Share

CHAPTER 53

Author: Michelle Vito
last update Huling Na-update: 2024-09-13 03:53:35

ALAM ni Gabrielle na wala na sa lugar ang kasungitan niya ngunit sinasadya talaga niya iyon para galitin si Millet. Gusto niyang iwanan na siya nito para hindi na ito mahirapan pa sa kanya.

Bata pa si Millet at gusto na niya itong bigyan ng kalayaan dahil hindi na rin naman niya maibibigay ang mga pangangailangan nito bilang babae. Pero mapilit si Millet na pagtiyagaan siya. Kung ginagawa nito iyon dahil sa pagmamahal sa kanya, hindi niya sigurado. Ang tiyak lang niya, nag-aaksaya lang ito ng oras sa kanya.

Napalingon siya nang bumukas ang kanyang kuwarto. Nakita niya ang kanyang ina, bakas ang labis na pag-aalala sa mukha nito.

“Anak, bakit ba pilit mong tinataboy si Millet palayo saiyo?” Tanong nito sa kanya, “Hindi ka ba masayang nandito siya para saiyo at. . .”

“Hindi ko kailangan ng awa nya!” Matabang na sagot niya sa ina. Lumapit ang matanda sa kanya at ginagap ang kanyang mga kamay.

“Anak, ito pa ba ang dapat mong isukli sa lahat ng ginagawa niya saiyo?” Tila nakikiusap n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 54

    NAKATANGGAP NG TAWAG SI MILLET mula sa unibersidad na kanyang pinag-applayan. Masayang-masaya siyang natanggap siya at naipasa niya ang eksaminasyon para makapag-college.“Accelerated na po ako. Tinanggap nila ako sa kolehiyo,” mangiyak-ngiyak na balita ni Millet kay Dra. Bernadette, “Maraming salamat po sa tulong ninyo. Matutupad na ang pangarap kong maging guro.”“Masayang-masaya ako para saiyo, iha. Bah, dapat pala tayong mag-celebrate. Lumabas tayo nina Gabrielle. . .” anang ginang sa kanya.Paglingon niya ay nakita niya sa may pintuan si Gabrielle. Excited na nilapitan niya ito, “Gabrielle, natanggap ako sa. . .” Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay pinatakbo na nito ang wheel chair pabalik sa kwarto nito.“Masama lang siguro ang gising,” sabi sa kanya ni Dra. Bernadette.“P-palagi na lang pong masama ang gising nya,” may pait sa mga labing sagot ni Millet dito, huminga siya ng malalim, “Tayo na lang pong tatlo ni Adrian ang lumabas. Magcelebrate po tayo.”“Sige,”

    Huling Na-update : 2024-09-23
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 55

    NAPAKISLOT SI GABRIELLE nang marinig ang pagdating nina Millet mula sa celebration. Nilingon niya ang wall clock. Ala una na ng madaling araw. Hah, nasobrahan naman yata sa pagcecelebrate ang mga ito?Nagpilit siyang sumakay sa kanyang wheel chair. Madilim ang anyong sinalubong niya ang mga ito.“Oh, Gabrielle, gising ka pa pala?” Nakangiting bati ng ina niya sa kanya, “May dala kaming cake, saluhan mo kaming mag-coffee,” anito sa kanya.“Hindi pa pala tapos ang celebration ninyo?” Matabang na tanong niya rito saka madilim ang anyong tiningnan si Millet pati ang lalaking kasama ng mga ito. Ito ang lalaking nakita niya nuon na katawanan ni Millet. Anong ginagawa ng lalaking ito dito?“Ah, siyanga pala, si Dominic, anak ng kaibigan ko. Siya ang naghatid sa amin dito. Siya rin ang nagtuturo kay Millet na magmaneho.” Anang ina niya sa kanya.“Kumusta pare?” Nakangiting tanong ng lalaki sa kanya. Inilahad nito ang isang kamay para makipagkamay sa kanya.“Obvious naman kung ano ang

    Huling Na-update : 2024-09-25
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 56

    “SAAN KA PUPUNTA?” Nagtatakang tanong ni Millet at ng ina nito kinabukasang magising sila na sinusundo na si Gabrielle ng isang lalaki na nuon lamang nila nakita.“Magpapakalayo-layo,” matabang na sagot ni Gabrielle sa kanila, tiningnan siya nito ng matiim, “Tapos na ang drama nating ito. Wala na akong pakialam kung malaman man ng mga tao na palabas lang ang lahat ng tungkol sa atin, total, wala na naman akong kailangang protektahan.” Nakaismid na sabi ni Gabrielle kay Millet, “Huwag kang mag-aalala, susuportahan ko pa rin ang lahat ng mga pangangailangan ni Adrian kung yan ang pinag-aalala mo kaya hindi mo ako maiwan-iwan.”“Alam mong hindi totoo yan,” hindi makapaniwalang sabi ni Millet, “Hindi pa ba malinaw saiyo na mahal kita at. . .”“Tigilan mo na ang kalokohan mong yan!” Bulyaw ni Gabrielle sa kanya, “Sa palagay mo, magugustuhan ko ang isang kagaya mo?” Nang-iinsultong sabi nito sa kanya. “Hah, masyado kang ambisyosa!”Nagulat siya sa masasakit na salitang sinabi sa kanya ni G

    Huling Na-update : 2024-09-25
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 57

    LIMANG TAON ang matuling lumipas. Kakapasa lamang ni Millet sa board exam at masayang-masaya siya na ngayon ay isa na siyang lehitimong guro. Hindi siya makapaniwalang nagawa niyang mapagtagumpayan ang lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan niya.Sa tulong ng kanyang ina at ni Doctora Bernadette ay napagtulungan nila ang pag-aalaga kay Adrian and so far ay maayos itong lumalaki bagamat may mga sandaling nagtatanong ito tungkol kay Gabrielle.Sabagay, maging siya ay madalas ring napapaisip kung kumusta na ba ito ngayon. Pagkatapos nitong lumayo, tuluyan nang naputol ang komunikasyon niya rito bagama’t hindi naman ito humihinto ng pagsuporta para kay Adrian. Actually, sobra-sobra ang perang ipinapadala nito para sa bata. Pero para sa kanya, hindi lang naman financial support ang mahalaga.At aaminin niya, hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito. Hindi naman nagbago ang pagtingin niya rito kahit pa nga may mga sandaling nagagalit siya dahil basta na lamang itong umalis at pagkatapos

    Huling Na-update : 2024-10-01
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 58

    BUMISITA SI DOMINIC kina Millet at kasalukuyan silang nagdi-dinner nang may magdoor bell.“Ako na,” sabi niya sa katulong, nagmamadali na siyang tumayo. Nagulat siya nang mabungaran si Gabrielle na nakatayo sa pintuan. Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaction. “G-Gabrielle. . .” parang may bumara sa kanyang lalamunan nang banggitin ang pangalan nito, Napansin niyang wala na itong gamit na wheel chair or saklay. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata.“S-siguro naman ay welcome pa ako dito. G-gusto kong makita ang anak natin,” sabi nito sa kanya.Tumango siya at pinapasok na ito sa loob. Napansin niyang bahagya itong natigilan nang makita si Dominic.“Nagkakilala na kayo ni Dominic, hindi ba?” aniya rito. Tumayo si Dominic at nakipagkamay sa kanya.“Kumusta, pare?” nakangiting bati dito ni Dominic.“Okay naman,” sabi ni Gabrielle, nakipagkamay rin ito sa lalaki saka nilapitan si Adrian at niyakap. Ni hindi niya nakita ang excitement sa mukha ni Adrian nang

    Huling Na-update : 2024-10-01
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 59

    “MUKHANG OKAY naman kayo ni Dominic,” sabi ni Gabrielle kay Millet. Pilit niyang binabasa ang magiging reaction nito sa sinabi niya. Sinikap niyang huwag ipahalatang nageseselos siya kahit na ang totoo, parang may matalas na bagay ang gumuhit sa dibdib niya nang maabutan kanina sa bahay si Dominic.Nuong nagpapagaling siya sa Amerika ay parang gusto na niyang hilahin ang mga araw. Nasasabik na siyang makita ang kanyang mag-ina. Kahit naman kailan ay hindi nawaglit sa isipan niya si Millet.Ngunit sa halip na sagutin nito ang sinabi niya ay tiningnan siya nito ng matiim, “Ano ngayon ang plano mo?”“Asikasuhin ang mga negosyong matagal ko ring napabayaan. May nakuha na akong condominium na titirahan ko. Ang bahay na ito ay ipinauubaya ko na sa inyong mag-ina. Alam ko namang hindi ka magiging komportable na makasama ako sa bahay. Besides, hindi rin naman siguro gugustuhin ni Dominic na makita ako kasama ka sa iisang bubong. Ang sa akin lang, hayaan mo akong makabawi kay Adrian sa

    Huling Na-update : 2024-10-04
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 60

    HINDI MAKATULOG SI MILLET. Bumangon siya para kumuha ng gatas, nagkataong gising pa rin si Gabrielle at gaya niya ay hindi rin ito makatulog. Hindi niya alam kung guni-guni lamang niya ang kasabikang nakita niya sa mga mata nito nang tingnan siya.“Kukuha lang sana ako ng gatas, h-hindi rin ako makatulog,” medyo naiilang na sabi niya rito lalo pa at alam niyang manipis lamang ang pajama top na suot niya at wala siyang bra. Namula ang mukha niya nang mahuling dumako duon ang mga tingin ni Gabrielle.Naramdaman marahil ni Gabrielle ang pagkaasiwa niya kaya nagmamadali nitong iniiwas ang paningin, “I. . .I’m sorry,” narinig pa niyang halos paanas na sambit nito. Mabilis nitong tinungga ang hawak na baso ng tubig saka nagmamadali nang bumalik sa kwarto nito. Naiwan siyang napapakurap-kurap, at ewan kung bakit biglang sumagi sa kanya ang mga sandaling nakakulong siya sa mga bisig nito.HUMIHINGAL SI GABRIELLE nang makabalik siya sa kanyang kuwarto dahil ramdam niya ang pag-iinit ng kan

    Huling Na-update : 2024-10-04
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 61

    “Tama po kayo dra. In fact nag-usap na kami ni Dominic tungkol dyan. I’m not getting any younger at gusto ko rin namang magkaroon ng pamilya eventually,” sagot ni Millet kay Dra. Bernadette.Samantala ay napahinto sa may pintuan si Gabrielle nang marinig ang pinag-uusapang iyon nina Millet at ng kanyang ina. Para tuloy nagdadalawang isip na siya kung tutuloy pa ba siya sa loob or hindi. Mahal niya si Millet ngunit kung nakapagdesisyon na si Millet tungkol kay Dominic, magiging panggulo lamang siya sa relasyon ng mga ito.Magbakasakali kaya siya? Takot siya sa rejection lalo pa at maraming masasakit na bagay ang nasabi niya nuon kay Millet. Laglag ang balikat na bumalik siya sa kanyang sasakyan at pinuntahan si Adrian sa eskwelahan nito.Halos isang oras siyang naghihintay sa paglabas nito. Ipinaalam rin niya kay Millet na siya na lamang ang susundo sa anak nila.“Dad. . .?” tila gulat na sabi ng bata nang makita siya.“Ipinaalam ko na sa Mommy mo na ako na ang susundo saiyo from

    Huling Na-update : 2024-10-05

Pinakabagong kabanata

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 071

    PARANG MABABALIW SI ANTHONY HABANG hindi malaman kung nasaan si Selena. Kanina pa niya tinatawagan ang phone nito ngunit ‘can’t be reach’ iyon. Maski si Archie ay tinawagan na rin niya para magpatulong na hanapin si Selena. Kumikilos na rin ang lahat niyang mga tauhan para matukoy kung nasaan ito.Nagagalit siya sa kanyang sarili. Dapat ay twenty four hours siyang nasa tabi nito para hindi na maulit ang mga nangyari nuon. Sobra na siyang nag-aalala lalo pa at alas-nuebe na ng gabi ay wala pa rin ito sa bahay. Lahat na ng maari niyang mapagtanungan ay tinawagan na niya ngunit walang makapagsabi kung nasaan ito. Hindi na siya nagdalawang isip pa, kaagad niyang pinuntahan si Christine.“Nasaan si Selena?” Ulit niya sa tanong, nang hindi pa rin nito sinasagot ang tanong niya ay kinaladkad na niya ito papunta sa kanyang sasakyan. Nagwawala ito kaya itinali niya ang mga kamay nito at tiniyak na naka-seatbelt ito ng maayos saka nagmamadaling pinatakbo ang sasakyan, “Uulitin ko, saan

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 070

    ISANG MALAKAS na sampal ang ibinigay ni Don Narciso kay Christine. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na napagbuhatan niya ito ng kamay. Hindi naman siya manhid, mas lalong hindi siya ilusyunado, alam naman niyang ibinibigay lamang ni Christine ang katawan sa kanya, kapalit ng mga ipinagagawa nito sa kanya. Ramdam naman niyang kahit anong gawin niya, hindi niya mapapalitan ang katotohanang si Anthony ang mahal nito.Pero masakit pa rin para sa kanya na sa bibig mismo nito manggaling ang mga salitang iyon lalo pa at may kasama pa palang pandidiri ang nararamdaman nito sa kanya. Napakuyom ang kanyang mga palad. Ang totoo, sa pagdaraan ng mga araw ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman niya para dito. Ngunit hindi dahilan iyon para kunsintihin niya ang mga katarantaduhan nito.“Anong partisipasyon mo sa nangyaring panggagahasa kay Selena? Ikaw ba ang mastermind nuon?” Tanong niya rito. Hindi ito sumagot, sa halip ay napangisi lang ito sa kanya.Napahinga siya nang malalim. Hin

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 069

    NILAPITAN SI SELENA NI RIGOR. Gumapang ang takot sa buong katawan ni Selena nang maamoy ang pamilyar na pabango nito. “I-ikaw ang gumahasa sa akin,” aniya habang hindi na napigilan ang pagpatak ng mga luha, “Ginahasa mo akong hayup ka!” nanlilisik ang mga matang sabi niya rito.Napangisi si Rigor, “Oo at simula nuon, hindi ko na nakalimutan pa ang napakasarap mong. . .”“Hayup ka!!!” Galit na galit na itinulak niya itong palayo sa kanya. Akmang tatakbo siya palabas ngunit mabilis siya nitong naharang.“Sa akala mo, papayagan pa kitang makatas ngayong alam mo na ang lahat? Saka, nasasabik akong matikman kang muli,” akmang hahalikan siya nito ngunit mabilis niya itong dinuruan sa mukha. Galit na galit na hinawakan siya ni Rigor sa mukha, “Putang ina mo! Huwag kang ng mag-inarte pa dahil natikman na kita ng paulit-ulit!” Singhal nito sa kanya.Kinikilabutan siya sa bawat paglapat ng mga labi nito sa kanyang balat. Umiiyak siya habang umiisip ng paraan kung paano makakatakas dito.

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 068

    “KARLA, KAILANGAN mong tumistigo laban kay Christine. May mga nakalap na rin kaming mga ebedensya na makakatulong para madiin siyang mastermind sa nangyari kay Selena.” Sabi ni Anthony sa dalaga.Hindi makapagsalita si Karla. Bakas ang takot at pag-aalilangan sa mukha nito.“Kung hindi ka makakapagtulungan, ipakukulong rin kita sa pakikipagsabwatan mo kay Christine,” giit ni Selena dito. Takot na napatingin si Karla sa kanya. “Gagawin ko talaga iyon kung hindi ka makikipagtulungan sa amin!”Parang maiiyak si Karla, hindi nito malaman kung ano ang gagawin. “Malalagay sa alanganin ang pamilya ko kapag tumestigo ako laban kay Christine,” maluha-luhang sabi nito sa kanya.“Natatakot ka kay Christine pero sa batas hindi ka natatakot?” Matiim na tanong ni Anthony dito.Napahikbi si Karla. Napakurap kurap si Selena habang nakatingin dito. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang nagawa nitong talikuran ang kanilang pagkakaibigan. Maya-maya ay tumunog ang kanyang phone. Si Archie

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 067

    ISANG MALAKAS na sampal ang dumapo sa pisngi ni Christine. Nuon lamang siya nasaktan ng ama ng ganuon. Gulat na gulat na napatingin siya sa ama. Nagpupuyos sa galit na hinawakan siya nito sa magkabilang balikat, “Nakikipagrelasyon ka sa ama ni Anthony? Pumatol ka sa mas matanda pa sa akin?”“Papa. . .” napatungo siya dahil hindi niya magawang tingnan ng diretso sa mata ang ama. Hiyang-hiya siyang natuklasan nito ang kanyang pinakatatagong lihim. Maski siya, nasusuka kapag naiisip na pumatol siya sa ama ni Anthony, “K-kinailangan kong gawin iyon dahil. . .” Napaiyak siya, “Mahal na mahal ko si Anthony at iyon lang ang paraang alam ko para makontrol ko sya, ang kontrolin si Don Narciso,” pagtatapat niya sa ama.Muli siyang nasampiga nito. Sa lakas niyon ay bumagsak siya sa sahig.“Sana ako ang kinausap mo hindi iyong kumilos kang mag-isa! Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Anthony nang malaman ko ang ginawa mong yan! Ngayon, may matibay na siyang ebedensya para makipaghiwalay sa

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 066

    “KUMPADRE, anong kalokohan itong ginagawa ng anak mo sa anak ko?” Kaagad na kinumpronta ng ama ni Christine si Don Narciso, “Ano bang akala nya kay Christine, criminal?” Galit na galit na sabi ng matanda habang kausap sa telepono ang ama ni Anthony.Si Christine naman ay tahimik na tahimik habang pinag-iisipan ang susunod niyang mga hakbang. Ngayong nalaman na ni Anthony ang tungkol sa kanila ni Don Narciso ay tiyak niyang mas mahihirapan siyang maibalik muli ang tiwala nito sa kanya.Kagagawan itong lahat ni Selena. Ito ang sumira sa pagsasama nila ni Anthony kung kaya’t dapat lamang itong mawala.“Pa, saan ka pupunta?” Tanong niya nang mapansing paalis ito.“I’m going to see Anthony para maayos at mapag-usapan ninyo. . .”“Pa, kung may dapat kang unahin, iyon ay ang ipapatay ang kerida niya!” Aniya sa ama, napakunot ang nuo ng Papa niya.“Anak, talaga bang ganyan katindi ang galit mo para humantong sa ganyan ang naiisip mo? Malalagay tayo sa alanganin kapag ginawa mo yan. Ikaw an

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 065

    HINDI NA NAGULAT PA SI DON NARCISO nang makarating kay Anthony ang namamagitan sa kanila ni Christine. Actually, nuon pa ay gusto na niyang sabihin sa anak ang nangyayari sa kanila ng asawa nito dahil gusto na niyang magsama sila ni Christine, total naman ay alam niyang kahit na kailan ay hindi naman ito minahal ng anak niya. Pero ang ikinagulat niya ay ang inaakusa ni Anthony laban kay Christine.Ipinagahasa nito si Selena? Hindi niya akalaing kailangang humantong sa ganuon ang lahat. Muli ay naisip niya ang sinabi nito sa kanya, gusto nitong ipapatay si Selena para masolo na nito si Anthony.“Anak, patawarin mo ako pero talagang hindi ko alam na may ganuon palang nangyari,” aniya kay Anthony nang makapag-usap sila ng sarilinan habang si Christine ay pinainom ng pampakalma ng mga nurse dahil hindi na ito mapigilan sa pagwawala. Kasalukuyang natutulog na si Christine sa kwarto nito.Nag-aalala siya sa kalagayan ni Christine ngunit mas matimbang pa rin para sa kanya ang nararamdam

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 064

    HINAGOD NI ANTHONY ang likuran ni Selena upang ipaalala dito na nandito lang siya para dito. This time, gusto niyang iparamdam kay Selena na wala na itong dapat pangilagan at katakutan pa. Hinalikan niya ito sa nuo. Mahal na mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para mapakulong ang lahat ng mga salarin. Kahit masira pa ang political career niya.“Basta wag na wag kang kikilos ng hindi ko alam. Hindi natin alam kung sinu-sino ang mga kalaban kaya dapat hindi na tayo maglilihim pa sa isa’t-isa.” Aniya kay Selena.Tumango ito sa kanya.“Dito lang muna kayo sa safe house. Aasikasuhin ko ang mga kailangang asikasuhin, wag na wag kayong lalabas. Anyway, kumpleto naman na ang mga kailangan nyo. Babalik rin ako mamaya. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka pa.” kabilin-bilinan niya rito saka iginala ang paningin sa kabuoan ng condominium, “Mahigpit ang security dito at saka kinabitan ko ito ng mga cctv para namo-monitor ko ang mga nangyayari dito kahit nasa labas ako.”Hinagod

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 063

    HINDI MAPAKALI SI CHRISTINE habang paikot-ikot siya sa kanyang kuwarto. Hinihintay niya ang lalaking gagawa ng trabaho niya para patayin si Selena. Kailangan na niyang kumilos. Hindi siya maaring magkamali. Si Selena ang nakita niya. Nasaksihan nito ang namamagitan sa kanila ni Don Narciso. Kailangang mawala na ang babaeng iyon bago pa kumalat ang sekreto niya.Nagsindi siya ng sigarilyo. Ang usapan nila ng hired killer niya ay alas nuebe ng umaga, tatawagan siya nito para sa detalye ng trabahong ibibigay niya ngunit alas-diyes na ay hindi pa siya nito tinatawagan. Hindi naman niya alam kung saan ito kokontakin dahil kahit kailan naman ay hindi nito ibinibigay ang number sa kanya. Maski ang source niya na nagrecommend ng hired killer sa kanya ay hindi rin alam ang number nito.Kaya inis na inis na siya. Mas lalo pang nadagdagan ang inis niya nang tawagan niya ang maid at sabihin nitong hind isa bahay nila umuwi si Anthony. Tiyak niyang magdamag na naman itong nagtampisaw sa

DMCA.com Protection Status