Home / Romance / The President’s Illiterate Wife / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of The President’s Illiterate Wife: Chapter 31 - Chapter 40

143 Chapters

CHAPTER 31

NAPATAKBO sa banyo si Gabrielle nang mabalita ang natagpuang bangkay sa Mindanao na hinihinalang si Millet dahil sa mga gamit na suot nito. Matagal siyang naghintay sa pinag-usapan nilang lugar ngunit hindi siya nito sinipot. Bumabaligtad ang sikmura niya habang iniisip na patay na nga si Millet.“Mr. President. . .” Naririnig niyang tawag ng isa sa mga staffs niya ngunit hindi siya nagsasalita. Masamang-masama ang loob niya habang hindi niya namamalayang pumapatak na pala ang kanyang mga luha.Nang araw na kitain niya si Millet, hindi niya alam kung bakit kinutuban na siya na may hindi magandang mangyayari dito, naiisip pa nga niyang baka paranoid lamang siya dahil ano naman ang mapapala ng taong magtatangka ng masama laban dito? But then, naghanap siya ng malilipatan ng mga ito sa isang malayong lugar. Ngunit hindi na siya nito sinipot sa napag-usapan nilang lugar. At ngayon ay laman ng mga balita ang natagpuang bangkay ng isang babae sa Mindanao na pinaghihinalaang si Millet
last updateLast Updated : 2024-08-18
Read more

CHAPTER 32

NAPAPATIIM ang mga bagang ni Millet habang napapanuod sa tv ang mga balita tungkol sa kanya. Parang gustong-gusto na niyang tawagan ang kanyang ina para sabihin sa mga itong buhay na buhay siya ngunit pinagsabihan siya ni Dr. Bernadette Melacio na walang dapat na makaalam na buhay siya.Kailangan muna nilang magplano ng maayos bago sila lumantad. Ang sabi pa nito ay hintayin muna niyang makapanganak siya para masigurado ang kaligtasan ng bata. At naniniwala siyang tama ito.Kailangan nilang mag-ingat at mangalap ng mga ebedensya. Mas lalo ay kailangan muna niyang magpakalas at paghandaan ang muling paghaharap nila ng Presidente.Nagulat siya nang patayin na ni Doktora ang tv.“Tama na ang panunuod ng mga negative news at hindi yan makakatulong sa batang dinadala mo,” sabi nitong inilapag sa kanya ang isang dictionary, “Hasain mo ang utak mo habang nagpapalakas ka. Kailangan kita para matigil na ang mga kasamaan ni Miguel. Magtulungan tayo. Kung talagang may kinalaman nga ang an
last updateLast Updated : 2024-08-18
Read more

CHAPTER 33

UMIINOM NG ALAK SI DON MIGUEL habang binabalikan ang mga masasaya nilang alaala ni Bernadette. Sa totoo lang ay mahal na mahal niya ito at hanggang ngayon ay wala naman siyang ibang babaeng minahal maliban dito. Hindi nga ba at minsan ay sinubukan niyang tapusin na ang kanyang buhay nang mawala ito?Pero kinailangan niya itong ipapatay dahil natuklasan nito ang lahat niyang mga lihim. Kaya kahit na masakit ay naghire siya ng tauhan para ipapatay ito. Ngunit bago mangyari iyon, nagbago ang isip niya sa gabi mismo na naka-set up na ang kanyang hired killer para patayin ito.Hinayaan na lamang niyang makatakas ito at tinakot na manahimik kung hindi’y tutuluyan niya ang kanyang banta. Hindi na niya alam kung nasaan ngayon si Bernadette. Wala na siyang balita simula nang makatakas ito. Pero mainam na rin iyon. At least sa mata ng kanilang anak, ito ang masama.Pinalabas niyang sumama sa ibang lalaki si Beernadette. Iyon lang kasi ang paraan para mamuhi si Gabrielle sa ina at hindi
last updateLast Updated : 2024-08-18
Read more

CHAPTER 34

ARAW NG KAPANGANAKAN NI MILLET ay siya ring araw na nagtungo si Gabrielle sa Mindanao. Nagpahatid siya sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ni Millet kahit na tutol ang lahat niyang staffs lalo na si Lianela dahil pugad iyon ng mga rebelde. Ngunit nang araw na iyon ay hindi niya mapigilan ang sarili.Six months na simula nang mangyari iyon at tuluyan nang hindi nakita si Millet pero ewan ba niya kung bakit sa pinakatagong bahagi ng puso niya, nanduon pa rin ang kanyang paniniwalang isang araw ay muli silang magtatagpo kahit ang totoo, pakiramdam niya ay niloloko na lamang niya ang kanyang sarili.Nang makarating sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay na sinasabing si Millet ay nag-alay siya duon ng panalangin. Hindi naman siya nagtagal dahil pinilit siyang paalisin duon ng mga sundalo.Napilitan siyang sundin ang mga ito.Samantala ay lalaki ang isinilang na sanggol ni Millet. Mangiyak-ngiyak silang dalawa ni doktora habang nakatingin sa baby na ngayon pa lang ay mababanaag
last updateLast Updated : 2024-08-18
Read more

CHAPTER 35

APAT NA TAON ang matuling lumipas. Naghahanda na ang kampo ni Gabriel para sa susunod nitong termino kaya abala na ang lahat para sa maagang pangangampanya. Nakamonitor sina Bernadette at Millet sa lahat ng mga kaganapan nito sa buhay kaya ang laking gulat niya nang i-annunsyo ni Atty. Lianela Mendez na engage na ito kay Gabrielle.Hindi maipaliwanag ni Millet ang eksaktong nararamdaman ng mga sandaling iyon. Ang sigurado lang niya, sa kabila ng ginawa ni Gabrielle sa kanya, may natitira pa rin siyang pagtingin dito kahit na paano. Well, hindi naman siguro nawala iyon. Natabunan lang ng galit. Tanga nga marahil siya dahil kahit na anong pilit ang gawin niya, hindi niya ito magawang iwaksi sa kanyang puso kahit na sinasabi ng utak niya na dapat ay magising na siya sa katotohanan.“I think it’s about time na lumantad ka na, Millet,” sabi ni Doktora Bernadette sa kanya habang pinanunuod si Att. Lianela Mendez sa tv, “Gulatin mo sila saiyong pagbabalik.”Tumango siya, “I’m still his
last updateLast Updated : 2024-08-21
Read more

CHAPTER 36

“OPO, pinagtangkaan ang buhay ko at hindi ko pa alam kung sino ang nasa likod nito kaya kinailangan kong magtago. Mahirap magtiwala lalo na kung hindi mo alam kung sino ang dapat mong pagkatiwalaan. Pero alam kong hindi ako makakapagtago habang buhay kaya nagpasya na akong lumabas. May gusto lang po akong linawin, una, hindi ko pinagtaksilan ang mahal na pangulo. Mayroon lang gustong sumira sa pagkatao ko, hindi ko alam kung bakit. Pangalawa, hindi mga rebelde ang tumugis sa akin. Kinidnap ako dito sa Maynila at dinala ako sa Mindanao. Kaya mali po ang mga balitang lumabas sa pahayagan na tumakas ako kasama ng kalaguyo ko at nagpuntang Mindanao pero tinugis kami ng mga rebelde,” paliwanag ni Millet sa conference room, “Ang totoo, kasama ko si Tiya Norma at siya ang natagpuang bangkay,” napaiyak siya nang maalala ang mga pangyayari, “Ngunit kung sinuman ang nasa likod ng tangkang pagpatay sa akin, at ang pagkamatay ng Tiyahin ko, binabalaan ko na siya. Mananagot siya sa batas,”
last updateLast Updated : 2024-08-22
Read more

CHAPTER 37

“KUMUSTA na po si Adriane, doktora?” Tanong ni Millet kay Doktora Bernadette habang kausap niya ito sa telepono, “Miss na miss ko na po ang anak ko. First time na hindi kami magtatabi sa pagtulog. Pero hindi pa pwedeng malaman ni Gabrielle ang tungkol sa bata.”“Iha, wag kang mag-aalala, ako ang bahala sa apo ko. Ano nang lagay mo dyan?” Tanong nito sa kanya.“Nandito ako sa Malakanyang. Pero ayokong makisama sa iisang kuwarto. Bukas, makikipagkita ako kina inay.” Balita nya rito. “Mabuti. Basta mag-iingat ka, lalo na kay Atty. Mendez at kay Miguel,” paalala nito sa kanya.“Maraming salamat po,” sabi niya habang naririnig ang mahihinang katok mula sa labas ng kanyang kuwarto. “Tatawagan ko na lang po kayo ulit para sa update.” Pinatayan na niya ito ng telepono saka nagmamadaling tumayo para pagbuksan ang kumakatok sa pinto. Nabungaran niya si Gabrielle. Hindi niya alam kung guni-guni lamang niya ang piping pananabik sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.“May kailangan
last updateLast Updated : 2024-08-22
Read more

CHAPTER 38

SA HALIP NA MATUWA, ISANG MALAKAS na sampal ang natanggap ni Millet mula sa ama nang magkaharap sila.“Nagawa mo akong tikisin nang matagal? Ni hindi mo man lang naisip ang kalagayan ko! Hindi mo man lang ako naalalang padalhan ng pera! At yang magaling mong asawa, naturingang pangulo pero walang kwenta!!!”“Itay,” masamang-masama ang loob na tiningnan niya ang ama, “Mas iniisip nyo pa ang sustento nyo kesa sa akin? Hindi ba kayo masayang makitang buhay ako?” Parang maiiyak na sabi niya rito ngunit matigas ang kalooban ng ama. Minsan tuloy ay naiisip niya kung tunay nga ba siya nitong anak dahil kahit na kailan ay hindi niya naramdaman ang pagkalinga ng isang magulang mula rito.“Lintek, dinadramahan mo pa ako? Alam mong may sakit ako at kailangan ko ng maintenance!”Tumigas ang mukha niya, “Wala kayong sakit ‘tay. Alam kong nagpapanggap lang kayo! Hindi ba ipinambabae nyo lang iyong mga perang ipinapadala ko sa inyo nuon?” Matapang na sumbat niya sa ama.Akmang sasampalin siya
last updateLast Updated : 2024-08-22
Read more

CHAPTER 39

NAGBIHIS NG MAAYOS SI MILLET. Pinaghandaan niyang mabuti ang paghaharap nilang ito ni Atty. Lianela Mendez. Nagpamake up pa siya at nagsuot ng mamahaling bestida. Tiniyak rin niyang mabangong-mabango siya at mukha siyang mayaman ng araw na iyon. Isinama siya ni Gabrielle sa birthday party ng isa sa mga senador. “Kasama pa rin ito sa palabas, Gabrielle,” bulong niya rito nang maging extra sweet siya kay Gabrielle pagpasok nila sa bulwagan. Nang makita siya ng mga tao ay awtimatikong naka-plaster ang kanyang mga ngiti. Ito ang natutunan niya sa ilang buwan niyang pagsama-sama sa mga kampanya ni Gabrielle. Kahit pagod or galit, basta sa harap ng mga tao ay kinakailangang nakangiti sila.Talagang naninibago si Gabrielle kay Millet. Alam niyang iniisip nitong may kinalaman siya sa nangyari dito at hindi naman niya ito masisisi kung mag-isip man ito sa kanya ng ganuon. Pero patutunayan niya na malinis ang konsensya niya.Nakita niya si Atty. Lianela Mendez na papalapit sa kanila. K
last updateLast Updated : 2024-08-22
Read more

CHAPTER 40

HATINGGABI na nang makabalik sila sa palasyo. Nasa may pinto siya ng kanyang kuwarto nang subukan ni Gabrielle na halikan siya. Napakislot siya lalo pa at naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang katawan.“I missed doing this to you,” halos paanas lamang na sambit ni Gabrielle sa kanya, dumako ang mga labi nito sa likuran ng kanyang tainga.Napasinghap si Millet sa nakakakiliting dinudulot ng ginawa nito. Huminga siya ng malalim. Kinailangan niyang gawin iyon kung hindi’y matutupok na naman siya nito. “I’m tired,” malamig ang tinig na sabi niya saka mabilis nang pumasok sa kanyang silid. Para siyang hinahapo nang isara niya ang pinto habang naiwan sa labas si Gabrielle.Tiniyak niyang naka-lock iyon. Nagmamadali niyang hinubad ang suot na gown at nagtungo sa banyo. Nangangatal ang kanyang kamay habang binubuksan ang shower. Itinapat niya ang kanyang katawan sa tubig upang pawiin ang init na kanyang nararamdaman.Mahal talaga niya si Gabrielle. Ngunit nangako siya sa kanyang
last updateLast Updated : 2024-08-23
Read more
PREV
123456
...
15
DMCA.com Protection Status