GULAT na gulat si Adeline habang nakatingin sa lalaki. Mapaglaro ang emosyong kumikislap sa mga mata nito pero ramdam niya ang bigat ng kaseryosohan sa tanong nito.Napalunok siya. Mukhang unti-unti nang nakukuha ng lalaki ang pakay niya kung bakit siya nakipagkasundo dito.“Tell me, Adeline…” Muling dumaan ang mahahaba at mainit nitong daliri sa kaniyang pisngi dahilan ng pagkislot niya. “What is your secret, hm? I really wanna know what’s going on in that pretty head of yours. Don’t worry, I’m not the type to kiss and tell.”Marahas na umiling si Adeline at pilit na itinulak palayo sa kaniya ang lalaki. Umatras siya ng isang beses habang hindi inaalis ang tingin dito, takot na baka may gawin ito sa pagkurap niya.“Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Nagmaaang-maangan si Adeline. Hindi pwedeng mabunyag ang ang sikreto niya.Humalakhak si Vincent, “Come on, baby! I’m smart. You know that I’ll easily figure it out but you took the risk. You slept with me that night in exchange for a favor.
GALIT na itinulak ni Adeline si Vincent dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit ganoon nalang ang obsesyon sa kaniya ng lalaki. She's just a normal woman. Siguro ay nachachallenge lang ito dahil may nangyari sa kanila habang kasal siya sa kaibigan nito ay sa isiping iyon ay mas lalong nagpuyos ang damdamin ni Adeline.Pinaglalaruan lamang siya ni Vincent Ryu. Masaya itong makita na nahihirapan siya at marahil ay nag-eenjoy pa ito sa katotohanang napapaikot siya nito sa pamamagitan lamang ng kasalanang nagawa niya.“Hinding-hindi ko hihiwalayan ang asawa ko, Vincent. Kahit anong gawin mo ay hindi ko iyon gagawin.”Tumalikod si Adeline at galit na lumabas matapos niyang bitawan ang mga salitang iyon. Nag-iinit ang mukha niya sa sobrang galit at mukhang napansin iyon ni Shun Parker na bahagya pang napatalon nang tapunan niya ng matalim na tingin.Dire-diretso siyang lumabas ng building at walang pakialam na naglakad papunta sa bus stop. Iritang-irita siya sa lalaki. Samantala w
MARAHAN ang bawat hakbang ni Adeline palabas ng banyo. Suot niya ang puting silk na nighty dahil iyon ang nakasanayan niya. Naupo siya sa harap ng vanity mirror para tuyuin ang buhok. Habang hawak ang hair dryer ay tumama ang paningin niya sa lalaking nasa likuran niya sa pamamagitan ng salamin. Tahimik itong nakaupo sa kama habang pinagmamasdan siya.Napalunok si Adeline. Ibang klase ang titig nito. Matiim. Seryoso. Malalim na tila kinikilala ang kaniyang kaluluwa at nakapaninindig balahibo.“B-Bakit ganiyan ka makatingin?” Tanong ni Adeline.“I’m just thinking…”Habang naghihintay ng kasunod nitong sasabihin ay hindi maiwasan ni Adeline na ikumpara na naman ang asawa kay Vincent Ryu. Bakit ba pareho ng boses ang dalawa? Bakit ba ang lakas lagi ng tibok ng puso niya kapag malapit ang mga ito?Nagtataksil siya kung aaminin niyang higit na sa atraksyon ang nararamdamam niya kay Vincent Ryu. Hindi pwe
TULAK tulak ni Adeline ang wheelchair ni Drake habang papunta sila sa parke. Ang park na malapit sa kanila ay para rin sa mga taong may kapansanan o kaya naman ay may sakit kaya doon naisipang dalhin ni Adeline ang asawa. May mga gamit doon upang matulungang maglakad si Drake kaya tingin niya ay mas effective iyon kaysa maglakad sila sa bakuran.“Bakit dito? Pwede naman tayong bumili ng mga equipments.”Umiling si Adeline, “Mas okay na ‘to para makalanghap ka mg fresh air. Saka hindi rin makakatulong sa ‘yo na palaging nasa loob ng bahay.”“Fine! Anong gagawin natin dito?” Sumusukong tanong ni Drake.Katunayan ay hindi naman talaga siya naiirita. Natutuwa pa nga siya na pinaglalaanan siya ni Adeline ng oras.Tinulungan ni Adeline na tumayo si Drake. Matagal itong nakaratay kaya alam niyang mahina pa ang mga binti at tuhod nito. Inalalayan niya ang asawa hanggang sa makarating sa dalawang magkatabing bakal na hanggang baywang upang doon ito magsimulang maglakad.Adeline’s arms were wr
GALIT na galit si Drake na tumakbo at tumalon sa ilog kung saan nahulog si Adeline. Wala na siyang pakialam kung may makakita man sa kaniya. Ang mahalaga ay mailigtas niya si Adeline. Mabilis na nahanap ni Drake ang asawa at naiahon ngunit wala na itong malay. “Tang-na!” Malutong na mura ang pinakawalan niya habang hinahawakan ang asawa. Pinisil niya ang ilong at pisngi nito bago binigyan ng hangin at paulit-ulit na diniinan ang didbib. “Adeline!” Sigaw niya saka muling inilapit ang labi dito upang bigyan ng hangin. “Drake!” Isang pamilyar na boses ang narinig ni Drake bago narinig ang pag-ubo ng kaniyang asawa. Natanaw niya si Gabriel na tumatakbo palapit sa kaniya kaya napahinga siya ng maluwag at lumupagi sa simento. Mabilis ang kaniyang paghinga habang tinitingnan ni Gabriel ang kaniyang asawa. “May mga nakatingin, Drake,” bulong ni Gabriel.
NAKATITIG lamang si Adeline sa asawa. Abot abot ang kaba niya habang nakatitig sa mga mata nitong malamig man ay kababakasan ng emosyon. Galit. Iyon ang nakikita niya. Marahil ay galit ito sa nangyari at maaring sa sinabi niya pero totoo iyon. Kung papipiliin siya ay mas uunahin niya ang mga bata kaysa sa sarili niya. Hindi niya hahayaang mapahamak si Sofia at si Dylan dahil sa maiksing panahon ay minahal niya ang batang lalaki na parang tunay na anak.Hindi na namalayan ni Adeline na inilapit na niya ang sarili at marahang pinatakan ng halik ang labi ng asawa.Pareho silang nagulat. Napasinghap si Adeline at mas lalong nagwala sa kaniyang puso sa kaniyang ginawa.“S-Sorry—”“Pagkatapos mo akong halikan magsosorry ka? Hindi mo ba alam na nakakainsulto iyon?”Natigilan si Adeline at naglikod ang mga mata. Malalim ang tinig ng kaniyang asawa at dahil doon ay nabuhay ang katawang lupa niya.
MAINGAT na ibinaba ni Drake si Adeline sa tabi niya at mabilis na hinila ang kumot upang takpan ang hubad nilang katawan.Malakas ang pintig ng puso ni Adeline habang mahigpit na kipkip ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. ‘Wag lang talagang hihilahin ni Sofia ang kumot kundi ay makikita nitong wala silang anumang saplot. Ayaw niyang madungisan ang batang isipan ng dalawa.Natigilan si Sofia nang makitang halos nakabalot ng kumot ang dalawa. May kislap ang mga mata nito habang unti-unting ngumingiti ang mga labi.“Naglalaro kayo po, mama? Sali ako!”Pinagmasdan niya ang anak. Mukhang kagagaling lang nito sa school. Kabadong tumawa si Adeline, “Hindi, anak. Ang bilis niyo naman makauwi.”Anong oras na ba? Bakit parang masyado naman siyang nag-enjoy sa ginawa nila ni Drake at hindi niya namalayang napatagal. Saka bakit ba hindi niya naisip na baka bukas ang pinto?Ngumiti ng malaki si Sofia, “Ma
ILANG araw na ang nakalipas mula noong aksidente at nang may mangyari kina Drake at Adeline. Malinaw pa sa sikat ng araw ang alaala ng nangyari at nakatatak pa iyon sa isipan ni Adeline pero nawalan na siya ng oras na isipin ng husto ang tungkol sa bagay na iyon dahil naging abala siya sa trabaho. Hindi na rin naulit iyon dahil nakapokus ang kaniyang asawa sa mabilis na recovery. Si Gabriel, ang doktor nito, ang madalas nitong kasama sa mga exercise nito at malaki naman ang improvement base sa nakikita niya.Weekend nang bumaba si Adeline at naabutan sina Dylan at Sofia na nasa sala. Naglalaro ng chess ang dalawa. Seryoso si Dylan habang hindi malaman ni Sofia ang gagawin. Sa huli ay si Dylan ang sumasalo ng tira ni Sofia at halos ito na ang naglalaro. Enjoy na enjoy naman ang dalawa kahit madalas na pagalitan ni Dylan si Sofia kapag nasasagi nito ang chess board at nagugulo ang mga pieces.“Kuya, dito ‘yong horse po!”Napakagat ng labi si A
“PARA saan ang bouquet, grandpa?” Kunot-noong tanong ni Drake sa kaniyang lolo nang pumasok siya sa mansyon. Mas nangunot ang noo niya nang mapansin ang sandamakmak na tao sa mansyon at naglalagay ng mga dekorasyon. “At para saan ‘to? ‘Wag mong sabihing welcome party ko ‘to? Isang buwan lang akong nawala, grandpa.” Natawa si Don Alvaro. “Hindi mo ito welcome party, Drake. Kaarawan ng nobya ng pinsan mo. Ngayon rin siya magpopropose kaya naghahanda tayo.” Umismid si Drake. “Sa nobya niya pala e bakit ako ang bumili ng bulaklak? ‘Wag mong sabihing pati singsing ay iniasa niya sa iba.” Tinapik ni Don Alvaro ang balikat ni Drake at bago pa ito makasagot ay dumating ang assistant nitong si Barron. Sarkastikong natawa si Drake nang iabot ni Barron kay Don Alvaro ang isang velvet box na tiyak na singsing ang laman. Si Aries, kung hindi tamad ay palpak. Kaawaran ng nobya pero hindi manlang mag- effort. Kung girlfriend niya ang may birthday, tiyak na aburido na siya ngayon dahil sa bagal ku
TUMAYO si Shaniya matapos abutan ng sobreng puno ng perang papel ang babaeng inmate. Pasimple itong ngumisi at sumaludo pa sa kaniya. “Titiyakin kong mahimbing ang tulog nila ngayong gabi at sa susunod pang mga gabi, madam.” Nagtaas ng noo si Shaniya at marahang tumango. Agad siyang umalis at kalmado ang mukha na naglakad paalis ng visitation room. Gagawin niya ang sinabi niya na paghihirapan habang buhay sina Cherry, Sherry, Diana at Zandra. Mali ang ginagawa niyang pagbabayad ng tao para pahirapan ang mga ito pero kulang pa iyon sa mga kasalanang ginawa nila. Tulad ng kung paano siya nagbayad kanina ng tao para pahirapan si Aries at Andres ay ginawa niya rin ito ngayon. Shaniya won't stop torturing them as long as they're alive. Walang nakakaalam ng ginagawa niya at titiyakin niyang mananatili itong sikreto. Nang makauwi ay sumalubong kay Shaniya ang madilim na mansyon. Sa pag-aalala ay kaagad siyang pumasok pero nang makapasok siya ay agad na may tumakip ng kaniyang mga mata
LIFE is always full of surprises in spite of the fact that it's too short. We don't get everything we want, the Heavens give everything that we need. Gabriel's death taught Shaniya a lot of things. That life, no matter how sad and painful it is—should be appreciated. Shaniya has doubted the Heavens for putting her on a very rough path and letting her suffer in the hands of the devil in human flesh. Nakakapangilabot ang lahat ng pinagdaanan niya pero nagpapasalamat siya na sa huli ay mayroon siyang naging karamay na kailanman ay hindi siya pinabayaan. Drake became her light amidst the darkness. He became her home amidst the storm. Kung wala ito, tiyak na mauubusan siya ng lakas. Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang huling trahedya. Gabriel's death has bruised so many hearts. Halos lugmok sina Hunter, Theo, Luke, Kai, at Drake ngayon. Araw-araw nakikita ni Shaniya ang tahimik na pagtangis ng kaniyang asawa. He comes home every night, almost crawling because he's drunk. Sh
“HE was a brother, a friend, a son, a hero…” Yumuko si Shaniya kasabay ng paglandas ng luha sa kaniyang mga mata. Nagsasalita si Drake at ramdam niya ang paghihirap nito. Hindi niya kayang makitang ganoon ang kaniyang asawa. It breaks her heart. Drake gasped. “H-He was…my best friend. S-Sabi ko sa kaniya best man ko siya sa kasal ko…at ninong siya ng anak ko…pero…hindi na niya…nahintay…” Shaniya squeezed her eyes. Pagkatapos ng burol na mapagparusa sa mga pusong lumuluha sa pagkawala ng isang kaibigan, anak, at kapatid—heto sila. Handa nang ihatid sa huling hantungan ang nag-iisang mabait na taong kilala ni Shaniya. All of them are hiding a devil inside them, but Gabriel is like an angel. He doesn't have evilness within him. He was pure. Maybe that's why he was named Gabriel. “I-I told him I’ll find him a girlfriend para hindi naman siya naiinggit sa amin ni Luke pero…p-paano ko siya ihahanap ng kapareha kung bumitaw na siya?” “Ang daya…” Drake sniffed and wiped his tears u
LAKAD-TAKBO si Shaniya sa kahabaan ng hallway papunta sa emergency room para makita ang kalagayan ni Gabriel ngunit hindi pa siya nakakalapit ay nakita na niya ang paglabas ng doktor sa emergency room at mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya kung paano tinakpan ng nurse ng kumot ang buong katawan ni Gabriel. Suminghap si Shaniya at napailing. No! No! Hindi! Hindi pwede! Nanghina ang mga tuhod ni Shaniya sa nasaksihan. Her hands trembled and her brain couldn't accept the realization. Nang tingnan niya ang doktor ay umiiling ito kina Drake na agad tumakbo papasok sa loob at hinablot ang kumot na nakatakip sa kaibigan. “GABRIEL! BUMANGON KA RIYAN, T-NGINA KA! ‘WAG MO AKONG PAGLARUAN!” Umiwas ng tingin si Shaniya sa kaniyang asawa. Seeing him like that tortures her. Namilibis ang luha sa mga pisngi ni Shaniya nang makita niya kung paano napaupo sa sahig si Hunter habang nakayuko at unti-unting yumuyugyog ang balikat. Pinagsusuntok naman ni Luke ang pader at humagulgol si The
PUMASOK si Shun Parker sa isang private property. Malawak ang bakuran at mataas ang pader na nakapaligid sa mansion na nasa gitna ng malawak na lupa. Hindi na siya nag-abalang isara ang gate at diretso nalang na pumasok hanggang sa makapasok siya sa mansyon. ‘Basement. Siguraduhin mong patay.’ Napailing si Shun nang maalala ang sinabi ni Caesar, ang half brother niya. Dumiretso siya sa basement at binuksan ang kandado gamit ang hawak sa susi at tumambad sa kaniya ang nagkalat na dugo habang sa gitna ay nakagapos ang isang lalaking walang malay at duguan. Nagtagis ang bagang ni Shun at nilapitan ang lalaki. Akma niya itong gigisingin nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag ni Caesar. “What?!” [Postpone the plan. Picturan mo si Gabriel at isend mo sa akin. Darating riyan ang isa pang taong ililigpit mo.] Nang patayin ang tawag ay agad na ginawa niya ang sinabi nito at isinilid ang cellphone sa bulsa. Dahan-dahan namang nag-angat ng mukha si Gabriel at halos
“ANO iyan? Suhol?” Salubong ng ina ni Cherry kay Shaniya nang makapasok ng sasakyan. Pumayag na itong tumira sa mansyon kaya agad niyang sinundo gamit ang kotse ni Drake. Ngumiti si Shaniya. “Nabanggit sa akin ni dad na ito ang paborito mong pagkain.” Tinitigan ni Sherry ang box ng buko pie na ipinatong ni Shaniya sa hita nito. Nasa driver seat siya katabi si Cherry at si Sherry ay nasa backseat. Umirap si Sherry at hindi na nagsalita. Umayos naman ng upo si Shaniya at nagsimulang magmaneho papunta sa mansyon. Mali. Her mother hates buko pie at nakumpirma niyang hindi impostor ang babae sa likod nang makita niyang binuksan nito ang box at maganang kumain. Shaniya clenched her jaws and looked at Cherry who's been constantly putting make-up on her face. Binubura nito iyon pagkatapos na tila hindi kuntento saka maglalagay ulit. “Tigilan mo nga iyan, Cherry. Nagsasayang ka ng make-up. Mauubos na ang ipon ko sayo!” Sinulyapan ni Shaniya ang ginang sa likod. “It’s okay. Bibigya
SINAMAHAN ni Shaniya si Drake na magpunta sa opisina ni Luke. His family owns a security agency at magaling rin sa paghahanap ng mga taong nawawala ngunit sa pagkakataong ito pakiramdam ni Luke ay wala siyang silbi. Ganito ang trabaho niya pero hindi niya mahanap ang dalawang taong importante sa kaniya—si Georgianne at si Gabriel. Sht! Wala pang 24 hours nawawala si Gabriel pero hindi nito ugali na maglaho ng walang pasabi kaya agad siyang kumilos nang puntahan sila ng pamilya ni Gabriel upang manghingi ng tulong. Nakaupo sa pahabang meeting table sina Luke, Hunter, Theo, Kai, Drake, at Shaniya. “Huling nakita sa CCTV si Gabriel sa hospital. Nakita niya ang isang Doktor na si Caesar Palacios kasama ang isang babae. Sinundan niya hanggang sa basement parking…” pagpapaliwanag ni Luke habang nagpiplay ang CCTV footage sa isang TV. Nakakuyom ang mga kamao ni Shaniya. Naipaliwanag na ni Hunter Stunt sa kaniya ang posibilidad pero hindi pa rin matanggap ng puso niya na maaaring nilok
UMAYOS ng tayo si Shaniya at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. “Sasama ako, Drake.” Tumango si Drake at tiningnan ang tauhan. “Ihanda mo ang kotse. Susunod kami.” Nang makaalis ang tauhan ay hinarap ni Drake ang asawa habang hawak sa magkabilang pisngi. “Baby, I need to tell you something.” Lumunok si Shaniya at hindi niya inaasahan na bigla siyang kakabahan. “Ano iyon?” “Pinaimbestigahan ko ang mommy mo.” Nangunot ang noo ni Shaniya. “What? Why?” Bumuntong-hininga si Drake. “I feel like something's wrong but just this morning, nakakuha ako ng impormasyon kung saan dinala ang mommy mo matapos maaksidente. It was said na suicide ang nangyari. Nawalan siya ng alaala at hindi na nakabalik pa inyo matapos iyon.” Umiling si Shaniya. “Suicide? Imposible! Bakit?” “Nagkasakit siya. Nagkataning ang buhay kaya ginustong wakasan.” Nakaramdam ng paninikip sa dibdib si Shaniya. Mas lalo niyang gustong makita ngayon ang ina kaya naman hindi na sila nagsayang ng panahon. Agad silang p