KAILANGAN nang kumilos ni Adeline bago pa siys tuluyang mapatalsik sa mansyon ng mga Velasquez. Kampante siya sa pangako ni Drake na mananatili siyang asawa nito pero alam niyang hindi posible iyon lalo na kung malantad ang tungkol sa kanila ni Vincent.
Kailangan na niyang putulan ng pakpak si Diana at pabagsakin ang mga del Gallego tulad ng kasunduan niya sa mga Pascua.Hawak ang isang folder na naglalaman ng mga mahahalagang dokumento at mga litrato ay nakatayo si Adeline sa harap ng restroom ng isang coffee shop.Bago pa siya bumalik ng Pilipinas at pinaimbestigahan na niya kay Matias si Diana. Nalaman niya ang lahat ng sikreto nito at pati ang tunay na pagkatao. Anak si Diana ni Conrad del Gallego, ang ama ni Connor del Gallego. Si Zandra, ang ina ni Diana ang lihim na kabit ni Conrad at hindi iyon alam ng asawa nito.Nakakatawang isipin na kung sino ang mga taong nagmamalinis ay siya palang may bahong tinatago.MAG-ASAWANG sampal ang natanggap ni Adeline nang dumating ang mga magulang ni Connor habang naghihintay siya sa harap ng emergency room. Siya ang tumawag sa mga ito gamit ang cellphone ni Connor mismo nang makarating sila sa hospital.“Anong ginawa mo sa anak ko, Adeline!” Ramdam ni Adeline ang hinagpis sa boses ni Madame del Gallego.“Anong ginawa mo? Bakit siya nandito? You wench! You did this to my son!”Walang magawa si Adeline. Hindi niya nagawang ipagtanggol ang sarili nang sundan nito ang mga sampal na natamo niya.“Walanghiya ka, Adeline! Kapag may nangyaring masama sa anak ko, mananagot ka sa akin!”Muli ay nanatiling tahimik si Adeline. Akma pang hihilahin ng ginang ang kaniyang buhok nang awatin ito ng asawang si Conrad del Gallego.“Lumayas ka, Adeline! Lumayas ka! ‘Wag na ‘wag kang magpapakita ulit sa akin kundi sisirain ko ang pagmumukha mo!”Lumunok si Adeline at walang i
TUMITIG si Adeline sa asawa. Nababakas niya ang galit sa mga mata nito. Marahil ay dahil nadadawit na naman sa gulo ang pangalan niya kaya akala nito ay may ginagawa na naman siyang kasalanan. “Connor popped out of nowhere and saved me. May mga nakakita sa nangyari kaya kahit tanungin mo.” Umungol si Drake at halata sa mukha ang inis. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Adeline. You were almost killed at wala kang balak sabihin sa akin!” “Hindi ko alam kung sino ang nag-utos sa kanila pero balak nila akong dukutin.” Nagtagis ang mga ngipin ni Drake saka lumapit sa kaniya. “And you didn't report it?” “Uulit sila, Drake. Kung irereport ko, gugulo ang sitwasyon. Tulungan mo nalang ako na protektahan ang dalawang bata.” “And you?” Halata ang galit sa boses nito. “Are you baiting yourself to catch them? Alam mo ba ang sinasabi mo, Adel
NASA sala si Adeline at tahimik na naghahanap ng bagong trabaho gamit ang kaniyang laptop nang pumasok ang kaninang lumabas na maid at inabala siya.“Ma’am, may naghahanap po sa inyo.”Natigilan si Adeline at nag-angat ng mukha. “Sino?”“Si madame del Gallego po.”Muling natigilan si Adeline saka tumango sa katulong, “Pakisamahan mo dito.”Madame del Gallego? Hindi naman siguro nalagutan ng hininga si Connor? Kung oo ay tiyak na hindi na nito hihintayin ang maid sa labas at susugod na ito sa kaniya ngayon para pagsasampalin at sisihin siya.“Opo, ma’am.”Isinarado ni Adeline ang hawak na laptop saka tumayo at tumingin sa pinto. Hindi nagtagal ay bumalik ang maid kasunod ang ina ni Connor na mukhang wala maayos na tulog.Hindi alam ni Adeline kung ano ang magiging reaksyon niya. Malayong-malayo ang ginang sa dating sopistikada nitong ayos. Maging ang awra nito ay malaki ang
NAGULAT si Adeline nang makita si Drake na dahan-dahang bumababa ng hagdan habang blangko ang ekspresyon sa mukha. Kunot ang noo nito at paulit-ulit na umiigting ang panga. Gulat na gulat rin ang ginang nang makita ang tagapagmana ng mga Velasquez na nakatindig at maayos. Hindi pa kumakalat ang balita na maayos na ang kalagayan nito kaya nagulat siya na bumalik na pala sa normal ang katawan ng tagapagmana. “It’s nice to see you again, madame. It's a shame we met here and not at some party.” “I-I thought you're still recovering?” Drake looked so intimidating. He was standing tall beside Adeline which made both of them look strong and intimidating. Adeline would look nothing without her husband, but now that they're standing together, they look so powerful. It's as if they can bring anyone down and no one would ever try to get close to them or they'd burn alive. Tumaas ang isang kilay ni Drake. “I am.” Umiling ang ginang, “May kailangan ako sa asawa mo, Mr. Velasquez.”
NAGTIIM-BAGANG si Adeline at agad na tumayo ng tuwid. Tinitigan niya ang kaharap na ginang saka malamig na nagsalita dahilan ng lalong pagkagulat nito.“People change, madame. Lalo na kung nakaranas ng kasamaan.”“Hindi! Nagsisinungaling ka!”“Fine!” Iritadong saad ni Adeline. “Pupuntahan ko ang anak mo pero kakausapin ko lang siya.”“Adeline…”Hinarap ni Drake ang asawa na agad tumigil sa pagsasalita. Tiim ang bagang nito at malalim ang titig sa mga mata niya.“Isang beses lang, Drake. Para matigil na ito. Saka kailangan ko ring magpasalamat sa kaniya sa pagliligtas niya sa buhay ko.”Mariing pumikit si Drake at humugot ng malalim na hininga. Kung siya ang papipiliin ay hindi niya hahayaang lumapit sa taong iyon ang kaniyang asawa pero may punto si Adeline. Iniligtas ng lalaki ang kaniyang asawa kaya nararapat lang na magpasalamat dito.“Sasama ako.”“Drake, hindi na kailangan.”“I’m not asking for your permission, Adeline. I’ll go with you and you can't stop me.”Wala nang nagawa si
NADATNAN nina Drake at Adeline sa sala sina Gabriel at Don Alvaro na seryosong nag-uusap. “Magandang ideya nga iyon, Don Alvaro.”“Oo, Gabriel. Ayaw ko rin namang masira ang pamilya ko. Unang-una ay ako ang may pakana nito.”Natigilan si Adeline at napatingin sa asawa. Sila ang pinag-uusapan. Tiningnan niya ang Don at mukhang wala na sa isipan nito ang sinabi nito noon sa kaniya na makipagdivorce sa kaniyang asawa.“Masyadong malikot ang pag-iisip ng mga tao, Don Alvaro. Kahit wala naman talagang patunay na may affair sila ay ipinagpipilitan.”“What is this all about?” Sumali sa usapan si Drake habang lumalapit sa dalawa. Sumunod naman si Adeline sa asawa.“Drake, apo. Napag-usapan lang namin ni Gabriel ang maaring solusyon sa problema.”“Solusyon?”“Magbakasyon kayo ni Adeline. Out of the country, out of town, bahala kayo. Basta magbakasyon kayo ng ilang linggo. Sisigura
INUBOS nina Adeline at Drake ang maghapon sa paglilibot sa buong resort. Nasa silid na sila nang tumawag sa kaniya si Sofia gamit ang cellphone ng yaya. [Mama, maganda diyan po?] Napangiti si Adeline. Nakaupo siya sa kama habang kausap ang anak. Nasa kwarto ito ng yaya nila at nasa likuran nito si Dylan na tahimik at tila ba nagmamasid sa lugar na kinaroroonan ni Adeline. “Maganda dito, baby. Kapag bakasyon na kayo ni kuya, dadalhin namin kayo dito.” [Talaga po, mama? Si papa din po?] Napalunok si Adeline. Talaga ngang pinanindigan ni Drake ang pagbibigay ng pangalan sa kaniyang anak dahil sinabi rin nito sa bata na tawagin siyang ganoon. Sukat ay sumulpot sa likuran ni Adeline ang asawa. Basa pa ang buhok nito na tinutuyo ng maliit na tuwalya habang nakatapis lang sa baywang. Lantad ang maganda nitong katawan at pakiramdam ni Adeline ay nagmumukha na siyang kumain ng siling labuyo. “Sa bakasyon niyo, pupunta tayo dito. Kaya galingan niyo sa school,” ani Drake sa seryoso ngunit
NAGPAALAM si Adeline na lulubog sa tubig dagat ngayong gabi habang si Drake ay nasa silid ni Gabriel. May pag-uusapan lang daw ang dalawa at hindi na inusisa ni Adeline. Suot ang isa pang pares ng two piece ay lumabas siya ng silid. Malakas ang hangin, presko, at sumasayaw sa bawat hampas nito ang kaniyang buhok. Nasasabik si Adeline na magbabad dahil ngayon na lamang ulit siya nakapunta sa ganitong lugar. Nang makarating sa dalampasigan ay hinubad niya ang cover-up na suot saka inilapag sa buhangin kasama ang tuwalya at tsinelas na hinubad. May ilang naliligo pero malayo sa kaniya at pinili niya ang medyo madilim na parte dahil ayaw niyang maistorbo. “Ah! Heaven!” Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Adeline nang lumubog sa tubig ang kaniyang katawan. Dumako siya sa medyo malalim na parte saka doon lumubog at lumangoy-langoy. Inilubog niya sa tubig ang buo
“PARA saan ang bouquet, grandpa?” Kunot-noong tanong ni Drake sa kaniyang lolo nang pumasok siya sa mansyon. Mas nangunot ang noo niya nang mapansin ang sandamakmak na tao sa mansyon at naglalagay ng mga dekorasyon. “At para saan ‘to? ‘Wag mong sabihing welcome party ko ‘to? Isang buwan lang akong nawala, grandpa.” Natawa si Don Alvaro. “Hindi mo ito welcome party, Drake. Kaarawan ng nobya ng pinsan mo. Ngayon rin siya magpopropose kaya naghahanda tayo.” Umismid si Drake. “Sa nobya niya pala e bakit ako ang bumili ng bulaklak? ‘Wag mong sabihing pati singsing ay iniasa niya sa iba.” Tinapik ni Don Alvaro ang balikat ni Drake at bago pa ito makasagot ay dumating ang assistant nitong si Barron. Sarkastikong natawa si Drake nang iabot ni Barron kay Don Alvaro ang isang velvet box na tiyak na singsing ang laman. Si Aries, kung hindi tamad ay palpak. Kaawaran ng nobya pero hindi manlang mag- effort. Kung girlfriend niya ang may birthday, tiyak na aburido na siya ngayon dahil sa bagal ku
TUMAYO si Shaniya matapos abutan ng sobreng puno ng perang papel ang babaeng inmate. Pasimple itong ngumisi at sumaludo pa sa kaniya. “Titiyakin kong mahimbing ang tulog nila ngayong gabi at sa susunod pang mga gabi, madam.” Nagtaas ng noo si Shaniya at marahang tumango. Agad siyang umalis at kalmado ang mukha na naglakad paalis ng visitation room. Gagawin niya ang sinabi niya na paghihirapan habang buhay sina Cherry, Sherry, Diana at Zandra. Mali ang ginagawa niyang pagbabayad ng tao para pahirapan ang mga ito pero kulang pa iyon sa mga kasalanang ginawa nila. Tulad ng kung paano siya nagbayad kanina ng tao para pahirapan si Aries at Andres ay ginawa niya rin ito ngayon. Shaniya won't stop torturing them as long as they're alive. Walang nakakaalam ng ginagawa niya at titiyakin niyang mananatili itong sikreto. Nang makauwi ay sumalubong kay Shaniya ang madilim na mansyon. Sa pag-aalala ay kaagad siyang pumasok pero nang makapasok siya ay agad na may tumakip ng kaniyang mga mata
LIFE is always full of surprises in spite of the fact that it's too short. We don't get everything we want, the Heavens give everything that we need. Gabriel's death taught Shaniya a lot of things. That life, no matter how sad and painful it is—should be appreciated. Shaniya has doubted the Heavens for putting her on a very rough path and letting her suffer in the hands of the devil in human flesh. Nakakapangilabot ang lahat ng pinagdaanan niya pero nagpapasalamat siya na sa huli ay mayroon siyang naging karamay na kailanman ay hindi siya pinabayaan. Drake became her light amidst the darkness. He became her home amidst the storm. Kung wala ito, tiyak na mauubusan siya ng lakas. Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang huling trahedya. Gabriel's death has bruised so many hearts. Halos lugmok sina Hunter, Theo, Luke, Kai, at Drake ngayon. Araw-araw nakikita ni Shaniya ang tahimik na pagtangis ng kaniyang asawa. He comes home every night, almost crawling because he's drunk. Sh
“HE was a brother, a friend, a son, a hero…” Yumuko si Shaniya kasabay ng paglandas ng luha sa kaniyang mga mata. Nagsasalita si Drake at ramdam niya ang paghihirap nito. Hindi niya kayang makitang ganoon ang kaniyang asawa. It breaks her heart. Drake gasped. “H-He was…my best friend. S-Sabi ko sa kaniya best man ko siya sa kasal ko…at ninong siya ng anak ko…pero…hindi na niya…nahintay…” Shaniya squeezed her eyes. Pagkatapos ng burol na mapagparusa sa mga pusong lumuluha sa pagkawala ng isang kaibigan, anak, at kapatid—heto sila. Handa nang ihatid sa huling hantungan ang nag-iisang mabait na taong kilala ni Shaniya. All of them are hiding a devil inside them, but Gabriel is like an angel. He doesn't have evilness within him. He was pure. Maybe that's why he was named Gabriel. “I-I told him I’ll find him a girlfriend para hindi naman siya naiinggit sa amin ni Luke pero…p-paano ko siya ihahanap ng kapareha kung bumitaw na siya?” “Ang daya…” Drake sniffed and wiped his tears u
LAKAD-TAKBO si Shaniya sa kahabaan ng hallway papunta sa emergency room para makita ang kalagayan ni Gabriel ngunit hindi pa siya nakakalapit ay nakita na niya ang paglabas ng doktor sa emergency room at mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya kung paano tinakpan ng nurse ng kumot ang buong katawan ni Gabriel. Suminghap si Shaniya at napailing. No! No! Hindi! Hindi pwede! Nanghina ang mga tuhod ni Shaniya sa nasaksihan. Her hands trembled and her brain couldn't accept the realization. Nang tingnan niya ang doktor ay umiiling ito kina Drake na agad tumakbo papasok sa loob at hinablot ang kumot na nakatakip sa kaibigan. “GABRIEL! BUMANGON KA RIYAN, T-NGINA KA! ‘WAG MO AKONG PAGLARUAN!” Umiwas ng tingin si Shaniya sa kaniyang asawa. Seeing him like that tortures her. Namilibis ang luha sa mga pisngi ni Shaniya nang makita niya kung paano napaupo sa sahig si Hunter habang nakayuko at unti-unting yumuyugyog ang balikat. Pinagsusuntok naman ni Luke ang pader at humagulgol si The
PUMASOK si Shun Parker sa isang private property. Malawak ang bakuran at mataas ang pader na nakapaligid sa mansion na nasa gitna ng malawak na lupa. Hindi na siya nag-abalang isara ang gate at diretso nalang na pumasok hanggang sa makapasok siya sa mansyon. ‘Basement. Siguraduhin mong patay.’ Napailing si Shun nang maalala ang sinabi ni Caesar, ang half brother niya. Dumiretso siya sa basement at binuksan ang kandado gamit ang hawak sa susi at tumambad sa kaniya ang nagkalat na dugo habang sa gitna ay nakagapos ang isang lalaking walang malay at duguan. Nagtagis ang bagang ni Shun at nilapitan ang lalaki. Akma niya itong gigisingin nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag ni Caesar. “What?!” [Postpone the plan. Picturan mo si Gabriel at isend mo sa akin. Darating riyan ang isa pang taong ililigpit mo.] Nang patayin ang tawag ay agad na ginawa niya ang sinabi nito at isinilid ang cellphone sa bulsa. Dahan-dahan namang nag-angat ng mukha si Gabriel at halos
“ANO iyan? Suhol?” Salubong ng ina ni Cherry kay Shaniya nang makapasok ng sasakyan. Pumayag na itong tumira sa mansyon kaya agad niyang sinundo gamit ang kotse ni Drake. Ngumiti si Shaniya. “Nabanggit sa akin ni dad na ito ang paborito mong pagkain.” Tinitigan ni Sherry ang box ng buko pie na ipinatong ni Shaniya sa hita nito. Nasa driver seat siya katabi si Cherry at si Sherry ay nasa backseat. Umirap si Sherry at hindi na nagsalita. Umayos naman ng upo si Shaniya at nagsimulang magmaneho papunta sa mansyon. Mali. Her mother hates buko pie at nakumpirma niyang hindi impostor ang babae sa likod nang makita niyang binuksan nito ang box at maganang kumain. Shaniya clenched her jaws and looked at Cherry who's been constantly putting make-up on her face. Binubura nito iyon pagkatapos na tila hindi kuntento saka maglalagay ulit. “Tigilan mo nga iyan, Cherry. Nagsasayang ka ng make-up. Mauubos na ang ipon ko sayo!” Sinulyapan ni Shaniya ang ginang sa likod. “It’s okay. Bibigya
SINAMAHAN ni Shaniya si Drake na magpunta sa opisina ni Luke. His family owns a security agency at magaling rin sa paghahanap ng mga taong nawawala ngunit sa pagkakataong ito pakiramdam ni Luke ay wala siyang silbi. Ganito ang trabaho niya pero hindi niya mahanap ang dalawang taong importante sa kaniya—si Georgianne at si Gabriel. Sht! Wala pang 24 hours nawawala si Gabriel pero hindi nito ugali na maglaho ng walang pasabi kaya agad siyang kumilos nang puntahan sila ng pamilya ni Gabriel upang manghingi ng tulong. Nakaupo sa pahabang meeting table sina Luke, Hunter, Theo, Kai, Drake, at Shaniya. “Huling nakita sa CCTV si Gabriel sa hospital. Nakita niya ang isang Doktor na si Caesar Palacios kasama ang isang babae. Sinundan niya hanggang sa basement parking…” pagpapaliwanag ni Luke habang nagpiplay ang CCTV footage sa isang TV. Nakakuyom ang mga kamao ni Shaniya. Naipaliwanag na ni Hunter Stunt sa kaniya ang posibilidad pero hindi pa rin matanggap ng puso niya na maaaring nilok
UMAYOS ng tayo si Shaniya at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. “Sasama ako, Drake.” Tumango si Drake at tiningnan ang tauhan. “Ihanda mo ang kotse. Susunod kami.” Nang makaalis ang tauhan ay hinarap ni Drake ang asawa habang hawak sa magkabilang pisngi. “Baby, I need to tell you something.” Lumunok si Shaniya at hindi niya inaasahan na bigla siyang kakabahan. “Ano iyon?” “Pinaimbestigahan ko ang mommy mo.” Nangunot ang noo ni Shaniya. “What? Why?” Bumuntong-hininga si Drake. “I feel like something's wrong but just this morning, nakakuha ako ng impormasyon kung saan dinala ang mommy mo matapos maaksidente. It was said na suicide ang nangyari. Nawalan siya ng alaala at hindi na nakabalik pa inyo matapos iyon.” Umiling si Shaniya. “Suicide? Imposible! Bakit?” “Nagkasakit siya. Nagkataning ang buhay kaya ginustong wakasan.” Nakaramdam ng paninikip sa dibdib si Shaniya. Mas lalo niyang gustong makita ngayon ang ina kaya naman hindi na sila nagsayang ng panahon. Agad silang p