Share

Chapter 37

MAY nakamasid sa kanila.

"Doctor na walang utak!" Marahas na itinulak ni Coin si Louven at tumayo kahit kinakapos ng hininga.

Bulto ng tao 'yong namataan niyang nakakubli sa isa sa mga sasakyang nasa malapit. May camera. Naka-flash. Tiyak kinukunan sila ng video at pictures. Alistong hinabol niya nang tanaw ang papalayong anino.

Tauhan ba iyon ng daddy niya? Posible.

"Nasaan ang security mo?" aburidong baling niya kay Louven.

Hinugot nito ang cellphone imbis na sagutin siya. Malamang ay napansin din nitong may nagmanman doon. "Lloyd, i-timbre mo sa iba, block all possible exits you find in this building. Abangan sa labas ng emergency expressway ang isang lalaki mula rito sa basement parking." Suntukan ang mga kilay nito habang binibigay ang utos sa kausap.

"Ano'ng nangyari? Bakit?" tarantang tanong ni Larissa na palipat-lipat sa kanila ni Louven ang tingin.

"Sino ang taong iyon? Kilala mo?" usisa ni Louven sa kaniya. Hinapit nito si Larissa. Inaalo ng haplos sa braso. "It's okay,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status