NADATNAN nina Drake at Adeline sa sala sina Gabriel at Don Alvaro na seryosong nag-uusap. “Magandang ideya nga iyon, Don Alvaro.”“Oo, Gabriel. Ayaw ko rin namang masira ang pamilya ko. Unang-una ay ako ang may pakana nito.”Natigilan si Adeline at napatingin sa asawa. Sila ang pinag-uusapan. Tiningnan niya ang Don at mukhang wala na sa isipan nito ang sinabi nito noon sa kaniya na makipagdivorce sa kaniyang asawa.“Masyadong malikot ang pag-iisip ng mga tao, Don Alvaro. Kahit wala naman talagang patunay na may affair sila ay ipinagpipilitan.”“What is this all about?” Sumali sa usapan si Drake habang lumalapit sa dalawa. Sumunod naman si Adeline sa asawa.“Drake, apo. Napag-usapan lang namin ni Gabriel ang maaring solusyon sa problema.”“Solusyon?”“Magbakasyon kayo ni Adeline. Out of the country, out of town, bahala kayo. Basta magbakasyon kayo ng ilang linggo. Sisigura
INUBOS nina Adeline at Drake ang maghapon sa paglilibot sa buong resort. Nasa silid na sila nang tumawag sa kaniya si Sofia gamit ang cellphone ng yaya. [Mama, maganda diyan po?] Napangiti si Adeline. Nakaupo siya sa kama habang kausap ang anak. Nasa kwarto ito ng yaya nila at nasa likuran nito si Dylan na tahimik at tila ba nagmamasid sa lugar na kinaroroonan ni Adeline. “Maganda dito, baby. Kapag bakasyon na kayo ni kuya, dadalhin namin kayo dito.” [Talaga po, mama? Si papa din po?] Napalunok si Adeline. Talaga ngang pinanindigan ni Drake ang pagbibigay ng pangalan sa kaniyang anak dahil sinabi rin nito sa bata na tawagin siyang ganoon. Sukat ay sumulpot sa likuran ni Adeline ang asawa. Basa pa ang buhok nito na tinutuyo ng maliit na tuwalya habang nakatapis lang sa baywang. Lantad ang maganda nitong katawan at pakiramdam ni Adeline ay nagmumukha na siyang kumain ng siling labuyo. “Sa bakasyon niyo, pupunta tayo dito. Kaya galingan niyo sa school,” ani Drake sa seryoso ngunit
NAGPAALAM si Adeline na lulubog sa tubig dagat ngayong gabi habang si Drake ay nasa silid ni Gabriel. May pag-uusapan lang daw ang dalawa at hindi na inusisa ni Adeline. Suot ang isa pang pares ng two piece ay lumabas siya ng silid. Malakas ang hangin, presko, at sumasayaw sa bawat hampas nito ang kaniyang buhok. Nasasabik si Adeline na magbabad dahil ngayon na lamang ulit siya nakapunta sa ganitong lugar. Nang makarating sa dalampasigan ay hinubad niya ang cover-up na suot saka inilapag sa buhangin kasama ang tuwalya at tsinelas na hinubad. May ilang naliligo pero malayo sa kaniya at pinili niya ang medyo madilim na parte dahil ayaw niyang maistorbo. “Ah! Heaven!” Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Adeline nang lumubog sa tubig ang kaniyang katawan. Dumako siya sa medyo malalim na parte saka doon lumubog at lumangoy-langoy. Inilubog niya sa tubig ang buo
RAMDAM pa ni Adeline ang bawat halik at haplos ni Vincent sa kaniyang katawan nang bumalik siya sa silid nila ng kaniyang asawa. Napahinga siya ng maluwag at lihim na nagpasalamat dahil wala pa sa silid si Drake. Dumiretso siya sa banyo. Nanginginig pa ang kaniyang hita dahil matapos ang nangyari at nang medyo nahimasmasan ay itinulak niya si Vincent at tumakbo palayo.Napalunok si Adeline habang nasa ilalim ng shower. Hindi siya makapaniwalang may nangyari na naman sa kanila ni Vincent. Tulad noon ay nawala na naman siya sa sarili. Nang hinalikan siya ng lalaki ay nakalimutan niya ang lahat at ang tanging naaalala niya ay iyong lalaki noong gabi ng birthday niya. Ang lalaking nakaniig niya at nakabuntis sa kaniya noon.Masyadong naguguluhan si Adeline. Si Vince at ang estrangherong ama ng anak niya. Bakit pakiramdam niya ay iisang tao sila? Nababaliw na ba siya? Bakit ganoon ang nararamdaman niya? Talaga bang iisang tao ang dalawa? At si Drake… Ayaw niya
NAGTIPON-tipon sa tabing dagat sina Adeline, Drake at ang mga kaibigan nito nang sumapit ang alas otso ng gabi. Nag-iinuman ang mga kalalakihan nang makaisip ng laro si Theo. “Truth or dare na may twist ito, mga ‘tol at ladies. Magsasabi ng isang truth at gagawa ng isang dare. Kapag hindi ginawa ang dare o tumanggi sa truth, shot puno.” “Woah! Nice!” Si Kai na nakipag high-five kay Theo. “Sunod-sunod nalang para walang dayaan,” si Gabriel na tinanguan ni Adeline. “Sino ang una?” “Ikaw nalang, tutal ikaw naman ang may pakana ng katang-han na ‘to,” pabalang na sagot ni Drake kay Theo. Umismid lang si Theo at si Kai ang unang nagtanong. “Kailan ka nagpatuli, ‘tol?” Naghalakhakan ang mga lalaki. Napapailing nalang na tumawa si Adeline at ganoon rin si Liz. Iritadong sumagot si Theo kaysa uminom ng isang shot na puno sa tagayan.
NATAGO si Adeline nang tumayo si Drake at ambang aalis nang biglang lumuhod si Liz at hinawakan sa mga binti si Drake, pinigilang umalis.“Drake, please…give me a chance. Try me. I will be good.”Natanaw ni Adeline ang mga kaibigan ni Drake sa malayo na nagulat sa nangyayari pero ni isa sa mga ito ay walang nagtangkang lumapit dahil sa gulat.“Liz, let go! Don't stoop this low and beg for my love. You don't deserve this!”Umiiyak na umiling si Liz, “Hindi, Drake! Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako pabalik.”Kumilos si Theo at tumakbo palapit sa dalawa. Hinawakan ni Theo si Liz at pinilit na itayo.“No! Let me go, Theo! Drake, please! I love you so much! Ako nalang!”Napalunok si Adeline habang pinagmamasdan ang nangyayari. The desperation in her eyes. She felt that before when she badly wanted to save her father, and her baby.Umiwas siya ng tingin at humugot ng mala
NAGLULUTO si Adeline ng hapunan. Gusto niyang ipagluto ng hapunan ang mga bata kaya siya na ang nagpresintang magluto ngayon. Wala si Don Alvaro dahil ayon sa mayordoma ay may nilakad ito kasama ang assistant nito. Tanging ang mga kasambahay, mga bodyguards, sina Aries at Diana, Drake at ang mga bata ang kasama niya.Matatapos na siya nang maramdaman ni Adeline na may pumasok sa kusina. Nang lingunin niya ay si Diana iyon na matalim ang tingin na ipinupukol sa kaniya.“Ikaw ba ang nagkalat ng chismis tungkol sa akin, Adeline?”Bumuntong-hininga si Adeline at tinalikuran ang babae saka nagpatuloy sa pagluluto. Palihim na ngumisi si Adeline.Chismis, huh?“Bakit ko naman gagawin iyon? Ni hindi ko nga alam ang buong pangalan mo.”“‘Wag mo akong lokohin, Adeline! Ikaw lang ang may galit sa akin sa pamamahay na ito!”“Sa labas ba ng bahay na ‘to wala kang kagalit?” Sarkastikong tanong ni Ade
GALIT na galit si Drake sa nangyari pero wala siyang magawa. Alam niyang sinasadya ni Aries na pikunin siya at sagiin ang manipis niyang pasensya sa pamamagitan ni Adeline. Mahirap sa kalooban na pabayaan ang asawa na pinagtutulungan.Nang makapasok siya sa kanilang silid ay sumandal siya sa nakasaradong pinto at mariing pumikit. He needs Vincent Ryu.Agad na bumaba ulit si Drake at naabutan si Adeline na palabas ng bahay. Kaagad siyang bumalik silid at kinuha ang maskara niya pagkatapos ay bumaba galing sa verandah.Alam niyang mali na gawin ito pero hindi niya intensyon na paglaruan ang asawa. Alam niya ang takbo ng utak ng kaniyang pinsan at tiyuhin kaya habang naghahanap siya ng matibay na panlaban sa dalawa, iiwasan niya si Adeline.Dumaan siya sa isang pharmacy at bumili ng gamot bago hinanap si Adeline. Tinawagan niya si Adeline nang matagpuan niya ito sa playground. Pinagmasdan niya ang asawa at nang matapos ang tawag ay mas pinakatitigan pa.Nang makita niya ang pag-iyak nito