MARAHAN ang bawat hakbang ni Adeline palabas ng banyo. Suot niya ang puting silk na nighty dahil iyon ang nakasanayan niya. Naupo siya sa harap ng vanity mirror para tuyuin ang buhok.
Habang hawak ang hair dryer ay tumama ang paningin niya sa lalaking nasa likuran niya sa pamamagitan ng salamin. Tahimik itong nakaupo sa kama habang pinagmamasdan siya.Napalunok si Adeline. Ibang klase ang titig nito. Matiim. Seryoso. Malalim na tila kinikilala ang kaniyang kaluluwa at nakapaninindig balahibo.“B-Bakit ganiyan ka makatingin?” Tanong ni Adeline.“I’m just thinking…”Habang naghihintay ng kasunod nitong sasabihin ay hindi maiwasan ni Adeline na ikumpara na naman ang asawa kay Vincent Ryu. Bakit ba pareho ng boses ang dalawa? Bakit ba ang lakas lagi ng tibok ng puso niya kapag malapit ang mga ito?Nagtataksil siya kung aaminin niyang higit na sa atraksyon ang nararamdamam niya kay Vincent Ryu. Hindi pweTULAK tulak ni Adeline ang wheelchair ni Drake habang papunta sila sa parke. Ang park na malapit sa kanila ay para rin sa mga taong may kapansanan o kaya naman ay may sakit kaya doon naisipang dalhin ni Adeline ang asawa. May mga gamit doon upang matulungang maglakad si Drake kaya tingin niya ay mas effective iyon kaysa maglakad sila sa bakuran.“Bakit dito? Pwede naman tayong bumili ng mga equipments.”Umiling si Adeline, “Mas okay na ‘to para makalanghap ka mg fresh air. Saka hindi rin makakatulong sa ‘yo na palaging nasa loob ng bahay.”“Fine! Anong gagawin natin dito?” Sumusukong tanong ni Drake.Katunayan ay hindi naman talaga siya naiirita. Natutuwa pa nga siya na pinaglalaanan siya ni Adeline ng oras.Tinulungan ni Adeline na tumayo si Drake. Matagal itong nakaratay kaya alam niyang mahina pa ang mga binti at tuhod nito. Inalalayan niya ang asawa hanggang sa makarating sa dalawang magkatabing bakal na hanggang baywang upang doon ito magsimulang maglakad.Adeline’s arms were wr
GALIT na galit si Drake na tumakbo at tumalon sa ilog kung saan nahulog si Adeline. Wala na siyang pakialam kung may makakita man sa kaniya. Ang mahalaga ay mailigtas niya si Adeline. Mabilis na nahanap ni Drake ang asawa at naiahon ngunit wala na itong malay. “Tang-na!” Malutong na mura ang pinakawalan niya habang hinahawakan ang asawa. Pinisil niya ang ilong at pisngi nito bago binigyan ng hangin at paulit-ulit na diniinan ang didbib. “Adeline!” Sigaw niya saka muling inilapit ang labi dito upang bigyan ng hangin. “Drake!” Isang pamilyar na boses ang narinig ni Drake bago narinig ang pag-ubo ng kaniyang asawa. Natanaw niya si Gabriel na tumatakbo palapit sa kaniya kaya napahinga siya ng maluwag at lumupagi sa simento. Mabilis ang kaniyang paghinga habang tinitingnan ni Gabriel ang kaniyang asawa. “May mga nakatingin, Drake,” bulong ni Gabriel.
NAKATITIG lamang si Adeline sa asawa. Abot abot ang kaba niya habang nakatitig sa mga mata nitong malamig man ay kababakasan ng emosyon. Galit. Iyon ang nakikita niya. Marahil ay galit ito sa nangyari at maaring sa sinabi niya pero totoo iyon. Kung papipiliin siya ay mas uunahin niya ang mga bata kaysa sa sarili niya. Hindi niya hahayaang mapahamak si Sofia at si Dylan dahil sa maiksing panahon ay minahal niya ang batang lalaki na parang tunay na anak.Hindi na namalayan ni Adeline na inilapit na niya ang sarili at marahang pinatakan ng halik ang labi ng asawa.Pareho silang nagulat. Napasinghap si Adeline at mas lalong nagwala sa kaniyang puso sa kaniyang ginawa.“S-Sorry—”“Pagkatapos mo akong halikan magsosorry ka? Hindi mo ba alam na nakakainsulto iyon?”Natigilan si Adeline at naglikod ang mga mata. Malalim ang tinig ng kaniyang asawa at dahil doon ay nabuhay ang katawang lupa niya.
MAINGAT na ibinaba ni Drake si Adeline sa tabi niya at mabilis na hinila ang kumot upang takpan ang hubad nilang katawan.Malakas ang pintig ng puso ni Adeline habang mahigpit na kipkip ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. ‘Wag lang talagang hihilahin ni Sofia ang kumot kundi ay makikita nitong wala silang anumang saplot. Ayaw niyang madungisan ang batang isipan ng dalawa.Natigilan si Sofia nang makitang halos nakabalot ng kumot ang dalawa. May kislap ang mga mata nito habang unti-unting ngumingiti ang mga labi.“Naglalaro kayo po, mama? Sali ako!”Pinagmasdan niya ang anak. Mukhang kagagaling lang nito sa school. Kabadong tumawa si Adeline, “Hindi, anak. Ang bilis niyo naman makauwi.”Anong oras na ba? Bakit parang masyado naman siyang nag-enjoy sa ginawa nila ni Drake at hindi niya namalayang napatagal. Saka bakit ba hindi niya naisip na baka bukas ang pinto?Ngumiti ng malaki si Sofia, “Ma
ILANG araw na ang nakalipas mula noong aksidente at nang may mangyari kina Drake at Adeline. Malinaw pa sa sikat ng araw ang alaala ng nangyari at nakatatak pa iyon sa isipan ni Adeline pero nawalan na siya ng oras na isipin ng husto ang tungkol sa bagay na iyon dahil naging abala siya sa trabaho. Hindi na rin naulit iyon dahil nakapokus ang kaniyang asawa sa mabilis na recovery. Si Gabriel, ang doktor nito, ang madalas nitong kasama sa mga exercise nito at malaki naman ang improvement base sa nakikita niya.Weekend nang bumaba si Adeline at naabutan sina Dylan at Sofia na nasa sala. Naglalaro ng chess ang dalawa. Seryoso si Dylan habang hindi malaman ni Sofia ang gagawin. Sa huli ay si Dylan ang sumasalo ng tira ni Sofia at halos ito na ang naglalaro. Enjoy na enjoy naman ang dalawa kahit madalas na pagalitan ni Dylan si Sofia kapag nasasagi nito ang chess board at nagugulo ang mga pieces.“Kuya, dito ‘yong horse po!”Napakagat ng labi si A
NAGING abala si Adeline sa ginagawang disenyo nang sumunod na mga araw. Buong araw ang iginugugol niya sa trabaho habang patuloy naman ang recovery ng kaniyang asawa.Nang matapos nila ang ginagawang design ay agad na nag-aya ang team leader nila na celebrate.“Ito ang kauna-unahang project ng team natin na ako ang team leader kaya treat ko ‘to!”Tuwang-tuwa ang lahat. Maging si Adeline ay malaki ang ngiting pinakawalan. Hindi na rin siya nakatanggi nang halahin siya ng mga ito sa isang restobar para sa selebrrasyon.“To our genius newbie!”Nag-angat sila ng baso na may alak para sa isang toast. Nakisabay sa tawanan at biruan s
MASAKIT ang ulo ni Adeline nang magising kinabukasan. Nagmulat siya ng mata at tumingin sa paligid habang sapo ang ulo. Magarang furniture. Gray na wall. Minimalist at halatang panglalaki.Nangunot ang noo ni Adeline saka bumangon. Nagulat siya at napasinghap nang nahulog ang kumot na nakatakip sa kaniyang katawan at napagtantong hubad siya. Halos takasan siya ng kaluluwa nang makita ang pulang marka sa kaliwa niyang dibdib. Mukhang pinanggigilan sa halik.Napatalon siya sa kama at mabilis na hinila ang kumot upang itakip sa katawan nang bumukas ang pinto.Isang matangkad na lalaki ang pumasok. Suot ang gray na sweat pants, puting t-shirt at itim na maskara. Magulo ang buhok nito at sa tindig palang ay alam na niya kung sino.
GALIT na galit si Drake habang papunta sa lugar kung nasaan si Shun. Tinawagan siya nito matapos ang pag-uusap nila ni Adeline. Sinabi nito na nahuli na nito ang driver ng kotseng halos sumagasa sa kaniyang asawa. Kuyom ang kaniyang mga kamao habang nagtatagis ang bagang papasok sa isang lumang bahay kung saan dinala ni Shun ang salarin.Agad na sinalubong ni Drake ng suntok sa sikmura ang lalaking may piring at nakaluhod sa harapan ni Shun. Umubo ito dahil sa sakit pero hindi iyon sapat para kay Drake. Muntik nang mamatay ang asawa niya. Wala siyang sasantuhin kung si Adeline ang masaktan.Hinila niya ang leeg ng suot nitong t-shirt. “Sinong nag-utos sa ‘yo?”“H-Hindi ko alam—Argh!”Lumagatok ang kamao ni Drake sa labis na galit matapos muling suntukin ang lalaki. “SINO ANG-UTOS SA IYO?”“H-Hindi ko talaga alam, sir. T-Tinawagan lang ako at b-binayaran para patayin si Drake Velasquez.”“Fck!” Mura ni Drake saka nilingo