Share

Chapter 12

NARAMDAMAN ni Larabelle ang malamig na patak ng likido sa kaniyang mga mata. Guminhawa kahit papaano ang hapdi. Dumilat siya pero nasilaw sa liwanag. Muli siyang pumikit. Ang bibigat ng mga talukap niya. Parang may nakadagan na mga bolang bakal.

"Larabelle, sweetheart?" Boses ni Kris, hindi... ni Atty. Leon Zargonza pala. Pero iisa lang din naman ang katauhang iyon. "I put some drops in your eyes to soothe the swelling. Tell me if it's working."

Drops! Pilit siyang dumilat at tulirong bumaling sa gawi kung saan nagmula ang tinig ng lalaki. Hawak nito ang kaliwa niyang kamay na nakapatong sa kaniyang tiyan.

"Nasaan ako?" napapaos niyang tanong. Disoriented siya kung ano'ng kuwarto iyon. Base sa kulay at lawak, hindi iyon silid sa bahay nila.

"Narito ka sa hospital. Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? Ang sikmura mo? Dito, hindi ba masakit?" Kung saan-saan na kumakapa ang kamay nito. Halos masalat na nito pati ang hindi dapat.

Kumislot siya. Gusto nang hambalusin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status