Share

Chapter 13

ABURIDONG lumingon si Leon at nasumpungan si Margarett.

"Where are you going?" tanong nitong naningkit ang mga mata.

"Umalis si Larabelle kasama si Zaila," matigas na sagot ng lalaki sa tonong nagbabadya ang panganib. "Babaeng iyon, iniisip ba niyang makatatakas siya sa akin? Get the car ready! Hahabulin natin sila," mabangis niyang utos sa dalawang security.

Nagpulasan paalis ang mga ito patungo sa underground parking na kinaroroonan ng sasakyan. Kailangan niyang ikalma ang sarili para makapag-isip nang tama. Huminga siya nang malalim at saglit na ipinikit ang mga mata. Kailangang huminahon.

"Bakit aalis si Larabelle?" usisa ni Margarett. "Nag-away ba kayo?"

"Si Zaila, may sinabi siguro sa kaniya." Dinukot niya ang cellphone at tinawagan si Myrna.

"Hello, Sir?"

"Send few of my security to the airport. Abangan nila roon sina Lara at Zaila. Umalis si Lara rito sa hospital."

"Sige po, Sir, ngayon din."

Tinapos niya ang tawag at lumipat sa contact profile ng kaibigan niyang opis
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status