ALAS TRES pa lamang ng hapon ay tapos na ang pictorial ni Larabelle para sa isang exclusive men's magazine. Ginanap ang photo shoot niya sa isang pribadong beach resort. Tanging bulaklak na Dahlias ang takip ng nipples niya at ng kaniyang pagkababae. Sa kasalukuyan, ang issue ng magazine kung saan siya ang laman ang pinakamabinta sa market lalo at nakalinya iyon sa porn volume. "Magpahinga ka muna," sabi ng manager niyang si Myrna. Chubby ito pero nasa kurba pa rin ang katawan. Kumikislap ang hibla ng buhok nitong kagagaling lang sa mamahaling rebond. Ito lang at ang photographer niyang si Kristofher ang kasama niya rito. Ang dalawa lang naman talaga ang madalas kasama niya tuwing photo shoot. "Salamat, Myrn, tawagin mo lang ako kung may kailangan pa akong gawin." Tinanaw niya si Kris. Abala ang photographer sa pagsilip sa mga kuha ng camera. Matangkad itong lalaki. Lagpas six feet. Banat ang katawan sa work out. Parang mga hugis ng sining ang hulma ng masels nito sa katawan na bu
NASA KAMA si Lex at may kasamang dalawang babae nang pumasok si Leon sa kuwarto. Dito sa condo madalas nagpapalipas ng oras ang bunso niyang kapatid at bihira lang na hindi ito mag-uwi ng mga babae."L-Leon!" Taranta itong huminto sa pagharot sa ibabaw ng isa sa mga socialite na kasama."Paalisin mo sila, may pag-uusapan tayo," matigas niyang utos at humalukipkip na sumandal sa hamba ng pintuan. Ang dalawang babae ay hindi na naghintay nang utos mula kay Lex. Hindi magkandaugaga sa pagpulot sa mga kasuotan ang mga ito at hubo't hubad na kumaripas paalis, bakas sa maputlang mukha ang takot. "Leon, pasensya ka-""Get yourself a fucking cover, Alexander." Sinipa niya pasara ang pinto. Parang tuta na bahag ang buntot na sumunod si Lex at dali-daling nagbihis. Napailing si Leon. Ano nga 'yong sinabi ng daddy niya? Nababaliw ang kapatid niya kay Belle Sanchez? Baliw siguro kung ang babae ang kasama nito pero kung hindi, sa iba naman ito naglalaway na parang aso. Kailan ba mauubos ang li
SINAPIT ni Leon ang on-call room ng hospital at agad natanaw sa loob ang kakambal niyang si Margarett. Nakaupo ang babae sa couch. Ang silid na iyon ay ginagamit ng mga doctor habang nasa break ang mga ito. May tatlong couch doon at bunkbed para sa staff na gustong mag-relax saglit. Doctor ang kapatid niya pero nag-aaral din ito tungkol sa business dahil balak nitong magtayo ng sariling hospital. Bago ito nagtungo ng San Francisco noong isang taon naging resident doctor ito rito sa Standford Doctors PH. "Leon!" natutuwang bulalas ng babae at tumayo, sinalubong siya. "Hindi ka umuwi sa mansion kagabi, hinintay kita." Agad itong tumingkayad at kinudlitan siya nang halik sa gilid ng labi."I have to pull an overtime at the office, how's work going on?" tanong niyang ngumiti ng bahagya. Kapag kasama niya ang kakambal, kailangan niyang mag-ingat sa mga kilos niya. Madali kasi siya nitong nababasa."My work is fine and I get along well with my colleagues there. Kung hindi mo sinabing eme
NAGPUPULSO ang kirot sa sentido ni Leon nang bumangon. Kulang dalawang oras ang itinulog niya. Nag-overtime siya kagabi at tinapos ang natitirang pending documents na kailangan nang makalusot sa accounting department sa darating na Lunes. Lumabas ng kuwarto ang binata at nagtungo sa kitchen. Kumuha ng cartoon ng fresh milk, tinungga ang laman hanggang sa maubos at hinagis sa trash bin na nasa sulok ang empty box. Bumalik siya ng silid at nagtuloy sa loob ng bathroom. Quick cold shower lang at nagising na ang kaniyang mga laman. Paglabas niya ay sakto lang na nag-notify ang digital clock sa ibabaw ng sidetable. Alas siyete na ng umaga. May isang oras pa siya para bumiyahe. Alas nueve ang schedule ng photo shoot ni Larabelle.Kung hindi siya kinulit ni Margarett kagabi na samahan ito sa paborito nitong fine dining, maaga sana niyang matatapos ang trabaho at may sapat na oras pa siya para magpahinga. Pero hindi siya tinigilan ng kakambal at daig pa nito ang alarm clock kung kalampagin
LIMANG photo shots na may iba't ibang pangahas na pose ang tumapos sa pictorial ni Larabelle nang araw na iyon. Inabot sila ng alas kuwatro ng hapon dahil panay ang break ni Kris. "Overnight tayo rito, kaya mag-enjoy ka muna sa pool habang hinahanda pa ang dinner," abiso ni Myrna sa kaniya. "Okay, ikaw ba hindi maliligo? Samahan mo ako, ang sarap ng tubig," yaya niya sa manager at lumusong agad sa tubig. "Mamaya na ako pagkatapos ng hapunan. Late night swim. Anyway, napag-isipan mo na ba ang tungkol sa tv commercial?" tanong ng babae na na nagkasyang manood lang muna sa kaniyang nakatampisaw siya sa tubig."Hindi pa. Saka na lang siguro pagkatapos nating kausapin ang may-ari at malaman ko kung ano ang term of conditions ng kontrata.""Okay, ikaw ang bahala. Doon muna ako sa room, tatawagin kita kapag ready na ang dinner natin." Nagpaalam si Myrna at iniwan siya roon.Sinulyapan niya si Kris na nagliligpit ng video-cam at ng stand. Hindi na nito suot ang jacket at halos mabilang ni
NAKARATING ng penthouse si Leon na walang nakuhang sagot mula kay Larabelle. Pero wala rin namang rejection. Naging tahimik lang ang dalaga sa natitirang oras nila sa biyahe, halos ayaw na nitong tumingin sa kaniya. Alam niyang hindi nito inaasahan ang pagtatapat niya nang nararamdaman kanina. Dapat siguro nagpigil siya at hinabaan pa ang pasensya. Pero hanggang kailan ba dapat? Nauubusan na siya ng oras. Siguradong matinding galit ang haharapin niya mula sa dalaga kapag nalaman nito na siya lang ang naging client nito mula pa noong nagsimula itong pasukin ang industriya ng porn magz."Good morning, Sir Leon!" bati sa kaniya ni Harry. Nag-abang ito sa labas ng executive elevator. "Good morning, Harry. It's okay I got this." Tumanggi siya nang tangkain nitong kunin sa kaniya ang video-cam. Kahit iyon, by reflexes ay ayaw niyang mahawakan ng iba. Ang video-cam na iyon ay exclusive lang para sa kaniya at kay Larabelle. Ang nagtatago sa lahat ng maseselan na larawan ng dalaga."May dum
PAKIRAMDAM ni Larabelle ay inabandona siya ng kaniyang kaluluwa. Si Kris bigla na lang sumulpot sa harap niya at nag-urong ng sila sa kaniyang tabi. Naupo at hinawakan ang sandalan ng upuan niya. Pilit niyang hindi pinansin ang lalaki pero lalo namang tumitindi ang malakas nitong dating. Nakatitig ito sa kaniya, nanonood habang kumakain siya. Pahirapan na pati ang paglunok niya sa malambot na laman ng sweet and sour meatballs. "Pwede ba, tigilan mo nga iyang katititig mo sa akin? Ang awkward kasi," angal niyang sinamaan ng tingin ang binata. Uminom siya ng tubig, hindi na kasi siya makahinga nang maayos."Just ignore me, I'm having a good time watching you eat." Itinuon nito ang siko sa mesa. Ipinatong sa nakakuyom na kamay ang baba na may manipis na anino ng balbas."Hindi nga ako makalunok, ano ba?" mataray niyang sita rito. Kinilabutan siya nang sumilip ang dulo ng dila nito at pumasada sa ibaba nitong labi. "Ang ganda mo." Lahat yata ng dugo niya ay napunta sa kaniyang mukha.
MATATAG na pinigilan ni Larabelle ang pagbuhos ng mga luha. Hindi pwedeng makita ng mga kapatid niyang pinanghihinaan siya ng loob. Siya ang sandalan ng mga ito sa pamilya nila. Sa mga ganitong pagsubok dapat magiging matibay siya alang-alang sa mga ito."Okay ka lang ba? Ano bang ginawa mo?" malumanay niyang tanong kay Louven. Itinawid niya ang kamay sa siwang ng rehas sa pagitan nila at marahang hinaplos ang panga ng binata.Parang niyuyupi ang puso niya habang pinagmamasdan ang mga pasa nito sa mukha. Hindi man lang muna ito ginamot bago ipinasok sa seldang iyon. Hindi pa naman napatunayan na ito ang may kasalanan sa nangyaring gulo."Itanong mo kay Larissa, Ate, kung ano'ng nangyari. Kanina pa niya pinagtatanggol ang sira-ulong Coin De Vera na iyon," naghihimagsik na sagot ni Louven at pinukol nang matalim na tingin si Larissa sa likuran niya."Coin De Vera?""Anak siya ni Cong. De Vera ng Sta. Catalina, 5th district," singit ni Kris na nakaalalay sa kaniyang tabi. "Congressman?"
LUMAKI siyang tinatahak ang sanga-sangang landas ng buhay, mga landas na minsan naglilihis sa kaniya sa destinasyon na gusto niyang marating. Maraming pagkakataon na sugat ang naghihintay sa kaniya sa dulo, mga sugat na nagbibigay ng aral at humubog sa pagkatao niya para mas matuto pa. Pero may isang direksiyon siyang tinatanaw na hindi niya binitiwan kahit bawat hakbang ay pagkadurog ang nag-aabang. Ang direksiyong iyon ang tahanan ng puso niya. Ang babaeng naglalakad ngayon sa makulay na pitak ng mga bulaklak para marating ang ibaba ng altar kung saan siya naghihintay.Sa wakas nagkatagpo rin sila sa daang itinakda ng Diyos at nilaan para sa kanilang dalawa. Marami man ang pagsubok, sa huli naging tahanan pa rin nila ang isa't isa.Huminga ng malalim si Louven at kinuyom ang mga kamaong nasa loob ng bulsa ng tux pants. Nanginginig ang mga kalamnan niya, ang dibdib niya ay humihigpit sa halu-halong emosyon. Hindi niya matanggal ang titig kay Larissa kahit nanlalabo sa luha ang mga
BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction
MASIGLANG kumakaway si Larissa kay Margarett na nag-aabang sa kanila sa labas ng museleo ni Sr. Anna Luciah. Nakagayak ang buong lugar na sakop ng perimeter ng puntod. Mukhang si Margarett ang nag-aayos doon habang nasa graduation rites sila kanina. "Congratulations to both of you," bati nito kina Louven at Coin at binigyan ng damping halik sa gilid ng labi ang dalawang lalaki, pagkatapos ay sila naman ang nagbeso bago pumasok ng museleo. Bukod sa crew ng catering service na may apat na helpers na paroo't parito para tingnan ang kung may kulang pa sa mga pagkain sa buffet table. "I took the initiative to invite the people visiting their loved ones here, is it okay?" imporma ni Margarett kay Coin."Of course, Doc, no problem." Lumapat ang kamay ng lalaki sa baywang ng doktora. Kinilig siya habang pinapanood ang mga ito. Yumapos na rin siya kay Louven na nakaakbay sa kaniya. Pagdating sa loob ay nagpaiwan sila ni Margarett ng ilang hakbang at hinayaan ang magkapatid na lumapit sa pu
BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction
MALAPAD ang naging ngiti ni Senyor Agustus habang nakatunghay sa hawak na dokumentong ibinigay ni Leon. Louven C. Zargonza. Officially approved by the Philipine Statistics Authority."Pretty fast, Son. You never disappointed me," komento nitong nag-thumbs up. Mas lalo pang umaliwalas ang mukha ng matanda habang pumapasada ang mga mata sa ibang detail entry. Pangalan na kasi nito ang nakalagay bilang ama ni Louven. "Thank you for this development, Son. Kailan ba ang publication nito?""It will be out today, Dad, at 2 o'clock in the afternoon." Natawa na lang si Leon sa nakikitang tuwa sa mga mata ng ama. Binigyan sila ng tatlong kopya mula sa PSA at ang adoption affidavit na annotated ng korte. May sarili ring kopya si Louven at malamang nai-deliver na iyon kanina. Ano kaya ang magiging reaction ni Jaime De Vera? Hindi rin naman ito nag-reach out sa kaniya para sa bagay na iyon. Kung nakipag-usap ang congressman, baka pina-hold muna niya ang releasing ng mga dokumento. Hahayaan na
TWENTY-FOUR YEARS AGOJaime De Vera, a law student fighting for environmental issues is one of the captives held by African terrorist group. Kasama ang sampu pang delegates mula sa iba't ibang lahi. Dalawa silang Pilipino, madre ang isa. Si Sr. Anna Luciah Clemente mula sa Order of Merciful Sisters. Isang linggo na nang dukutin sila ng grupo sa camp kung saan gumagawa ng medical mission ang mga delegado ng iba't ibang bansa bilang bahagi ng 2001 Environmental Summit na ginanap sa South Africa. Hindi siya matunton ng rescuers dahil palipat-lipat sila ng lugar. Ngayon ay nasa isang bansa silang sa Europe kung saan kasagsagan ng winter. Kagabi lang ay may snow storm na tumama sa buong lugar. Ang cabin na kinaroroonan nila ay halos mabaon sa yelo. Kasama ni Jaime sa iisang cabin si Sr. Anna Luciah. Yakap niya ang madre habang nagdarasal para maagapan ang sobrang lamig at para mapanatili ang init sa katawan. Pero hindi rin sila tatagal kung ganitong below zero ang temperature. Kahit may
"COME ON, Louven! Are you stalking me?" yamot na angil ni Coin. Mabilis na kumalat ang pula sa mukha nito dahil sa iritasyon. "Kailan ba matatapos iyang obssession at pagseselos mo sa akin?"Umiling si Louven, halos hindi maalis ang titig sa pangalang nasa lapida. "No, I came to visit her." Itinuro ng paningin niya ang puntod ng kaniyang ina. "Her?" Nagtatakang nilingon ni Coin ang puntod. "Kilala mo siya?"Tumango siya at pumasok sa looban ng museleo. Itinuloy niya sa ibabaw ng puntod ang bulaklak at ang scented candles. "She is my real mother." Umuklo siya. Hinaplos ang pangalang nakaukit sa lapida. "Ma, ako si Louven. Ako ang anak mo.""What did you just say? What do you mean she is your mother?" Nawalan ng kulay ang mukha ni Coin. "Tangena naman, Louven! Asawa mo na ang babaeng mahal ko, tapos ngayon pati nanay ko nanay mo na rin? Ano'ng kalokohan 'to?" Mistulang pukpok ng maso sa ulo niya ang sinabing iyon ni Coin De Vera. Umuga pati mga buto niya sa katawan at nagpamanhid sa
KANINA pa roon sa food court ng university si Larissa. Inaabangan niya si Coin na mapag-isa. Hindi kasi siya makatiyempo nang lapit dahil kasama nito lagi ang barkada tuwing breaktime, idagdag pa ang mga babaeng sunod nang sunod dito. Nakita siya nito kanina nang dumating ito. Binati lang siya nang tango. Siguro sinadya nitong maupo sa mesa na malayo sa kinaroroonan niya. Obvious na gusto siya nitong iwasan. Naiintindihan naman niya pero kailangan niya itong makausap kahit sa huling pagkakataon man lang. Gusto niyang humingi nang tawad. Sumulyap ito sa gawi niya pero agad ding binawi ang paningin. Inubos na lang muna niya ang kinakaing ube cake na isinasawsaw niya sa ketchup. Iyon ang weird na cravings niya ngayong nagbubuntis siya. Nagmamadali siyang tumayo pagkaalis ng mga kaibigan ni Coin. Naghahanda na rin itong umalis kaya kumaripas na siya patungo sa kinaroroonan nito. Hindi na nito itinuloy ang pag-ahon mula sa silyang inuupuan. "Coin, pwede ba kitang makausap saglit?" Tum
HINDI siya tunay na Sanchez. Hindi niya totoong kapatid sina Larabelle, Larissa at Larry? Kung ganoon sino siya? Sino'ng mga magulang niya? Saan siya nagmula? Kanino? Mga tanong na nagpamanhid sa utak ni Louven. Pati buong katawan niya ay naubos ang lakas. Blangkong nakaupo si Louven sa bench habang ang paligid ay nababalot ng katahimikan. Hindi niya alam kung alin ang uunahin, ang magulo niyang isip o ang emosyon niyang wala na yatang katapusan ang pagyanig ng kirot. Dapat matuwa siya. Hindi sila tunay na magkadugo ni Larissa. Hindi kasalanan ang pagmamahalan nila. Hindi na magiging bawal. Malaya na sila. Pwede na niyang ipagsigawan na asawa niya ito at magkakaroon na sila ng anak. Dapat masaya siya.Pero hindi niya mahanap ang ganoong ligaya sa puso niya. Ang naroon ay malamig na galit. Sa loob ng mahabang panahon nabubuhay siya sa huwad na katauhan. Siguro may mabigat na rason ang mga magulang niya kaya siya hinayaang lumaki sa ibang pamilya. Siguro may rason kung bakit ang kinila