BUMALIK si Adeline sa del Gallego building at nagpanggap na kalalabas lang sa trabaho. Nakatingin sa kaniya si Matias na may pagtataka sa mukha.“Bakit?”Umiling ang lalaki, “Wala po, ma’am. Sabi kasi ng kasamahan niyo sa trabaho ay kanina ka pa nag-out.”Napakagat ng labi si Adeline. “Sige na, magdrive ka na.”Tahimik lang si Adeline habang pauwi. Nasa isip niya pa rin ang nangyari kanina sa condo ni Vincent Ryu. Ang mga kilos nito. Ang bawat sulyap nito na kadalasan ay nahuhuli niya. Ang bawat paglapit nito. Lahat ng iyon ay paulit-ulit na naglalaro sa kaniyang isipan na tila ba isang sirang CD.“Nandito na tayo, ma’am.”Napakurap-kurap si Adeline. Narito na nga sila. Sa loob ng garahe. Mukhang napansin ni Matias na wala siya sa sarili kaya dumiretso na ito sa loob ng garahe.Tinanguan niya lamang ito saka siya lumabas. Tahimik siyang pumasok sa loob ng mansyon at dumiretso sa master bedroom matapos icheck sina Sofia at Dylan na nanunuod ng TV sa silid ng huli. Ganoon nalang ang gu
INAYA ni Adeline na maghapunan si Gabriel pero tumanggi ito at sinabing busog pa. Hindi na niya ito inabala pa dahil nagbabasa ng libro ang lalaki. Nang makarating sa kusina ay naghihintay na sina Sofia, Dylan at Drake sa kaniya. Nasa kabisera si Drake at matamang pinagmamasdan sina Sofia at Dylan na pinag-uusapan ang tungkol sa pinanuod nilang palabas.Tumigil sa may bukana ng kusina si Adeline at pinagmasdan ang tatlo. Gusto na niyang hilahin ang oras para malaman kung tama ba ang hinala niya na magkapatid sina Dylan at Sofia. Ang totoo ay inihabol niya kay Matias ang isang hibla ng buhok ni Drake para sa paternity test ng dalawang bata. Alam niyang maaring hindi reliable ang resulta pero kung magmatch ang tatlo, given na magkakahawig ang mga ito ay malaking tulong na upang masagot ang mga tanong niya.“Si Don Alvaro?” Tanong ni Adeline habang lumalapit sa mahabang dining table.Umiling ang mayordoma, “Umalis po ang Don kanina, ma’am.”Tumango si Adeline at naupo sa upuang katabi n
INAYA si Adeline ng mga kateam na kumain sa labas dahil birthday ng isa sa mga ito. Saglit na nakipag-inuman si Adeline sa mga kasamahan bago nagpaalam na uuwi na. Nasa labas ng restobar si Matias at naghihintay sa kaniya pero dumaan muna siya sa restroom.Palabas na siya nang mahagip ng kaniyang paningin ang isang lalaking naglalakad palabas ng restobar. Pamilyar ang likod nito.Vincent?Hinaplos ni Adeline ang dibdib na malakas ang pintig. Likod lang ng lalaki ang nakita niya pero nagwala na kaagad ang kaniyang sistema.Napalunok siya saka ipinilig ang ulo at sumakay sa sasakyan kung saan naghihintay si Matias.“Sa coffee shop muna tayo, Matias.”Bumili muna ng kape si Adeline para kahit papaano ay mahismasaan siya. Nang maubos ay saka siya nagpasyang umuwi.Dumiretso siya sa master bedroom matapos silipin ang dalawang bata sa kani-kanilang silid. Natigilan siya nang makitang walang t
ITINAOB ni Adeline ang kaniyang cellphone matapos ang pangatlong missed call ni Vincent. Iniiwasan niya ang lalaki at iyon naman talaga ang dapat. Noon palang ay dapat ginawa na niya iyon at sana ay hindi na lumala pa ang sitwasyon.Alam ni Adeline ang kasalanan niya. She slept with him because of a huge favor. Huli na nang malaman niyang kaibigan ni Drake ang lalaki pero may pagkakataon pa rin siyang umiwas—na hindi niya ginawa ng maayos.“Si sir!”Halos magkagulo sa loob ng design department nang dumating si Connor del Gallego.Gaya ng iba ay tumayo lang si Adeline para bumati at pagkatapos ay kaswal na siyang naupo.Ramdam ni Adeline na nakatingin sa kaniya ang lahat. Lalo na nang maramdaman niya ang presensya sa kaniyang gilid.Nag-angat ng mukha si Adeline at nakitang nakatingin sa kaniya si Connor del Gallego.“Adeline…”Tumayo si Adeline bilang paggalang. “Good day, sir.”Bumuntong-hininga ang lalaki. “Pwede ba tayong mag-usap?”Natigilan si Adeline at sumulyap sa paligid. Of c
HINDI masagot ni Adeline ang tanong ni Drake. Hindi na rin naman siya nito pinilit at hinayaan nang maligo at magpalit.Tahimik silang dalawa nang nasa sasakyan na. Nang makarating sa bar kung saan kikitain ni Drake ang mga kaibigan nito ay agad niyang inalalayan ang asawa.Maayos na ang lakad nito. Tuwid na pero kailangan pa rin ng alalay niya. Kinonsulta niya kanina ang doktor ni Drake na si Dok Gabriel bago sila umalis at hindi naman ito naghigpit. Katunayan ay sinabi nito na mabuting lumabas si Drake paminsan-minsan.Tatlong lalaki at dalawang babae ang naghihintay sa kanila nang makalapit sa sulok ng bar kung saan medyo madilim at may dalawang malalaking couch. Nagtatawanan ang tatlong lalo at dalawang babae nang mapatingin ang isang babae sa kanila.“Drakey!”Agad nangunot ang noo ni Adeline. Drakey?Sinalubong sila ng mga kaibigan ni Drake humigpit ang hawak ni Adeline sa braso nang asawa nang lumapit ang babaeng bumati dito at yumakap.Tumaas ang isa niyang kilay nang linguni
TAHIMIK si Drake habang pauwi at pansin iyon ni Adeline. Hindi rin naman umiimik ang huli dahil nakatatak pa rin sa kaniyang isipan kung paano halikan ng babaeng iyon ang asawa niya. Ito namang si Drake ay hindi manlang umiwas. Diretso sila sa master bedroom na walang kibuan. Mas lalong nanggigigil si Adeline at parang bigla nalang siyang sasabog sa selos na nararamdaman.Samantalang paulit-ulit na nagtatagis ang bagang ni Drake habang paulit-ulit rin sa kaniyang isipan ang video na ipinakita sa kaniya ni Liz.It was a video of his wife in the arms of another man. Buhat buhat ni Connor del Gallego ang kaniyang asawa habang palabas ng restroom ang dalawa. Kumukulo ang kaniyang dugo habang iniisip ang ibinulong sa kaniya ni Liz.‘Isinend sa akin ng kakilala ko kanina. Mukhang may nangyari sa kanila. Sa opisina pa.’Hindi! Hindi! Hindi siya gaganituhin ni Adeline.Pilit na itinatanggi ni Drake ang nasa
HINDI pa rin iniimikan ni Drake si Adeline. Hindi niya alam kung bakit. Maliwanag naman ang pagpapaliwanag niya sa totoong nangyari pero mula kagabi nang lumabas siya ng silid ay hindi siya nito iniimikan. Nakatulog si Adeline na may sama pa rin ng loob at nang magising siya ay wala sa tabi niya ang kaniyang asawa. Nasa sala ito at pinagmamasdan ang dalawang bata na naghahanda sa pagpasok.Hindi maiwasan ni Adeline na titigan ang asawa. Nakaramdam siya ng matinding lungkot at pangungulila. Marahil ay dahil minsan na siyang sinaktan ng lalaking pinakasalan niya kaya nararamdaman niya ngayon ang ganito.Samantala matamang pinagmamasdan ni Drake ang kambal. Nakahanda na ang mga ito sa pagpasok at hinihintay nalang ang yaya ng mga ito na inaayos ang snacks na dadalhin sa eskwelahan.Hindi maalis ni Drake sa kaniyang isipan ang pagtatalo nila ni Adeline kagabi.Nagkamali siya. Pinagdudahan niya ito. Nasaktan niya ang asawa pero hindi niya magawang kausapin ito ngayon dahil iniisip niya ang
HALOS kapusin ng hininga si Adeline habang nakatingin sa lalaki. Hindi ito nagsasalita at ramdam niyang marami itong gustong sabihin sa kaniya. “Vince, anong ginagawa mo?” Kinakabahang tanong ni Adeline saka tumingin sa paligid. Walang tao sa paligid. Nasaan si Matias? Bakit ito ang nagdrive ng kotse? “Nasaan si Matias, Vince?” Tanong muli ni Adeline nang magsimula itong mag-alis ng seatbelt. Mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ni Adeline hindi dahil takot siya dito pero dahil mas takot siya sa sarili dahil aaminin niya na tuwing malapit ito ay hindi niya mapigilan ang sariling damdamin. “Your bodyguard is fine, baby. Susunod siya kapag hindi ka niya nahanap sa premises ng del Gallego.” Bumaba ito sa driver seat saka tumabi sa kaniya sa backseat. Hindi makapagsalita si Adeline. Nakatitig lamang siya sa lalaki at hindi malaman ang gagawin.
“PARA saan ang bouquet, grandpa?” Kunot-noong tanong ni Drake sa kaniyang lolo nang pumasok siya sa mansyon. Mas nangunot ang noo niya nang mapansin ang sandamakmak na tao sa mansyon at naglalagay ng mga dekorasyon. “At para saan ‘to? ‘Wag mong sabihing welcome party ko ‘to? Isang buwan lang akong nawala, grandpa.” Natawa si Don Alvaro. “Hindi mo ito welcome party, Drake. Kaarawan ng nobya ng pinsan mo. Ngayon rin siya magpopropose kaya naghahanda tayo.” Umismid si Drake. “Sa nobya niya pala e bakit ako ang bumili ng bulaklak? ‘Wag mong sabihing pati singsing ay iniasa niya sa iba.” Tinapik ni Don Alvaro ang balikat ni Drake at bago pa ito makasagot ay dumating ang assistant nitong si Barron. Sarkastikong natawa si Drake nang iabot ni Barron kay Don Alvaro ang isang velvet box na tiyak na singsing ang laman. Si Aries, kung hindi tamad ay palpak. Kaawaran ng nobya pero hindi manlang mag- effort. Kung girlfriend niya ang may birthday, tiyak na aburido na siya ngayon dahil sa bagal ku
TUMAYO si Shaniya matapos abutan ng sobreng puno ng perang papel ang babaeng inmate. Pasimple itong ngumisi at sumaludo pa sa kaniya. “Titiyakin kong mahimbing ang tulog nila ngayong gabi at sa susunod pang mga gabi, madam.” Nagtaas ng noo si Shaniya at marahang tumango. Agad siyang umalis at kalmado ang mukha na naglakad paalis ng visitation room. Gagawin niya ang sinabi niya na paghihirapan habang buhay sina Cherry, Sherry, Diana at Zandra. Mali ang ginagawa niyang pagbabayad ng tao para pahirapan ang mga ito pero kulang pa iyon sa mga kasalanang ginawa nila. Tulad ng kung paano siya nagbayad kanina ng tao para pahirapan si Aries at Andres ay ginawa niya rin ito ngayon. Shaniya won't stop torturing them as long as they're alive. Walang nakakaalam ng ginagawa niya at titiyakin niyang mananatili itong sikreto. Nang makauwi ay sumalubong kay Shaniya ang madilim na mansyon. Sa pag-aalala ay kaagad siyang pumasok pero nang makapasok siya ay agad na may tumakip ng kaniyang mga mata
LIFE is always full of surprises in spite of the fact that it's too short. We don't get everything we want, the Heavens give everything that we need. Gabriel's death taught Shaniya a lot of things. That life, no matter how sad and painful it is—should be appreciated. Shaniya has doubted the Heavens for putting her on a very rough path and letting her suffer in the hands of the devil in human flesh. Nakakapangilabot ang lahat ng pinagdaanan niya pero nagpapasalamat siya na sa huli ay mayroon siyang naging karamay na kailanman ay hindi siya pinabayaan. Drake became her light amidst the darkness. He became her home amidst the storm. Kung wala ito, tiyak na mauubusan siya ng lakas. Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang huling trahedya. Gabriel's death has bruised so many hearts. Halos lugmok sina Hunter, Theo, Luke, Kai, at Drake ngayon. Araw-araw nakikita ni Shaniya ang tahimik na pagtangis ng kaniyang asawa. He comes home every night, almost crawling because he's drunk. Sh
“HE was a brother, a friend, a son, a hero…” Yumuko si Shaniya kasabay ng paglandas ng luha sa kaniyang mga mata. Nagsasalita si Drake at ramdam niya ang paghihirap nito. Hindi niya kayang makitang ganoon ang kaniyang asawa. It breaks her heart. Drake gasped. “H-He was…my best friend. S-Sabi ko sa kaniya best man ko siya sa kasal ko…at ninong siya ng anak ko…pero…hindi na niya…nahintay…” Shaniya squeezed her eyes. Pagkatapos ng burol na mapagparusa sa mga pusong lumuluha sa pagkawala ng isang kaibigan, anak, at kapatid—heto sila. Handa nang ihatid sa huling hantungan ang nag-iisang mabait na taong kilala ni Shaniya. All of them are hiding a devil inside them, but Gabriel is like an angel. He doesn't have evilness within him. He was pure. Maybe that's why he was named Gabriel. “I-I told him I’ll find him a girlfriend para hindi naman siya naiinggit sa amin ni Luke pero…p-paano ko siya ihahanap ng kapareha kung bumitaw na siya?” “Ang daya…” Drake sniffed and wiped his tears u
LAKAD-TAKBO si Shaniya sa kahabaan ng hallway papunta sa emergency room para makita ang kalagayan ni Gabriel ngunit hindi pa siya nakakalapit ay nakita na niya ang paglabas ng doktor sa emergency room at mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya kung paano tinakpan ng nurse ng kumot ang buong katawan ni Gabriel. Suminghap si Shaniya at napailing. No! No! Hindi! Hindi pwede! Nanghina ang mga tuhod ni Shaniya sa nasaksihan. Her hands trembled and her brain couldn't accept the realization. Nang tingnan niya ang doktor ay umiiling ito kina Drake na agad tumakbo papasok sa loob at hinablot ang kumot na nakatakip sa kaibigan. “GABRIEL! BUMANGON KA RIYAN, T-NGINA KA! ‘WAG MO AKONG PAGLARUAN!” Umiwas ng tingin si Shaniya sa kaniyang asawa. Seeing him like that tortures her. Namilibis ang luha sa mga pisngi ni Shaniya nang makita niya kung paano napaupo sa sahig si Hunter habang nakayuko at unti-unting yumuyugyog ang balikat. Pinagsusuntok naman ni Luke ang pader at humagulgol si The
PUMASOK si Shun Parker sa isang private property. Malawak ang bakuran at mataas ang pader na nakapaligid sa mansion na nasa gitna ng malawak na lupa. Hindi na siya nag-abalang isara ang gate at diretso nalang na pumasok hanggang sa makapasok siya sa mansyon. ‘Basement. Siguraduhin mong patay.’ Napailing si Shun nang maalala ang sinabi ni Caesar, ang half brother niya. Dumiretso siya sa basement at binuksan ang kandado gamit ang hawak sa susi at tumambad sa kaniya ang nagkalat na dugo habang sa gitna ay nakagapos ang isang lalaking walang malay at duguan. Nagtagis ang bagang ni Shun at nilapitan ang lalaki. Akma niya itong gigisingin nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag ni Caesar. “What?!” [Postpone the plan. Picturan mo si Gabriel at isend mo sa akin. Darating riyan ang isa pang taong ililigpit mo.] Nang patayin ang tawag ay agad na ginawa niya ang sinabi nito at isinilid ang cellphone sa bulsa. Dahan-dahan namang nag-angat ng mukha si Gabriel at halos
“ANO iyan? Suhol?” Salubong ng ina ni Cherry kay Shaniya nang makapasok ng sasakyan. Pumayag na itong tumira sa mansyon kaya agad niyang sinundo gamit ang kotse ni Drake. Ngumiti si Shaniya. “Nabanggit sa akin ni dad na ito ang paborito mong pagkain.” Tinitigan ni Sherry ang box ng buko pie na ipinatong ni Shaniya sa hita nito. Nasa driver seat siya katabi si Cherry at si Sherry ay nasa backseat. Umirap si Sherry at hindi na nagsalita. Umayos naman ng upo si Shaniya at nagsimulang magmaneho papunta sa mansyon. Mali. Her mother hates buko pie at nakumpirma niyang hindi impostor ang babae sa likod nang makita niyang binuksan nito ang box at maganang kumain. Shaniya clenched her jaws and looked at Cherry who's been constantly putting make-up on her face. Binubura nito iyon pagkatapos na tila hindi kuntento saka maglalagay ulit. “Tigilan mo nga iyan, Cherry. Nagsasayang ka ng make-up. Mauubos na ang ipon ko sayo!” Sinulyapan ni Shaniya ang ginang sa likod. “It’s okay. Bibigya
SINAMAHAN ni Shaniya si Drake na magpunta sa opisina ni Luke. His family owns a security agency at magaling rin sa paghahanap ng mga taong nawawala ngunit sa pagkakataong ito pakiramdam ni Luke ay wala siyang silbi. Ganito ang trabaho niya pero hindi niya mahanap ang dalawang taong importante sa kaniya—si Georgianne at si Gabriel. Sht! Wala pang 24 hours nawawala si Gabriel pero hindi nito ugali na maglaho ng walang pasabi kaya agad siyang kumilos nang puntahan sila ng pamilya ni Gabriel upang manghingi ng tulong. Nakaupo sa pahabang meeting table sina Luke, Hunter, Theo, Kai, Drake, at Shaniya. “Huling nakita sa CCTV si Gabriel sa hospital. Nakita niya ang isang Doktor na si Caesar Palacios kasama ang isang babae. Sinundan niya hanggang sa basement parking…” pagpapaliwanag ni Luke habang nagpiplay ang CCTV footage sa isang TV. Nakakuyom ang mga kamao ni Shaniya. Naipaliwanag na ni Hunter Stunt sa kaniya ang posibilidad pero hindi pa rin matanggap ng puso niya na maaaring nilok
UMAYOS ng tayo si Shaniya at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. “Sasama ako, Drake.” Tumango si Drake at tiningnan ang tauhan. “Ihanda mo ang kotse. Susunod kami.” Nang makaalis ang tauhan ay hinarap ni Drake ang asawa habang hawak sa magkabilang pisngi. “Baby, I need to tell you something.” Lumunok si Shaniya at hindi niya inaasahan na bigla siyang kakabahan. “Ano iyon?” “Pinaimbestigahan ko ang mommy mo.” Nangunot ang noo ni Shaniya. “What? Why?” Bumuntong-hininga si Drake. “I feel like something's wrong but just this morning, nakakuha ako ng impormasyon kung saan dinala ang mommy mo matapos maaksidente. It was said na suicide ang nangyari. Nawalan siya ng alaala at hindi na nakabalik pa inyo matapos iyon.” Umiling si Shaniya. “Suicide? Imposible! Bakit?” “Nagkasakit siya. Nagkataning ang buhay kaya ginustong wakasan.” Nakaramdam ng paninikip sa dibdib si Shaniya. Mas lalo niyang gustong makita ngayon ang ina kaya naman hindi na sila nagsayang ng panahon. Agad silang p