Home / Romance / The President’s Illiterate Wife / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of The President’s Illiterate Wife: Chapter 41 - Chapter 50

143 Chapters

CHAPTER 41

NAGULAT na lamang si Millet nang biglang tumawag ang kanyang itay at tinakot siya na magpapamedia ito kung hindi siya magbibigay ng pera. Kasama nito ang pinsan niyang si Susan, ang panganay na anak ng kanyang Tiya Norma. Kailangan raw bayaran niya ang pagkamatay ng nanay nito. Nang dahil raw sa kanya ay nasangkot ang ina nito sa gulo niya.“Nasaan si Gabrielle, sya ang gusto naming makausap kung hindi’y susugod kami dyan sa Malakanyang!” sabi pa ni Susan sa kanya. Napilitan tuloy si Millet na ipakausap si Gabrielle sa pamilya niya.Nang hapon ring iyon ay pinadalhan ni Gabrielle ng pera ang mga naiwan ng kanyang Tiya Norma. Halagang five hundred thousand ang ibinigay nito ngunit hindi nasiyahan si Susan. Limang milyon ang hinihingi nito habang ang tatay naman niya ay humihingi ng isang milyon para kuno sa ‘danyos’ na idinulot ng nangyari kina Millet at sa Tiya Norma niya.Pati si Millet ay sumakit ang ulo sa ginagawa ng ama at ng mga kamag-anak niya. Ipinasa na lamang ni Gabrie
last updateLast Updated : 2024-08-23
Read more

CHAPTER 42

“MAKAKALABAS KA NA NG PALASYO! O gusto kong ipaalala saiyo ang divorce paper nyo ni Gabrielle?” Nagbabantang sabi ni Atty. Lianela Mendez habang hawak ang divorce paper nil ani Gabrielle na ibinalandra sa pagmumukha niya.Napangiti si Millet, “Hindi mo na ako mabobola ngayon, Atty. Hindi ako ang nakapirma sa pangalan ko. Fake ang divorce paper nay an dahil pineke nyo lang ang pirma ko.” Kalmadong sabi niya rito. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Atty. Lianela Mendez. Itinaas niya ang mukha sabay talikod dito, “Masyado akong busy para mag-aksaya ng oras sa iyo Atty. And next time, humingi ka muna ng appointment bago. . .” Hinila ni Atty. Lianea Mendez ang buhok niya.“Huwag mo akong pinagmamayabangan,” galit na galit na sabi nito sa kanya, “Hindi ko alam kung bakit ang tapang tapang mo na ngayon pero huwag mong kalilimutang dati ka lang katulong ng mga Dizon na umaastang akala mo ay kung sino.”Napangisi siya at buong tapang itong tiningnan, “Ikaw na rin ang may sabi, dati a
last updateLast Updated : 2024-08-25
Read more

CHAPTER 43

NAPAKURAP-KURAP SI GABRIELLE habang sinusundan niya ng tingin si Lianela. Bigla siyang kinilabutan at waring may gumapang na ahas sa kanyang katawan nang mapagtanto kung sino ang posibleng nasa likod ng nangyari kay Millet four years ago. “Damn,” sambit niya habang nagmamadaling pinuntahan sa kwarto nito si Millet. Kinatok niya ang kwarto nito. Bihis na bihis ito nang lumabas.“May kakausapin ako sa. . .”“Palagay ko may kinalaman si Lianela sa nangyari saiyo,” halos pabulong lang na sabi ni Gabrielle dito, “Malakas ang kutob kong hindi kalaban sa pulitika ang gustong pumatay saiyo. . .si Lianela, siya lang ang may motibo para sirain ka. . .”Nagkatinginan sila ni Millet.“Matagal ko ng kutob yan, Gabrielle. Wala lang akong matibay na ebedensya na pwedeng mag-connect sa kanya dahil patay na si Tiya Norma.” Halos paanas lamang na sabi sa kanya ni Millet.Niyakap niya ito nang mahigpit. Natatakot siya para sa buhay nito dahil nasa loob lamang naman pala ng palasyo ang kanilang tun
last updateLast Updated : 2024-08-25
Read more

CHAPTER 44

NGUNIT bago pa makapunta si Atty. Lianela Mendez sa lugar kung saan naroroon ang anak ni Gabrielle ay tinawagan na siya nito.“Kailangan nating mag-usap, Lianela,” anang lalaki sa kanya, “Ngayon na.” Giit nito.Napahinga siya ng malalim. Pagdating kay Gabrielle ay mahina siya kung kaya’t ipinagpaliban na muna niya ang pagpunta sa Mindanao at kaagad na hinarap ang lalaki. Nagulat na lamang siya nang paposasan siya nito.“What is this all about Gabrielle?” Hindi makapaniwalang tanong niya rito.“Ikaw ang nagtangkang magpapatay kay Millet!” galit na galit na sabi ni Gabrielle sa kanya, Ipinakita nito ang mga larawan habang nakikipagtagpo siya sa Tiyahin ni Millet na si Aling Norma pati na rin ang naging transaction niya sa bangko na tinanggap ng matanda na one hundred thousand pesos bilang paunang bayad sa kanilang sabwatan at ang recorded voice niya na nag-uutos ng planong pagpatay kay Millet.“Hindi totoo yan,” mariing tanggi ni Atty. Lianela Mendez, “Kung sinuman ang gumawa nyan, g
last updateLast Updated : 2024-08-26
Read more

CHAPTER 45

“TOTOO BANG MAY ANAK TAYO?” Tanong ni Gabrielle kay Millet hinawakan niya ito sa magkabilang balikat, “At nasa pangangalaga sya ni Mommy?” Matamang tanong niya rito.Hindi magawang tingnan ni Millet si Gabrielle.“Hanggang kailan mo balak itago sakin ang totoo?” Hindi makapaniwalang tanong ni Gabrielle, “Talaga bang hindi mo ako pinagkakatiwalaan?”“Nag-iingat lang ako. Ayokong pati anak natin malagay sa panganib,” sagot ni Millet.Napahinga ng malalim si Gabrielle. “I need to see our son now. Dalhin mo ako sa kanila.” Aniya kay Millet, “Bago pa tayo maunahan ng ibang tao.”Tumango si Millet. Ilang sandali pa ay sakay na sila ng helicopter patungo sa kinaroroonan ng kanyang anak at ina ni Gabrielle. Hindi makapaniwala ang ina nito nang magkaharap-harap sila.“Gabrielle, anak. . .” tinangkang hawakan ni Dr. Bernadette si Gabrielle ngunit kaagad itong lumayo sa ina sa halip ay kinuha nito si Adrian at nilingon si Millet.“Iuuwi na natin si Adrian. Hindi siya maaring lumaki sa gani
last updateLast Updated : 2024-08-30
Read more

CHAPTER 46

BINALIKAN NI GABRIELLE ANG INA. “Pinalalabas nyo bang gusto kayong ipapatay ni Daddy dahil nabisto nyo ang mga illegal transactions nya?”Tumango ang kanyang ina. Saka tiningnan siya ng matiim, “Sa palagay mo, magagawa kong sumama sa ibang lalaki at iwanan ka? Hindi ako ganuon kasamang tao, Gabrielle,” umiiyak na sabi nito sa kanya.Napakurap-kurap si Gabrielle. Hindi pa rin siya naniniwalang magagawa ito ng Daddy niya sa kanyang ina. Alam niya kung paano naghirap ang Daddy niya nang umalis ang Mommy niya sa kanila.“Naniniwala ka pa rin bang sumama ako sa ibang lalaki?”Hindi siya umimik.“Marami akong mga ebedensyang pinanghahawakan Gabrielle. Ayoko lang ilabas dahil makakaladkad pati ang pangalan mo oras na inilabas ko ang buong katotohanan tungkol sa ama mo.”Natahimik si Gabrielle.“Bigyan mo ako ng pagkakataon, Gabrielle. Patutunayan ko saiyong hindi ako nagsisinungaling,” nagsusumamong sabi ng kanyang ina sa kanya. Pumasok itong muli sa loob ng bahay at kahit nag-aatubi
last updateLast Updated : 2024-08-31
Read more

CHAPTER 47

“ANAK. . .” TINANGKANG hawakan ni Don Miguel si Gabrielle para magpaliwanag ngunit parang nandidiring umiwas siya rito.Sa ngayon ay ayaw na muna niyang makita ang ama.“All these years I was living in a lie. Mga kasinungalingang inembento nyo para lang paniwalain ako kung gaano kasamang tao si Mommy. Iyon naman pala, kayo ang tunay na masama. How could you do this Dad? How could you do this to your own son?” sigaw niya sa ama.“Alam kong napakalaki ng kasalanang nagawa ko saiyo at sa Mommy mo at walang araw na hindi ko pinagsisihan ang mga nagawa ko. . .lalo na sa Mommy mo pero. . .pero kung hindi ko ginawa ang mga ginawa ko, sa akala mo ba mabubuhay pa hanggang ngayon ang Mommy mo? Oo, pinagtangkaan ko siyang patayin dahil ikaw ang papatayin ng mga kasamahan ko kung hindi ko gagawin iyon. . .pero sa huli, umiral pa rin ang labis kong pagmamahal sa nanay mo kaya pinalabas ko na lang na namatay sya. . .anak, mas pinili kita kaya. . .kaya ko nagawa ang mga bagay na ginawa ko.”Nap
last updateLast Updated : 2024-09-04
Read more

CHAPTER 48

MATIYAGANG binantayan nina Dr. Bernadette at Millet sa ospital si Gabrielle. Naghahalinhinan lamang sila at sinisigurado na walang ibang makakapasok sa hospital suite nito kundi silang dalawa lamang. Ipinagbawal rin nila ang lahat ng media at tiniyak na mahigpit ang security ng ospital.Kahit ang mga malalaking tv network ay hindi nila pinagbigyan na makita ang kalagayan ni Gabrielle. Umiiwas rin sila sa mga interview.Sa loob ng isang buwan ay unconscious si Gabrielle kung kaya’t walang ginagawa si Millet kundi ang magdasal ng magdasal. Pugtong-pugto na nga ang mga mata niya sa kakaiyak. Hindi yata niya alam kung ano ang kanyang gagawin kapag hindi nan aka-recover pa si Gabrielle.Wala siyang ibang sisihin kundi ang kanyang sarili dahil siya ang nagdala kay Gabrielle sa kapahamakan.“Iha, magpahinga ka na muna. Ako ng bahala kay Gabrielle. At saka paniguradong hinahanap ka na ng apo ko. Sige na, umuwi ka na muna at magpahinga. Baka ikaw naman ang magkasakit dahil halos wala
last updateLast Updated : 2024-09-05
Read more

CHAPTER 49

MASAYA SI MILLET na makitang nagkamalay na si Gabrielle bagama’t hindi pa rin ito nakakapagsalita. Kailangan itong muling maoperahan sa lalong madaling. Ang inaalala nga lamang niya, hindi garantisado kung magbabalik pa sa normal ang lahat. Ngunit anuman ang mangyari ay hindi siya aalis sa tabi nito. Ngayon higit kailanman siya kailangan ni Gabrielle. Mahal niya ito at hinding-hindi niya ito iiwan kahit na ano pa ang mangyari.Kaya kahit napapagod ay araw-araw siyang nasa ospital para halinhan si Dr. Bernadette sa pagbabantay kay Gabrielle habang ang kanyang nanay naman ay siyang nag-aalaga kay Adrian kapag hindi niya ito naisasama sa ospital. Ngunit madalas ay isinasama niya ang anak sa ospital para kahit na paano ay maka-bonding ito ng ama kahit pa nga sabihing wala naman siyang nakikitang reaction mula kay Gabrielle.At least man lang, lumalaki ang anak na familiar dito ang mukha ni Gabrielle.Ngunit napapansin niyang tuwing siya ang nagbabantay kay Gabrielle ay parang umiiwas
last updateLast Updated : 2024-09-08
Read more

CHAPTER 50

RAMDAM NI MILLET na simula nang mabaril si Gabrielle ay maging paralisado ang kalahati nitong katawan ay palagi na itong galit sa kanya. Na para bang ayaw na nitong makita pa siya duon. Ni hindi nito naappreciate ang tulong na ibinibigay niya. “Iha, pagpasensyahan mo na lang si Gabrielle kung palaging mainit ang ulo saiyo. Siguro ay hindi lang niya matanggap na wala siyang magawa sa sitwasyon niya ngayon,” sabi ni Dr. Bernadette sa kanya, “Besides, he’s emotionally unstable dahil sa nangyari sa Daddy niya. Sunod-sunod ang mga nangyari at hindi niya matanggap ang lahat ng iyon. Alam mo namang halos buong buhay niya, minanipula ito ni Miguel.”“Siguro ako ang sinisisi nya sa nangyari sa kanya. K-kung hindi naman kasi dahil sa akin, hindi malalantad ang lahat ng bahong itinatago ni Don Miguel at hindi siya baba sa pwesto.” Malungkot na pahayag ni Millet.Hinagod ng babae ang kanyang buhok, “Iha, kung hindi dahil sa tapang mo, hanggang ngayon ay nabubuhay sa isang malaking kasinunga
last updateLast Updated : 2024-09-08
Read more
PREV
1
...
34567
...
15
DMCA.com Protection Status