TAHIMIK si Drake habang pauwi at pansin iyon ni Adeline. Hindi rin naman umiimik ang huli dahil nakatatak pa rin sa kaniyang isipan kung paano halikan ng babaeng iyon ang asawa niya. Ito namang si Drake ay hindi manlang umiwas.
Diretso sila sa master bedroom na walang kibuan. Mas lalong nanggigigil si Adeline at parang bigla nalang siyang sasabog sa selos na nararamdaman.Samantalang paulit-ulit na nagtatagis ang bagang ni Drake habang paulit-ulit rin sa kaniyang isipan ang video na ipinakita sa kaniya ni Liz.It was a video of his wife in the arms of another man. Buhat buhat ni Connor del Gallego ang kaniyang asawa habang palabas ng restroom ang dalawa. Kumukulo ang kaniyang dugo habang iniisip ang ibinulong sa kaniya ni Liz.‘Isinend sa akin ng kakilala ko kanina. Mukhang may nangyari sa kanila. Sa opisina pa.’Hindi! Hindi! Hindi siya gaganituhin ni Adeline.Pilit na itinatanggi ni Drake ang nasaHINDI pa rin iniimikan ni Drake si Adeline. Hindi niya alam kung bakit. Maliwanag naman ang pagpapaliwanag niya sa totoong nangyari pero mula kagabi nang lumabas siya ng silid ay hindi siya nito iniimikan. Nakatulog si Adeline na may sama pa rin ng loob at nang magising siya ay wala sa tabi niya ang kaniyang asawa. Nasa sala ito at pinagmamasdan ang dalawang bata na naghahanda sa pagpasok.Hindi maiwasan ni Adeline na titigan ang asawa. Nakaramdam siya ng matinding lungkot at pangungulila. Marahil ay dahil minsan na siyang sinaktan ng lalaking pinakasalan niya kaya nararamdaman niya ngayon ang ganito.Samantala matamang pinagmamasdan ni Drake ang kambal. Nakahanda na ang mga ito sa pagpasok at hinihintay nalang ang yaya ng mga ito na inaayos ang snacks na dadalhin sa eskwelahan.Hindi maalis ni Drake sa kaniyang isipan ang pagtatalo nila ni Adeline kagabi.Nagkamali siya. Pinagdudahan niya ito. Nasaktan niya ang asawa pero hindi niya magawang kausapin ito ngayon dahil iniisip niya ang
HALOS kapusin ng hininga si Adeline habang nakatingin sa lalaki. Hindi ito nagsasalita at ramdam niyang marami itong gustong sabihin sa kaniya. “Vince, anong ginagawa mo?” Kinakabahang tanong ni Adeline saka tumingin sa paligid. Walang tao sa paligid. Nasaan si Matias? Bakit ito ang nagdrive ng kotse? “Nasaan si Matias, Vince?” Tanong muli ni Adeline nang magsimula itong mag-alis ng seatbelt. Mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ni Adeline hindi dahil takot siya dito pero dahil mas takot siya sa sarili dahil aaminin niya na tuwing malapit ito ay hindi niya mapigilan ang sariling damdamin. “Your bodyguard is fine, baby. Susunod siya kapag hindi ka niya nahanap sa premises ng del Gallego.” Bumaba ito sa driver seat saka tumabi sa kaniya sa backseat. Hindi makapagsalita si Adeline. Nakatitig lamang siya sa lalaki at hindi malaman ang gagawin.
HUMIHIKAB na nang makauwi si Adeline. Nang dumating si Matias kanina kung saan siya iniwanan ni Vincent sa loob ng kotse ay sinabihan niya ito na ‘wag sabihin kay Drake na umalis siyang mag-isa. Nagdahilan nalang siya na gusto niyang lumanghap ng hangin at pinaniwalaan naman siya ng kaniyang bodyguard.Dumiretso sa master bedroom si Adeline at naabutan doon ang kaniyang asawa na nakatayo sa harap ng salamin.Tumigil sa may pinto si Adeline at pinagmasdan ang lalaki. Gusto niya ulit kausapin ito at magpaliwanag pero ano pang saysay? Totoo namang nagtataksil siya, hindi nga lang sa taong inaasahan nito.Tumagos ang tingin ni Drake at nagtama ang kanilang paningin sa pamamagitan ng repleksyon sa salamin. Wala silang imikan. Kapwa lunod sa sariling iniisip. Si Drake kung paano magagawan ng paraan na may paiparamdam sa asawa ang halaga nito nang hindi ito nalalagay sa panganib at si Adeline na iniisip kung deserve niya ba talaga ang isang Drake Velasquez.Nasa ganoong sitwasyon sila nang b
HINDI kaagad pumasok ng silid si Drake. Matapos mag walkout ni Don Alvaro ay sumunod na rito si Diana at Aries. Lumabas naman si Drake para magpahangin saglit.Naalala niya kung paano umiyak sa kaniya si Adeline. She was hurt because he doubted her. Hindi naman niya intensyong saktan ang asawa. Nagselos lang talaga siya dahil alam naman niyang may nakaraan ang dalawa pero oo, hindi excuse na nagselos siya. Hindi niya dapat sinaktan si Adeline. Tuloy ay kay Vincent naman siya nagseselos dahil nadamayan nito si Adeline kahit siya rin naman iyon.Tumigil si Drake sa garden at nagtiim-bagang. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at ilang saglit pa ay sinipa ang lupa sa kaniyang harapan.“P-tang-na! Yawa!”Tumingin si Drake sa direksyon ng nagsalita. Tumatayo si Gabriel at pinapagpagan ang ulo na nasabuyan ng mga lupang sinipa niya.Nangunot ang noo ni Drake habang pinagmamasdan ito. Napatingin naman sa kaniya ang kaibigan at agad siyang minura, “Hay-p ka, Velasquez!”“Anong ginagawa
KAILANGAN nang kumilos ni Adeline bago pa siys tuluyang mapatalsik sa mansyon ng mga Velasquez. Kampante siya sa pangako ni Drake na mananatili siyang asawa nito pero alam niyang hindi posible iyon lalo na kung malantad ang tungkol sa kanila ni Vincent.Kailangan na niyang putulan ng pakpak si Diana at pabagsakin ang mga del Gallego tulad ng kasunduan niya sa mga Pascua.Hawak ang isang folder na naglalaman ng mga mahahalagang dokumento at mga litrato ay nakatayo si Adeline sa harap ng restroom ng isang coffee shop.Bago pa siya bumalik ng Pilipinas at pinaimbestigahan na niya kay Matias si Diana. Nalaman niya ang lahat ng sikreto nito at pati ang tunay na pagkatao. Anak si Diana ni Conrad del Gallego, ang ama ni Connor del Gallego. Si Zandra, ang ina ni Diana ang lihim na kabit ni Conrad at hindi iyon alam ng asawa nito.Nakakatawang isipin na kung sino ang mga taong nagmamalinis ay siya palang may bahong tinatago.
MAG-ASAWANG sampal ang natanggap ni Adeline nang dumating ang mga magulang ni Connor habang naghihintay siya sa harap ng emergency room. Siya ang tumawag sa mga ito gamit ang cellphone ni Connor mismo nang makarating sila sa hospital.“Anong ginawa mo sa anak ko, Adeline!” Ramdam ni Adeline ang hinagpis sa boses ni Madame del Gallego.“Anong ginawa mo? Bakit siya nandito? You wench! You did this to my son!”Walang magawa si Adeline. Hindi niya nagawang ipagtanggol ang sarili nang sundan nito ang mga sampal na natamo niya.“Walanghiya ka, Adeline! Kapag may nangyaring masama sa anak ko, mananagot ka sa akin!”Muli ay nanatiling tahimik si Adeline. Akma pang hihilahin ng ginang ang kaniyang buhok nang awatin ito ng asawang si Conrad del Gallego.“Lumayas ka, Adeline! Lumayas ka! ‘Wag na ‘wag kang magpapakita ulit sa akin kundi sisirain ko ang pagmumukha mo!”Lumunok si Adeline at walang i
TUMITIG si Adeline sa asawa. Nababakas niya ang galit sa mga mata nito. Marahil ay dahil nadadawit na naman sa gulo ang pangalan niya kaya akala nito ay may ginagawa na naman siyang kasalanan. “Connor popped out of nowhere and saved me. May mga nakakita sa nangyari kaya kahit tanungin mo.” Umungol si Drake at halata sa mukha ang inis. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Adeline. You were almost killed at wala kang balak sabihin sa akin!” “Hindi ko alam kung sino ang nag-utos sa kanila pero balak nila akong dukutin.” Nagtagis ang mga ngipin ni Drake saka lumapit sa kaniya. “And you didn't report it?” “Uulit sila, Drake. Kung irereport ko, gugulo ang sitwasyon. Tulungan mo nalang ako na protektahan ang dalawang bata.” “And you?” Halata ang galit sa boses nito. “Are you baiting yourself to catch them? Alam mo ba ang sinasabi mo, Adel
NASA sala si Adeline at tahimik na naghahanap ng bagong trabaho gamit ang kaniyang laptop nang pumasok ang kaninang lumabas na maid at inabala siya.“Ma’am, may naghahanap po sa inyo.”Natigilan si Adeline at nag-angat ng mukha. “Sino?”“Si madame del Gallego po.”Muling natigilan si Adeline saka tumango sa katulong, “Pakisamahan mo dito.”Madame del Gallego? Hindi naman siguro nalagutan ng hininga si Connor? Kung oo ay tiyak na hindi na nito hihintayin ang maid sa labas at susugod na ito sa kaniya ngayon para pagsasampalin at sisihin siya.“Opo, ma’am.”Isinarado ni Adeline ang hawak na laptop saka tumayo at tumingin sa pinto. Hindi nagtagal ay bumalik ang maid kasunod ang ina ni Connor na mukhang wala maayos na tulog.Hindi alam ni Adeline kung ano ang magiging reaksyon niya. Malayong-malayo ang ginang sa dating sopistikada nitong ayos. Maging ang awra nito ay malaki ang