Home / Romance / IN BED WITH A BILLIONAIRE / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng IN BED WITH A BILLIONAIRE: Kabanata 11 - Kabanata 20

47 Kabanata

Chapter 11

PAKIRAMDAM ni Larabelle ay nauubos ang hangin sa paligid. Hindi siya makahinga sa sobrang sikip ng kaniyang dibdib at paghigpit ng puso niya. Tumikhim siya at tumayo, tumakbo patungong kusina. "Larabelle!" habol na sigaw ni Zaila. Hindi na niya pinansin pa iyon. Dinakma niya ang kuwadradong dining table kung saan naroon ang babasaging pitsel na may tubig. Pero nagkatapon-tapon sa mesa ang tubig dahil nanginginig ang kamay niya habang nagsasalin sa baso. "Lara?" Napahumindig siya. Alertong pumihit. Bumungad sa kaniya ang bulto ni Kris na sumagad sa may pintuan. Nabulunan siya sa ininom na tubig. Ang basong hawak ay nabitawan at sumabog iyon sa kaniyang paanan. Ang bubog ay nagkalat sa sahig. Si Kris! Hindi...si Atty. Leon Zargonza, Leon Kristofher Zargonza, bakit ngayon lang niya na-realize ang second name? "Lara, are you okay?" Akmang lalapit ang lalaki kaya kumaripas siya sa kabilang panig ng mesa."Huwag kang lalapit! Huwag!" matinis niyang sigaw na halos ikapunit ng kaniyang
Magbasa pa

Chapter 12

NARAMDAMAN ni Larabelle ang malamig na patak ng likido sa kaniyang mga mata. Guminhawa kahit papaano ang hapdi. Dumilat siya pero nasilaw sa liwanag. Muli siyang pumikit. Ang bibigat ng mga talukap niya. Parang may nakadagan na mga bolang bakal. "Larabelle, sweetheart?" Boses ni Kris, hindi... ni Atty. Leon Zargonza pala. Pero iisa lang din naman ang katauhang iyon. "I put some drops in your eyes to soothe the swelling. Tell me if it's working." Drops! Pilit siyang dumilat at tulirong bumaling sa gawi kung saan nagmula ang tinig ng lalaki. Hawak nito ang kaliwa niyang kamay na nakapatong sa kaniyang tiyan. "Nasaan ako?" napapaos niyang tanong. Disoriented siya kung ano'ng kuwarto iyon. Base sa kulay at lawak, hindi iyon silid sa bahay nila. "Narito ka sa hospital. Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? Ang sikmura mo? Dito, hindi ba masakit?" Kung saan-saan na kumakapa ang kamay nito. Halos masalat na nito pati ang hindi dapat. Kumislot siya. Gusto nang hambalusin
Magbasa pa

Chapter 13

ABURIDONG lumingon si Leon at nasumpungan si Margarett. "Where are you going?" tanong nitong naningkit ang mga mata. "Umalis si Larabelle kasama si Zaila," matigas na sagot ng lalaki sa tonong nagbabadya ang panganib. "Babaeng iyon, iniisip ba niyang makatatakas siya sa akin? Get the car ready! Hahabulin natin sila," mabangis niyang utos sa dalawang security. Nagpulasan paalis ang mga ito patungo sa underground parking na kinaroroonan ng sasakyan. Kailangan niyang ikalma ang sarili para makapag-isip nang tama. Huminga siya nang malalim at saglit na ipinikit ang mga mata. Kailangang huminahon. "Bakit aalis si Larabelle?" usisa ni Margarett. "Nag-away ba kayo?""Si Zaila, may sinabi siguro sa kaniya." Dinukot niya ang cellphone at tinawagan si Myrna. "Hello, Sir?""Send few of my security to the airport. Abangan nila roon sina Lara at Zaila. Umalis si Lara rito sa hospital." "Sige po, Sir, ngayon din." Tinapos niya ang tawag at lumipat sa contact profile ng kaibigan niyang opis
Magbasa pa

Chapter 14

NILUNOK ni Larabelle ang pagkaing nasa bibig at uminom ng tubig. Malapit na niyang maubos ang chicken at rice soup. Nagustuhan niya ang lasa. Maraming sahog na veggies. "Ayaw ba sa akin ng daddy mo?" tanong niya kay Leon na nanonood sa kaniyang kumakain. Sinabi niya rito ang tungkol sa tawag ng ama nito kanina lang at sa expression ng mga mata at paggalaw ng mga panga nito, halatang may disgusto sa kaniya ang daddy nito. Hindi naman siya umasang tatanggapin siya agad ng pamilya ni Leon lalo na sa background ng career niya. "Ayaw niya sa iyo para kay Lex, I'm not sure kung ayaw rin niya sa iyo para sa akin." Pinunasan nito sa daliri ang gilid ng labi niya. "May pagkakaiba ba iyon?" "He trusted me and my decisions. I hope at least he will re-consider my feelings and accept you in the family."Pagkakaintindi niya sa sinabi nito na mas may tiwala rito ang ama kaysa kay Lex. Agad niyang iniwas ang mga mata. Napatagal masyado ang pagtitig niya rito. Ang mahaba nitong pilik-mata ang sal
Magbasa pa

Chapter 15

NAG-CHECK ng mga gamit si Larabelle sa loob ng boxes na nakahimpil sa isang sulok ng kuwarto. Pitong boxes iyon at limang travelling bags. Lahat ay mga gamit niya mula roon sa bahay nila. Sinimulan niyang hanguin ang laman ng isa sa mga cardboard box. Mga alaala ng kaniyang mga magulang. Albums na naglalaman ng pictures nilang mag-anak. Mga crochet items na gawa ng nanay niya. Couple mugs na pinagawa niya noong huling wedding anniversary ng mga magulang. Sapatos at tsinelas. Gora at ang paboritong panyo ng tatay niya. Binuksan niya ang isa sa mga panel ng walk-in cabinet at doon inayos ang mga memento. "Lara, pumasok na kami." Si Myrna, kasama ang nurse niyang si Cecille. Bitbit ng dalawa ang tray na may juice at home-baked cookies. "We bring your snacks." "Busog pa ako sa tanghalian natin, ang dami kong nakain." Ngumiti siya at itinabi ang box na wala nang laman. "Ang sasarap kasi ng mga niluto ng cook." "Pamilyar ba sa iyo ang mga pagkain kanina?" Nilapag ni Myrna ang dala nit
Magbasa pa

Chapter 16

WALA nang maisip si Larabelle na parusang literal para kay Leon, lalo na ngayong dito pansamantalang titira sa bahay si Senyor Agustus. Alam ng dalagang siya ang dahilan kaya nandito ang matanda. Magmamasid ito sa kaniya. Babantayan ang mga kilos niya at maghahanap ng mga bagay na hindi nito magugustuhan sa pagkatao niya. Pero hindi siya nababahala. Ayaw niyang kumilos na parang binibilang pati ang kaniyang paghinga. Magpapakatotoo siya. Hindi naman kailangang magpa-impress sa ama ni Leon. Kung ano'ng kaya niya at kung ano ang nakikita nito sa kaniya ngayon, iyon ang katotohanan. Hindi niya kailangang magtago sa katauhan ng isang babaeng hindi nag-e-exist para lang tanggapin nito sa pamilya."Magandang umaga!" bati niya sa mga kasambahay na alas sais pa lang ay abala na sa mga gawain. "Magandang umaga, Ma'am!" Salitan na gumanti nang bati ang mga ito. Tumuloy siya ng bakuran at nag-stretching gaya nang nakagawian niya. Basic exercise lang para sa heartbeat at blood circulation. Ak
Magbasa pa

Chapter 17

IBINAGSAK ni Leon ang likod sa sandalan ng swivel chair niya. Ka-re-report lang ni Harry sa kaniya na paakyat roon sa opisina si Lex. Binitawan niya muna ang sign pen at inayos ang mga papeles sa ibabaw ng kaniyang desk. Ilang saglit pa at nag-notify na ang surveillance camera sa itaas ng pintuan. Bumukas iyon at pumasok si Harry. Halos tumilapon sa dingding ang secretary niya nang padabog itong hawiin ni Lex paalis sa daraanan. "What do you want?" matigas niyang tanong at tumayo.Madilim ang mukha ni Lex, nasa mga mata ang nag-aapoy na galit. Pero tulad nang madalas mangyari, wala pa rin itong sapat na tapang sa harapan niya. "Why did you do that?" tiim-bagang nitong angil.Bumaba ang titig niya sa nakakuyom nitong mga kamao. "Sit down, Lex. Mag-usap tayo ng maayos." Itinuro niya ang couch. Walang siyang mapapala kung papatulan niya ang galit nito. "Mag-usap ng maayos? You betrayed me, double crosser! Pinalalayo mo ako para makuha mo siya! At ngayon, ayaw mo pa akong papasukin s
Magbasa pa

Chapter 18

"TOTOO ba ang mga pictures na iyan? Mukha namang hindi edited, eh." Nilunok muna ni Larabelle ang soup na isinubo ni Leon sa kaniya. Tumango ang binata. "These are genuine." Patuloy itong nag-scroll. Pinag-uusapan nila ang mga litratong ipinasa ni Zaila. Pinabasa na rin niya ang mga chat ng babae sa kaniya para aware si Leon sa naging convo nila nitong nagdaang araw. Kung talagang nagsisinungaling ang kaibigan niya, isa lang ang naiisip niyang rason, mahal pa nito si Leon."I have these photos, I even have videos of her when she was in the hospital fighting for her life because of her lunatic boyfriend.""Boyfriend, ikaw?" gimbal niyang bulalas."Bago ko pa siya nakilala, mayroon na siyang live-in partner." Pinunasan ni Leon ng table napkin ang gilid ng kaniyang bibig. "May live-in partner siya?" "Nasa college pa lang siya nang mga panahong iyon. Schoolmate niya yata at family friend din kaya pinagkatiwalaan ng pamilya niya.""Paano kayo nagkakilala?" Kinagat niya nang malaki an
Magbasa pa

Chapter 19

WALA si Larry sa suite nito nang dumating sila, ang sabi ng isang nurse na babae nasa laboratory ang binata. Pwede naman daw sila pumunta at manoon mula sa VIP area. Hinatid sila roon ni Leon at ipinaalam nito kay Margarett na naroon sila. Lumabas ng lab ang doktora at pinuntahan sila. "Two hours pa rito si Larry, doon na kayo maghintay sa suite niya, Dad, Lara," sabi ni Margarett.Nasa elevated area sila. Enclosed ng makakapal na tempered glass walls at sa ibaba ay natatanaw nila ang buong looban ng laboratory. Kompleto sa makabagong mga makina na may kaugnayan sa kalusugan. Si Larry ay nasa single bed at napapaligiran ng vital machines kung saan nagmumula ang mga tubo na nakakabit dito. Tulog ang binata. "Lara, doon na tayo maghintay sa suite," apura ni Senyor Agustus.Tumango siya at humawak sa braso ng matanda. Nagpatangay rito palabas ng silid na iyon. Kasama nila si Margarett pero humiwalay ito pagdating sa labas at bumaba sa laboratory. "Matagal na ba ang karamdaman ng kapat
Magbasa pa

Chapter 20

NILUNOK ni Larabelle ang bumukol na hangin na bumara sa kaniyang lalamunan. Nakahubad siya at tinulungan ni Leon na magbihis. Hinagkan ng lalaki ang puson niya pababa sa kaniyang pagkababae. Damping halik lang naman. Para bang may kirot na pinapawi. Umalon ang sikmura niya nang maingat nitong ibuka ang mga hita niya."Ayaw ko, hindi pa ako naghuhugas, eh. Nahihiya ako?" protista niya. Pero ngumiti lang ang lalaki at walang pag-aalinlangan na sinuyo nang halik ang sensitibong parte ng katawan niya. Nagpulso ang puson niya at napukaw ang pamilyar na init. "Si Alexander," pagkuwa'y nagsalita ito at isinuot na sa kaniya ang panty. "Sexual abuse resulting to frustrated rape ang ikakaso natin sa kaniya." Hindi siya kumibo. Alam niyang hindi madali para kay Leon ang lahat nang ito. Kapatid nito ang nasasakdal pero kailangan nitong manindigan para sa kaniya at sa anak nila. Ito ang naiipit sa gitna. "May gusto ka pa bang idagdag sa kaso? Grieve threat, physical assault resulting to minor
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status