MAY kumatok sa pinto dahilan para agad na lumayo si Adeline sa lalaki. Agad ring bumukas ang pinto at nang-aakusa ang mga tingin ni Georgianne nang pumasok. May sumisilip rin na mapang-asar na ngisi sa mga labi nito kaya tumikhim si Adeline at lumapit sa kaniyang mesa.
“Yes, Georgianne?” Kalmadong tanong ni Vince.“Ready na ang conference room para sa meeting mo, sir. May scheduled visit ka rin ngayon sa warehouse.”“Okay, Georgianne. Thank you.”Bago muling lumabas ay sinulyapan ni Georgianne si Adeline na natigilan dahil sa biglang paghagikhik ng babae.Tumagilid ang ulo ni Adeline at napailing. May nakita ba ito?Dahil sa nangyari ay naputol ang usapan nina Adeline at Vince. Sinikap ni Adeline na ituon ang atensyon sa kaniyang trabaho habang nasa conference room si Vince. Si Georgianne ang kasama nito para sa minutes habang ginagawa naman ni Adeline ang trabaho niya.Nang matapos angMALALAKI ang hakbang at nagpupuyos sa galit ang damdamin ni Adeline nang lapitan si Zandra. Itinulak niya ito ng malakas at napaupo sa sahig. Dinaluhan naman ni Diana ang ina kaya nabitawan nito si Sofia. “ANONG GINAGAWA NIYO SA MGA ANAK KO?!” Dumagundong ang malakas na sigaw ni Adeline sa buong sala. Mabilis na nagtago sa likuran niya ang dalawang bata. Parehas umiiyak at natatakot. Taas-baba ang dibdib ni Adeline sa galit. Agad namang tumalima ang yaya ng mga bata at agad kinuha ang mga ito upang dalhin sa silid. Samantala bahagyang kumalma ang ekspresyon ni Zandra at sumulyap sa pinto bago bumangon at tumalim ang tingin. “Walanghiya ang batang iyon! Tinapunan niya ng juice ang damit ko—” “Wala akong pakialam sa damit mo! Anong karapatan mong saktan ang mga anak ko?!” Humalakhak si Diana, “Mga anak? Si Sofia lang ang anak mo—”
“MAMA!” Tumakbo si Sofia at yumakap sa kaniyang baywang nang pumasok siya sa silid nito. Kasama nito ang yaya at si Dylan na nakaupo pang sa kama at nakayuko.Nagtagis muli ang bagang ni Adeline saka niyakap si Sofia. Pinaupo niya ito sa kama sa tabi ni Dylan at lumuhod siya sa harap ng dalawang bata.Marahan at masuyo niyang hinaplos ang katawan ng mga ito habang nakatingin siya sa mga sugat na natamo ni Dylan at sa namumulang braso ni Sofia.Tumulo ang luha ni Adeline at napayuko sa tuhod ng dalawang bata. Naramdaman niya ang magaang haplos sa kaniyang buhok.“Mama…” Napapikit ng mariin si Adeline. Si Dylan iyon, hinahaplos ang kaniyang buhok at tila pinapatahan siya.Sasabihin niya ba kay Drake?Lihim na natawa si Adeline. Ni hindi nga nito pinapansin ang dalawang bata o kahit si Dylan nalang. Humugot ng malalim na hininga si Adeline saka tumayo at pinatakan ng halik
NAPAHILOT ng sintido si Drake saka ibinagsak ang mga papel sa harap ng mahabang mesa. Nakatulugan na niya ang pagtatrabaho kagabi at ngayong umaga ay personal naman ang tinatrabaho niya.Kaharap niya si Hunter Stunt, ang kaibigan niyang lawyer. Nagpatulong siya dito tungkol sa kasong muntik pag-kidnap kay Adeline noon pero hanggang ngayon ay wala silang makuhang patunay na ang tiyuhin niya at pinsan ang may pakana nito.“Plantahan ko nalang ng krimen ang pinsan mo, Drake,” iritadong saad ni Hunter na ikinangiwi ni Drake.Alam niyang may sayad ang kaibigan niya pero hindi niya papatulan ang sayad nito. Kailangang managot ni Aries at ng ama nito sa kasalanang tunay na ginawa ng dalawa.Maya-maya pa ay pumasok si Shun Parker at may inilapag na mga litrato sa kanilang harapan.“Ano ang mga ito, Shun?”“Kuha bago ang aksidente mo noon, sir. Namataan ang isang hindi kilalang lalaki malapit sa kotse mo,” paliwanag ni Shun saka inisa-isang ilatag ang mga litrato hanggang huli. “Narecover ng t
Sa kalakasan ng ulan at tahimik na gabi, sa halip na nahihimbing ay humahangos si Shaniya Desiderio. Hirap man ay pinipilit niyang ihakbang ang may pilay na paa habang yakap ang walong buwang tiyan, taimtim na ipinagdarasal ang kaligtasan ng kahit ng kaniyang anak nalang. Hilam sa luha ang kaniyang mga mata at halos hindi na maimulat sa labis na pag-iyak ngunit pinipilit niyang lumaban para sa batang nasa kaniyang sinapupunan.Hindi akalain ni Shaniya na masasaksihan niya ang kasamaan ng kaniyang madrasta. Sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang nasaksihan niya sa hospital kanina. Kung paanong tinakpan ni Zandra ng unan ang mukha ng kaniyang ama na sanhi ng pagkamatay nito. Pinilit niyang iligtas ang mahal na ama ngunit hindi siya hinayaan ni Zandra at ng mga tauhan nito.“NAPAKASAMA NIYO!” Galit na galit na bulyaw niya sa kaniyang ina-inahan nang kaldkarin siya ng mga tauhan ito palabas ng hospital. Natapilok ang kaniyang paa at sumigid ang sakit sa kaniyang kalamnan pero walang-wala an
Kasabay ng pagbabago ng kaniyang mukha ang pagbabago ng takbo ng buhay niya. Maingat na bumaba sa private plane si Shaniya Desiderio na ngayon ay si Adeline Pascua na. Mamayang gabi ay nakatakda siyang ikasal sa isang mayamang lalaki na aisang taon nang nakaratay at nababalot ng bandage ang buong mukha at katawan. Tinanggap ni Adeline ang kaniyang kapalaran kapalit ng pangakong paghihiganti sa dati niyang asawa, stepsister at madrasta. Limang taon na ang nakalipas mula noong gabing iyon. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala niya ang sakit. Ang pagkamatay ng kaniyang ama. Ang katotohanan tungkol sa anak niya. Ang pagsagasa sa kaniya ni Diana at pagbuhos nito ng asido sa kaniyang mukha. Maging ang pagtulak nito sa kaniya sa bangin habang naroon rin si Aries, ang dati niyang asawa. Hindi niya makakalimutan ang gabing iyon. Nakaukit iyon sa kaniyang isipan at kailanman ay hindi na mabubura. “Miss Adeline, naghihintay na sa inyo si Don Alvaro Velasquez.” Marahang inalis ni Adeli
Tinitigan ni Adeline ang asawang nakaratay. Malinaw sa kaniyang paningin na hindi na muling gumalaw ang talukap ng mga mata ni Drake. Naguguluhan siya. Alam niya sa sarili niya na hindi siya namamalikmata. Talagang nakita niyang gumalaw ang mga mata nito.Unti-unti siyang lumapit muli sa kama at sinundot ang braso ng asawa. Nadismaya siya nang hindi na muling gumalaw ang lalaki. Napakurap-kurap si Adeline saka humugot ng malalim na buntong-hininga. Naupo siyang muli sa tabi ng asawa hanggang sa magvibrate ang kaniyang telepono.Nang makita kung sino ang tumatawag ay tumayo siya at agad itong sinagot, “Hello, Matias? Anong balita?”Si Matias ang kaniyang personal bodyguard na siya ring inuutusan niya upang manmanan si Aries. Hindi ito basta-bastang tumatawag kaya alam niya ngayon na may ginawang hakbang si Aries.[Ma’am, nasa Paralux Hotel si Sir Aries ngayon. Ayon sa source ko, imemeet niya ang Presidente ng nasabing hotel para makipagdeal dito.]Agad na nangunot ang noo ni Adeline. “
Ganoon na lamang ang gulat ni Adeline nang banggitin ng lalaki ang kaniyang pangalan. Walang nakakakilala sa kaniya sa lugar na ito dahil bago ang kaniyang identity. Imposible namang kumalat agad ang balita tungkol sa kasal niya kay Drake Velasquez. Itinulak ni Adeline ang lalaki. “Bakit mo ako kilala?” Muling gumuhit ang ngisi sa mapupula nitong mga labi. “ Let’s just say I’m someone interested in your vegetative husband’s life. So, can you bear the price of the favor you’re asking?” “A-Anong gusto mo?” “It’s very interesting to see a newly married woman in my hotel when her husband is somewhere else, unconscious. Simple lang ang gusto ko, Adeline…” Napakuyom ng kamao si Adeline sa kaba nang lumapit muli ang lalaki sa kaniya at marahang hinaplos ang kaniyang baywang bago bumulong, “Sleep with me. Spend your honeymoon night with me.” “Baliw ka na!” Mariing sagot ni Adeline. Humalakhak ang lalaki bago umatras at seryoso siyang tinitigan. “You can’t give me what I want.” Pakiramd
Halos tanghali na nang bumaba si Adeline. Sa sala ay naabutan niya ang mga maid na naglilinis at may isang batang lalaking nakaupo sa sofa habang nanunuod ng cartoons. Itim na itim ang medyo kulot nitong buhok. Mula sa pwesto niya ay kita niya ang mahaba at makapal nitong pilikmata, matangos na ilong at mapulang mga labi. Bilugan ang mukha nito at maputi ang kutis.“Ma’am Adeline, ipinatatawag kayo ni Don Alvaro sa study room.”Nilingon ni Adeline ang maid, “Sige, susunod ako.”Hindi lingid sa kaalaman ni Adeline na may anak ang lalaking pinakasalan niya. Ayon kay Don Alvaro ay anak ito ni Drake sa dati nitong kasintahan na umalis at hindi na bumalik matapos ipanganak ang bata.Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Adeline habang nakatitig sa batang lalaki. Naalala niya ang kaniyang anak. Sanggol pa lamang ito nang kunin sa kaniya. Ni hindi niya nagawang makita ang mukha nito dahil nag-aagaw buhay siya nang bawian ito ng buhay. Tanging si Don Alvaro ang nakakita sa mukha ng kaniyang ana