Share

CHAPTER 52

Author: Michelle Vito
last update Huling Na-update: 2024-09-11 15:09:58

NAGULAT SI MILLET nang hawiin ni Gabrielle ang mga pagkain na ipinatong niya sa mesa para dito.

“Gabrielle?” Nagtatakang tanong niya.

“Hindi ako nagugutom,” galit na sabi nito sa kanya.

“Pwede mo namang hindi kainin, hindi ba? Pero iyong itatapon mo pa ang mga pagkaing niluto ko, sobra ka na.” napipikong sabi niya dito.

“Napapagod ka na? Bakit hindi ka na lang umalis kung nagrereklamo ka!” May sarcasm na tanong nito sa kanya.

“Gabrielle, ano bang nangyayari saiyo?” Parang maiiyak nang tanong niya dito, “Pinagsisilbihan kita dahil gusto ko. Para saiyo at para sa anak natin kaya ko ginagawa ito. Sana naman maappreciate mo man lang kahit na paano ang ginagawa ko.”

Ngunit sa halip na pakinggan siya ni Gabrielle ay pinatakbo nito ang wheel chair palayo sa kanya.

Napakagat labi siya. Minsan ay parang gusto na rin niyang sumuko kaya lang ay ayaw naman niya itong iwan. Gusto niyang maramdaman nito na nandito lang sya kahit na ano ang mangyari.

Umiiyak na isa-isang niyang dinampot ang mga
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Barbrs Vs Mnita
itong gagong lumpo na ito sa halip na mgpa galing nagging bobo pg mawala sa knya mg ina nya saka nya hanapin anong bang utang ng tao utak asong ulol. nkka gago
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 53

    ALAM ni Gabrielle na wala na sa lugar ang kasungitan niya ngunit sinasadya talaga niya iyon para galitin si Millet. Gusto niyang iwanan na siya nito para hindi na ito mahirapan pa sa kanya.Bata pa si Millet at gusto na niya itong bigyan ng kalayaan dahil hindi na rin naman niya maibibigay ang mga pangangailangan nito bilang babae. Pero mapilit si Millet na pagtiyagaan siya. Kung ginagawa nito iyon dahil sa pagmamahal sa kanya, hindi niya sigurado. Ang tiyak lang niya, nag-aaksaya lang ito ng oras sa kanya.Napalingon siya nang bumukas ang kanyang kuwarto. Nakita niya ang kanyang ina, bakas ang labis na pag-aalala sa mukha nito.“Anak, bakit ba pilit mong tinataboy si Millet palayo saiyo?” Tanong nito sa kanya, “Hindi ka ba masayang nandito siya para saiyo at. . .”“Hindi ko kailangan ng awa nya!” Matabang na sagot niya sa ina. Lumapit ang matanda sa kanya at ginagap ang kanyang mga kamay.“Anak, ito pa ba ang dapat mong isukli sa lahat ng ginagawa niya saiyo?” Tila nakikiusap n

    Huling Na-update : 2024-09-13
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 54

    NAKATANGGAP NG TAWAG SI MILLET mula sa unibersidad na kanyang pinag-applayan. Masayang-masaya siyang natanggap siya at naipasa niya ang eksaminasyon para makapag-college.“Accelerated na po ako. Tinanggap nila ako sa kolehiyo,” mangiyak-ngiyak na balita ni Millet kay Dra. Bernadette, “Maraming salamat po sa tulong ninyo. Matutupad na ang pangarap kong maging guro.”“Masayang-masaya ako para saiyo, iha. Bah, dapat pala tayong mag-celebrate. Lumabas tayo nina Gabrielle. . .” anang ginang sa kanya.Paglingon niya ay nakita niya sa may pintuan si Gabrielle. Excited na nilapitan niya ito, “Gabrielle, natanggap ako sa. . .” Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay pinatakbo na nito ang wheel chair pabalik sa kwarto nito.“Masama lang siguro ang gising,” sabi sa kanya ni Dra. Bernadette.“P-palagi na lang pong masama ang gising nya,” may pait sa mga labing sagot ni Millet dito, huminga siya ng malalim, “Tayo na lang pong tatlo ni Adrian ang lumabas. Magcelebrate po tayo.”“Sige,”

    Huling Na-update : 2024-09-23
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 55

    NAPAKISLOT SI GABRIELLE nang marinig ang pagdating nina Millet mula sa celebration. Nilingon niya ang wall clock. Ala una na ng madaling araw. Hah, nasobrahan naman yata sa pagcecelebrate ang mga ito?Nagpilit siyang sumakay sa kanyang wheel chair. Madilim ang anyong sinalubong niya ang mga ito.“Oh, Gabrielle, gising ka pa pala?” Nakangiting bati ng ina niya sa kanya, “May dala kaming cake, saluhan mo kaming mag-coffee,” anito sa kanya.“Hindi pa pala tapos ang celebration ninyo?” Matabang na tanong niya rito saka madilim ang anyong tiningnan si Millet pati ang lalaking kasama ng mga ito. Ito ang lalaking nakita niya nuon na katawanan ni Millet. Anong ginagawa ng lalaking ito dito?“Ah, siyanga pala, si Dominic, anak ng kaibigan ko. Siya ang naghatid sa amin dito. Siya rin ang nagtuturo kay Millet na magmaneho.” Anang ina niya sa kanya.“Kumusta pare?” Nakangiting tanong ng lalaki sa kanya. Inilahad nito ang isang kamay para makipagkamay sa kanya.“Obvious naman kung ano ang

    Huling Na-update : 2024-09-25
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 56

    “SAAN KA PUPUNTA?” Nagtatakang tanong ni Millet at ng ina nito kinabukasang magising sila na sinusundo na si Gabrielle ng isang lalaki na nuon lamang nila nakita.“Magpapakalayo-layo,” matabang na sagot ni Gabrielle sa kanila, tiningnan siya nito ng matiim, “Tapos na ang drama nating ito. Wala na akong pakialam kung malaman man ng mga tao na palabas lang ang lahat ng tungkol sa atin, total, wala na naman akong kailangang protektahan.” Nakaismid na sabi ni Gabrielle kay Millet, “Huwag kang mag-aalala, susuportahan ko pa rin ang lahat ng mga pangangailangan ni Adrian kung yan ang pinag-aalala mo kaya hindi mo ako maiwan-iwan.”“Alam mong hindi totoo yan,” hindi makapaniwalang sabi ni Millet, “Hindi pa ba malinaw saiyo na mahal kita at. . .”“Tigilan mo na ang kalokohan mong yan!” Bulyaw ni Gabrielle sa kanya, “Sa palagay mo, magugustuhan ko ang isang kagaya mo?” Nang-iinsultong sabi nito sa kanya. “Hah, masyado kang ambisyosa!”Nagulat siya sa masasakit na salitang sinabi sa kanya ni G

    Huling Na-update : 2024-09-25
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 57

    LIMANG TAON ang matuling lumipas. Kakapasa lamang ni Millet sa board exam at masayang-masaya siya na ngayon ay isa na siyang lehitimong guro. Hindi siya makapaniwalang nagawa niyang mapagtagumpayan ang lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan niya.Sa tulong ng kanyang ina at ni Doctora Bernadette ay napagtulungan nila ang pag-aalaga kay Adrian and so far ay maayos itong lumalaki bagamat may mga sandaling nagtatanong ito tungkol kay Gabrielle.Sabagay, maging siya ay madalas ring napapaisip kung kumusta na ba ito ngayon. Pagkatapos nitong lumayo, tuluyan nang naputol ang komunikasyon niya rito bagama’t hindi naman ito humihinto ng pagsuporta para kay Adrian. Actually, sobra-sobra ang perang ipinapadala nito para sa bata. Pero para sa kanya, hindi lang naman financial support ang mahalaga.At aaminin niya, hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito. Hindi naman nagbago ang pagtingin niya rito kahit pa nga may mga sandaling nagagalit siya dahil basta na lamang itong umalis at pagkatapos

    Huling Na-update : 2024-10-01
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 58

    BUMISITA SI DOMINIC kina Millet at kasalukuyan silang nagdi-dinner nang may magdoor bell.“Ako na,” sabi niya sa katulong, nagmamadali na siyang tumayo. Nagulat siya nang mabungaran si Gabrielle na nakatayo sa pintuan. Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaction. “G-Gabrielle. . .” parang may bumara sa kanyang lalamunan nang banggitin ang pangalan nito, Napansin niyang wala na itong gamit na wheel chair or saklay. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata.“S-siguro naman ay welcome pa ako dito. G-gusto kong makita ang anak natin,” sabi nito sa kanya.Tumango siya at pinapasok na ito sa loob. Napansin niyang bahagya itong natigilan nang makita si Dominic.“Nagkakilala na kayo ni Dominic, hindi ba?” aniya rito. Tumayo si Dominic at nakipagkamay sa kanya.“Kumusta, pare?” nakangiting bati dito ni Dominic.“Okay naman,” sabi ni Gabrielle, nakipagkamay rin ito sa lalaki saka nilapitan si Adrian at niyakap. Ni hindi niya nakita ang excitement sa mukha ni Adrian nang

    Huling Na-update : 2024-10-01
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 59

    “MUKHANG OKAY naman kayo ni Dominic,” sabi ni Gabrielle kay Millet. Pilit niyang binabasa ang magiging reaction nito sa sinabi niya. Sinikap niyang huwag ipahalatang nageseselos siya kahit na ang totoo, parang may matalas na bagay ang gumuhit sa dibdib niya nang maabutan kanina sa bahay si Dominic.Nuong nagpapagaling siya sa Amerika ay parang gusto na niyang hilahin ang mga araw. Nasasabik na siyang makita ang kanyang mag-ina. Kahit naman kailan ay hindi nawaglit sa isipan niya si Millet.Ngunit sa halip na sagutin nito ang sinabi niya ay tiningnan siya nito ng matiim, “Ano ngayon ang plano mo?”“Asikasuhin ang mga negosyong matagal ko ring napabayaan. May nakuha na akong condominium na titirahan ko. Ang bahay na ito ay ipinauubaya ko na sa inyong mag-ina. Alam ko namang hindi ka magiging komportable na makasama ako sa bahay. Besides, hindi rin naman siguro gugustuhin ni Dominic na makita ako kasama ka sa iisang bubong. Ang sa akin lang, hayaan mo akong makabawi kay Adrian sa

    Huling Na-update : 2024-10-04
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 60

    HINDI MAKATULOG SI MILLET. Bumangon siya para kumuha ng gatas, nagkataong gising pa rin si Gabrielle at gaya niya ay hindi rin ito makatulog. Hindi niya alam kung guni-guni lamang niya ang kasabikang nakita niya sa mga mata nito nang tingnan siya.“Kukuha lang sana ako ng gatas, h-hindi rin ako makatulog,” medyo naiilang na sabi niya rito lalo pa at alam niyang manipis lamang ang pajama top na suot niya at wala siyang bra. Namula ang mukha niya nang mahuling dumako duon ang mga tingin ni Gabrielle.Naramdaman marahil ni Gabrielle ang pagkaasiwa niya kaya nagmamadali nitong iniiwas ang paningin, “I. . .I’m sorry,” narinig pa niyang halos paanas na sambit nito. Mabilis nitong tinungga ang hawak na baso ng tubig saka nagmamadali nang bumalik sa kwarto nito. Naiwan siyang napapakurap-kurap, at ewan kung bakit biglang sumagi sa kanya ang mga sandaling nakakulong siya sa mga bisig nito.HUMIHINGAL SI GABRIELLE nang makabalik siya sa kanyang kuwarto dahil ramdam niya ang pag-iinit ng kan

    Huling Na-update : 2024-10-04

Pinakabagong kabanata

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 0005

    “ANONG GINAGAWA MO DITO?” Biglang napabalikwas si Becka mula sa kanyang kinahihigaan nang pagmulat ng kanyang mga mata ay mabungaran sa tabi niya si Rod, nakapatong pa ang mga kamay sa katawan niya. Maya-maya ay para siyang papanawan ng ulirat nang marealize na pareho pala silang hubo’t hubad.Hinatak niya ang kumot at itinakip sa hubad niyang katawan sabay sigaw ng makita ang kahubdan ni Rod, “Ehhhh!!!”Pupungas-pungas na bumangon si Rod, parang balewala lang ditong makita niya ang naghuhumindig na pagkalalaki nito, “Don’t tell me wala kang naalala?”“Ginahasa mo ako, walang hiya ka!” sigaw niya rito habang nakapikit ang mga mata. “Idedemanda kita.”“Uy, hindi ko ugali yan kaya wag mo kong pagbibintangan ng kung anu-ano. Let me remind you, tahimik akong umiinom nang bigla mo na lang akong lingkisin at halikan. Kung hindi ka naniniwala, halika, may cctv dun na magpapatunay sa nangyari!” sabi nitong hinatak ang mga braso niya.Sinipa niya ito, “Bitiwan mo akong hayup ka.” Hindi sinasa

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 0004

    NANG NAGMAMANEHO na si Becka pauwi ay saka niya pinakawalan ang lahat ng mga nararamdamang sakit sa dibdib. Kanina ay nagkukunwari lang siya kay Selena. Ayaw naman kasi niyang sirain ang mood nito lalo pa at masayang-masaya ito sa piling ni Anthony ngayon. But deep inside, gusto na niyang humagolhol lalo pa at nalaman niya mula sa bangko na isinanla pala ng tatay niya ang bahay niya at ngayon ay malapit na itong mailit ng bangko.Wala siyang kaalam-alam kung hindi pa dumating ang sulat mula sa bangko. Ang masaklap, kulang ang naitago niyang pera para matubos ang bahay. Pinahid niya ang kanyang mga luha. Sa halip na lumuwas ng Maynila ay naisipan niyang mag-check in na lamang sa isang resort dito sa Sta. Isabel kahit pa nga ang gusto sana ni Selena ay duon na siya mag-stay sa bahay ng mga ito.Ang totoo, gusto niyang mapag-isa kahit tatlong araw lang para umiyak nang umiyak. Samantala ay nangunot ang nuo ni Rod nang makitang lumiko sa isang resort si Becka. Curious na sinundan

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 0003

    NAGISING SI ROD na nasa ibabaw na niya si Eloisa, ang kanyang ex-girlfriend na kahit ilang beses na niyang hiniwalayan ay gumagawa at gumagawa ng paraan para muling makipagmabutihan sa kanya. Pero pinal na ang desisyon niya, hinding-hindi na siya makikipagbalikan sa babaeng ito simula nang mahuli niyang pinagtataksilan siya. Bigla siyang napabalikwas, “Hey, anong ginagawa mo dito?” Iritadong sabi niya, halos maihagis niya ito sa palabas ng kanyang kuwarto. “Damn Eloisa, hindi ka na nakakatawa!”Kailangan palang palitan na niya ang susi ng kanyang condominium at ipaban ang babaeng ito sa building para hindi na ito makabalik pa dito. Mabuti na lamang at hindi niya ito nabuntis kung hindi’y magkakaroon pa siya ng pananagutan sa babaeng ito.“Rod, mahal na mahal kita. Isang beses lang akong nagkamali, hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?” Parang naiiyak na tanong nito sa kanya, “Pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko saiyo, Rod. I’m so sorry.”“I’m so sorry rin Eloi, pero ilang

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 0002

    LALABAS na sana siya sa banyo nang tumawag ang kinakasama ng tatay niya. As usual, humihingi na naman ito ng pera para sa panggatos sa mga anak nito sa tatay niya. “Kakapadala ko lang sa inyo ng pera last week ah. Naubos nyo na ho kaagad iyon?”“Aba, kung magsalita ka parang hindi mo kapatid ang mga anak ko ah?” Sita nito sa kanya, “Uy, pasalamat ka, inaalagaan ko ang tatay mo. At kahit ano pang sabihin mo, kahit kailan hindi nagawa ng nanay mo ang serbisyong naibibigay ko sa tatay mo!”“Eh paano ho magagawa iyon ni Nanay, duon na nga sya tumanda at namatay sa kulungan!” sagot niya rito, “At saka hindi ko naman obligasyon ang mga kapatid ko. Kayo ni tatay ang may obligasyon sa kanila. Kaya sana pasalamat na lang kayo kapag may naitutulong ako,” iritadong sabi niya. Ang totoo, pinaglalaanan niya palagi ng budget ang kanyang mga kapatid. Pero lately ay napapansin niyang napapadalas na ang paghingi ng pera sa kanya ng Tatay niya at ng kinakasama nito. Hanggang magsumbong sa kanya

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 0001-NEVER ENDING LOVE

    HINDI lang nagpapahalata si Becka, syempre pa ay ayaw naman niyang agawin ang moment na ito para sa kanyang kaibigang si Selena. But deep inside she is hurting. Kung maari nga lamang ay ayaw na niyang umuwi pa ng Pilipinas dahil nabalitaan niyang nagpakasal na sa pinsan niya ang kanyang ex-boyfriend.Kaya lang ay paano ba naman niya iisnabin ang kasal ng kanyang kaibigan. Hindi na lamang kaibigan ang turing niya kay Selena kundi isang pamilya at gusto niya, present siya sa lahat ng mahahalagang kabanata sa buhay nito. Kaya kahit umiiyak ang puso niya, napilitan siyang umuwi ng Pilipinas.Hindi man maganda ang sinapit ng kanyang love life, at least ay happy naman si Selena. Kitang-kita niya ang kakaibang glow sa mga mata nito. Bagay na ngayon lamang niya nakita dito. At masayang-masaya siya para kay Selena.Natigilan siya nang pumatak sa kanya ang bouquet na inihagis ni Selena. Sa dinami-dami ng mga nakikipag-agawan ay sa mga kamay pa talaga niya iyon pumatak. Tawa nang tawa s

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 076

    HINDI NAPIGILAN NI SELENA ang mapahagulhol nang sa wakas ay mahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo sina Christine, ang ama nito at si Rigor. Para siyang nabunutan ng tinik nang matanggap ang hinahanap na hustisya.Habang siya ay nagdiriwang, para namang mababaliw si Christine at hindi matanggap ang naging sentensya sa kanilang tatlo. Feeling nito ay napaka-unfair ng naging hatol sa kanya. Hindi ba dapat si Rigor lang ang hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo without bail?Bakit pati siya?Ngunit ipinapangako niya sa sariling hindi siya titigil hangga’t hindi siya nakakabawi. Hindi pa tapos ang laban nila ni Selena. Isinusumpa niyang nasa kanya pa rin ang huling halakhak.Samantala, pagkatapos ng hearing ay nagcelebrate sila ni Anthony kasama ang buong pamilya. Nagulat na lamang siya nang biglang lumitaw si Becka. Ni hindi niya alam na kinausap pala ito ni Anthony para sa gagawing pagpro-propose sa kanya.Iyak siya nang iyak.Lumuhod pa si Anthony sa harapan niya habang

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 075

    NAPAPIKIT SI SELENA nang maramdaman ang mga labi ni Anthony na bumaba sa kanyang kaliwanag dibdib habang ang isang kamay naman nito ay pinaglalaruan ang kaumbukan ng kanyang kanan. Para siyang nakikiliti, naliliyo na hindi mapakali sa sensasyong idinudulot ng ginagawang iyon sa kanya ni Anthony.“Anthony,” sambit niya sa pagitan ng paghalinghing, basang-basa na siya at handang-handa nang tanggapin ang naghuhumiyaw na pagkalalaki nito ngunit tila gusto muna nitong paglaruan ang maseselang bahagi ng kanyang katawan.“I love you, Selena,” narinig pa niyang sambit nito sa pagitan ng ibayong pagroromansa sa kanya.Hinagod niya ang buhok nito at sandaling nagmulat ng mga mata upang tingnan ito, “I love you more, Anthony. . .” buong pagmamahal na sabi niya rito. Umakyat ang ulo nito at hinagip ang kanyang mga labi para siilin ng halik.Ramdam niya ang buong-buo nitong pagmamahal sa kanya, buong kaluluwa, buong puso niyang tinugon ang nag-aalab nitong mga halik. This time ay wala na siyang

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 74

    “PATAWARIN mo ako. Pinagsisihan kong pinairal ko ang takot ko. Miss na miss ko na ang friendship natin, Selena,” umiiyak na sabi ni Karla sa kanya. Nakatingin siya rito habang tahimik na tahimik.Kahit siya ay nanghihinayang sa pinagsamahan nilang dalawa pero alam niyang hindi na niya muli pang maibabalik ang tiwala niya dito. Siguro kaya na niya itong patawarin pero never na siyang makakalimot pa.Akmang yayakapin nga siya nito ngunit mabilis siyang napaatras palayo dito. Ewan ba niya ngunit hindi na niya makakalimutan pa ang araw na ipinagkanulo siya nito. “I’m sorry kung hindi ko na kayang maibalik pa iyong dati,” aniya dito, “Hindi ko rin alam kung tuluyan na nga ba kitang napatawad, Karla. Hindi pa siguro hundred percent. . .”“Naiintindihan ko naman iyon.” Mahinang sabi nito sa kanya, “P-pero sa maniwala ka at sa hindi, masaya akong malamang nakuha mo na ang hustisya.”May pait sa mga labing napangiti siya, “Oo, nakuha ko na ang hustisya pero hindi na maibabalik pa ang mga

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 73

    INAGAW NI CHRISTINE SA AMA ANG HAWAK NITONG baril at itinutok iyon kay Selena ngunit bago pa nito maiputok iyon ay inunahan na ito ni Anthony. Binaril nito ang binti ni Christine na labis nitong ikinagulat kung kaya’t nabitiwan nito ang hawak na baril. Mabilis na tinakbo ni Selena ang kinaroroonan ng baril, pinulot niya iyon at nanggigigil sa galit na itinutok iyon kay Christine.“Hayup ka. Ipinagahasa mo ako, anong klaseng nilalang ka?” Nagpupuyos sa galit na sigaw niya kay Christine. Narinig niyang umungol si Rigor, dito naman niya itinutok ang hawak niyang baril, “Demonyo ka! Ang dapat saiyo ay mamatay!!!” Sa sobrang galit ay hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili, binaril niya si Rigor. Natigilan ang mag-ama sa ginawa niya.Iyak siya ng iyak habang nakatingin sa nag-aagaw buhay na lalaki. Hindi niya alam kung masaya ba siyang makitang unti-unting namamatay sa harapan niya ang lalaking gumahasa sa kanya. Isa lang ang tiyak niya, hindi siya nakakaramdam ng awa habang na

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status