MAINGAT na ibinaba ni Drake si Adeline sa tabi niya at mabilis na hinila ang kumot upang takpan ang hubad nilang katawan.
Malakas ang pintig ng puso ni Adeline habang mahigpit na kipkip ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. ‘Wag lang talagang hihilahin ni Sofia ang kumot kundi ay makikita nitong wala silang anumang saplot. Ayaw niyang madungisan ang batang isipan ng dalawa.Natigilan si Sofia nang makitang halos nakabalot ng kumot ang dalawa. May kislap ang mga mata nito habang unti-unting ngumingiti ang mga labi.“Naglalaro kayo po, mama? Sali ako!”Pinagmasdan niya ang anak. Mukhang kagagaling lang nito sa school. Kabadong tumawa si Adeline, “Hindi, anak. Ang bilis niyo naman makauwi.”Anong oras na ba? Bakit parang masyado naman siyang nag-enjoy sa ginawa nila ni Drake at hindi niya namalayang napatagal. Saka bakit ba hindi niya naisip na baka bukas ang pinto?Ngumiti ng malaki si Sofia, “MaILANG araw na ang nakalipas mula noong aksidente at nang may mangyari kina Drake at Adeline. Malinaw pa sa sikat ng araw ang alaala ng nangyari at nakatatak pa iyon sa isipan ni Adeline pero nawalan na siya ng oras na isipin ng husto ang tungkol sa bagay na iyon dahil naging abala siya sa trabaho. Hindi na rin naulit iyon dahil nakapokus ang kaniyang asawa sa mabilis na recovery. Si Gabriel, ang doktor nito, ang madalas nitong kasama sa mga exercise nito at malaki naman ang improvement base sa nakikita niya.Weekend nang bumaba si Adeline at naabutan sina Dylan at Sofia na nasa sala. Naglalaro ng chess ang dalawa. Seryoso si Dylan habang hindi malaman ni Sofia ang gagawin. Sa huli ay si Dylan ang sumasalo ng tira ni Sofia at halos ito na ang naglalaro. Enjoy na enjoy naman ang dalawa kahit madalas na pagalitan ni Dylan si Sofia kapag nasasagi nito ang chess board at nagugulo ang mga pieces.“Kuya, dito ‘yong horse po!”Napakagat ng labi si A
NAGING abala si Adeline sa ginagawang disenyo nang sumunod na mga araw. Buong araw ang iginugugol niya sa trabaho habang patuloy naman ang recovery ng kaniyang asawa.Nang matapos nila ang ginagawang design ay agad na nag-aya ang team leader nila na celebrate.“Ito ang kauna-unahang project ng team natin na ako ang team leader kaya treat ko ‘to!”Tuwang-tuwa ang lahat. Maging si Adeline ay malaki ang ngiting pinakawalan. Hindi na rin siya nakatanggi nang halahin siya ng mga ito sa isang restobar para sa selebrrasyon.“To our genius newbie!”Nag-angat sila ng baso na may alak para sa isang toast. Nakisabay sa tawanan at biruan s
MASAKIT ang ulo ni Adeline nang magising kinabukasan. Nagmulat siya ng mata at tumingin sa paligid habang sapo ang ulo. Magarang furniture. Gray na wall. Minimalist at halatang panglalaki.Nangunot ang noo ni Adeline saka bumangon. Nagulat siya at napasinghap nang nahulog ang kumot na nakatakip sa kaniyang katawan at napagtantong hubad siya. Halos takasan siya ng kaluluwa nang makita ang pulang marka sa kaliwa niyang dibdib. Mukhang pinanggigilan sa halik.Napatalon siya sa kama at mabilis na hinila ang kumot upang itakip sa katawan nang bumukas ang pinto.Isang matangkad na lalaki ang pumasok. Suot ang gray na sweat pants, puting t-shirt at itim na maskara. Magulo ang buhok nito at sa tindig palang ay alam na niya kung sino.
GALIT na galit si Drake habang papunta sa lugar kung nasaan si Shun. Tinawagan siya nito matapos ang pag-uusap nila ni Adeline. Sinabi nito na nahuli na nito ang driver ng kotseng halos sumagasa sa kaniyang asawa. Kuyom ang kaniyang mga kamao habang nagtatagis ang bagang papasok sa isang lumang bahay kung saan dinala ni Shun ang salarin.Agad na sinalubong ni Drake ng suntok sa sikmura ang lalaking may piring at nakaluhod sa harapan ni Shun. Umubo ito dahil sa sakit pero hindi iyon sapat para kay Drake. Muntik nang mamatay ang asawa niya. Wala siyang sasantuhin kung si Adeline ang masaktan.Hinila niya ang leeg ng suot nitong t-shirt. “Sinong nag-utos sa ‘yo?”“H-Hindi ko alam—Argh!”Lumagatok ang kamao ni Drake sa labis na galit matapos muling suntukin ang lalaki. “SINO ANG-UTOS SA IYO?”“H-Hindi ko talaga alam, sir. T-Tinawagan lang ako at b-binayaran para patayin si Drake Velasquez.”“Fck!” Mura ni Drake saka nilingo
NANG makauwi si Adeline kasama sina Dylan at Sofia ay inasikaso niya ang mga ito. Nilinisan niya ng katawan ang dalawa. Nahihiya pa si Dylan pero nginitian niya lamang ito habang binibihisan. Kasalukuyan silang nasa kwarto ni Dylan nang ilabas ni Adeline ang regalo niya sa dalawang bata.“May gift ako sa inyo,” nakangiting saad ni Adeline.Tuwang-tuwa si Sofia habang tinitigan naman ni Dylan ang binili niyang regalo para dito. Natigilan si Adeline saka hinaplos ang buhok ng batang lalaki.“Hindi mo ba nagustuhan, kuya?”Tumingin si Dylan sa kaniya na may namumuong luha sa mga mata. “G-Gusto…”Hinalikan ni Adeline ang ulo ng bata. “Kahit anong gusto mo ibibigay ko kaya ‘wag kang mahihiyang magsabi sa ‘kin.”Tumingala ito sa kaniya at sa gulat niya ay nanginig ang mga labi nito habang nagsasalita. “P-Pwede ba kitang tawaging mama?”Nakaramdam ng kung anong pitik sa puso si
IBINABA ni Adeline ang telepono matapos kausapin si Matias. Naipadala na niya dito ang speciman na kailangan para sa DNA test nina Sofia at Dylan. Kaaalis palang ni Matias pero gusto na kaagad niyang malaman ang resulta. Hindi na siya makapaghintay pero alam niyang aabutin pa ng ilang araw bago makarating sa kaniya ang sagot.Pumasok muli sa opisina si Adeline at pinilit ang sarili na magfocus sa trabaho ngunit hindi pa siya nagtatagal sa upuan ay tumunog na ang cellphone niya. Ang yaya ng mga bata ang tumatawag.“Hello?”[Hello, ma’am. Pasensya na po. Kailangan niyo pong pumunta sa school ngayon. Nakipag-away po kasi si Dylan at nasugatan si Sofia.]Marahas na napatayo si Adeline at walang sabi-sabi na hinablot ang kaniyang bag para umalis. Nang matapos ang tawag ay saktong nakalabas na siya kaya agad siyang tumawag ng taxi.Abot-abot ang kaba ni Adeline habang lulan ng taxi. Hindi niya akalain na
EXCITED ang lahat ng kateam ni Adeline nang dumating ang araw ng Fashion week. Naghanda sila para sa kompetisyon at kahit excited rin ay kinakabahan si Adeline.Kasama ng napili nilang modelo ay nasa dressing room si Adeline, pinagmamasdan ang modelo na isuot ang damit.Lumabas ng dressing room si Adeline upang pumwesto kasama ang mga kateam.“Congrats to us, Adeline!” Ang team leader iyon na tuwang-tuwa na isa ang design nila sa nakasali sa kompetisyon.Nagsimula ang show at masasabi ni Adeline na sobrang laking achievement na na makasama ang design niya kahit minanipula lamang niya si Diana. Pero kung tutuusin ay maganda naman talaga ng design niya. “Ang gaganda ng lahat! Grabe! Hindi ko akalaing darating ang araw na magagawa nating makipagsabayan sa malalaking companies!”“Ako rin! Sobrang saya!”Nag-uusap ang mga kateam ni Adeline habang nanunuod. Nang matapos ay agad silang tumuloy sa event hall ng isang hotel.Sa hotel na nagpalit ng damit si Adeline kasama ang mga kateam at sa
WALANG tao sa restroom nang pumasok si Adeline. Napailing siya nang makita sa salamin ang hitsura niya. Kitan-kita ang bakas ng wine na naghugis mapa sa kaniyang damit. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga saka kumuha ng tissue saka binasa at sinubukang alisin ang mantsa o kahit sana mabawasan lang pero imposible.“Sht!” Iritadong bulong ni Adeline at sinukuan na ang pagpupunas sa mantsa. Inayos niya ang sarili, nagretouch bago muling lumabas ng restroom.Nang isilid niya sa dalang bag ang hawak na lipstick ay diretso na sa pasilyo ang paningin niya ngunit natigilan siya nang halos bumunggo siya sa isang lalaking nakatayo at nakasandal ang likod sa wall.Nnagunot ang noo niya kasabay ng pagreact ng kaniyang puso nang makilala ng pamilyar na lalaking nakasuot ng maskara.Lumunok si Adeline, “Vince…”Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki. Inangat nito ang kaliwang kamay at nakaipit sa daliri nito ang isang sigarilyo. Humithit ito habang nakatitig sa kaniya ang itim na mga mata.“You