Share

CHAPTER 37

“KUMUSTA na po si Adriane, doktora?” Tanong ni Millet kay Doktora Bernadette habang kausap niya ito sa telepono, “Miss na miss ko na po ang anak ko. First time na hindi kami magtatabi sa pagtulog. Pero hindi pa pwedeng malaman ni Gabrielle ang tungkol sa bata.”

“Iha, wag kang mag-aalala, ako ang bahala sa apo ko. Ano nang lagay mo dyan?” Tanong nito sa kanya.

“Nandito ako sa Malakanyang. Pero ayokong makisama sa iisang kuwarto. Bukas, makikipagkita ako kina inay.” Balita nya rito.

“Mabuti. Basta mag-iingat ka, lalo na kay Atty. Mendez at kay Miguel,” paalala nito sa kanya.

“Maraming salamat po,” sabi niya habang naririnig ang mahihinang katok mula sa labas ng kanyang kuwarto. “Tatawagan ko na lang po kayo ulit para sa update.” Pinatayan na niya ito ng telepono saka nagmamadaling tumayo para pagbuksan ang kumakatok sa pinto. Nabungaran niya si Gabrielle. Hindi niya alam kung guni-guni lamang niya ang piping pananabik sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

“May kailangan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status