Home / Romance / IN BED WITH A BILLIONAIRE / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of IN BED WITH A BILLIONAIRE: Chapter 21 - Chapter 30

47 Chapters

Chapter 21

KUNG wala lang ang mga rehas sa pagitan nila ay kanina pa nahampas ni Zaila sa bitbit na handbag si Lex. Naiinis siya. Gigil na gigil sa kabobohan ng lalaking ito. Akala niya magkatugma sila ng plano pero kumilos itong mag-isa. Ngayon kailangan niyang solohin ang pag-iisip ng paraan kung paano mailayo si Larabelle kay Leon. Malabo na ang lahat. "Wala kang kwenta, Lex! Ang tanga mo talaga! Bakit mo iyon ginawa?" gigil na gigil niyang angil. "Dapat kinonsulta mo muna ako bago ka kumilos! Paano na iyan ngayon?" "Shut up, you slut!" "Ano'ng sinabi mo? Slut ako? Ikaw, bobo, walang utak! Tingnan mo nga iyang sarili mo, may magagawa ka pa ba riyan sa loob? Wala na! Talo ka na! Lampa ka talaga!" panunuya niya. Hinampas nito ang rehas. "Tumahimik ka!" Napaurong siya sa gulat."Bakit ikaw, may nagawa ka ba?" singhal nito. "Hindi mo nga malapitan si Leon, di ba? Huwag kang magyabang sa akin dahil parehas lang tayong walang silbi pagdating sa kaniya. Umalis ka na at huwag ka nang pumunta rit
Read more

Chapter 22

PILYONG ngiti ang nagpakurba sa sulok ng labi ni Leon. Kunwaring hindi niya napansin si Larabelle na nakasilip sa kaniya mula sa may pintuan. Pagpasok pa lang niya rito kanina ay alam na niyang sinusundan siya ng dalaga. Sinadya niyang halikan ang portrait nito para makita ang reaksiyon ng kasintahan. Magseselos ba ito? Pagseselosan ba nito ang sarili? Hindi klaro mula sa kinaroroonan nito kung sino ang nasa portrait pero tiyak halata naman na imahe iyon ng isang babae. Mukhang nagseselos nga. May papadyak-padyak pa sa sahig. Urong-sulong kung lalapit o hindi. Nakikipagtalo siguro sa pride kung kokomprontahin siya. Nakangising umalis siya sa harap ng portrait at nagtungo sa cabinet na kinalalagyan ng pinakahuling volume ng magazines nito. Nakikita niya ang malabo nitong reflection sa salamin ng mga cabinet. Patingkayad itong naglalakad. Ingat na ingat na huwag niyang maboking. Pero pagsapit nito sa harap ng portrait ay nalaglag ang panga nito. Namilog ang mga mata at nakangaga hab
Read more

Chapter 23

"AKO na po ang magdadala niyan, Ma'am," maginoong alok ni Lloyd.Ngumiti si Larabelle at sinipat ang bitbit na kahon at ang bag na nakasabit sa kaniyang balikat. "Okay lang, magaan lang naman ito." Magiliw siyang tumanggi pero hinayaan niya ang lalaki na alalayan siya pasampa sa loob ng van. Ang kasama nitong si Bruno ang nasa likod ng manibela. Nagpalitan nang tango ang dalawa habang nagsusuot siya ng seatbelt. Bigla tuloy siyang kinabahan na hindi niya maipaliwanag. Kanina pa niya pilit kinakalkal sa utak kung nakita na ba niya sa team of security ni Leon ang mga ito pero wala siyang maapuhap. Baka kabilang sa moving personnel ang mga ito. Dinukot niya ang cellphone sa loob ng bag at nagtext. Nagpaalam siya kay Leon na dadaan siya ng hospital para bisitahin si Larry. Hindi kasi niya alam kung kailan siya ulit makalalabas ng mansion. Siya: Punta ako kay Larry. I love you.Wala pang sampung segundo ay nag-reply ang lalaki.Kris: Say my regards to him and be careful on your way, I
Read more

Chapter 24

MAINGAT na hinaplos ni Leon ang namumulang mga pisngi ni Larabelle, dala iyon ng halimuyak ng raspberry na naamoy nito kanina. Naging aktibo ang body temperature ng dalaga dahil sa antioxidant property ng halaman. Pinatakan niya ng magaan na halik ang labi nito. Nasa kabilang kuwarto sila at sinuri niya kung hindi ito nasaktan kahit siniguro nina Bruno at Lloyd sa kaniya na po-protektahan ng mga ito si Lara. Sumusuntok ang kaba sa dibdib niya. Hindi siya magiging handa sakali may makitang marka o kahit kunting pasa sa katawan nito. "The doctor is coming and I asked Louven to drop by, parating na rin siya galing ng school." Hinaplos niya sa right thumb ang ibabang labi ng dalaga. "Thank you for holding on, I'll just finish this, okay, and we will go home afterwards." Muli niya itong hinagkan nang marahan at puno nang pag-iingat. Hinawakan niya ang magkasalikop nitong mga kamay at pinisil. Nanginginig ang mga iyon. Kinontrol lang marahil nito ang takot kanina at ngayon lang pinakawa
Read more

Chapter 25

MASARAP ang simoy ng hangin nang umagang iyon. May halimuyak na dala mula sa mga bulaklak. Ang sinag ng araw ay may kakaibang kislap. Parang nagkakaroon ng extra color ang sumusulpot na silahis sa silangan. Lumikha iyon ng tipak-tipak na bahaghari sa kawalan. Muling sinipat ni Larabelle ang sarili sa harap ng salamin at hinaplos ang bilog na tiyan. In-adjust ang sukat ng damit pangkasal niya para magkasya sa tiyan niyang nasa pitong buwan na. Pero inaantok siya. Matutulog muna siya ng isang oras bago pumunta roon sa kapilya. Nagtungo siya sa kama at nahigang may ngiti sa labi. Ngayon ang ikaanim na wedding monthsary nila ni Leon. Kasama sa vows ng asawa na kada buwan siya nitong papakasalan para raw masulit niya ang pagsusuot sa 18M na damit pangkasal. Humagikgik siya at pinagmasdan ang suot na singsing. Nakaukit doon ang pangalan nilang dalawa na nakakadena sa isa't isa. Inabot niya ang cellphone at binuksan ang video noong pinaka-una nilang kasal. Masasabi niyang super-engrande i
Read more

Chapter 26

HUWAG sukuan ang pagsubok. Ito ang turo na gumagabay kay Larissa, ang sentro ng kaniyang prinsipyo at moral compass. Lumaki siyang hinubog ng mga magulang ang puso at isip kung paano dumiskarte sa gitna ng mga hamon ng buhay. Pero sa pagkakataong iyon, wala siyang maisip na kahit ano. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Hindi niya mahagilap ang daan. Para siyang nakakulong sa kahon at walang paraan para makalaya. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at tiningnan muli ang pregnancy test pack. Hindi talaga nagbabago ang dalawang guhit na nakatatak doon. Buntis siya. Dahan-dahan siyang naupo sa sahig sa isang sulok at niyakap ang mga tuhod. Hinayaan niyang lunurin nang masaganang luha ang mga mata. Paano na? Hindi niya pwedeng sabihin na buntis siya. Magtatanong si Larabelle kung sino ang ama. Hindi maari! Bawal iyon! Bawal ang namamagitan sa kanila! Sa simula pa lang alam na niya pero hindi niya matiis. Hindi siya makatanggi sa kaniyang puso. Mahal niya ang lalaking iyon. Ma
Read more

Chapter 27

KATULAD siya ng isang kasabihan. Takot sa tatlong bagay. Takot siya sa bagyo, takot siya sa dilim ng gabi kapag walang buwan, takot siya sa galit ng lalaking tahimik.Habang gumagalaw ang oras, patindi nang patindi ang takot niya. Nauupos siya. Parang kandila na kinakain ng sariling apoy. Pakiramdam niya lahat ng taong tumitingin sa kaniya ay alam ang kaniyang sekreto. Akala niya puso lang niya ang kailangang magtago, emosyon lang niya ang kailangang ilihim."Tara na, ihahatid kita sa classroom mo," alok ni Coin nang hindi pa rin gumalaw si Larissa para bumaba ng sasakyan.Umiling ang dalaga. Nilikom ang kaniyang purse at cellphone. "Huwag na, kaya kong pumunta roon mag-isa. Salamat ha." Inangat niya ang katawan mula sa upuan at umibis."Don't skip your snacks and your meal. Baka magpapagutom ka, not good for the baby," paalala ng lalaking nakaalalay sa kaniya.Tumango siya kasabay ang buntong-hininga. Umiikot ang paligid. Nahihilo siya. Kumapit siya sa braso ni Coin, pumikit, tutop a
Read more

Chapter 28

"LARISSA!" Ibinagsak ni Louven ang kamao sa table nang padarag na tumayo si Larissa. Sa likod nito ay tumimbuwang ang silyang inuupuan ng dalaga. "Kuya, please..." napansin niya ang histerikal na reaksiyon nito dahil kay Coin na papalapit sa table nila. "Coin, no!" bulalas nitong kumaripas na at sinalubong ang lalaki. "Larissa, balik dito! I'm warning you!" Nasa boses niya ang banta at panganib. Pero hindi nakinig si Larissa. Hindi na ito tulad nang dati. Isang salita lang niya agad itong sumusunod. Ngayon ay sinusuway na siya nito at dahil iyon kay Coin De Vera. Ikinawit nito ang kamay sa braso ng lalaki at kinaladkad paalis. Na naman! Mabangis na nagsasalpukan ang mga bagang niya.Siya ulit ang naiwan na parang tanga. Bakit? Ano ba ang inaasahan niya? Pipiliin siya ni Larissa? Idiniin niya nang husto ang mga kamao sa table at gusto nang butasin iyon. Mariin siyang pumikit. Nag-iinit ang sulok ng mga mata dahil sa luha ng matinding galit. Gusto niyang ihambalos ang mga silya at
Read more

Chapter 29

PINIGA na lamang ni Louven ang cellphone matapos basahin ang text message ni Larissa. Nagpaalam itong hindi uuwi ng bahay. Hindi siya nag-reply. Balewala rin naman kahit sabihin niyang hindi siya papayag at kailangan nitong umuwi. Hindi rin susunod ang dalaga.Hinagis niya ang phone sa kama at binuksan ang walk-in cabinet. Pumili ng susuutin. Night shift ang duty niya ngayon sa Vindex. Ang transactions ng mga client nila underground ay sa gabi kadalasan at sa kaniya na iyon ipinagkatiwala ni Leon. V-neck white cotton shirt at dark gray na sweatshirt. Pantalon na itim sa ibaba at high-cut sneakers na may shades ng gray. Niligpit niya ang buhok sa ilalim ng suot na bullcap. Dahil doon ay naging visible ang calligraphic tattoo sa likod ng kanan niyang tainga. Letrang L iyon, na may maliit na roses vine pababa sa kaniyang batok. Akala ng iba, pangalan niya ang L. Ang totoo, Larissa ang ibig sabihin niyon. Tulad ng roses na nababalot ng tinik, masarap pero masakit mahalin ang dalaga. Is
Read more

Chapter 30

NAGSALPUKAN ang mga kilay ni Louven pagkapasok sa loob ng drawing room. Akala niya sina Larabelle at Larissa lang ang nandoon. Bakit pati itong lintek na Coin De Vera ay nandito? Umangat kaagad ang tension sa buong katawan niya pero kailangan na naman niyang ikalma ang sarili. Under provision pa rin siya ng batas kahit inurong ang demanda laban sa kaniya. On the record na ng polisya ang charges at isang maling kilos niya, dadamputin siya agad ng mga police. Kaya limitado ang mga galaw niya lalo na kung si De Vera ang sangkot. "Ano'ng mayroon?" tanong niyang kay Larabelle lang nakatuon ang titig. Iniwasan niyang sulyapan ang dalawa na magkatabi sa couch. His gut is burning wild and tearing this bastard De Vera won't be enough to satisfy his anger. Isinalpak niya ang nakakuyom na kamao sa bulsa ng suot na pantalon. Calm down! Hamig niya sa sarili. "Louven, nagpapaalam si Larissa. Isasama siya ni Coin sa Spain at doon na niya itutuloy ang intership niya," dismayadong pahayag ng ate
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status