Share

Chapter 32: The Devil

GULAT na gulat si Adeline habang nakatingin sa lalaki. Mapaglaro ang emosyong kumikislap sa mga mata nito pero ramdam niya ang bigat ng kaseryosohan sa tanong nito.

Napalunok siya. Mukhang unti-unti nang nakukuha ng lalaki ang pakay niya kung bakit siya nakipagkasundo dito.

“Tell me, Adeline…” Muling dumaan ang mahahaba at mainit nitong daliri sa kaniyang pisngi dahilan ng pagkislot niya. “What is your secret, hm? I really wanna know what’s going on in that pretty head of yours. Don’t worry, I’m not the type to kiss and tell.”

Marahas na umiling si Adeline at pilit na itinulak palayo sa kaniya ang lalaki. Umatras siya ng isang beses habang hindi inaalis ang tingin dito, takot na baka may gawin ito sa pagkurap niya.

“Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Nagmaaang-maangan si Adeline. Hindi pwedeng mabunyag ang ang sikreto niya.

Humalakhak si Vincent, “Come on, baby! I’m smart. You know that I’ll easily figure it out but you took the risk. You slept with me that night in exchange for a favor.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status