HALOS hindi na nagkikita sina Drake at Adeline sa mansyon. Nasasaktan si Adeline pero unti-unti na siyang nasasanay na wala sa tabi niya ang asawa. Hindi niya ginustong magkalayo sila pero hindi niya pipilitin ang lalaki kung ayaw nito sa kaniya.Hindi niya rin alam. Siguro dahil na rin nalilibang siya ni Vincent ay hindi na niya masyadong naiisip ang trato sa kaniya ng asawang si Drake.“Good morning, Adeline.” Si Gabriel iyon na nasa stool chair at umiinom ng kape.Nginitian niya ang lalaki. Weekend kaya wala siyang pasok pero nakahanda naman siya kung sakaling ipatawag siya ni Vince bilang boss niya. Ang dalawang bata naman ay tulog pa at dahil walang pasok ay hindi na inabala ni Adeline ang pagtulog.“Kumusta ang trabaho? Hindi tayo halos nagkakausap dahil busy tayo pareho.”Naupo si Adeline sa harap ng lalaki matapos gumawa ng toasted bread at kape. “Ayos naman. Ikaw? Kumusta?”Hindi na binanggi
HINDI nakapagsalita kaagad si Adeline habang nakatingin kay Zandra na nagpapagpag ng braso na tila ba narumihan ito. Tumanda ang babae pero kilalang-kilala niya ang hilatsa ng pagmumukha ng babae. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang kalamnan niya sa sinapit ng ama niya sa kamay ng demonyitang madrasta niya.“Watch where you're going, muchacha!”Sarkastikong tawa ang lumabas sa mga labi ni Adeline na ikinatigil ng babae. Tumingin ito sa kaniya na kunot ang noo dahil sa reaksyon niya.Kailan pa rito ang babaeng ito? Bakit hindi niya alam? “Anong tinatawa-tawa mo riyan? Pulutin mo ang mga nahulog ko! Ang mamahal ng mga iyan! Estupida!”Kinuha ni Adeline ang isang paper bag at iniabot sa babae. Nang akmang kukunin na ito ay binitawan niya saka siya umaktong nagulat.“Oh, Sorry! It slipped.”“You wench—”“What's happening here?” Isang malamig na boses ang
KAHIT papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Adeline nang makausap si Julieta Cruz. Hindi ito nagdalawang isip na maniwala sa kaniya nang sabihin niya ang mga nangyari noon sa mansyon habang nagtatrabaho ito sa kanila. Dahil rin kay Julieta ay nalaman niya kung saan nakalibing ang kaniyang ama at kung anong ginawa nina Diana, Zandra at Aries upang pagtakpan ang mga nangyari noon sa kaniyang pamilya.“Pinalabas nila na nawala ka sa sarili at nasa isang mental facility dahil sa pagkawala ng iyong ama.”Mariing pumikit si Adeline. Narinig na niya ang balita na iyon pero hindi niya akalaing ganoon talaga ang pinalabas nina Zandra. Mas lalo lamang tumindi ang galit na nararamdaman ni Adeline.Maagang pumasok sa trabaho si Adeline nang sumapit ang Lunes. Matapos ibilin sa yaya ang mga bata ay agad siyang umalis. Ni hindi siya nagpaalam kay Drake. Ayaw na niya itong abalahin at pakialaman pa. Nag-aayos pa ito para sa pagpasok sa trabaho kaya hindi na
HINDI alam ni Adeline kung tatabigin niya ba ang braso ng lalaki o pero ipagpapatuloy ang pang-aakit dito pero sa huli ay pinili niya ang nauna nang sumagi sa kaniyang isipan si Drake. Kasal pa siya. Umatras si Adeline at tumayo sa harap ng lamesa ng lalaki. Naiinis na si Adeline dahil ang hirap kumbinsihin ni Vince. Ano kayang pwede niyang gawin para pumayag ito? Kailangan niya ang mansyon. Gusto niyang mabawi ang lahat ng para dapat sa kaniya. Ang lahat ng ninakaw ng mag-inang Zandra at Diana. Bahagyang gumalaw ang upuan ni Vince at humarap sa kaniya ng maayos ang lalaki. May kakaibang kislap ang mga mata nito pero tingin ni Adeline ay hindi naman ito nagdududa na pinakialaman niya ang mga gamit nito. Marahas na bumuga ng hangin si Adeline, “Magkano ang mansyon, Vince? Kahit hulug-hulugan ko nalang.” “Hm? But I’m not selling the mansion.” Adeline hissed. “Bakit? Maganda ang mansion na iyon. Maraming may interesado at isa na ako doon kaya bakit ayaw mong ipagbili? Hindi
MAY kumatok sa pinto dahilan para agad na lumayo si Adeline sa lalaki. Agad ring bumukas ang pinto at nang-aakusa ang mga tingin ni Georgianne nang pumasok. May sumisilip rin na mapang-asar na ngisi sa mga labi nito kaya tumikhim si Adeline at lumapit sa kaniyang mesa.“Yes, Georgianne?” Kalmadong tanong ni Vince.“Ready na ang conference room para sa meeting mo, sir. May scheduled visit ka rin ngayon sa warehouse.”“Okay, Georgianne. Thank you.”Bago muling lumabas ay sinulyapan ni Georgianne si Adeline na natigilan dahil sa biglang paghagikhik ng babae.Tumagilid ang ulo ni Adeline at napailing. May nakita ba ito?Dahil sa nangyari ay naputol ang usapan nina Adeline at Vince. Sinikap ni Adeline na ituon ang atensyon sa kaniyang trabaho habang nasa conference room si Vince. Si Georgianne ang kasama nito para sa minutes habang ginagawa naman ni Adeline ang trabaho niya.Nang matapos ang
MALALAKI ang hakbang at nagpupuyos sa galit ang damdamin ni Adeline nang lapitan si Zandra. Itinulak niya ito ng malakas at napaupo sa sahig. Dinaluhan naman ni Diana ang ina kaya nabitawan nito si Sofia. “ANONG GINAGAWA NIYO SA MGA ANAK KO?!” Dumagundong ang malakas na sigaw ni Adeline sa buong sala. Mabilis na nagtago sa likuran niya ang dalawang bata. Parehas umiiyak at natatakot. Taas-baba ang dibdib ni Adeline sa galit. Agad namang tumalima ang yaya ng mga bata at agad kinuha ang mga ito upang dalhin sa silid. Samantala bahagyang kumalma ang ekspresyon ni Zandra at sumulyap sa pinto bago bumangon at tumalim ang tingin. “Walanghiya ang batang iyon! Tinapunan niya ng juice ang damit ko—” “Wala akong pakialam sa damit mo! Anong karapatan mong saktan ang mga anak ko?!” Humalakhak si Diana, “Mga anak? Si Sofia lang ang anak mo—”
“MAMA!” Tumakbo si Sofia at yumakap sa kaniyang baywang nang pumasok siya sa silid nito. Kasama nito ang yaya at si Dylan na nakaupo pang sa kama at nakayuko.Nagtagis muli ang bagang ni Adeline saka niyakap si Sofia. Pinaupo niya ito sa kama sa tabi ni Dylan at lumuhod siya sa harap ng dalawang bata.Marahan at masuyo niyang hinaplos ang katawan ng mga ito habang nakatingin siya sa mga sugat na natamo ni Dylan at sa namumulang braso ni Sofia.Tumulo ang luha ni Adeline at napayuko sa tuhod ng dalawang bata. Naramdaman niya ang magaang haplos sa kaniyang buhok.“Mama…” Napapikit ng mariin si Adeline. Si Dylan iyon, hinahaplos ang kaniyang buhok at tila pinapatahan siya.Sasabihin niya ba kay Drake?Lihim na natawa si Adeline. Ni hindi nga nito pinapansin ang dalawang bata o kahit si Dylan nalang. Humugot ng malalim na hininga si Adeline saka tumayo at pinatakan ng halik
Sa kalakasan ng ulan at tahimik na gabi, sa halip na nahihimbing ay humahangos si Shaniya Desiderio. Hirap man ay pinipilit niyang ihakbang ang may pilay na paa habang yakap ang walong buwang tiyan, taimtim na ipinagdarasal ang kaligtasan ng kahit ng kaniyang anak nalang. Hilam sa luha ang kaniyang mga mata at halos hindi na maimulat sa labis na pag-iyak ngunit pinipilit niyang lumaban para sa batang nasa kaniyang sinapupunan.Hindi akalain ni Shaniya na masasaksihan niya ang kasamaan ng kaniyang madrasta. Sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang nasaksihan niya sa hospital kanina. Kung paanong tinakpan ni Zandra ng unan ang mukha ng kaniyang ama na sanhi ng pagkamatay nito. Pinilit niyang iligtas ang mahal na ama ngunit hindi siya hinayaan ni Zandra at ng mga tauhan nito.“NAPAKASAMA NIYO!” Galit na galit na bulyaw niya sa kaniyang ina-inahan nang kaldkarin siya ng mga tauhan ito palabas ng hospital. Natapilok ang kaniyang paa at sumigid ang sakit sa kaniyang kalamnan pero walang-wala an