ang pag-iyak nito
“PAALIS ka?”Natigil sa paghahalungkat ng bag si Adeline nang may sumabay sa kaniya sa pagbaba ng hagdan. Si Gabriel iyon na may bitbit na bag at mukhang paalis.“Hm. Schedule ng preliminary interview ko ngayon sa inapply-an kong kompanya.”Ngumiti ang lalaki. “Goodluck! Gusto mong ihatid kita? Paalis rin naman ako.”Umiling si Adeline at gumanti ng ngiti. “Hindi na. Nasa labas na si Matias at naghihintay sa ‘kin.”“Okay. Goodluck ulit! Ingat!”Excited si Adeline sa bago niyang trabaho. Malayo sa dati niyang trabaho pero pwede na kaysa naman maburo siya sa loob ng mansyon at araw-araw makita si Diana na walang trabaho ngayon dahil nagtatago sa media. Isa pa ay gusto ni Adeline na abalahin ang sarili upang hindi niya maisip si Drake ang trato nito sa kaniya sa mga nagdaang araw.Isang logistic company ang pinasukan ni Adeline at nag-apply siyang sekretarya ng CEO. Maliit na kompanya palang ito at local palang ang sakop kaya ito ang pinili ni Adeline.Nang nakarating ng siya ay hindi na
HALOS hindi na nagkikita sina Drake at Adeline sa mansyon. Nasasaktan si Adeline pero unti-unti na siyang nasasanay na wala sa tabi niya ang asawa. Hindi niya ginustong magkalayo sila pero hindi niya pipilitin ang lalaki kung ayaw nito sa kaniya.Hindi niya rin alam. Siguro dahil na rin nalilibang siya ni Vincent ay hindi na niya masyadong naiisip ang trato sa kaniya ng asawang si Drake.“Good morning, Adeline.” Si Gabriel iyon na nasa stool chair at umiinom ng kape.Nginitian niya ang lalaki. Weekend kaya wala siyang pasok pero nakahanda naman siya kung sakaling ipatawag siya ni Vince bilang boss niya. Ang dalawang bata naman ay tulog pa at dahil walang pasok ay hindi na inabala ni Adeline ang pagtulog.“Kumusta ang trabaho? Hindi tayo halos nagkakausap dahil busy tayo pareho.”Naupo si Adeline sa harap ng lalaki matapos gumawa ng toasted bread at kape. “Ayos naman. Ikaw? Kumusta?”Hindi na binanggi
HINDI nakapagsalita kaagad si Adeline habang nakatingin kay Zandra na nagpapagpag ng braso na tila ba narumihan ito. Tumanda ang babae pero kilalang-kilala niya ang hilatsa ng pagmumukha ng babae. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang kalamnan niya sa sinapit ng ama niya sa kamay ng demonyitang madrasta niya.“Watch where you're going, muchacha!”Sarkastikong tawa ang lumabas sa mga labi ni Adeline na ikinatigil ng babae. Tumingin ito sa kaniya na kunot ang noo dahil sa reaksyon niya.Kailan pa rito ang babaeng ito? Bakit hindi niya alam? “Anong tinatawa-tawa mo riyan? Pulutin mo ang mga nahulog ko! Ang mamahal ng mga iyan! Estupida!”Kinuha ni Adeline ang isang paper bag at iniabot sa babae. Nang akmang kukunin na ito ay binitawan niya saka siya umaktong nagulat.“Oh, Sorry! It slipped.”“You wench—”“What's happening here?” Isang malamig na boses ang
KAHIT papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Adeline nang makausap si Julieta Cruz. Hindi ito nagdalawang isip na maniwala sa kaniya nang sabihin niya ang mga nangyari noon sa mansyon habang nagtatrabaho ito sa kanila. Dahil rin kay Julieta ay nalaman niya kung saan nakalibing ang kaniyang ama at kung anong ginawa nina Diana, Zandra at Aries upang pagtakpan ang mga nangyari noon sa kaniyang pamilya.“Pinalabas nila na nawala ka sa sarili at nasa isang mental facility dahil sa pagkawala ng iyong ama.”Mariing pumikit si Adeline. Narinig na niya ang balita na iyon pero hindi niya akalaing ganoon talaga ang pinalabas nina Zandra. Mas lalo lamang tumindi ang galit na nararamdaman ni Adeline.Maagang pumasok sa trabaho si Adeline nang sumapit ang Lunes. Matapos ibilin sa yaya ang mga bata ay agad siyang umalis. Ni hindi siya nagpaalam kay Drake. Ayaw na niya itong abalahin at pakialaman pa. Nag-aayos pa ito para sa pagpasok sa trabaho kaya hindi na
HINDI alam ni Adeline kung tatabigin niya ba ang braso ng lalaki o pero ipagpapatuloy ang pang-aakit dito pero sa huli ay pinili niya ang nauna nang sumagi sa kaniyang isipan si Drake. Kasal pa siya. Umatras si Adeline at tumayo sa harap ng lamesa ng lalaki. Naiinis na si Adeline dahil ang hirap kumbinsihin ni Vince. Ano kayang pwede niyang gawin para pumayag ito? Kailangan niya ang mansyon. Gusto niyang mabawi ang lahat ng para dapat sa kaniya. Ang lahat ng ninakaw ng mag-inang Zandra at Diana. Bahagyang gumalaw ang upuan ni Vince at humarap sa kaniya ng maayos ang lalaki. May kakaibang kislap ang mga mata nito pero tingin ni Adeline ay hindi naman ito nagdududa na pinakialaman niya ang mga gamit nito. Marahas na bumuga ng hangin si Adeline, “Magkano ang mansyon, Vince? Kahit hulug-hulugan ko nalang.” “Hm? But I’m not selling the mansion.” Adeline hissed. “Bakit? Maganda ang mansion na iyon. Maraming may interesado at isa na ako doon kaya bakit ayaw mong ipagbili? Hindi