Share

Chapter 22

PILYONG ngiti ang nagpakurba sa sulok ng labi ni Leon. Kunwaring hindi niya napansin si Larabelle na nakasilip sa kaniya mula sa may pintuan. Pagpasok pa lang niya rito kanina ay alam na niyang sinusundan siya ng dalaga.

Sinadya niyang halikan ang portrait nito para makita ang reaksiyon ng kasintahan. Magseselos ba ito? Pagseselosan ba nito ang sarili? Hindi klaro mula sa kinaroroonan nito kung sino ang nasa portrait pero tiyak halata naman na imahe iyon ng isang babae.

Mukhang nagseselos nga. May papadyak-padyak pa sa sahig. Urong-sulong kung lalapit o hindi. Nakikipagtalo siguro sa pride kung kokomprontahin siya.

Nakangising umalis siya sa harap ng portrait at nagtungo sa cabinet na kinalalagyan ng pinakahuling volume ng magazines nito. Nakikita niya ang malabo nitong reflection sa salamin ng mga cabinet. Patingkayad itong naglalakad. Ingat na ingat na huwag niyang maboking.

Pero pagsapit nito sa harap ng portrait ay nalaglag ang panga nito. Namilog ang mga mata at nakangaga hab
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status