Share

Chapter 37: Make Love to Me

NAKATITIG lamang si Adeline sa asawa. Abot abot ang kaba niya habang nakatitig sa mga mata nitong malamig man ay kababakasan ng emosyon.

Galit. Iyon ang nakikita niya. Marahil ay galit ito sa nangyari at maaring sa sinabi niya pero totoo iyon. Kung papipiliin siya ay mas uunahin niya ang mga bata kaysa sa sarili niya. Hindi niya hahayaang mapahamak si Sofia at si Dylan dahil sa maiksing panahon ay minahal niya ang batang lalaki na parang tunay na anak.

Hindi na namalayan ni Adeline na inilapit na niya ang sarili at marahang pinatakan ng halik ang labi ng asawa.

Pareho silang nagulat. Napasinghap si Adeline at mas lalong nagwala sa kaniyang puso sa kaniyang ginawa.

“S-Sorry—”

“Pagkatapos mo akong halikan magsosorry ka? Hindi mo ba alam na nakakainsulto iyon?”

Natigilan si Adeline at naglikod ang mga mata. Malalim ang tinig ng kaniyang asawa at dahil doon ay nabuhay ang katawang lupa niya.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status