All Chapters of My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town: Chapter 31 - Chapter 40

80 Chapters

Chapter 31: Relationship

MAAGANG gumising si Adeline kinabukasan. Inasikaso niya ang pagpasok nina Sofia at Dylan ngunit hindi na niya naihatid sa eskwelahan ang dalawang bata dahil inasikaso niya rin ang kaniyang asawa bago siya pumasok sa trabaho.“Anong oras ka umuuwi?” tanong ni Drake habang inilalagay ni Adeline ang cellphone sa kaniyang bag.“Hanggang tanghali lang ako palagi sa trabaho. Minsan ay ako ang sumusundo sa dalawang bata.”Tumango si Drake, “Do you drive?”Umiling si Adeline, “Hindi ako pinapayagan ng lolo mo. Nagpapahatid at nagpapasundo lang ako sa driver.”“That’s good. Go on.”Maliit na ngumiti si Adeline saka tinitigan muna ito bago tuluyang lumabas ng silid. Agad siyang dumiretso sa garahe at nagpahatid sa opisina.Sinalubong siya ng mga kasamahan nang makapasok at sinabing ang design niya ang napili para ilaban sa fashion week. Tuwang-tuwa ang mga ito, hindi alam na siya ang magmanipula kay Diana upang design niya ang ilaban.Alam niyang pandadaya ang ginawa niya pero kumpiyansa siya s
Read more

Chapter 32: The Devil

GULAT na gulat si Adeline habang nakatingin sa lalaki. Mapaglaro ang emosyong kumikislap sa mga mata nito pero ramdam niya ang bigat ng kaseryosohan sa tanong nito.Napalunok siya. Mukhang unti-unti nang nakukuha ng lalaki ang pakay niya kung bakit siya nakipagkasundo dito.“Tell me, Adeline…” Muling dumaan ang mahahaba at mainit nitong daliri sa kaniyang pisngi dahilan ng pagkislot niya. “What is your secret, hm? I really wanna know what’s going on in that pretty head of yours. Don’t worry, I’m not the type to kiss and tell.”Marahas na umiling si Adeline at pilit na itinulak palayo sa kaniya ang lalaki. Umatras siya ng isang beses habang hindi inaalis ang tingin dito, takot na baka may gawin ito sa pagkurap niya.“Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Nagmaaang-maangan si Adeline. Hindi pwedeng mabunyag ang ang sikreto niya.Humalakhak si Vincent, “Come on, baby! I’m smart. You know that I’ll easily figure it out but you took the risk. You slept with me that night in exchange for a favor.
Read more

Chapter 33: Like

GALIT na itinulak ni Adeline si Vincent dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit ganoon nalang ang obsesyon sa kaniya ng lalaki. She's just a normal woman. Siguro ay nachachallenge lang ito dahil may nangyari sa kanila habang kasal siya sa kaibigan nito ay sa isiping iyon ay mas lalong nagpuyos ang damdamin ni Adeline.Pinaglalaruan lamang siya ni Vincent Ryu. Masaya itong makita na nahihirapan siya at marahil ay nag-eenjoy pa ito sa katotohanang napapaikot siya nito sa pamamagitan lamang ng kasalanang nagawa niya.“Hinding-hindi ko hihiwalayan ang asawa ko, Vincent. Kahit anong gawin mo ay hindi ko iyon gagawin.”Tumalikod si Adeline at galit na lumabas matapos niyang bitawan ang mga salitang iyon. Nag-iinit ang mukha niya sa sobrang galit at mukhang napansin iyon ni Shun Parker na bahagya pang napatalon nang tapunan niya ng matalim na tingin.Dire-diretso siyang lumabas ng building at walang pakialam na naglakad papunta sa bus stop. Iritang-irita siya sa lalaki. Samantala w
Read more

Chapter 34: Adorable

MARAHAN ang bawat hakbang ni Adeline palabas ng banyo. Suot niya ang puting silk na nighty dahil iyon ang nakasanayan niya. Naupo siya sa harap ng vanity mirror para tuyuin ang buhok. Habang hawak ang hair dryer ay tumama ang paningin niya sa lalaking nasa likuran niya sa pamamagitan ng salamin. Tahimik itong nakaupo sa kama habang pinagmamasdan siya.Napalunok si Adeline. Ibang klase ang titig nito. Matiim. Seryoso. Malalim na tila kinikilala ang kaniyang kaluluwa at nakapaninindig balahibo.“B-Bakit ganiyan ka makatingin?” Tanong ni Adeline.“I’m just thinking…”Habang naghihintay ng kasunod nitong sasabihin ay hindi maiwasan ni Adeline na ikumpara na naman ang asawa kay Vincent Ryu. Bakit ba pareho ng boses ang dalawa? Bakit ba ang lakas lagi ng tibok ng puso niya kapag malapit ang mga ito?Nagtataksil siya kung aaminin niyang higit na sa atraksyon ang nararamdamam niya kay Vincent Ryu. Hindi pwe
Read more

Chapter 35: With You

TULAK tulak ni Adeline ang wheelchair ni Drake habang papunta sila sa parke. Ang park na malapit sa kanila ay para rin sa mga taong may kapansanan o kaya naman ay may sakit kaya doon naisipang dalhin ni Adeline ang asawa. May mga gamit doon upang matulungang maglakad si Drake kaya tingin niya ay mas effective iyon kaysa maglakad sila sa bakuran.“Bakit dito? Pwede naman tayong bumili ng mga equipments.”Umiling si Adeline, “Mas okay na ‘to para makalanghap ka mg fresh air. Saka hindi rin makakatulong sa ‘yo na palaging nasa loob ng bahay.”“Fine! Anong gagawin natin dito?” Sumusukong tanong ni Drake.Katunayan ay hindi naman talaga siya naiirita. Natutuwa pa nga siya na pinaglalaanan siya ni Adeline ng oras.Tinulungan ni Adeline na tumayo si Drake. Matagal itong nakaratay kaya alam niyang mahina pa ang mga binti at tuhod nito. Inalalayan niya ang asawa hanggang sa makarating sa dalawang magkatabing bakal na hanggang baywang upang doon ito magsimulang maglakad.Adeline’s arms were wr
Read more

Chapter 36: Protecting You

GALIT na galit si Drake na tumakbo at tumalon sa ilog kung saan nahulog si Adeline. Wala na siyang pakialam kung may makakita man sa kaniya. Ang mahalaga ay mailigtas niya si Adeline. Mabilis na nahanap ni Drake ang asawa at naiahon ngunit wala na itong malay. “Tang-na!” Malutong na mura ang pinakawalan niya habang hinahawakan ang asawa. Pinisil niya ang ilong at pisngi nito bago binigyan ng hangin at paulit-ulit na diniinan ang didbib. “Adeline!” Sigaw niya saka muling inilapit ang labi dito upang bigyan ng hangin. “Drake!” Isang pamilyar na boses ang narinig ni Drake bago narinig ang pag-ubo ng kaniyang asawa. Natanaw niya si Gabriel na tumatakbo palapit sa kaniya kaya napahinga siya ng maluwag at lumupagi sa simento. Mabilis ang kaniyang paghinga habang tinitingnan ni Gabriel ang kaniyang asawa. “May mga nakatingin, Drake,” bulong ni Gabriel.
Read more

Chapter 37: Make Love to Me

NAKATITIG lamang si Adeline sa asawa. Abot abot ang kaba niya habang nakatitig sa mga mata nitong malamig man ay kababakasan ng emosyon. Galit. Iyon ang nakikita niya. Marahil ay galit ito sa nangyari at maaring sa sinabi niya pero totoo iyon. Kung papipiliin siya ay mas uunahin niya ang mga bata kaysa sa sarili niya. Hindi niya hahayaang mapahamak si Sofia at si Dylan dahil sa maiksing panahon ay minahal niya ang batang lalaki na parang tunay na anak.Hindi na namalayan ni Adeline na inilapit na niya ang sarili at marahang pinatakan ng halik ang labi ng asawa.Pareho silang nagulat. Napasinghap si Adeline at mas lalong nagwala sa kaniyang puso sa kaniyang ginawa.“S-Sorry—”“Pagkatapos mo akong halikan magsosorry ka? Hindi mo ba alam na nakakainsulto iyon?”Natigilan si Adeline at naglikod ang mga mata. Malalim ang tinig ng kaniyang asawa at dahil doon ay nabuhay ang katawang lupa niya.
Read more

Chapter 38: Fight

MAINGAT na ibinaba ni Drake si Adeline sa tabi niya at mabilis na hinila ang kumot upang takpan ang hubad nilang katawan.Malakas ang pintig ng puso ni Adeline habang mahigpit na kipkip ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. ‘Wag lang talagang hihilahin ni Sofia ang kumot kundi ay makikita nitong wala silang anumang saplot. Ayaw niyang madungisan ang batang isipan ng dalawa.Natigilan si Sofia nang makitang halos nakabalot ng kumot ang dalawa. May kislap ang mga mata nito habang unti-unting ngumingiti ang mga labi.“Naglalaro kayo po, mama? Sali ako!”Pinagmasdan niya ang anak. Mukhang kagagaling lang nito sa school. Kabadong tumawa si Adeline, “Hindi, anak. Ang bilis niyo naman makauwi.”Anong oras na ba? Bakit parang masyado naman siyang nag-enjoy sa ginawa nila ni Drake at hindi niya namalayang napatagal. Saka bakit ba hindi niya naisip na baka bukas ang pinto?Ngumiti ng malaki si Sofia, “Ma
Read more

Chapter 39: Bodyguard

ILANG araw na ang nakalipas mula noong aksidente at nang may mangyari kina Drake at Adeline. Malinaw pa sa sikat ng araw ang alaala ng nangyari at nakatatak pa iyon sa isipan ni Adeline pero nawalan na siya ng oras na isipin ng husto ang tungkol sa bagay na iyon dahil naging abala siya sa trabaho. Hindi na rin naulit iyon dahil nakapokus ang kaniyang asawa sa mabilis na recovery. Si Gabriel, ang doktor nito, ang madalas nitong kasama sa mga exercise nito at malaki naman ang improvement base sa nakikita niya.Weekend nang bumaba si Adeline at naabutan sina Dylan at Sofia na nasa sala. Naglalaro ng chess ang dalawa. Seryoso si Dylan habang hindi malaman ni Sofia ang gagawin. Sa huli ay si Dylan ang sumasalo ng tira ni Sofia at halos ito na ang naglalaro. Enjoy na enjoy naman ang dalawa kahit madalas na pagalitan ni Dylan si Sofia kapag nasasagi nito ang chess board at nagugulo ang mga pieces.“Kuya, dito ‘yong horse po!”Napakagat ng labi si A
Read more

Chapter 40: Wasted

NAGING abala si Adeline sa ginagawang disenyo nang sumunod na mga araw. Buong araw ang iginugugol niya sa trabaho habang patuloy naman ang recovery ng kaniyang asawa. Nang matapos nila ang ginagawang design ay agad na nag-aya ang team leader nila na celebrate. “Ito ang kauna-unahang project ng team natin na ako ang team leader kaya treat ko ‘to!” Tuwang-tuwa ang lahat. Maging si Adeline ay malaki ang ngiting pinakawalan. Hindi na rin siya nakatanggi nang halahin siya ng mga ito sa isang restobar para sa selebrrasyon. “To our genius newbie!” Nag-angat sila ng baso na may alak para sa isang toast. Nakisabay sa tawanan at biruan s
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status