Home / Romance / IN BED WITH A BILLIONAIRE / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of IN BED WITH A BILLIONAIRE: Chapter 31 - Chapter 40

47 Chapters

Chapter 31

"KUYA," humawak si Larissa sa bisig ni Louven. "Trust me on this, okay? I'll make a way for us." Pinisil ng lalaki ang palad niya. "I regret wasting time before I decide to make you mine, regardless if the world approves us or not. Sigurado ako sa nararamdaman ko para sa iyo at ilalaban ko 'to saan man tayo makarating." Wala siyang masabi. Shock pa rin siya at ang katawang-lupa niya. Pero hinahalukay na nang hindi maipaliwanag na ligaya ang buong sistema niya."Judge, can we start? Mayroon na lang tayong twenty minutes before the target schedule." Target schedule? Tinutukoy ba ng kuya niya ang kasal nila ni Coin mamayang alas diyes? Magtatanong pa sana siya kung ano'ng nangyari at paano ito nakaakyat roon sa kuwarto niya pero tumikhim na ang judge, hudyat na magsisimula na sila sa seremonya. "Lloyd, sa pinto kayo ni Bruno magbantay," utos ni Louven sa dalawang back-up. Agad sumunod ang dalawa. Nagsimula ang judge sa formal wedding rites habang mangha na nakatitig lamang siya sa
Read more

Chapter 32

NAHIGA si Larissa matapos palitan ng pambahay ang wedding gown na suot niya. Hindi na siya binalikan ni Louven. Gusto niyang bumaba para alamin kung ano na ang nangyari. Pero kung nagkagulo roon baka lalo lang lumala 'pag nagpakita pa siya tapos wala naman siyang intention na magpakasal kay Coin.Huminga siya nang malalim at niyakap ang malaking unan. Magsisinungaling na naman siya kay Coin para makalusot sa hindi niya pagsipot sa kasal. Hindi siya sigurado kung maniniwala pa ba sa kaniya ang lalaki. Ang ginawa niya ay below the belt na kung tutuusin, kahit pa walang ibang bisita, pinapahiya pa rin niya ito at ang pamilya nito. Kabado siyang bumaling sa gawi ng pinto nang marinig ang pag-alma ng seradora. Hindi kita mula roon sa bed ang pintuan pero nasisilip niya mula sa reflection sa salamin. Bulto ni Coin ang pumasok. He is wearing a charcoal wedding suit. Ang pogi nito pero banaag ang malamig na galit at lungkot sa mga mata. Bumangon siya. "Coin," sambit niyang kinukuyog ng ka
Read more

Chapter 33

NAKA-SAMPUNG missed calls na si Louven kay Larissa, hindi pa rin siya sinasagot ng asawa. Ano na naman kaya ang problema? Halos mabaliw na naman siya sa pag-iisip. Nag-ri-ring ang phone nito, ibig sabihin, nakapasok ang tawag. Sadyang ayaw lang nitong sagutin o baka may pumipigil. Si Coin ba? Hindi dapat niya iniwan sa bahay ng lalaking iyon si Larissa, kahit anak pa nito ang ipinagbubuntis ngayon ng babae. Siya naman ang kikilalaning tatay ng baby. Wala nang karapatan pa si Coin sa kahit ano'ng bahagi ng katawan ng asawa niya lalo na ang kalayaan nito. "Boss, nandito na tayo," pukaw ni Lloyd sa kaniya. Inangat niya ang ulo mula sa pagkasasandal sa head rest ng upuan. Pumarada ang itim na Hatchback Mercedes-Benz at bumaba siya, kasunod ni Lloyd. Nilingon niya si Bruno at senenyasan na magpaiwan na roon sa sasakyan at magmasid sa paligid. "Ayos na ba ang mga papeles nito?" Iginala niya ang paningin sa kabubuan ng bahay na pinagmamasdan niya ngayon. Naging abala siya nitong mga na
Read more

Chapter 34

NAPAIYAK na lang si Larissa habang mahigpit na hawak ang nanginginig na mga kamay ni Louven. Tinatanong niya kung ano'ng sinabi ni Laurice sa cellphone pero hindi nagsasalita ang lalaki. Nakayukyok ito sa mga tuhod matapos ang matinding silakbo nang pagluha na akala niya ay wala nang katapusan. "I'm sorry, I'm so sorry..." sambit na naman nito sa basag at namamaos na boses.Pang-ilang sorry na ba iyon? Hindi na niya mabilang. Tanging iyon lang ang mga salitang lumaya sa bibig nito mula pa kanina. Nakadama na siya nang antagonismo kay Laurice. Baka kung anu-ano na naman ang pinagsasabi ng babaeng iyon. Siguro may binabalak na naman para makuha ang kuya niya. "I'm sorry...Isay...""Tama na! Para saan ba ang sorry na iyan? Hindi ko maintindihan! Ano ba kasi ang sinabi ni Laurice sa iyo?" gigil niyang atungal. Hinaplos niya ang panga nito at hinahabol ang mga mata nitong pilit nitong iniiwas sa kaniya.Gumalaw ang mga panga nito sa marahas na pagkadidiin ng mga bagang. "Ang ginawa ko
Read more

Chapter 35

BINUKLAT ni Louven ang pahina ng mga dokumentong laman ng folder. Pinabasa ni Leon sa kaniya ang draft ng adoption papers niya. Bago na roon ang apelyido niya, imbis na Sanchez ay Zargonza na. "May gusto ka bang idagdag?" tanong ni Leon na nakamasid sa kaniya mula sa desk nito. "Any concerns and complaints?" Umiling siya. Siya pa ba ang magrereklamo? Siya na nga ang binigyan nito nang malaking pabor. Itiniklop niya ang folder at ibinaba sa mesita sa kaniyang harapan."Solve na ako rito, Kuya. Thank you.""So, shall we proceed to the final prints?" Tumango lang siya.Hindi pa rin mag-sink in sa kaniya ang lahat lalo na pagkatapos niyang malaman ang tungkol sa pwersahan niyang pag-angkin kay Larissa roon sa beach. Kahit may ginawa sila ng asawa roon sa penthouse kanina, kahit malaya nitong ipinagkaloob sa kaniya ang sarili, hindi nawawala ang bugso ng guilt sa utak niya. Ang bigat sa pakiramdam. Hindi niya naisip na capable siya sa ganoong klaseng kademonyohan at ang biktima ay ang
Read more

Chapter 36

NAKAUPO lamang sa kama si Larissa at pinapanood si Coin na nag-iimpake ng ilang gamit sa travelling bag. Mga gamit niya iyon. Alangan siyang magsalita dahil kanina pa tahimik ang binata. Hindi man lang ito nag-usisa kung saan siya galing. Para bang indikasyon iyon na ayaw man niya o hindi, sasama siya rito sa Spain. "This should be enough. We will buy some stuff in Spain, 'yong mga kulang na gamit mo." Halos mapaigtad siya. Finally, nagsalita rin ito. Nilunok niya ang bara sa lalamunan at inipon ang tapang sa dibdib. "Coin, kasi-""Sasama ka sa akin, Larissa, that's final." Hindi man niya natapos ang gustong sabihin. Sumimangot siya habang kinaladkad nito ang travelling bag patungo sa isang sulok. "Pupuntahan ko lang ang mga magulang ko. Do not close the door, babalik ako. Dito ako matutulog. You can sleep ahead." He directed towards the door, leaving her a warning look."Dito ka matutulog?" bulalas niya. "Wala akong gagawin sa iyo. Babantayan lang kita. Malingat lang ako saglit
Read more

Chapter 37

MAY nakamasid sa kanila. "Doctor na walang utak!" Marahas na itinulak ni Coin si Louven at tumayo kahit kinakapos ng hininga. Bulto ng tao 'yong namataan niyang nakakubli sa isa sa mga sasakyang nasa malapit. May camera. Naka-flash. Tiyak kinukunan sila ng video at pictures. Alistong hinabol niya nang tanaw ang papalayong anino. Tauhan ba iyon ng daddy niya? Posible. "Nasaan ang security mo?" aburidong baling niya kay Louven. Hinugot nito ang cellphone imbis na sagutin siya. Malamang ay napansin din nitong may nagmanman doon. "Lloyd, i-timbre mo sa iba, block all possible exits you find in this building. Abangan sa labas ng emergency expressway ang isang lalaki mula rito sa basement parking." Suntukan ang mga kilay nito habang binibigay ang utos sa kausap."Ano'ng nangyari? Bakit?" tarantang tanong ni Larissa na palipat-lipat sa kanila ni Louven ang tingin."Sino ang taong iyon? Kilala mo?" usisa ni Louven sa kaniya. Hinapit nito si Larissa. Inaalo ng haplos sa braso. "It's okay,
Read more

Chapter 38

HINDI siya tunay na Sanchez. Hindi niya totoong kapatid sina Larabelle, Larissa at Larry? Kung ganoon sino siya? Sino'ng mga magulang niya? Saan siya nagmula? Kanino? Mga tanong na nagpamanhid sa utak ni Louven. Pati buong katawan niya ay naubos ang lakas. Blangkong nakaupo si Louven sa bench habang ang paligid ay nababalot ng katahimikan. Hindi niya alam kung alin ang uunahin, ang magulo niyang isip o ang emosyon niyang wala na yatang katapusan ang pagyanig ng kirot. Dapat matuwa siya. Hindi sila tunay na magkadugo ni Larissa. Hindi kasalanan ang pagmamahalan nila. Hindi na magiging bawal. Malaya na sila. Pwede na niyang ipagsigawan na asawa niya ito at magkakaroon na sila ng anak. Dapat masaya siya.Pero hindi niya mahanap ang ganoong ligaya sa puso niya. Ang naroon ay malamig na galit. Sa loob ng mahabang panahon nabubuhay siya sa huwad na katauhan. Siguro may mabigat na rason ang mga magulang niya kaya siya hinayaang lumaki sa ibang pamilya. Siguro may rason kung bakit ang kinila
Read more

Chapter 39

HINDI siya tunay na Sanchez. Hindi niya totoong kapatid sina Larabelle, Larissa at Larry? Kung ganoon sino siya? Sino'ng mga magulang niya? Saan siya nagmula? Kanino? Mga tanong na nagpamanhid sa utak ni Louven. Pati buong katawan niya ay naubos ang lakas. Blangkong nakaupo si Louven sa bench habang ang paligid ay nababalot ng katahimikan. Hindi niya alam kung alin ang uunahin, ang magulo niyang isip o ang emosyon niyang wala na yatang katapusan ang pagyanig ng kirot. Dapat matuwa siya. Hindi sila tunay na magkadugo ni Larissa. Hindi kasalanan ang pagmamahalan nila. Hindi na magiging bawal. Malaya na sila. Pwede na niyang ipagsigawan na asawa niya ito at magkakaroon na sila ng anak. Dapat masaya siya.Pero hindi niya mahanap ang ganoong ligaya sa puso niya. Ang naroon ay malamig na galit. Sa loob ng mahabang panahon nabubuhay siya sa huwad na katauhan. Siguro may mabigat na rason ang mga magulang niya kaya siya hinayaang lumaki sa ibang pamilya. Siguro may rason kung bakit ang kinila
Read more

Chapter 40

KANINA pa roon sa food court ng university si Larissa. Inaabangan niya si Coin na mapag-isa. Hindi kasi siya makatiyempo nang lapit dahil kasama nito lagi ang barkada tuwing breaktime, idagdag pa ang mga babaeng sunod nang sunod dito. Nakita siya nito kanina nang dumating ito. Binati lang siya nang tango. Siguro sinadya nitong maupo sa mesa na malayo sa kinaroroonan niya. Obvious na gusto siya nitong iwasan. Naiintindihan naman niya pero kailangan niya itong makausap kahit sa huling pagkakataon man lang. Gusto niyang humingi nang tawad. Sumulyap ito sa gawi niya pero agad ding binawi ang paningin. Inubos na lang muna niya ang kinakaing ube cake na isinasawsaw niya sa ketchup. Iyon ang weird na cravings niya ngayong nagbubuntis siya. Nagmamadali siyang tumayo pagkaalis ng mga kaibigan ni Coin. Naghahanda na rin itong umalis kaya kumaripas na siya patungo sa kinaroroonan nito. Hindi na nito itinuloy ang pag-ahon mula sa silyang inuupuan. "Coin, pwede ba kitang makausap saglit?" Tum
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status