"LARISSA!" Ibinagsak ni Louven ang kamao sa table nang padarag na tumayo si Larissa. Sa likod nito ay tumimbuwang ang silyang inuupuan ng dalaga. "Kuya, please..." napansin niya ang histerikal na reaksiyon nito dahil kay Coin na papalapit sa table nila. "Coin, no!" bulalas nitong kumaripas na at sinalubong ang lalaki. "Larissa, balik dito! I'm warning you!" Nasa boses niya ang banta at panganib. Pero hindi nakinig si Larissa. Hindi na ito tulad nang dati. Isang salita lang niya agad itong sumusunod. Ngayon ay sinusuway na siya nito at dahil iyon kay Coin De Vera. Ikinawit nito ang kamay sa braso ng lalaki at kinaladkad paalis. Na naman! Mabangis na nagsasalpukan ang mga bagang niya.Siya ulit ang naiwan na parang tanga. Bakit? Ano ba ang inaasahan niya? Pipiliin siya ni Larissa? Idiniin niya nang husto ang mga kamao sa table at gusto nang butasin iyon. Mariin siyang pumikit. Nag-iinit ang sulok ng mga mata dahil sa luha ng matinding galit. Gusto niyang ihambalos ang mga silya at
PINIGA na lamang ni Louven ang cellphone matapos basahin ang text message ni Larissa. Nagpaalam itong hindi uuwi ng bahay. Hindi siya nag-reply. Balewala rin naman kahit sabihin niyang hindi siya papayag at kailangan nitong umuwi. Hindi rin susunod ang dalaga.Hinagis niya ang phone sa kama at binuksan ang walk-in cabinet. Pumili ng susuutin. Night shift ang duty niya ngayon sa Vindex. Ang transactions ng mga client nila underground ay sa gabi kadalasan at sa kaniya na iyon ipinagkatiwala ni Leon. V-neck white cotton shirt at dark gray na sweatshirt. Pantalon na itim sa ibaba at high-cut sneakers na may shades ng gray. Niligpit niya ang buhok sa ilalim ng suot na bullcap. Dahil doon ay naging visible ang calligraphic tattoo sa likod ng kanan niyang tainga. Letrang L iyon, na may maliit na roses vine pababa sa kaniyang batok. Akala ng iba, pangalan niya ang L. Ang totoo, Larissa ang ibig sabihin niyon. Tulad ng roses na nababalot ng tinik, masarap pero masakit mahalin ang dalaga. Is
NAGSALPUKAN ang mga kilay ni Louven pagkapasok sa loob ng drawing room. Akala niya sina Larabelle at Larissa lang ang nandoon. Bakit pati itong lintek na Coin De Vera ay nandito? Umangat kaagad ang tension sa buong katawan niya pero kailangan na naman niyang ikalma ang sarili. Under provision pa rin siya ng batas kahit inurong ang demanda laban sa kaniya. On the record na ng polisya ang charges at isang maling kilos niya, dadamputin siya agad ng mga police. Kaya limitado ang mga galaw niya lalo na kung si De Vera ang sangkot. "Ano'ng mayroon?" tanong niyang kay Larabelle lang nakatuon ang titig. Iniwasan niyang sulyapan ang dalawa na magkatabi sa couch. His gut is burning wild and tearing this bastard De Vera won't be enough to satisfy his anger. Isinalpak niya ang nakakuyom na kamao sa bulsa ng suot na pantalon. Calm down! Hamig niya sa sarili. "Louven, nagpapaalam si Larissa. Isasama siya ni Coin sa Spain at doon na niya itutuloy ang intership niya," dismayadong pahayag ng ate
"KUYA," humawak si Larissa sa bisig ni Louven. "Trust me on this, okay? I'll make a way for us." Pinisil ng lalaki ang palad niya. "I regret wasting time before I decide to make you mine, regardless if the world approves us or not. Sigurado ako sa nararamdaman ko para sa iyo at ilalaban ko 'to saan man tayo makarating." Wala siyang masabi. Shock pa rin siya at ang katawang-lupa niya. Pero hinahalukay na nang hindi maipaliwanag na ligaya ang buong sistema niya."Judge, can we start? Mayroon na lang tayong twenty minutes before the target schedule." Target schedule? Tinutukoy ba ng kuya niya ang kasal nila ni Coin mamayang alas diyes? Magtatanong pa sana siya kung ano'ng nangyari at paano ito nakaakyat roon sa kuwarto niya pero tumikhim na ang judge, hudyat na magsisimula na sila sa seremonya. "Lloyd, sa pinto kayo ni Bruno magbantay," utos ni Louven sa dalawang back-up. Agad sumunod ang dalawa. Nagsimula ang judge sa formal wedding rites habang mangha na nakatitig lamang siya sa
NAHIGA si Larissa matapos palitan ng pambahay ang wedding gown na suot niya. Hindi na siya binalikan ni Louven. Gusto niyang bumaba para alamin kung ano na ang nangyari. Pero kung nagkagulo roon baka lalo lang lumala 'pag nagpakita pa siya tapos wala naman siyang intention na magpakasal kay Coin.Huminga siya nang malalim at niyakap ang malaking unan. Magsisinungaling na naman siya kay Coin para makalusot sa hindi niya pagsipot sa kasal. Hindi siya sigurado kung maniniwala pa ba sa kaniya ang lalaki. Ang ginawa niya ay below the belt na kung tutuusin, kahit pa walang ibang bisita, pinapahiya pa rin niya ito at ang pamilya nito. Kabado siyang bumaling sa gawi ng pinto nang marinig ang pag-alma ng seradora. Hindi kita mula roon sa bed ang pintuan pero nasisilip niya mula sa reflection sa salamin. Bulto ni Coin ang pumasok. He is wearing a charcoal wedding suit. Ang pogi nito pero banaag ang malamig na galit at lungkot sa mga mata. Bumangon siya. "Coin," sambit niyang kinukuyog ng ka
NAKA-SAMPUNG missed calls na si Louven kay Larissa, hindi pa rin siya sinasagot ng asawa. Ano na naman kaya ang problema? Halos mabaliw na naman siya sa pag-iisip. Nag-ri-ring ang phone nito, ibig sabihin, nakapasok ang tawag. Sadyang ayaw lang nitong sagutin o baka may pumipigil. Si Coin ba? Hindi dapat niya iniwan sa bahay ng lalaking iyon si Larissa, kahit anak pa nito ang ipinagbubuntis ngayon ng babae. Siya naman ang kikilalaning tatay ng baby. Wala nang karapatan pa si Coin sa kahit ano'ng bahagi ng katawan ng asawa niya lalo na ang kalayaan nito. "Boss, nandito na tayo," pukaw ni Lloyd sa kaniya. Inangat niya ang ulo mula sa pagkasasandal sa head rest ng upuan. Pumarada ang itim na Hatchback Mercedes-Benz at bumaba siya, kasunod ni Lloyd. Nilingon niya si Bruno at senenyasan na magpaiwan na roon sa sasakyan at magmasid sa paligid. "Ayos na ba ang mga papeles nito?" Iginala niya ang paningin sa kabubuan ng bahay na pinagmamasdan niya ngayon. Naging abala siya nitong mga na
NAPAIYAK na lang si Larissa habang mahigpit na hawak ang nanginginig na mga kamay ni Louven. Tinatanong niya kung ano'ng sinabi ni Laurice sa cellphone pero hindi nagsasalita ang lalaki. Nakayukyok ito sa mga tuhod matapos ang matinding silakbo nang pagluha na akala niya ay wala nang katapusan. "I'm sorry, I'm so sorry..." sambit na naman nito sa basag at namamaos na boses.Pang-ilang sorry na ba iyon? Hindi na niya mabilang. Tanging iyon lang ang mga salitang lumaya sa bibig nito mula pa kanina. Nakadama na siya nang antagonismo kay Laurice. Baka kung anu-ano na naman ang pinagsasabi ng babaeng iyon. Siguro may binabalak na naman para makuha ang kuya niya. "I'm sorry...Isay...""Tama na! Para saan ba ang sorry na iyan? Hindi ko maintindihan! Ano ba kasi ang sinabi ni Laurice sa iyo?" gigil niyang atungal. Hinaplos niya ang panga nito at hinahabol ang mga mata nitong pilit nitong iniiwas sa kaniya.Gumalaw ang mga panga nito sa marahas na pagkadidiin ng mga bagang. "Ang ginawa ko
BINUKLAT ni Louven ang pahina ng mga dokumentong laman ng folder. Pinabasa ni Leon sa kaniya ang draft ng adoption papers niya. Bago na roon ang apelyido niya, imbis na Sanchez ay Zargonza na. "May gusto ka bang idagdag?" tanong ni Leon na nakamasid sa kaniya mula sa desk nito. "Any concerns and complaints?" Umiling siya. Siya pa ba ang magrereklamo? Siya na nga ang binigyan nito nang malaking pabor. Itiniklop niya ang folder at ibinaba sa mesita sa kaniyang harapan."Solve na ako rito, Kuya. Thank you.""So, shall we proceed to the final prints?" Tumango lang siya.Hindi pa rin mag-sink in sa kaniya ang lahat lalo na pagkatapos niyang malaman ang tungkol sa pwersahan niyang pag-angkin kay Larissa roon sa beach. Kahit may ginawa sila ng asawa roon sa penthouse kanina, kahit malaya nitong ipinagkaloob sa kaniya ang sarili, hindi nawawala ang bugso ng guilt sa utak niya. Ang bigat sa pakiramdam. Hindi niya naisip na capable siya sa ganoong klaseng kademonyohan at ang biktima ay ang
LUMAKI siyang tinatahak ang sanga-sangang landas ng buhay, mga landas na minsan naglilihis sa kaniya sa destinasyon na gusto niyang marating. Maraming pagkakataon na sugat ang naghihintay sa kaniya sa dulo, mga sugat na nagbibigay ng aral at humubog sa pagkatao niya para mas matuto pa. Pero may isang direksiyon siyang tinatanaw na hindi niya binitiwan kahit bawat hakbang ay pagkadurog ang nag-aabang. Ang direksiyong iyon ang tahanan ng puso niya. Ang babaeng naglalakad ngayon sa makulay na pitak ng mga bulaklak para marating ang ibaba ng altar kung saan siya naghihintay.Sa wakas nagkatagpo rin sila sa daang itinakda ng Diyos at nilaan para sa kanilang dalawa. Marami man ang pagsubok, sa huli naging tahanan pa rin nila ang isa't isa.Huminga ng malalim si Louven at kinuyom ang mga kamaong nasa loob ng bulsa ng tux pants. Nanginginig ang mga kalamnan niya, ang dibdib niya ay humihigpit sa halu-halong emosyon. Hindi niya matanggal ang titig kay Larissa kahit nanlalabo sa luha ang mga
BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction
MASIGLANG kumakaway si Larissa kay Margarett na nag-aabang sa kanila sa labas ng museleo ni Sr. Anna Luciah. Nakagayak ang buong lugar na sakop ng perimeter ng puntod. Mukhang si Margarett ang nag-aayos doon habang nasa graduation rites sila kanina. "Congratulations to both of you," bati nito kina Louven at Coin at binigyan ng damping halik sa gilid ng labi ang dalawang lalaki, pagkatapos ay sila naman ang nagbeso bago pumasok ng museleo. Bukod sa crew ng catering service na may apat na helpers na paroo't parito para tingnan ang kung may kulang pa sa mga pagkain sa buffet table. "I took the initiative to invite the people visiting their loved ones here, is it okay?" imporma ni Margarett kay Coin."Of course, Doc, no problem." Lumapat ang kamay ng lalaki sa baywang ng doktora. Kinilig siya habang pinapanood ang mga ito. Yumapos na rin siya kay Louven na nakaakbay sa kaniya. Pagdating sa loob ay nagpaiwan sila ni Margarett ng ilang hakbang at hinayaan ang magkapatid na lumapit sa pu
BUONG linggo na abala ang buong mansion para sa preparation ng kasal ni Margarett. Napagkasunduan na gaganapin ang rites of vows kasama na ang holy mass sa Corinthian. May historical chapel doon na itinayo noon ng Agustinian priests. Makasaysayan ang kapilyang iyon at itinuturing na isa sa mga legacy ng archdiocese ng Sta. Catalina. Sumama si Larissa kay Margarett para i-check ang chapel noong araw na iyon. Wala pa ang groom nito. Nasa ibang bansa pa at darating bukas. Anak ng isa sa mga ka-partner ng Zargonza Components ang mapapangasawa ni Margarett. Isa ring corporate lawyer. "Snacks?" alok ni Louven sa kaniya sa ube cake at fresh lumpia na baon-baon nito para sa kaniya. Umiling siya at ngumiti ng matamis. Kumapit siyang maigi sa braso nito. Nakabuntot lang sila kay Margarett habang naglilibot. Ilan sa miyembro ng Vindex ay aali-aligid sa kanila, nagbabantay. "Louven, ikaw na ang tumayong best man namin bukas, okay? Baka hindi raw makahabol si Alexander. May urgent transaction
MALAPAD ang naging ngiti ni Senyor Agustus habang nakatunghay sa hawak na dokumentong ibinigay ni Leon. Louven C. Zargonza. Officially approved by the Philipine Statistics Authority."Pretty fast, Son. You never disappointed me," komento nitong nag-thumbs up. Mas lalo pang umaliwalas ang mukha ng matanda habang pumapasada ang mga mata sa ibang detail entry. Pangalan na kasi nito ang nakalagay bilang ama ni Louven. "Thank you for this development, Son. Kailan ba ang publication nito?""It will be out today, Dad, at 2 o'clock in the afternoon." Natawa na lang si Leon sa nakikitang tuwa sa mga mata ng ama. Binigyan sila ng tatlong kopya mula sa PSA at ang adoption affidavit na annotated ng korte. May sarili ring kopya si Louven at malamang nai-deliver na iyon kanina. Ano kaya ang magiging reaction ni Jaime De Vera? Hindi rin naman ito nag-reach out sa kaniya para sa bagay na iyon. Kung nakipag-usap ang congressman, baka pina-hold muna niya ang releasing ng mga dokumento. Hahayaan na
TWENTY-FOUR YEARS AGOJaime De Vera, a law student fighting for environmental issues is one of the captives held by African terrorist group. Kasama ang sampu pang delegates mula sa iba't ibang lahi. Dalawa silang Pilipino, madre ang isa. Si Sr. Anna Luciah Clemente mula sa Order of Merciful Sisters. Isang linggo na nang dukutin sila ng grupo sa camp kung saan gumagawa ng medical mission ang mga delegado ng iba't ibang bansa bilang bahagi ng 2001 Environmental Summit na ginanap sa South Africa. Hindi siya matunton ng rescuers dahil palipat-lipat sila ng lugar. Ngayon ay nasa isang bansa silang sa Europe kung saan kasagsagan ng winter. Kagabi lang ay may snow storm na tumama sa buong lugar. Ang cabin na kinaroroonan nila ay halos mabaon sa yelo. Kasama ni Jaime sa iisang cabin si Sr. Anna Luciah. Yakap niya ang madre habang nagdarasal para maagapan ang sobrang lamig at para mapanatili ang init sa katawan. Pero hindi rin sila tatagal kung ganitong below zero ang temperature. Kahit may
"COME ON, Louven! Are you stalking me?" yamot na angil ni Coin. Mabilis na kumalat ang pula sa mukha nito dahil sa iritasyon. "Kailan ba matatapos iyang obssession at pagseselos mo sa akin?"Umiling si Louven, halos hindi maalis ang titig sa pangalang nasa lapida. "No, I came to visit her." Itinuro ng paningin niya ang puntod ng kaniyang ina. "Her?" Nagtatakang nilingon ni Coin ang puntod. "Kilala mo siya?"Tumango siya at pumasok sa looban ng museleo. Itinuloy niya sa ibabaw ng puntod ang bulaklak at ang scented candles. "She is my real mother." Umuklo siya. Hinaplos ang pangalang nakaukit sa lapida. "Ma, ako si Louven. Ako ang anak mo.""What did you just say? What do you mean she is your mother?" Nawalan ng kulay ang mukha ni Coin. "Tangena naman, Louven! Asawa mo na ang babaeng mahal ko, tapos ngayon pati nanay ko nanay mo na rin? Ano'ng kalokohan 'to?" Mistulang pukpok ng maso sa ulo niya ang sinabing iyon ni Coin De Vera. Umuga pati mga buto niya sa katawan at nagpamanhid sa
KANINA pa roon sa food court ng university si Larissa. Inaabangan niya si Coin na mapag-isa. Hindi kasi siya makatiyempo nang lapit dahil kasama nito lagi ang barkada tuwing breaktime, idagdag pa ang mga babaeng sunod nang sunod dito. Nakita siya nito kanina nang dumating ito. Binati lang siya nang tango. Siguro sinadya nitong maupo sa mesa na malayo sa kinaroroonan niya. Obvious na gusto siya nitong iwasan. Naiintindihan naman niya pero kailangan niya itong makausap kahit sa huling pagkakataon man lang. Gusto niyang humingi nang tawad. Sumulyap ito sa gawi niya pero agad ding binawi ang paningin. Inubos na lang muna niya ang kinakaing ube cake na isinasawsaw niya sa ketchup. Iyon ang weird na cravings niya ngayong nagbubuntis siya. Nagmamadali siyang tumayo pagkaalis ng mga kaibigan ni Coin. Naghahanda na rin itong umalis kaya kumaripas na siya patungo sa kinaroroonan nito. Hindi na nito itinuloy ang pag-ahon mula sa silyang inuupuan. "Coin, pwede ba kitang makausap saglit?" Tum
HINDI siya tunay na Sanchez. Hindi niya totoong kapatid sina Larabelle, Larissa at Larry? Kung ganoon sino siya? Sino'ng mga magulang niya? Saan siya nagmula? Kanino? Mga tanong na nagpamanhid sa utak ni Louven. Pati buong katawan niya ay naubos ang lakas. Blangkong nakaupo si Louven sa bench habang ang paligid ay nababalot ng katahimikan. Hindi niya alam kung alin ang uunahin, ang magulo niyang isip o ang emosyon niyang wala na yatang katapusan ang pagyanig ng kirot. Dapat matuwa siya. Hindi sila tunay na magkadugo ni Larissa. Hindi kasalanan ang pagmamahalan nila. Hindi na magiging bawal. Malaya na sila. Pwede na niyang ipagsigawan na asawa niya ito at magkakaroon na sila ng anak. Dapat masaya siya.Pero hindi niya mahanap ang ganoong ligaya sa puso niya. Ang naroon ay malamig na galit. Sa loob ng mahabang panahon nabubuhay siya sa huwad na katauhan. Siguro may mabigat na rason ang mga magulang niya kaya siya hinayaang lumaki sa ibang pamilya. Siguro may rason kung bakit ang kinila