“MAMA!” Tumakbo si Sofia at yumakap sa kaniyang baywang nang pumasok siya sa silid nito. Kasama nito ang yaya at si Dylan na nakaupo pang sa kama at nakayuko.
Nagtagis muli ang bagang ni Adeline saka niyakap si Sofia. Pinaupo niya ito sa kama sa tabi ni Dylan at lumuhod siya sa harap ng dalawang bata.Marahan at masuyo niyang hinaplos ang katawan ng mga ito habang nakatingin siya sa mga sugat na natamo ni Dylan at sa namumulang braso ni Sofia.Tumulo ang luha ni Adeline at napayuko sa tuhod ng dalawang bata. Naramdaman niya ang magaang haplos sa kaniyang buhok.“Mama…”Napapikit ng mariin si Adeline. Si Dylan iyon, hinahaplos ang kaniyang buhok at tila pinapatahan siya.Sasabihin niya ba kay Drake?Lihim na natawa si Adeline. Ni hindi nga nito pinapansin ang dalawang bata o kahit si Dylan nalang.Humugot ng malalim na hininga si Adeline saka tumayo at pinatakan ng halikNAPAHILOT ng sintido si Drake saka ibinagsak ang mga papel sa harap ng mahabang mesa. Nakatulugan na niya ang pagtatrabaho kagabi at ngayong umaga ay personal naman ang tinatrabaho niya. Kaharap niya si Hunter Stunt, ang kaibigan niyang lawyer. Nagpatulong siya dito tungkol sa kasong muntik pag-kidnap kay Adeline noon pero hanggang ngayon ay wala silang makuhang patunay na ang tiyuhin niya at pinsan ang may pakana nito. “Plantahan ko nalang ng krimen ang pinsan mo, Drake,” iritadong saad ni Hunter na ikinangiwi ni Drake. Alam niyang may sayad ang kaibigan niya pero hindi niya papatulan ang sayad nito. Kailangang managot ni Aries at ng ama nito sa kasalanang tunay na ginawa ng dalawa. Maya-maya pa ay pumasok si Shun Parker at may inilapag na mga litrato sa kanilang harapan. “Ano ang mga ito, Shun?” “Kuha bago ang aksidente mo noon, sir. Namataan ang isang hindi kilalang lalaki malapit sa kotse mo,” paliwanag ni Shun saka inisa-isang ilatag ang mga litrato hanggang huli. “Narecover
NAGULAT si Drake sa malamig na pakikitungo sa kaniya ng asawa pero pinilit niyang ikalma ang sarili kahit pakiramdam niya ay sasabog na siya sa galit dahil sa nakitang pasa sa mga bata.No! No! Nasasaktan niya ang damdamin ng mga ito at tinitiis niya ang sakit na nararamdaman sa dibdib tuwing binabalewala niya ang mag-iina niya para lamang hindi masaktan ang mga ito pero…pero ngayon…may pasa.Nagtiim-bagang si Drake at marahas na ginulo ang buhok.“Mag-usap tayo sa labas, Adeline.” Bagama’t nagpupuyos sa galit ay kalmadong nagsalita si Drake saka sinulyapan ang dalawang bata.Nang lumabas siya ay sumunod sa kaniya sa Adeline. Pumasok sila sa master bedroom at agad niyang hinarap ang asawa na namumula ang leeg at mukha sa galit.“Anong nangyari, Adeline?” Tila kulog ang kaniyang boses. Hindi siya galit sa asawa. Galit siya sa nangyari sa mga bata at sa sarili niya.Tumitig sa kaniya ang asawa. Malamig
PINAGMASDAN ni Drake na naglalaro ang dalawang bata sa pool. Matapos ang almusal ng dalawa ay tinawagan niya si Shun para sabihing hindi siya papasok sa opisina. Maging si Hunter ay tinawagan niya upang asikasuhin ang kasong isasampa niya laban kay Zandra at Diana.Sa kabilang banda naman ay nakaupo lamang si Adeline sa sun lounger habang pinagmamasdan si Drake na nakatitig sa dalawang bata sa pool.Narinig niya ang pakikipag-usap nito kay Hunter kanina sa telepono at ngayon ay unti-unti na siyang nakukumbinsi na may pakialam nga ito pero bakit ngayon lang? Kung hindi pa nasaktan ang dalawang bata ay hindi ito magpapakita ng pakialam.“Ma’am, may tumatawag po sa inyo. Doctor Castro raw po ang pangalan.”Tiningnan ni Adeline si Agnes at nagpasalamat nang abutin ang kaniyang cellphone.Ito ang child psychologist na titingin sa dalawang bata. Gusto niyang masiguro na hindi naapektuhan ang dalawa kaya nagpaschedule pa
MAHIGPIT na ibinilin ni Adeline sa yaya ng mga bata na bantayang maigi ang dalawa. Ayaw niya pang pumasok sa trabaho pero gusto ni Dylan na pumasok na siya dahil absent na raw siya kahapon. Masyadong matured mag-isip si Dylan. Marahil ay dahil halos walang magulang nang lumaki. Hinalikan niya sa ulo ang dalawang bata. Hindi niya muna ito pinapasok ngayon tulad kahapon kaya nasa bahay lamang. Si Drake naman ay pumasok na rin sa trabaho maaga palang. Nangako ito sa mga bata na maagang uuwi. Umalis si Adeline na mag-isa. Iniwan niya rin si Matias sa mansyon upang tulungan ang yaya na magbantay sa mga bata. Mahigpit niyang bilin na ‘wag pabayaan ang dalawa at malaki naman ang tiwala niya kay Matias. Nang makarating sa trabaho ay naabutan niya si Hunter Stunt sa loob ng opisina ni Vince. Nag-uusap ang dalawa at mukhang seryoso iyon. Hinarang naman siya ni Georgianne na pangisi-ngisi. “Ano
NAGTAASAN ang balahibo ni Adeline dahil sa haplos na iyon sa kaniyang baywang. Wala sa loob na napapikit siya at umawang ang labi nang madama ang init ng hininga ng taong nasa likod niya. Tumatama iyon sa gilid ng kaniyang leeg. Mariin siyang napapikit. Hindi naman siya uminom pero bakit pakiramdam niya ay nalalasing siya? “You looked so sexy dancing here and it’s making me so, so mad…” Marahas na hangin ang lumabas sa bibig ni Adeline. Ang boses na iyon… Pamilyar. Nakakaakit at…nakakabaliw. Masyado na ba siyang malungkot sa nagdaang mga araw kaya ganito ang nararamdaman niya? "Do you want to divorce your useless husband and be with me instead?" Ang baritonong boses na iyon mula sa kaniyang likuran ay nagpatinding ng kaniyang balahibo. Tila muling nabuhay ang katawang lupa ni Adeline nang marinig muli ang boses na iyon. Pumikit siya, dinama an
NAKITA ni Aries ang surprise dinner na inihanda ni Drake kagabi para kay Adeline. Mas lalong tumaas ang galit niya para sa pinsan. Habang idinidiin nito at tinatakot si Diana na ipakukulong ay nagsasaya ito kasama ang asawa nito.Kailangan niyang gumawa ng paraan para takutin ito. Hindi siya papayag na maging kampante ito. Kailangan niyang gumawa ng paraan para matakot ang pinsan niya.Nang kinaumagahan ay tumawag siya sa taong uutusan niyang isagawa ang plano niya. Plano niyang takutin si Drake at alamin kung si Adeline na ba ang mahalaga dito o ang ex-girlfriend pa rin nito.***SAMANTALA maagang pumasok sa trabaho si Adeline. Wala na si Drake kanina sa bahay nang umalis siya pero may naabutan siyang note sa bedside table at isang pirasong pulang rosas.Tinanggap niya ang surprise dinner kagabi dahil kasama sa nag-ayos ang mga bata pero ang bulaklak…Napailing si Adeline nang maalala kung paan
“CONFIRMED! Sinadyang sirain ang break ng kotse mo noon,” Ani Hunter nang pumasok sa opisina ni Drake. Inilapag nito ang record mula sa companyang nag-ayos ng kotse at malinaw na sinadyang sirain ang break. Napangisi si Drake at naiiling na sumandal sa swivel chair niya. “Nice, Hunt!” “May ebidensya na tayo para ipakulong si Aries. Kikilos na ba ako?” Umiling si Drake, “‘Wag muna. Maalarma ang ama niya kapag nalamang may hawak na tayong ebidensya. Kailangang kasama ang ama niya sa magdudusa.” Umupo si Hunter sa mahabang sofa saka diretsong humiga at inunan ang mga braso. “Fine! Matutulog muna ako dito.” Pumasok si Shun bitbit ang isang briefcase. Agad nitong inilabas ang mga dokumentong dala. “Nasa opisina na ba siya?” Kuryosong tanong ni Drake. Napamulat si Hunter at nakangising nilingon ang kaibigan. “You looked so whipped, huh?” Inismiran ni Drake si Hunter, “What’s wrong with that?” Natawa si Hunter, “Paano si Shaniya Desiderio? Move on ka na?” “Tsk! Matulog ka nalang riy
HINDI totoong pinakidnap niya rin si Cherry. Nagpa-edit lamang siya ng litrato upang palabasin na nakidnap rin ang ex-girlfriend ni Drake para malaman niya kung sino ang uunahin nitong iligtas pero talagang pinili nito si Cherry. Gustong humalakhak ni Aries sa katang-han ng pinsan niya.Nakangising pumasok si Aries sa bahay ng ama ngunit ganoon nalang ang gulat nito nang bumagsak siya sa sahig matapos siya nitong salubungin ng suntok sa mukha.“D-Dad…”“Anong ginawa mo? Hindi ka ba nag-iisip, Aries?!”Natigilan si Aries, “Dad…”“Bakit mo pinakidnap si Adeline?”Napailing-iling si Aries, “G-Gusto ko lang siyang takutin, dad, at malaman kung mas matimbang ba si Adelin—”“Estupido!” Sigaw ng ama nito at galit na galit na dinuro si Aries. “Hindi ka nag-iisip! Hindi ba’t sinabi ko sayong bantayan mo lang siya ngayong nakabalik na siya sa kompanya? Inilagay mo sa ang sarili ko sa alanganin, A
“PARA saan ang bouquet, grandpa?” Kunot-noong tanong ni Drake sa kaniyang lolo nang pumasok siya sa mansyon. Mas nangunot ang noo niya nang mapansin ang sandamakmak na tao sa mansyon at naglalagay ng mga dekorasyon. “At para saan ‘to? ‘Wag mong sabihing welcome party ko ‘to? Isang buwan lang akong nawala, grandpa.” Natawa si Don Alvaro. “Hindi mo ito welcome party, Drake. Kaarawan ng nobya ng pinsan mo. Ngayon rin siya magpopropose kaya naghahanda tayo.” Umismid si Drake. “Sa nobya niya pala e bakit ako ang bumili ng bulaklak? ‘Wag mong sabihing pati singsing ay iniasa niya sa iba.” Tinapik ni Don Alvaro ang balikat ni Drake at bago pa ito makasagot ay dumating ang assistant nitong si Barron. Sarkastikong natawa si Drake nang iabot ni Barron kay Don Alvaro ang isang velvet box na tiyak na singsing ang laman. Si Aries, kung hindi tamad ay palpak. Kaawaran ng nobya pero hindi manlang mag- effort. Kung girlfriend niya ang may birthday, tiyak na aburido na siya ngayon dahil sa bagal ku
TUMAYO si Shaniya matapos abutan ng sobreng puno ng perang papel ang babaeng inmate. Pasimple itong ngumisi at sumaludo pa sa kaniya. “Titiyakin kong mahimbing ang tulog nila ngayong gabi at sa susunod pang mga gabi, madam.” Nagtaas ng noo si Shaniya at marahang tumango. Agad siyang umalis at kalmado ang mukha na naglakad paalis ng visitation room. Gagawin niya ang sinabi niya na paghihirapan habang buhay sina Cherry, Sherry, Diana at Zandra. Mali ang ginagawa niyang pagbabayad ng tao para pahirapan ang mga ito pero kulang pa iyon sa mga kasalanang ginawa nila. Tulad ng kung paano siya nagbayad kanina ng tao para pahirapan si Aries at Andres ay ginawa niya rin ito ngayon. Shaniya won't stop torturing them as long as they're alive. Walang nakakaalam ng ginagawa niya at titiyakin niyang mananatili itong sikreto. Nang makauwi ay sumalubong kay Shaniya ang madilim na mansyon. Sa pag-aalala ay kaagad siyang pumasok pero nang makapasok siya ay agad na may tumakip ng kaniyang mga mata
LIFE is always full of surprises in spite of the fact that it's too short. We don't get everything we want, the Heavens give everything that we need. Gabriel's death taught Shaniya a lot of things. That life, no matter how sad and painful it is—should be appreciated. Shaniya has doubted the Heavens for putting her on a very rough path and letting her suffer in the hands of the devil in human flesh. Nakakapangilabot ang lahat ng pinagdaanan niya pero nagpapasalamat siya na sa huli ay mayroon siyang naging karamay na kailanman ay hindi siya pinabayaan. Drake became her light amidst the darkness. He became her home amidst the storm. Kung wala ito, tiyak na mauubusan siya ng lakas. Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang huling trahedya. Gabriel's death has bruised so many hearts. Halos lugmok sina Hunter, Theo, Luke, Kai, at Drake ngayon. Araw-araw nakikita ni Shaniya ang tahimik na pagtangis ng kaniyang asawa. He comes home every night, almost crawling because he's drunk. Sh
“HE was a brother, a friend, a son, a hero…” Yumuko si Shaniya kasabay ng paglandas ng luha sa kaniyang mga mata. Nagsasalita si Drake at ramdam niya ang paghihirap nito. Hindi niya kayang makitang ganoon ang kaniyang asawa. It breaks her heart. Drake gasped. “H-He was…my best friend. S-Sabi ko sa kaniya best man ko siya sa kasal ko…at ninong siya ng anak ko…pero…hindi na niya…nahintay…” Shaniya squeezed her eyes. Pagkatapos ng burol na mapagparusa sa mga pusong lumuluha sa pagkawala ng isang kaibigan, anak, at kapatid—heto sila. Handa nang ihatid sa huling hantungan ang nag-iisang mabait na taong kilala ni Shaniya. All of them are hiding a devil inside them, but Gabriel is like an angel. He doesn't have evilness within him. He was pure. Maybe that's why he was named Gabriel. “I-I told him I’ll find him a girlfriend para hindi naman siya naiinggit sa amin ni Luke pero…p-paano ko siya ihahanap ng kapareha kung bumitaw na siya?” “Ang daya…” Drake sniffed and wiped his tears u
LAKAD-TAKBO si Shaniya sa kahabaan ng hallway papunta sa emergency room para makita ang kalagayan ni Gabriel ngunit hindi pa siya nakakalapit ay nakita na niya ang paglabas ng doktor sa emergency room at mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya kung paano tinakpan ng nurse ng kumot ang buong katawan ni Gabriel. Suminghap si Shaniya at napailing. No! No! Hindi! Hindi pwede! Nanghina ang mga tuhod ni Shaniya sa nasaksihan. Her hands trembled and her brain couldn't accept the realization. Nang tingnan niya ang doktor ay umiiling ito kina Drake na agad tumakbo papasok sa loob at hinablot ang kumot na nakatakip sa kaibigan. “GABRIEL! BUMANGON KA RIYAN, T-NGINA KA! ‘WAG MO AKONG PAGLARUAN!” Umiwas ng tingin si Shaniya sa kaniyang asawa. Seeing him like that tortures her. Namilibis ang luha sa mga pisngi ni Shaniya nang makita niya kung paano napaupo sa sahig si Hunter habang nakayuko at unti-unting yumuyugyog ang balikat. Pinagsusuntok naman ni Luke ang pader at humagulgol si The
PUMASOK si Shun Parker sa isang private property. Malawak ang bakuran at mataas ang pader na nakapaligid sa mansion na nasa gitna ng malawak na lupa. Hindi na siya nag-abalang isara ang gate at diretso nalang na pumasok hanggang sa makapasok siya sa mansyon. ‘Basement. Siguraduhin mong patay.’ Napailing si Shun nang maalala ang sinabi ni Caesar, ang half brother niya. Dumiretso siya sa basement at binuksan ang kandado gamit ang hawak sa susi at tumambad sa kaniya ang nagkalat na dugo habang sa gitna ay nakagapos ang isang lalaking walang malay at duguan. Nagtagis ang bagang ni Shun at nilapitan ang lalaki. Akma niya itong gigisingin nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag ni Caesar. “What?!” [Postpone the plan. Picturan mo si Gabriel at isend mo sa akin. Darating riyan ang isa pang taong ililigpit mo.] Nang patayin ang tawag ay agad na ginawa niya ang sinabi nito at isinilid ang cellphone sa bulsa. Dahan-dahan namang nag-angat ng mukha si Gabriel at halos
“ANO iyan? Suhol?” Salubong ng ina ni Cherry kay Shaniya nang makapasok ng sasakyan. Pumayag na itong tumira sa mansyon kaya agad niyang sinundo gamit ang kotse ni Drake. Ngumiti si Shaniya. “Nabanggit sa akin ni dad na ito ang paborito mong pagkain.” Tinitigan ni Sherry ang box ng buko pie na ipinatong ni Shaniya sa hita nito. Nasa driver seat siya katabi si Cherry at si Sherry ay nasa backseat. Umirap si Sherry at hindi na nagsalita. Umayos naman ng upo si Shaniya at nagsimulang magmaneho papunta sa mansyon. Mali. Her mother hates buko pie at nakumpirma niyang hindi impostor ang babae sa likod nang makita niyang binuksan nito ang box at maganang kumain. Shaniya clenched her jaws and looked at Cherry who's been constantly putting make-up on her face. Binubura nito iyon pagkatapos na tila hindi kuntento saka maglalagay ulit. “Tigilan mo nga iyan, Cherry. Nagsasayang ka ng make-up. Mauubos na ang ipon ko sayo!” Sinulyapan ni Shaniya ang ginang sa likod. “It’s okay. Bibigya
SINAMAHAN ni Shaniya si Drake na magpunta sa opisina ni Luke. His family owns a security agency at magaling rin sa paghahanap ng mga taong nawawala ngunit sa pagkakataong ito pakiramdam ni Luke ay wala siyang silbi. Ganito ang trabaho niya pero hindi niya mahanap ang dalawang taong importante sa kaniya—si Georgianne at si Gabriel. Sht! Wala pang 24 hours nawawala si Gabriel pero hindi nito ugali na maglaho ng walang pasabi kaya agad siyang kumilos nang puntahan sila ng pamilya ni Gabriel upang manghingi ng tulong. Nakaupo sa pahabang meeting table sina Luke, Hunter, Theo, Kai, Drake, at Shaniya. “Huling nakita sa CCTV si Gabriel sa hospital. Nakita niya ang isang Doktor na si Caesar Palacios kasama ang isang babae. Sinundan niya hanggang sa basement parking…” pagpapaliwanag ni Luke habang nagpiplay ang CCTV footage sa isang TV. Nakakuyom ang mga kamao ni Shaniya. Naipaliwanag na ni Hunter Stunt sa kaniya ang posibilidad pero hindi pa rin matanggap ng puso niya na maaaring nilok
UMAYOS ng tayo si Shaniya at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. “Sasama ako, Drake.” Tumango si Drake at tiningnan ang tauhan. “Ihanda mo ang kotse. Susunod kami.” Nang makaalis ang tauhan ay hinarap ni Drake ang asawa habang hawak sa magkabilang pisngi. “Baby, I need to tell you something.” Lumunok si Shaniya at hindi niya inaasahan na bigla siyang kakabahan. “Ano iyon?” “Pinaimbestigahan ko ang mommy mo.” Nangunot ang noo ni Shaniya. “What? Why?” Bumuntong-hininga si Drake. “I feel like something's wrong but just this morning, nakakuha ako ng impormasyon kung saan dinala ang mommy mo matapos maaksidente. It was said na suicide ang nangyari. Nawalan siya ng alaala at hindi na nakabalik pa inyo matapos iyon.” Umiling si Shaniya. “Suicide? Imposible! Bakit?” “Nagkasakit siya. Nagkataning ang buhay kaya ginustong wakasan.” Nakaramdam ng paninikip sa dibdib si Shaniya. Mas lalo niyang gustong makita ngayon ang ina kaya naman hindi na sila nagsayang ng panahon. Agad silang p