“ANAK. . .” TINANGKANG hawakan ni Don Miguel si Gabrielle para magpaliwanag ngunit parang nandidiring umiwas siya rito.Sa ngayon ay ayaw na muna niyang makita ang ama.“All these years I was living in a lie. Mga kasinungalingang inembento nyo para lang paniwalain ako kung gaano kasamang tao si Mommy. Iyon naman pala, kayo ang tunay na masama. How could you do this Dad? How could you do this to your own son?” sigaw niya sa ama.“Alam kong napakalaki ng kasalanang nagawa ko saiyo at sa Mommy mo at walang araw na hindi ko pinagsisihan ang mga nagawa ko. . .lalo na sa Mommy mo pero. . .pero kung hindi ko ginawa ang mga ginawa ko, sa akala mo ba mabubuhay pa hanggang ngayon ang Mommy mo? Oo, pinagtangkaan ko siyang patayin dahil ikaw ang papatayin ng mga kasamahan ko kung hindi ko gagawin iyon. . .pero sa huli, umiral pa rin ang labis kong pagmamahal sa nanay mo kaya pinalabas ko na lang na namatay sya. . .anak, mas pinili kita kaya. . .kaya ko nagawa ang mga bagay na ginawa ko.”Nap
MATIYAGANG binantayan nina Dr. Bernadette at Millet sa ospital si Gabrielle. Naghahalinhinan lamang sila at sinisigurado na walang ibang makakapasok sa hospital suite nito kundi silang dalawa lamang. Ipinagbawal rin nila ang lahat ng media at tiniyak na mahigpit ang security ng ospital.Kahit ang mga malalaking tv network ay hindi nila pinagbigyan na makita ang kalagayan ni Gabrielle. Umiiwas rin sila sa mga interview.Sa loob ng isang buwan ay unconscious si Gabrielle kung kaya’t walang ginagawa si Millet kundi ang magdasal ng magdasal. Pugtong-pugto na nga ang mga mata niya sa kakaiyak. Hindi yata niya alam kung ano ang kanyang gagawin kapag hindi nan aka-recover pa si Gabrielle.Wala siyang ibang sisihin kundi ang kanyang sarili dahil siya ang nagdala kay Gabrielle sa kapahamakan.“Iha, magpahinga ka na muna. Ako ng bahala kay Gabrielle. At saka paniguradong hinahanap ka na ng apo ko. Sige na, umuwi ka na muna at magpahinga. Baka ikaw naman ang magkasakit dahil halos wala
MASAYA SI MILLET na makitang nagkamalay na si Gabrielle bagama’t hindi pa rin ito nakakapagsalita. Kailangan itong muling maoperahan sa lalong madaling. Ang inaalala nga lamang niya, hindi garantisado kung magbabalik pa sa normal ang lahat. Ngunit anuman ang mangyari ay hindi siya aalis sa tabi nito. Ngayon higit kailanman siya kailangan ni Gabrielle. Mahal niya ito at hinding-hindi niya ito iiwan kahit na ano pa ang mangyari.Kaya kahit napapagod ay araw-araw siyang nasa ospital para halinhan si Dr. Bernadette sa pagbabantay kay Gabrielle habang ang kanyang nanay naman ay siyang nag-aalaga kay Adrian kapag hindi niya ito naisasama sa ospital. Ngunit madalas ay isinasama niya ang anak sa ospital para kahit na paano ay maka-bonding ito ng ama kahit pa nga sabihing wala naman siyang nakikitang reaction mula kay Gabrielle.At least man lang, lumalaki ang anak na familiar dito ang mukha ni Gabrielle.Ngunit napapansin niyang tuwing siya ang nagbabantay kay Gabrielle ay parang umiiwas
RAMDAM NI MILLET na simula nang mabaril si Gabrielle ay maging paralisado ang kalahati nitong katawan ay palagi na itong galit sa kanya. Na para bang ayaw na nitong makita pa siya duon. Ni hindi nito naappreciate ang tulong na ibinibigay niya. “Iha, pagpasensyahan mo na lang si Gabrielle kung palaging mainit ang ulo saiyo. Siguro ay hindi lang niya matanggap na wala siyang magawa sa sitwasyon niya ngayon,” sabi ni Dr. Bernadette sa kanya, “Besides, he’s emotionally unstable dahil sa nangyari sa Daddy niya. Sunod-sunod ang mga nangyari at hindi niya matanggap ang lahat ng iyon. Alam mo namang halos buong buhay niya, minanipula ito ni Miguel.”“Siguro ako ang sinisisi nya sa nangyari sa kanya. K-kung hindi naman kasi dahil sa akin, hindi malalantad ang lahat ng bahong itinatago ni Don Miguel at hindi siya baba sa pwesto.” Malungkot na pahayag ni Millet.Hinagod ng babae ang kanyang buhok, “Iha, kung hindi dahil sa tapang mo, hanggang ngayon ay nabubuhay sa isang malaking kasinunga
NAGPROPROTESTA SI GABRIELLE ngunit wala na siyang nagawa nang si Millet ang magpaligo sa kanya. Hiyang-hiya siyang makita nito na wala ng silbi pa ang kanyang pagkalalaki. Kung siya lamang ang masusunod, ayaw na niya itong makita pa dahil pakiramdam niya ay mas lalo siyang nanliliit na makita nito ang kanyang mga kahinaan. Ano pa bang maipagmamalaki niya? Galing siya sa dysfunctional na pamilya. Isang criminal ang ama niya. Iyong inaakala niyang marangal na tao at tiningala niya ng halos buong buhay niya, pinagloloko lamang naman pala siya.Kung tutuusin, walang ipinagkaiba ang ama ni Millet sa Daddy niya. Pareho lamang manloloko ang mga ito. Nanliliit siya ngayon kaya mas gusto na lamang niyang umalis na si Millet.“Palagay mo ba, magbabago ang pagtingin ko saiyo kapag pinagtiyagaan mo ako?” Sita niya kay Millet, ayaw niya itong tingnan sa kanyang mga mata kaya hangga’t maari ay iniiwasan niyang magsalubong man lang ang kanilang mga paningin, “Paulit-ulit kong sasabihin saiyo
NAGULAT SI MILLET nang hawiin ni Gabrielle ang mga pagkain na ipinatong niya sa mesa para dito.“Gabrielle?” Nagtatakang tanong niya.“Hindi ako nagugutom,” galit na sabi nito sa kanya.“Pwede mo namang hindi kainin, hindi ba? Pero iyong itatapon mo pa ang mga pagkaing niluto ko, sobra ka na.” napipikong sabi niya dito.“Napapagod ka na? Bakit hindi ka na lang umalis kung nagrereklamo ka!” May sarcasm na tanong nito sa kanya.“Gabrielle, ano bang nangyayari saiyo?” Parang maiiyak nang tanong niya dito, “Pinagsisilbihan kita dahil gusto ko. Para saiyo at para sa anak natin kaya ko ginagawa ito. Sana naman maappreciate mo man lang kahit na paano ang ginagawa ko.”Ngunit sa halip na pakinggan siya ni Gabrielle ay pinatakbo nito ang wheel chair palayo sa kanya.Napakagat labi siya. Minsan ay parang gusto na rin niyang sumuko kaya lang ay ayaw naman niya itong iwan. Gusto niyang maramdaman nito na nandito lang sya kahit na ano ang mangyari.Umiiyak na isa-isang niyang dinampot ang mga
ALAM ni Gabrielle na wala na sa lugar ang kasungitan niya ngunit sinasadya talaga niya iyon para galitin si Millet. Gusto niyang iwanan na siya nito para hindi na ito mahirapan pa sa kanya.Bata pa si Millet at gusto na niya itong bigyan ng kalayaan dahil hindi na rin naman niya maibibigay ang mga pangangailangan nito bilang babae. Pero mapilit si Millet na pagtiyagaan siya. Kung ginagawa nito iyon dahil sa pagmamahal sa kanya, hindi niya sigurado. Ang tiyak lang niya, nag-aaksaya lang ito ng oras sa kanya.Napalingon siya nang bumukas ang kanyang kuwarto. Nakita niya ang kanyang ina, bakas ang labis na pag-aalala sa mukha nito.“Anak, bakit ba pilit mong tinataboy si Millet palayo saiyo?” Tanong nito sa kanya, “Hindi ka ba masayang nandito siya para saiyo at. . .”“Hindi ko kailangan ng awa nya!” Matabang na sagot niya sa ina. Lumapit ang matanda sa kanya at ginagap ang kanyang mga kamay.“Anak, ito pa ba ang dapat mong isukli sa lahat ng ginagawa niya saiyo?” Tila nakikiusap n
(PAUNAWA: Ang nobelang ito ay kathang isip lamang. Alam ko pong sa totoong buhay, hindi qualified maging president ng Pilipinas ang isang twenty seven years old. But since fiction lang ito, hayaan nyo pong gumana ang ating mga imagination. Parang ang pangit kasi kung masyadong matanda na ang gagawin kong leading man sa aking kwento.}NAGISING na lamang si Millet na hubo’t hubad katabi ng kanyang amo na si Mr. Gabrielle Dizon, at gaya niya ay wala rin itong saplot sa katawan. Nangangatal ang katawan na bumangon siya at nagmamadaling nagbihis. Para siyang maiiyak lalo pa at wala siyang matandaan kung paano siyang napunta sa kwarto nito. Nagulat siya nang pagbukas ng pinto ay maraming camera ang kumuha ng larawan niya, pati na rin sa amo niya na kasalukuyang mahimbing pa ang tulog.Tinakpan niya ang kanyang mukha at patakbong nagtungo sa servant’s quarter ngunit may ilan sa mga reporters ang sumunod sa kanya.Samantala, naulinigan ni Gabrielle ang ingay na nagmumula sa kwarto niya