Share

Chapter 26

HUWAG sukuan ang pagsubok. Ito ang turo na gumagabay kay Larissa, ang sentro ng kaniyang prinsipyo at moral compass. Lumaki siyang hinubog ng mga magulang ang puso at isip kung paano dumiskarte sa gitna ng mga hamon ng buhay.

Pero sa pagkakataong iyon, wala siyang maisip na kahit ano. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Hindi niya mahagilap ang daan. Para siyang nakakulong sa kahon at walang paraan para makalaya. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at tiningnan muli ang pregnancy test pack. Hindi talaga nagbabago ang dalawang guhit na nakatatak doon.

Buntis siya.

Dahan-dahan siyang naupo sa sahig sa isang sulok at niyakap ang mga tuhod. Hinayaan niyang lunurin nang masaganang luha ang mga mata. Paano na? Hindi niya pwedeng sabihin na buntis siya. Magtatanong si Larabelle kung sino ang ama. Hindi maari!

Bawal iyon! Bawal ang namamagitan sa kanila! Sa simula pa lang alam na niya pero hindi niya matiis. Hindi siya makatanggi sa kaniyang puso. Mahal niya ang lalaking iyon. Ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status