NANG makauwi si Adeline kasama sina Dylan at Sofia ay inasikaso niya ang mga ito. Nilinisan niya ng katawan ang dalawa. Nahihiya pa si Dylan pero nginitian niya lamang ito habang binibihisan.
Kasalukuyan silang nasa kwarto ni Dylan nang ilabas ni Adeline ang regalo niya sa dalawang bata.“May gift ako sa inyo,” nakangiting saad ni Adeline.Tuwang-tuwa si Sofia habang tinitigan naman ni Dylan ang binili niyang regalo para dito. Natigilan si Adeline saka hinaplos ang buhok ng batang lalaki.“Hindi mo ba nagustuhan, kuya?”Tumingin si Dylan sa kaniya na may namumuong luha sa mga mata. “G-Gusto…”Hinalikan ni Adeline ang ulo ng bata. “Kahit anong gusto mo ibibigay ko kaya ‘wag kang mahihiyang magsabi sa ‘kin.”Tumingala ito sa kaniya at sa gulat niya ay nanginig ang mga labi nito habang nagsasalita. “P-Pwede ba kitang tawaging mama?”Nakaramdam ng kung anong pitik sa puso siIBINABA ni Adeline ang telepono matapos kausapin si Matias. Naipadala na niya dito ang speciman na kailangan para sa DNA test nina Sofia at Dylan. Kaaalis palang ni Matias pero gusto na kaagad niyang malaman ang resulta. Hindi na siya makapaghintay pero alam niyang aabutin pa ng ilang araw bago makarating sa kaniya ang sagot.Pumasok muli sa opisina si Adeline at pinilit ang sarili na magfocus sa trabaho ngunit hindi pa siya nagtatagal sa upuan ay tumunog na ang cellphone niya. Ang yaya ng mga bata ang tumatawag.“Hello?”[Hello, ma’am. Pasensya na po. Kailangan niyo pong pumunta sa school ngayon. Nakipag-away po kasi si Dylan at nasugatan si Sofia.]Marahas na napatayo si Adeline at walang sabi-sabi na hinablot ang kaniyang bag para umalis. Nang matapos ang tawag ay saktong nakalabas na siya kaya agad siyang tumawag ng taxi.Abot-abot ang kaba ni Adeline habang lulan ng taxi. Hindi niya akalain na
EXCITED ang lahat ng kateam ni Adeline nang dumating ang araw ng Fashion week. Naghanda sila para sa kompetisyon at kahit excited rin ay kinakabahan si Adeline.Kasama ng napili nilang modelo ay nasa dressing room si Adeline, pinagmamasdan ang modelo na isuot ang damit.Lumabas ng dressing room si Adeline upang pumwesto kasama ang mga kateam.“Congrats to us, Adeline!” Ang team leader iyon na tuwang-tuwa na isa ang design nila sa nakasali sa kompetisyon.Nagsimula ang show at masasabi ni Adeline na sobrang laking achievement na na makasama ang design niya kahit minanipula lamang niya si Diana. Pero kung tutuusin ay maganda naman talaga ng design niya. “Ang gaganda ng lahat! Grabe! Hindi ko akalaing darating ang araw na magagawa nating makipagsabayan sa malalaking companies!”“Ako rin! Sobrang saya!”Nag-uusap ang mga kateam ni Adeline habang nanunuod. Nang matapos ay agad silang tumuloy sa event hall ng isang hotel.Sa hotel na nagpalit ng damit si Adeline kasama ang mga kateam at sa
WALANG tao sa restroom nang pumasok si Adeline. Napailing siya nang makita sa salamin ang hitsura niya. Kitan-kita ang bakas ng wine na naghugis mapa sa kaniyang damit. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga saka kumuha ng tissue saka binasa at sinubukang alisin ang mantsa o kahit sana mabawasan lang pero imposible.“Sht!” Iritadong bulong ni Adeline at sinukuan na ang pagpupunas sa mantsa. Inayos niya ang sarili, nagretouch bago muling lumabas ng restroom.Nang isilid niya sa dalang bag ang hawak na lipstick ay diretso na sa pasilyo ang paningin niya ngunit natigilan siya nang halos bumunggo siya sa isang lalaking nakatayo at nakasandal ang likod sa wall.Nnagunot ang noo niya kasabay ng pagreact ng kaniyang puso nang makilala ng pamilyar na lalaking nakasuot ng maskara.Lumunok si Adeline, “Vince…”Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki. Inangat nito ang kaliwang kamay at nakaipit sa daliri nito ang isang sigarilyo. Humithit ito habang nakatitig sa kaniya ang itim na mga mata.“You
WALANG maramdaman si Adeline habang palabas ng restroom. Hindi siya dumaan sa pasilyo pabalik sa event hall. Sa halip ay ang kabilang direksyon ang tinahak niya papunta sa exit.Blangko ang ekspresyon sa kaniyang mukha at walang mababakas na emosyon sa kaniyang mga mata.Kahit kailan ay hindi siya maghahabol pa sa isang lalaki. Tama na ang isang niyang pagpapakatanga at kahit wala silang nakaraan ni Connor del Gallego ay apektado siya dahil siya ang pinagsasabihan ng masasakit na salitang iyon.“Adeline…”May humawak sa braso ni Adeline bago pa siya makalabas sa exit. Si Vincent iyon at agad siyang pinihit paharap dito.Tiningnan niya ang lalaki sa mga mata. “‘Wag muna ngayon, Vince. Gusto ko nalang umuwi.”Bumuntong-hininga si Vincent at marahang binitawan ang kaniyang braso. Tumitig ito sa kaniya na may pag-aalala sa mga mata bago tumango ng marahan.“Do you want me to send you home?”Umiling si Adeline. “Hindi na. Nasa labas ang bodyguard ko.”Hindi na nagsalita pa si Vincent. Pina
BUMALIK si Adeline sa del Gallego building at nagpanggap na kalalabas lang sa trabaho. Nakatingin sa kaniya si Matias na may pagtataka sa mukha.“Bakit?”Umiling ang lalaki, “Wala po, ma’am. Sabi kasi ng kasamahan niyo sa trabaho ay kanina ka pa nag-out.”Napakagat ng labi si Adeline. “Sige na, magdrive ka na.”Tahimik lang si Adeline habang pauwi. Nasa isip niya pa rin ang nangyari kanina sa condo ni Vincent Ryu. Ang mga kilos nito. Ang bawat sulyap nito na kadalasan ay nahuhuli niya. Ang bawat paglapit nito. Lahat ng iyon ay paulit-ulit na naglalaro sa kaniyang isipan na tila ba isang sirang CD.“Nandito na tayo, ma’am.”Napakurap-kurap si Adeline. Narito na nga sila. Sa loob ng garahe. Mukhang napansin ni Matias na wala siya sa sarili kaya dumiretso na ito sa loob ng garahe.Tinanguan niya lamang ito saka siya lumabas. Tahimik siyang pumasok sa loob ng mansyon at dumiretso sa master bedroom matapos icheck sina Sofia at Dylan na nanunuod ng TV sa silid ng huli. Ganoon nalang ang gu
INAYA ni Adeline na maghapunan si Gabriel pero tumanggi ito at sinabing busog pa. Hindi na niya ito inabala pa dahil nagbabasa ng libro ang lalaki. Nang makarating sa kusina ay naghihintay na sina Sofia, Dylan at Drake sa kaniya. Nasa kabisera si Drake at matamang pinagmamasdan sina Sofia at Dylan na pinag-uusapan ang tungkol sa pinanuod nilang palabas.Tumigil sa may bukana ng kusina si Adeline at pinagmasdan ang tatlo. Gusto na niyang hilahin ang oras para malaman kung tama ba ang hinala niya na magkapatid sina Dylan at Sofia. Ang totoo ay inihabol niya kay Matias ang isang hibla ng buhok ni Drake para sa paternity test ng dalawang bata. Alam niyang maaring hindi reliable ang resulta pero kung magmatch ang tatlo, given na magkakahawig ang mga ito ay malaking tulong na upang masagot ang mga tanong niya.“Si Don Alvaro?” Tanong ni Adeline habang lumalapit sa mahabang dining table.Umiling ang mayordoma, “Umalis po ang Don kanina, ma’am.”Tumango si Adeline at naupo sa upuang katabi n
INAYA si Adeline ng mga kateam na kumain sa labas dahil birthday ng isa sa mga ito. Saglit na nakipag-inuman si Adeline sa mga kasamahan bago nagpaalam na uuwi na. Nasa labas ng restobar si Matias at naghihintay sa kaniya pero dumaan muna siya sa restroom.Palabas na siya nang mahagip ng kaniyang paningin ang isang lalaking naglalakad palabas ng restobar. Pamilyar ang likod nito.Vincent?Hinaplos ni Adeline ang dibdib na malakas ang pintig. Likod lang ng lalaki ang nakita niya pero nagwala na kaagad ang kaniyang sistema.Napalunok siya saka ipinilig ang ulo at sumakay sa sasakyan kung saan naghihintay si Matias.“Sa coffee shop muna tayo, Matias.”Bumili muna ng kape si Adeline para kahit papaano ay mahismasaan siya. Nang maubos ay saka siya nagpasyang umuwi.Dumiretso siya sa master bedroom matapos silipin ang dalawang bata sa kani-kanilang silid. Natigilan siya nang makitang walang t
ITINAOB ni Adeline ang kaniyang cellphone matapos ang pangatlong missed call ni Vincent. Iniiwasan niya ang lalaki at iyon naman talaga ang dapat. Noon palang ay dapat ginawa na niya iyon at sana ay hindi na lumala pa ang sitwasyon.Alam ni Adeline ang kasalanan niya. She slept with him because of a huge favor. Huli na nang malaman niyang kaibigan ni Drake ang lalaki pero may pagkakataon pa rin siyang umiwas—na hindi niya ginawa ng maayos.“Si sir!”Halos magkagulo sa loob ng design department nang dumating si Connor del Gallego.Gaya ng iba ay tumayo lang si Adeline para bumati at pagkatapos ay kaswal na siyang naupo.Ramdam ni Adeline na nakatingin sa kaniya ang lahat. Lalo na nang maramdaman niya ang presensya sa kaniyang gilid.Nag-angat ng mukha si Adeline at nakitang nakatingin sa kaniya si Connor del Gallego.“Adeline…”Tumayo si Adeline bilang paggalang. “Good day, sir.”Bumuntong-hininga ang lalaki. “Pwede ba tayong mag-usap?”Natigilan si Adeline at sumulyap sa paligid. Of c
“PARA saan ang bouquet, grandpa?” Kunot-noong tanong ni Drake sa kaniyang lolo nang pumasok siya sa mansyon. Mas nangunot ang noo niya nang mapansin ang sandamakmak na tao sa mansyon at naglalagay ng mga dekorasyon. “At para saan ‘to? ‘Wag mong sabihing welcome party ko ‘to? Isang buwan lang akong nawala, grandpa.” Natawa si Don Alvaro. “Hindi mo ito welcome party, Drake. Kaarawan ng nobya ng pinsan mo. Ngayon rin siya magpopropose kaya naghahanda tayo.” Umismid si Drake. “Sa nobya niya pala e bakit ako ang bumili ng bulaklak? ‘Wag mong sabihing pati singsing ay iniasa niya sa iba.” Tinapik ni Don Alvaro ang balikat ni Drake at bago pa ito makasagot ay dumating ang assistant nitong si Barron. Sarkastikong natawa si Drake nang iabot ni Barron kay Don Alvaro ang isang velvet box na tiyak na singsing ang laman. Si Aries, kung hindi tamad ay palpak. Kaawaran ng nobya pero hindi manlang mag- effort. Kung girlfriend niya ang may birthday, tiyak na aburido na siya ngayon dahil sa bagal ku
TUMAYO si Shaniya matapos abutan ng sobreng puno ng perang papel ang babaeng inmate. Pasimple itong ngumisi at sumaludo pa sa kaniya. “Titiyakin kong mahimbing ang tulog nila ngayong gabi at sa susunod pang mga gabi, madam.” Nagtaas ng noo si Shaniya at marahang tumango. Agad siyang umalis at kalmado ang mukha na naglakad paalis ng visitation room. Gagawin niya ang sinabi niya na paghihirapan habang buhay sina Cherry, Sherry, Diana at Zandra. Mali ang ginagawa niyang pagbabayad ng tao para pahirapan ang mga ito pero kulang pa iyon sa mga kasalanang ginawa nila. Tulad ng kung paano siya nagbayad kanina ng tao para pahirapan si Aries at Andres ay ginawa niya rin ito ngayon. Shaniya won't stop torturing them as long as they're alive. Walang nakakaalam ng ginagawa niya at titiyakin niyang mananatili itong sikreto. Nang makauwi ay sumalubong kay Shaniya ang madilim na mansyon. Sa pag-aalala ay kaagad siyang pumasok pero nang makapasok siya ay agad na may tumakip ng kaniyang mga mata
LIFE is always full of surprises in spite of the fact that it's too short. We don't get everything we want, the Heavens give everything that we need. Gabriel's death taught Shaniya a lot of things. That life, no matter how sad and painful it is—should be appreciated. Shaniya has doubted the Heavens for putting her on a very rough path and letting her suffer in the hands of the devil in human flesh. Nakakapangilabot ang lahat ng pinagdaanan niya pero nagpapasalamat siya na sa huli ay mayroon siyang naging karamay na kailanman ay hindi siya pinabayaan. Drake became her light amidst the darkness. He became her home amidst the storm. Kung wala ito, tiyak na mauubusan siya ng lakas. Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang huling trahedya. Gabriel's death has bruised so many hearts. Halos lugmok sina Hunter, Theo, Luke, Kai, at Drake ngayon. Araw-araw nakikita ni Shaniya ang tahimik na pagtangis ng kaniyang asawa. He comes home every night, almost crawling because he's drunk. Sh
“HE was a brother, a friend, a son, a hero…” Yumuko si Shaniya kasabay ng paglandas ng luha sa kaniyang mga mata. Nagsasalita si Drake at ramdam niya ang paghihirap nito. Hindi niya kayang makitang ganoon ang kaniyang asawa. It breaks her heart. Drake gasped. “H-He was…my best friend. S-Sabi ko sa kaniya best man ko siya sa kasal ko…at ninong siya ng anak ko…pero…hindi na niya…nahintay…” Shaniya squeezed her eyes. Pagkatapos ng burol na mapagparusa sa mga pusong lumuluha sa pagkawala ng isang kaibigan, anak, at kapatid—heto sila. Handa nang ihatid sa huling hantungan ang nag-iisang mabait na taong kilala ni Shaniya. All of them are hiding a devil inside them, but Gabriel is like an angel. He doesn't have evilness within him. He was pure. Maybe that's why he was named Gabriel. “I-I told him I’ll find him a girlfriend para hindi naman siya naiinggit sa amin ni Luke pero…p-paano ko siya ihahanap ng kapareha kung bumitaw na siya?” “Ang daya…” Drake sniffed and wiped his tears u
LAKAD-TAKBO si Shaniya sa kahabaan ng hallway papunta sa emergency room para makita ang kalagayan ni Gabriel ngunit hindi pa siya nakakalapit ay nakita na niya ang paglabas ng doktor sa emergency room at mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya kung paano tinakpan ng nurse ng kumot ang buong katawan ni Gabriel. Suminghap si Shaniya at napailing. No! No! Hindi! Hindi pwede! Nanghina ang mga tuhod ni Shaniya sa nasaksihan. Her hands trembled and her brain couldn't accept the realization. Nang tingnan niya ang doktor ay umiiling ito kina Drake na agad tumakbo papasok sa loob at hinablot ang kumot na nakatakip sa kaibigan. “GABRIEL! BUMANGON KA RIYAN, T-NGINA KA! ‘WAG MO AKONG PAGLARUAN!” Umiwas ng tingin si Shaniya sa kaniyang asawa. Seeing him like that tortures her. Namilibis ang luha sa mga pisngi ni Shaniya nang makita niya kung paano napaupo sa sahig si Hunter habang nakayuko at unti-unting yumuyugyog ang balikat. Pinagsusuntok naman ni Luke ang pader at humagulgol si The
PUMASOK si Shun Parker sa isang private property. Malawak ang bakuran at mataas ang pader na nakapaligid sa mansion na nasa gitna ng malawak na lupa. Hindi na siya nag-abalang isara ang gate at diretso nalang na pumasok hanggang sa makapasok siya sa mansyon. ‘Basement. Siguraduhin mong patay.’ Napailing si Shun nang maalala ang sinabi ni Caesar, ang half brother niya. Dumiretso siya sa basement at binuksan ang kandado gamit ang hawak sa susi at tumambad sa kaniya ang nagkalat na dugo habang sa gitna ay nakagapos ang isang lalaking walang malay at duguan. Nagtagis ang bagang ni Shun at nilapitan ang lalaki. Akma niya itong gigisingin nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag ni Caesar. “What?!” [Postpone the plan. Picturan mo si Gabriel at isend mo sa akin. Darating riyan ang isa pang taong ililigpit mo.] Nang patayin ang tawag ay agad na ginawa niya ang sinabi nito at isinilid ang cellphone sa bulsa. Dahan-dahan namang nag-angat ng mukha si Gabriel at halos
“ANO iyan? Suhol?” Salubong ng ina ni Cherry kay Shaniya nang makapasok ng sasakyan. Pumayag na itong tumira sa mansyon kaya agad niyang sinundo gamit ang kotse ni Drake. Ngumiti si Shaniya. “Nabanggit sa akin ni dad na ito ang paborito mong pagkain.” Tinitigan ni Sherry ang box ng buko pie na ipinatong ni Shaniya sa hita nito. Nasa driver seat siya katabi si Cherry at si Sherry ay nasa backseat. Umirap si Sherry at hindi na nagsalita. Umayos naman ng upo si Shaniya at nagsimulang magmaneho papunta sa mansyon. Mali. Her mother hates buko pie at nakumpirma niyang hindi impostor ang babae sa likod nang makita niyang binuksan nito ang box at maganang kumain. Shaniya clenched her jaws and looked at Cherry who's been constantly putting make-up on her face. Binubura nito iyon pagkatapos na tila hindi kuntento saka maglalagay ulit. “Tigilan mo nga iyan, Cherry. Nagsasayang ka ng make-up. Mauubos na ang ipon ko sayo!” Sinulyapan ni Shaniya ang ginang sa likod. “It’s okay. Bibigya
SINAMAHAN ni Shaniya si Drake na magpunta sa opisina ni Luke. His family owns a security agency at magaling rin sa paghahanap ng mga taong nawawala ngunit sa pagkakataong ito pakiramdam ni Luke ay wala siyang silbi. Ganito ang trabaho niya pero hindi niya mahanap ang dalawang taong importante sa kaniya—si Georgianne at si Gabriel. Sht! Wala pang 24 hours nawawala si Gabriel pero hindi nito ugali na maglaho ng walang pasabi kaya agad siyang kumilos nang puntahan sila ng pamilya ni Gabriel upang manghingi ng tulong. Nakaupo sa pahabang meeting table sina Luke, Hunter, Theo, Kai, Drake, at Shaniya. “Huling nakita sa CCTV si Gabriel sa hospital. Nakita niya ang isang Doktor na si Caesar Palacios kasama ang isang babae. Sinundan niya hanggang sa basement parking…” pagpapaliwanag ni Luke habang nagpiplay ang CCTV footage sa isang TV. Nakakuyom ang mga kamao ni Shaniya. Naipaliwanag na ni Hunter Stunt sa kaniya ang posibilidad pero hindi pa rin matanggap ng puso niya na maaaring nilok
UMAYOS ng tayo si Shaniya at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. “Sasama ako, Drake.” Tumango si Drake at tiningnan ang tauhan. “Ihanda mo ang kotse. Susunod kami.” Nang makaalis ang tauhan ay hinarap ni Drake ang asawa habang hawak sa magkabilang pisngi. “Baby, I need to tell you something.” Lumunok si Shaniya at hindi niya inaasahan na bigla siyang kakabahan. “Ano iyon?” “Pinaimbestigahan ko ang mommy mo.” Nangunot ang noo ni Shaniya. “What? Why?” Bumuntong-hininga si Drake. “I feel like something's wrong but just this morning, nakakuha ako ng impormasyon kung saan dinala ang mommy mo matapos maaksidente. It was said na suicide ang nangyari. Nawalan siya ng alaala at hindi na nakabalik pa inyo matapos iyon.” Umiling si Shaniya. “Suicide? Imposible! Bakit?” “Nagkasakit siya. Nagkataning ang buhay kaya ginustong wakasan.” Nakaramdam ng paninikip sa dibdib si Shaniya. Mas lalo niyang gustong makita ngayon ang ina kaya naman hindi na sila nagsayang ng panahon. Agad silang p