Share

Chapter 21

KUNG wala lang ang mga rehas sa pagitan nila ay kanina pa nahampas ni Zaila sa bitbit na handbag si Lex. Naiinis siya. Gigil na gigil sa kabobohan ng lalaking ito. Akala niya magkatugma sila ng plano pero kumilos itong mag-isa. Ngayon kailangan niyang solohin ang pag-iisip ng paraan kung paano mailayo si Larabelle kay Leon. Malabo na ang lahat.

"Wala kang kwenta, Lex! Ang tanga mo talaga! Bakit mo iyon ginawa?" gigil na gigil niyang angil. "Dapat kinonsulta mo muna ako bago ka kumilos! Paano na iyan ngayon?"

"Shut up, you slut!"

"Ano'ng sinabi mo? Slut ako? Ikaw, bobo, walang utak! Tingnan mo nga iyang sarili mo, may magagawa ka pa ba riyan sa loob? Wala na! Talo ka na! Lampa ka talaga!" panunuya niya.

Hinampas nito ang rehas. "Tumahimik ka!"

Napaurong siya sa gulat.

"Bakit ikaw, may nagawa ka ba?" singhal nito. "Hindi mo nga malapitan si Leon, di ba? Huwag kang magyabang sa akin dahil parehas lang tayong walang silbi pagdating sa kaniya. Umalis ka na at huwag ka nang pumunta rit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status