“PAALIS ka?”Natigil sa paghahalungkat ng bag si Adeline nang may sumabay sa kaniya sa pagbaba ng hagdan. Si Gabriel iyon na may bitbit na bag at mukhang paalis.“Hm. Schedule ng preliminary interview ko ngayon sa inapply-an kong kompanya.”Ngumiti ang lalaki. “Goodluck! Gusto mong ihatid kita? Paalis rin naman ako.”Umiling si Adeline at gumanti ng ngiti. “Hindi na. Nasa labas na si Matias at naghihintay sa ‘kin.”“Okay. Goodluck ulit! Ingat!”Excited si Adeline sa bago niyang trabaho. Malayo sa dati niyang trabaho pero pwede na kaysa naman maburo siya sa loob ng mansyon at araw-araw makita si Diana na walang trabaho ngayon dahil nagtatago sa media. Isa pa ay gusto ni Adeline na abalahin ang sarili upang hindi niya maisip si Drake ang trato nito sa kaniya sa mga nagdaang araw.Isang logistic company ang pinasukan ni Adeline at nag-apply siyang sekretarya ng CEO. Maliit na kompanya palang ito at local palang ang sakop kaya ito ang pinili ni Adeline.Nang nakarating ng siya ay hindi na
HALOS hindi na nagkikita sina Drake at Adeline sa mansyon. Nasasaktan si Adeline pero unti-unti na siyang nasasanay na wala sa tabi niya ang asawa. Hindi niya ginustong magkalayo sila pero hindi niya pipilitin ang lalaki kung ayaw nito sa kaniya.Hindi niya rin alam. Siguro dahil na rin nalilibang siya ni Vincent ay hindi na niya masyadong naiisip ang trato sa kaniya ng asawang si Drake.“Good morning, Adeline.” Si Gabriel iyon na nasa stool chair at umiinom ng kape.Nginitian niya ang lalaki. Weekend kaya wala siyang pasok pero nakahanda naman siya kung sakaling ipatawag siya ni Vince bilang boss niya. Ang dalawang bata naman ay tulog pa at dahil walang pasok ay hindi na inabala ni Adeline ang pagtulog.“Kumusta ang trabaho? Hindi tayo halos nagkakausap dahil busy tayo pareho.”Naupo si Adeline sa harap ng lalaki matapos gumawa ng toasted bread at kape. “Ayos naman. Ikaw? Kumusta?”Hindi na binanggi
HINDI nakapagsalita kaagad si Adeline habang nakatingin kay Zandra na nagpapagpag ng braso na tila ba narumihan ito. Tumanda ang babae pero kilalang-kilala niya ang hilatsa ng pagmumukha ng babae. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang kalamnan niya sa sinapit ng ama niya sa kamay ng demonyitang madrasta niya.“Watch where you're going, muchacha!”Sarkastikong tawa ang lumabas sa mga labi ni Adeline na ikinatigil ng babae. Tumingin ito sa kaniya na kunot ang noo dahil sa reaksyon niya.Kailan pa rito ang babaeng ito? Bakit hindi niya alam? “Anong tinatawa-tawa mo riyan? Pulutin mo ang mga nahulog ko! Ang mamahal ng mga iyan! Estupida!”Kinuha ni Adeline ang isang paper bag at iniabot sa babae. Nang akmang kukunin na ito ay binitawan niya saka siya umaktong nagulat.“Oh, Sorry! It slipped.”“You wench—”“What's happening here?” Isang malamig na boses ang
KAHIT papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Adeline nang makausap si Julieta Cruz. Hindi ito nagdalawang isip na maniwala sa kaniya nang sabihin niya ang mga nangyari noon sa mansyon habang nagtatrabaho ito sa kanila. Dahil rin kay Julieta ay nalaman niya kung saan nakalibing ang kaniyang ama at kung anong ginawa nina Diana, Zandra at Aries upang pagtakpan ang mga nangyari noon sa kaniyang pamilya.“Pinalabas nila na nawala ka sa sarili at nasa isang mental facility dahil sa pagkawala ng iyong ama.”Mariing pumikit si Adeline. Narinig na niya ang balita na iyon pero hindi niya akalaing ganoon talaga ang pinalabas nina Zandra. Mas lalo lamang tumindi ang galit na nararamdaman ni Adeline.Maagang pumasok sa trabaho si Adeline nang sumapit ang Lunes. Matapos ibilin sa yaya ang mga bata ay agad siyang umalis. Ni hindi siya nagpaalam kay Drake. Ayaw na niya itong abalahin at pakialaman pa. Nag-aayos pa ito para sa pagpasok sa trabaho kaya hindi na
HINDI alam ni Adeline kung tatabigin niya ba ang braso ng lalaki o pero ipagpapatuloy ang pang-aakit dito pero sa huli ay pinili niya ang nauna nang sumagi sa kaniyang isipan si Drake. Kasal pa siya. Umatras si Adeline at tumayo sa harap ng lamesa ng lalaki. Naiinis na si Adeline dahil ang hirap kumbinsihin ni Vince. Ano kayang pwede niyang gawin para pumayag ito? Kailangan niya ang mansyon. Gusto niyang mabawi ang lahat ng para dapat sa kaniya. Ang lahat ng ninakaw ng mag-inang Zandra at Diana. Bahagyang gumalaw ang upuan ni Vince at humarap sa kaniya ng maayos ang lalaki. May kakaibang kislap ang mga mata nito pero tingin ni Adeline ay hindi naman ito nagdududa na pinakialaman niya ang mga gamit nito. Marahas na bumuga ng hangin si Adeline, “Magkano ang mansyon, Vince? Kahit hulug-hulugan ko nalang.” “Hm? But I’m not selling the mansion.” Adeline hissed. “Bakit? Maganda ang mansion na iyon. Maraming may interesado at isa na ako doon kaya bakit ayaw mong ipagbili? Hindi
MAY kumatok sa pinto dahilan para agad na lumayo si Adeline sa lalaki. Agad ring bumukas ang pinto at nang-aakusa ang mga tingin ni Georgianne nang pumasok. May sumisilip rin na mapang-asar na ngisi sa mga labi nito kaya tumikhim si Adeline at lumapit sa kaniyang mesa.“Yes, Georgianne?” Kalmadong tanong ni Vince.“Ready na ang conference room para sa meeting mo, sir. May scheduled visit ka rin ngayon sa warehouse.”“Okay, Georgianne. Thank you.”Bago muling lumabas ay sinulyapan ni Georgianne si Adeline na natigilan dahil sa biglang paghagikhik ng babae.Tumagilid ang ulo ni Adeline at napailing. May nakita ba ito?Dahil sa nangyari ay naputol ang usapan nina Adeline at Vince. Sinikap ni Adeline na ituon ang atensyon sa kaniyang trabaho habang nasa conference room si Vince. Si Georgianne ang kasama nito para sa minutes habang ginagawa naman ni Adeline ang trabaho niya.Nang matapos ang
MALALAKI ang hakbang at nagpupuyos sa galit ang damdamin ni Adeline nang lapitan si Zandra. Itinulak niya ito ng malakas at napaupo sa sahig. Dinaluhan naman ni Diana ang ina kaya nabitawan nito si Sofia. “ANONG GINAGAWA NIYO SA MGA ANAK KO?!” Dumagundong ang malakas na sigaw ni Adeline sa buong sala. Mabilis na nagtago sa likuran niya ang dalawang bata. Parehas umiiyak at natatakot. Taas-baba ang dibdib ni Adeline sa galit. Agad namang tumalima ang yaya ng mga bata at agad kinuha ang mga ito upang dalhin sa silid. Samantala bahagyang kumalma ang ekspresyon ni Zandra at sumulyap sa pinto bago bumangon at tumalim ang tingin. “Walanghiya ang batang iyon! Tinapunan niya ng juice ang damit ko—” “Wala akong pakialam sa damit mo! Anong karapatan mong saktan ang mga anak ko?!” Humalakhak si Diana, “Mga anak? Si Sofia lang ang anak mo—”
“MAMA!” Tumakbo si Sofia at yumakap sa kaniyang baywang nang pumasok siya sa silid nito. Kasama nito ang yaya at si Dylan na nakaupo pang sa kama at nakayuko.Nagtagis muli ang bagang ni Adeline saka niyakap si Sofia. Pinaupo niya ito sa kama sa tabi ni Dylan at lumuhod siya sa harap ng dalawang bata.Marahan at masuyo niyang hinaplos ang katawan ng mga ito habang nakatingin siya sa mga sugat na natamo ni Dylan at sa namumulang braso ni Sofia.Tumulo ang luha ni Adeline at napayuko sa tuhod ng dalawang bata. Naramdaman niya ang magaang haplos sa kaniyang buhok.“Mama…” Napapikit ng mariin si Adeline. Si Dylan iyon, hinahaplos ang kaniyang buhok at tila pinapatahan siya.Sasabihin niya ba kay Drake?Lihim na natawa si Adeline. Ni hindi nga nito pinapansin ang dalawang bata o kahit si Dylan nalang. Humugot ng malalim na hininga si Adeline saka tumayo at pinatakan ng halik
“PARA saan ang bouquet, grandpa?” Kunot-noong tanong ni Drake sa kaniyang lolo nang pumasok siya sa mansyon. Mas nangunot ang noo niya nang mapansin ang sandamakmak na tao sa mansyon at naglalagay ng mga dekorasyon. “At para saan ‘to? ‘Wag mong sabihing welcome party ko ‘to? Isang buwan lang akong nawala, grandpa.” Natawa si Don Alvaro. “Hindi mo ito welcome party, Drake. Kaarawan ng nobya ng pinsan mo. Ngayon rin siya magpopropose kaya naghahanda tayo.” Umismid si Drake. “Sa nobya niya pala e bakit ako ang bumili ng bulaklak? ‘Wag mong sabihing pati singsing ay iniasa niya sa iba.” Tinapik ni Don Alvaro ang balikat ni Drake at bago pa ito makasagot ay dumating ang assistant nitong si Barron. Sarkastikong natawa si Drake nang iabot ni Barron kay Don Alvaro ang isang velvet box na tiyak na singsing ang laman. Si Aries, kung hindi tamad ay palpak. Kaawaran ng nobya pero hindi manlang mag- effort. Kung girlfriend niya ang may birthday, tiyak na aburido na siya ngayon dahil sa bagal ku
TUMAYO si Shaniya matapos abutan ng sobreng puno ng perang papel ang babaeng inmate. Pasimple itong ngumisi at sumaludo pa sa kaniya. “Titiyakin kong mahimbing ang tulog nila ngayong gabi at sa susunod pang mga gabi, madam.” Nagtaas ng noo si Shaniya at marahang tumango. Agad siyang umalis at kalmado ang mukha na naglakad paalis ng visitation room. Gagawin niya ang sinabi niya na paghihirapan habang buhay sina Cherry, Sherry, Diana at Zandra. Mali ang ginagawa niyang pagbabayad ng tao para pahirapan ang mga ito pero kulang pa iyon sa mga kasalanang ginawa nila. Tulad ng kung paano siya nagbayad kanina ng tao para pahirapan si Aries at Andres ay ginawa niya rin ito ngayon. Shaniya won't stop torturing them as long as they're alive. Walang nakakaalam ng ginagawa niya at titiyakin niyang mananatili itong sikreto. Nang makauwi ay sumalubong kay Shaniya ang madilim na mansyon. Sa pag-aalala ay kaagad siyang pumasok pero nang makapasok siya ay agad na may tumakip ng kaniyang mga mata
LIFE is always full of surprises in spite of the fact that it's too short. We don't get everything we want, the Heavens give everything that we need. Gabriel's death taught Shaniya a lot of things. That life, no matter how sad and painful it is—should be appreciated. Shaniya has doubted the Heavens for putting her on a very rough path and letting her suffer in the hands of the devil in human flesh. Nakakapangilabot ang lahat ng pinagdaanan niya pero nagpapasalamat siya na sa huli ay mayroon siyang naging karamay na kailanman ay hindi siya pinabayaan. Drake became her light amidst the darkness. He became her home amidst the storm. Kung wala ito, tiyak na mauubusan siya ng lakas. Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang huling trahedya. Gabriel's death has bruised so many hearts. Halos lugmok sina Hunter, Theo, Luke, Kai, at Drake ngayon. Araw-araw nakikita ni Shaniya ang tahimik na pagtangis ng kaniyang asawa. He comes home every night, almost crawling because he's drunk. Sh
“HE was a brother, a friend, a son, a hero…” Yumuko si Shaniya kasabay ng paglandas ng luha sa kaniyang mga mata. Nagsasalita si Drake at ramdam niya ang paghihirap nito. Hindi niya kayang makitang ganoon ang kaniyang asawa. It breaks her heart. Drake gasped. “H-He was…my best friend. S-Sabi ko sa kaniya best man ko siya sa kasal ko…at ninong siya ng anak ko…pero…hindi na niya…nahintay…” Shaniya squeezed her eyes. Pagkatapos ng burol na mapagparusa sa mga pusong lumuluha sa pagkawala ng isang kaibigan, anak, at kapatid—heto sila. Handa nang ihatid sa huling hantungan ang nag-iisang mabait na taong kilala ni Shaniya. All of them are hiding a devil inside them, but Gabriel is like an angel. He doesn't have evilness within him. He was pure. Maybe that's why he was named Gabriel. “I-I told him I’ll find him a girlfriend para hindi naman siya naiinggit sa amin ni Luke pero…p-paano ko siya ihahanap ng kapareha kung bumitaw na siya?” “Ang daya…” Drake sniffed and wiped his tears u
LAKAD-TAKBO si Shaniya sa kahabaan ng hallway papunta sa emergency room para makita ang kalagayan ni Gabriel ngunit hindi pa siya nakakalapit ay nakita na niya ang paglabas ng doktor sa emergency room at mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya kung paano tinakpan ng nurse ng kumot ang buong katawan ni Gabriel. Suminghap si Shaniya at napailing. No! No! Hindi! Hindi pwede! Nanghina ang mga tuhod ni Shaniya sa nasaksihan. Her hands trembled and her brain couldn't accept the realization. Nang tingnan niya ang doktor ay umiiling ito kina Drake na agad tumakbo papasok sa loob at hinablot ang kumot na nakatakip sa kaibigan. “GABRIEL! BUMANGON KA RIYAN, T-NGINA KA! ‘WAG MO AKONG PAGLARUAN!” Umiwas ng tingin si Shaniya sa kaniyang asawa. Seeing him like that tortures her. Namilibis ang luha sa mga pisngi ni Shaniya nang makita niya kung paano napaupo sa sahig si Hunter habang nakayuko at unti-unting yumuyugyog ang balikat. Pinagsusuntok naman ni Luke ang pader at humagulgol si The
PUMASOK si Shun Parker sa isang private property. Malawak ang bakuran at mataas ang pader na nakapaligid sa mansion na nasa gitna ng malawak na lupa. Hindi na siya nag-abalang isara ang gate at diretso nalang na pumasok hanggang sa makapasok siya sa mansyon. ‘Basement. Siguraduhin mong patay.’ Napailing si Shun nang maalala ang sinabi ni Caesar, ang half brother niya. Dumiretso siya sa basement at binuksan ang kandado gamit ang hawak sa susi at tumambad sa kaniya ang nagkalat na dugo habang sa gitna ay nakagapos ang isang lalaking walang malay at duguan. Nagtagis ang bagang ni Shun at nilapitan ang lalaki. Akma niya itong gigisingin nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag ni Caesar. “What?!” [Postpone the plan. Picturan mo si Gabriel at isend mo sa akin. Darating riyan ang isa pang taong ililigpit mo.] Nang patayin ang tawag ay agad na ginawa niya ang sinabi nito at isinilid ang cellphone sa bulsa. Dahan-dahan namang nag-angat ng mukha si Gabriel at halos
“ANO iyan? Suhol?” Salubong ng ina ni Cherry kay Shaniya nang makapasok ng sasakyan. Pumayag na itong tumira sa mansyon kaya agad niyang sinundo gamit ang kotse ni Drake. Ngumiti si Shaniya. “Nabanggit sa akin ni dad na ito ang paborito mong pagkain.” Tinitigan ni Sherry ang box ng buko pie na ipinatong ni Shaniya sa hita nito. Nasa driver seat siya katabi si Cherry at si Sherry ay nasa backseat. Umirap si Sherry at hindi na nagsalita. Umayos naman ng upo si Shaniya at nagsimulang magmaneho papunta sa mansyon. Mali. Her mother hates buko pie at nakumpirma niyang hindi impostor ang babae sa likod nang makita niyang binuksan nito ang box at maganang kumain. Shaniya clenched her jaws and looked at Cherry who's been constantly putting make-up on her face. Binubura nito iyon pagkatapos na tila hindi kuntento saka maglalagay ulit. “Tigilan mo nga iyan, Cherry. Nagsasayang ka ng make-up. Mauubos na ang ipon ko sayo!” Sinulyapan ni Shaniya ang ginang sa likod. “It’s okay. Bibigya
SINAMAHAN ni Shaniya si Drake na magpunta sa opisina ni Luke. His family owns a security agency at magaling rin sa paghahanap ng mga taong nawawala ngunit sa pagkakataong ito pakiramdam ni Luke ay wala siyang silbi. Ganito ang trabaho niya pero hindi niya mahanap ang dalawang taong importante sa kaniya—si Georgianne at si Gabriel. Sht! Wala pang 24 hours nawawala si Gabriel pero hindi nito ugali na maglaho ng walang pasabi kaya agad siyang kumilos nang puntahan sila ng pamilya ni Gabriel upang manghingi ng tulong. Nakaupo sa pahabang meeting table sina Luke, Hunter, Theo, Kai, Drake, at Shaniya. “Huling nakita sa CCTV si Gabriel sa hospital. Nakita niya ang isang Doktor na si Caesar Palacios kasama ang isang babae. Sinundan niya hanggang sa basement parking…” pagpapaliwanag ni Luke habang nagpiplay ang CCTV footage sa isang TV. Nakakuyom ang mga kamao ni Shaniya. Naipaliwanag na ni Hunter Stunt sa kaniya ang posibilidad pero hindi pa rin matanggap ng puso niya na maaaring nilok
UMAYOS ng tayo si Shaniya at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. “Sasama ako, Drake.” Tumango si Drake at tiningnan ang tauhan. “Ihanda mo ang kotse. Susunod kami.” Nang makaalis ang tauhan ay hinarap ni Drake ang asawa habang hawak sa magkabilang pisngi. “Baby, I need to tell you something.” Lumunok si Shaniya at hindi niya inaasahan na bigla siyang kakabahan. “Ano iyon?” “Pinaimbestigahan ko ang mommy mo.” Nangunot ang noo ni Shaniya. “What? Why?” Bumuntong-hininga si Drake. “I feel like something's wrong but just this morning, nakakuha ako ng impormasyon kung saan dinala ang mommy mo matapos maaksidente. It was said na suicide ang nangyari. Nawalan siya ng alaala at hindi na nakabalik pa inyo matapos iyon.” Umiling si Shaniya. “Suicide? Imposible! Bakit?” “Nagkasakit siya. Nagkataning ang buhay kaya ginustong wakasan.” Nakaramdam ng paninikip sa dibdib si Shaniya. Mas lalo niyang gustong makita ngayon ang ina kaya naman hindi na sila nagsayang ng panahon. Agad silang p