Share

Chapter 28

"LARISSA!" Ibinagsak ni Louven ang kamao sa table nang padarag na tumayo si Larissa. Sa likod nito ay tumimbuwang ang silyang inuupuan ng dalaga.

"Kuya, please..." napansin niya ang histerikal na reaksiyon nito dahil kay Coin na papalapit sa table nila. "Coin, no!" bulalas nitong kumaripas na at sinalubong ang lalaki.

"Larissa, balik dito! I'm warning you!" Nasa boses niya ang banta at panganib.

Pero hindi nakinig si Larissa. Hindi na ito tulad nang dati. Isang salita lang niya agad itong sumusunod. Ngayon ay sinusuway na siya nito at dahil iyon kay Coin De Vera.

Ikinawit nito ang kamay sa braso ng lalaki at kinaladkad paalis.

Na naman! Mabangis na nagsasalpukan ang mga bagang niya.

Siya ulit ang naiwan na parang tanga. Bakit? Ano ba ang inaasahan niya? Pipiliin siya ni Larissa? Idiniin niya nang husto ang mga kamao sa table at gusto nang butasin iyon. Mariin siyang pumikit. Nag-iinit ang sulok ng mga mata dahil sa luha ng matinding galit.

Gusto niyang ihambalos ang mga silya at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status