“Tama po kayo dra. In fact nag-usap na kami ni Dominic tungkol dyan. I’m not getting any younger at gusto ko rin namang magkaroon ng pamilya eventually,” sagot ni Millet kay Dra. Bernadette.Samantala ay napahinto sa may pintuan si Gabrielle nang marinig ang pinag-uusapang iyon nina Millet at ng kanyang ina. Para tuloy nagdadalawang isip na siya kung tutuloy pa ba siya sa loob or hindi. Mahal niya si Millet ngunit kung nakapagdesisyon na si Millet tungkol kay Dominic, magiging panggulo lamang siya sa relasyon ng mga ito.Magbakasakali kaya siya? Takot siya sa rejection lalo pa at maraming masasakit na bagay ang nasabi niya nuon kay Millet. Laglag ang balikat na bumalik siya sa kanyang sasakyan at pinuntahan si Adrian sa eskwelahan nito.Halos isang oras siyang naghihintay sa paglabas nito. Ipinaalam rin niya kay Millet na siya na lamang ang susundo sa anak nila.“Dad. . .?” tila gulat na sabi ng bata nang makita siya.“Ipinaalam ko na sa Mommy mo na ako na ang susundo saiyo from
HINDI MAKAPANIWALA SI DOMINIC nang ibigay ni Millet dito ang kanyang matamis na oo. Hindi rin niya inaasahang bigla na lamang itong magpo-propose sa kanya.“Hindi ba masyadong mabilis?” Sabi ni Millet dito, “Ngayon pa lang ako nagdesisyon, gusto mo na kaagad magpakasal tayo?”“Matagal na rin naman akong nanunuyo saiyo. Besides, I’m already thirty five. It’s about time na lumagay na rin ako sa tahimik. At hindi na ako makapaghintay na makabuo tayo ng pamilya. Alam mo naman kung gaano kita kamahal, Millet.”Natahimik si Millet. Sa lahat ng manliligaw niya, si Dominic ang pinakamalapit sa kanya. Komportable rin siyang kasama ito kaya nga nagdesisyon siyang subukang makipagrelasyon dito.Pero sa umpisa pa lang naman ay malinaw na dito kung ano ang totoong feelings niya. Alam nitong sa ngayon, hindi pa hundred percent ang nararamdaman niya para dito dahil malaking bahagi pa rin ng puso niya ay si Gabrielle pa rin ang isinisigaw.“Pwede mo ba akong bigyan ng panahon para makapag-isi
“AT NAG-AALALA AKO PARA sa kapakanan ninyo ni Adrian. Tiyak na kayo ang unang babalikan nun ngayong malaya na sya. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, sasamahan ko kayo dito sa bahay!” Giit ni Gabrielle kay Millet.Napaisip si Millet, “Alam mong nagpropose na si Dominic, hindi ba?”“Hindi mo pa sya asawa. At karapatan kong proteksyunan kayong mag-ina.” Mariing sabi ni Gabrielle sa kanya.May pait sa mga labing napangiti siya, “Nagawa kong proteksyunan ang anak natin at ang sarili ko nung wala ka. Ano pa bang ipinagkaiba nun?”“I know, malaki ang kasalanan ko sa inyong mag-ina. Alam ko ring marami akong masasakit na nasabi saiyo. P-pero dala lang iyon ng matinding galit ko sa sarili ko lalo pa at wala namang kasiguraduhan kung gagaling pa ba ako. Ang totoo, nakahanda na akong suyuin ka nang bumalik ako dito sa Pilipinas. P-pero naunahan ako ng takot at hiya lalo pa at nakita kong mukhang okay na kayo ni Dominic. But damn. . .Millet, hindi ko pala kayang basta na lang ipagparaya ka sa
HINDI MALAMAN NI MILLET KUNG paano ipagtatapat kay Dominic ang mga pangyayari. Nuong nakaraang gabi lamang ay ginanap ang engagement party nilang dalawa ni Dominic pagkatapos ngayon ay makikipaghiwalay naman siya rito. Tiyak na iisipin nitong pinaglalaruan lamang niya ang damdamin nito. Paano ba niya haharapin si Dominic? Ayaw niya itong saktan ngunit mas ayaw naman niyang magsinungaling sa kanyang sarili.Lakas loob niya itong tinawagan. “Dominic, m-maari ba tayong mag-usap?” Halos paanas lamang na sabi niya rito nang sagutin nito ang tawag niya.“Don’t tell me nagba-back out ka na?” Tanong nito sa kanya na waring nahulaan kaagad ang pag-uusapan nila.Parang may bumara sa kanyang lalamunan, hindi niya alam kung paano ito sasagutin, “Dominic. . .”“I knew it,” malungkot ang tinig na sabi nito sa kanya saka huminga nang malalim, “Nahuhulaan ko ng isang araw ay magkakabalikan kayong muli ni Gabrielle and yet naglakas loob pa rin akong sumubok d-dahil mahal talaga kita,” ramdam niya
NAPAPAIYAK SI MILLET habang kasamang sumusumpa sa harap ng maraming tao si Gabrielle bilang bagong Presidente ng Pilipinas. This time, buong puso na nitong tinatanggap ang hamon na maglingkod sa bayan. Nasa ika-anim na buwan na siya ng kanyang pagdadalantao and yet isa siya sa mga punong abala sa pangangampanya para sa kanyang asawa. Hindi naman nasayang ang pagod niya dahil muli itong nanalo. Buo ang kanyang suporta sa kanyang pinakamamahal na asawa dahil alam niyang mahusay ito at matapat na tao.Pagkatapos ng panunumpa nito ay nagkaroon ng maliit na salu-salo. Inanyayahan rin sila ng ilang mga samahan para maging panauhing pandangal. Tanggap na niyang hindi niya solo ang buhay ng kanyang asawa dahil kahati niya ang sambayanang Pilipino sa oras nito. Pero nang pakasalan niya si Gabrielle ay tinanggap na rin niya ang lahat dito kasama ng political career nito. Masaya ito sa ginagawa kaya buo ang kanyang suportang ibinibigay dito. Besides, tunay at taos sa puso nito ang palil
NAPAPAIYAK SI SELINA habang nakatingin sa larawan ng kanyang yumaong ina na si Lianela. Duon na siya ipinanganak ng ina sa selda at halos kalahati ng buhay niya ay duon na siya tumira. Nang mamatay ito ay kinuha siya ng tatay niyang si Chief Inspector Mike Calatrava ngunit dahil anak siya sa pagkakasala ay hindi naman siya pinatutunguhan ng maayos ng asawa nito at mga anak. Kung hindi nga kaharap ang ama niya ay para siyang katulong kung ituring ng mga ito.Mabait naman sa kanya ang tatay niya ngunit hindi naman ito palaging nasa bahay nuon kaya madalas ay ang madrasta at mga kapatid ang nakakasama niya nuon. Nito na lamang retired na ito at may sakit niya nakakasama ng matagal ang ama.Naisip niyang baka karma ito sa mga kasalanang ginawa ng nanay niya nuong nabubuhay pa ito. Minsan ay naikwento sa kanya ng ina ang dahilan kung bakit ito nakulong. Dati raw itong isang matagumpay na abogado. Ngunit natanggalan ito ng lisensya dahil pinagtangkaan nitong patayin ang asawa at anak
“BALITA KO may malaking pagtitipon na magaganap sa bahay nina Mayor Alcala, darating raw iyong panganay na anak nito mula Amerika. Imbitado raw ang lahat. Punta tayo?” Excited na balita ni Karla, ang bestfriend niya mula nang tumuntong siya sa pamamahay ng tatay niya. Kapitbahay lang din nila ito at saksi si Karla at mga magulang nito sa lahat ng pang-aaping dinaranas niya sa madrasta at mga kapatid nito. “Minsan ko nang nakita iyong pananganay na anak ni Mayor. Ang pogi.”Parang wala siyang narinig, abala siya sa pamamalengke at lumalampas lang sa kabilang tenga ang sinasabi ni Karla sa kanya.“Uy, nakikinig ka ba?” Tanong nito nang mapansing hindi siya interesado sa kwento nito.“Ha?”Rumulyo ang mga eyeballs ni Karla, “Masyado mo namang sineseryoso ang pamamalengke!” Sita nito sa kanya.“Alam mo naman kung bakit, hindi ba?” sagot niya rito.“Ano? Magwawala na naman ang mga bruhita mong kapatid kapag hindi nila nagustuhan ang pinamalengke mo? Bakit kasi pumapayag kang alilain
“ANAK, BUKAS na ang paganap sa munisipyo, eto ang isang libo, bumili ka ng susuotin mo at pumunta ka sa pagtitipon,” sabi ng tatay ni Selina nang lapitan siya nito habang abala siya sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Iniabot nito sa kanya ang one thousand pesos.“Naku tay, itago nyo na lang yan pandagdag sa mga gastusin nyo,” aniya rito, “Hindi naman po ako mahilig sa mga ganuong party. Saka wala po kayong makakasama dito kung aalis ako.”“Kaya ko naman ang sarili ko. May sakit lang ako anak pero hindi pa naman ako inutil,” tugon nito sa kanya.“Hindi naman po iyon ang ibig kong sabihin ‘tay.” Paliwanag niya sa ama.“Anak, gusto kong makawala ka sa ganitong buhay. Natatakot akong baka kapag namatay ako, kung ano na ang mangyari saiyo kaya hangga’t maari gusto ko sana bago ako mamatay ay makitang nasa mabuti ka ng kalagayan.”“Itay. . .”“Anak, maganda ka. Gamitin mo ang kagandahan mo para makawala sa ganitong buhay. Ang balita ko, naghahanap si Mayor ng babaeng nababagay sa kanyan
PARANG MABABALIW SI ANTHONY HABANG hindi malaman kung nasaan si Selena. Kanina pa niya tinatawagan ang phone nito ngunit ‘can’t be reach’ iyon. Maski si Archie ay tinawagan na rin niya para magpatulong na hanapin si Selena. Kumikilos na rin ang lahat niyang mga tauhan para matukoy kung nasaan ito.Nagagalit siya sa kanyang sarili. Dapat ay twenty four hours siyang nasa tabi nito para hindi na maulit ang mga nangyari nuon. Sobra na siyang nag-aalala lalo pa at alas-nuebe na ng gabi ay wala pa rin ito sa bahay. Lahat na ng maari niyang mapagtanungan ay tinawagan na niya ngunit walang makapagsabi kung nasaan ito. Hindi na siya nagdalawang isip pa, kaagad niyang pinuntahan si Christine.“Nasaan si Selena?” Ulit niya sa tanong, nang hindi pa rin nito sinasagot ang tanong niya ay kinaladkad na niya ito papunta sa kanyang sasakyan. Nagwawala ito kaya itinali niya ang mga kamay nito at tiniyak na naka-seatbelt ito ng maayos saka nagmamadaling pinatakbo ang sasakyan, “Uulitin ko, saan
ISANG MALAKAS na sampal ang ibinigay ni Don Narciso kay Christine. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na napagbuhatan niya ito ng kamay. Hindi naman siya manhid, mas lalong hindi siya ilusyunado, alam naman niyang ibinibigay lamang ni Christine ang katawan sa kanya, kapalit ng mga ipinagagawa nito sa kanya. Ramdam naman niyang kahit anong gawin niya, hindi niya mapapalitan ang katotohanang si Anthony ang mahal nito.Pero masakit pa rin para sa kanya na sa bibig mismo nito manggaling ang mga salitang iyon lalo pa at may kasama pa palang pandidiri ang nararamdaman nito sa kanya. Napakuyom ang kanyang mga palad. Ang totoo, sa pagdaraan ng mga araw ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman niya para dito. Ngunit hindi dahilan iyon para kunsintihin niya ang mga katarantaduhan nito.“Anong partisipasyon mo sa nangyaring panggagahasa kay Selena? Ikaw ba ang mastermind nuon?” Tanong niya rito. Hindi ito sumagot, sa halip ay napangisi lang ito sa kanya.Napahinga siya nang malalim. Hin
NILAPITAN SI SELENA NI RIGOR. Gumapang ang takot sa buong katawan ni Selena nang maamoy ang pamilyar na pabango nito. “I-ikaw ang gumahasa sa akin,” aniya habang hindi na napigilan ang pagpatak ng mga luha, “Ginahasa mo akong hayup ka!” nanlilisik ang mga matang sabi niya rito.Napangisi si Rigor, “Oo at simula nuon, hindi ko na nakalimutan pa ang napakasarap mong. . .”“Hayup ka!!!” Galit na galit na itinulak niya itong palayo sa kanya. Akmang tatakbo siya palabas ngunit mabilis siya nitong naharang.“Sa akala mo, papayagan pa kitang makatas ngayong alam mo na ang lahat? Saka, nasasabik akong matikman kang muli,” akmang hahalikan siya nito ngunit mabilis niya itong dinuruan sa mukha. Galit na galit na hinawakan siya ni Rigor sa mukha, “Putang ina mo! Huwag kang ng mag-inarte pa dahil natikman na kita ng paulit-ulit!” Singhal nito sa kanya.Kinikilabutan siya sa bawat paglapat ng mga labi nito sa kanyang balat. Umiiyak siya habang umiisip ng paraan kung paano makakatakas dito.
“KARLA, KAILANGAN mong tumistigo laban kay Christine. May mga nakalap na rin kaming mga ebedensya na makakatulong para madiin siyang mastermind sa nangyari kay Selena.” Sabi ni Anthony sa dalaga.Hindi makapagsalita si Karla. Bakas ang takot at pag-aalilangan sa mukha nito.“Kung hindi ka makakapagtulungan, ipakukulong rin kita sa pakikipagsabwatan mo kay Christine,” giit ni Selena dito. Takot na napatingin si Karla sa kanya. “Gagawin ko talaga iyon kung hindi ka makikipagtulungan sa amin!”Parang maiiyak si Karla, hindi nito malaman kung ano ang gagawin. “Malalagay sa alanganin ang pamilya ko kapag tumestigo ako laban kay Christine,” maluha-luhang sabi nito sa kanya.“Natatakot ka kay Christine pero sa batas hindi ka natatakot?” Matiim na tanong ni Anthony dito.Napahikbi si Karla. Napakurap kurap si Selena habang nakatingin dito. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang nagawa nitong talikuran ang kanilang pagkakaibigan. Maya-maya ay tumunog ang kanyang phone. Si Archie
ISANG MALAKAS na sampal ang dumapo sa pisngi ni Christine. Nuon lamang siya nasaktan ng ama ng ganuon. Gulat na gulat na napatingin siya sa ama. Nagpupuyos sa galit na hinawakan siya nito sa magkabilang balikat, “Nakikipagrelasyon ka sa ama ni Anthony? Pumatol ka sa mas matanda pa sa akin?”“Papa. . .” napatungo siya dahil hindi niya magawang tingnan ng diretso sa mata ang ama. Hiyang-hiya siyang natuklasan nito ang kanyang pinakatatagong lihim. Maski siya, nasusuka kapag naiisip na pumatol siya sa ama ni Anthony, “K-kinailangan kong gawin iyon dahil. . .” Napaiyak siya, “Mahal na mahal ko si Anthony at iyon lang ang paraang alam ko para makontrol ko sya, ang kontrolin si Don Narciso,” pagtatapat niya sa ama.Muli siyang nasampiga nito. Sa lakas niyon ay bumagsak siya sa sahig.“Sana ako ang kinausap mo hindi iyong kumilos kang mag-isa! Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Anthony nang malaman ko ang ginawa mong yan! Ngayon, may matibay na siyang ebedensya para makipaghiwalay sa
“KUMPADRE, anong kalokohan itong ginagawa ng anak mo sa anak ko?” Kaagad na kinumpronta ng ama ni Christine si Don Narciso, “Ano bang akala nya kay Christine, criminal?” Galit na galit na sabi ng matanda habang kausap sa telepono ang ama ni Anthony.Si Christine naman ay tahimik na tahimik habang pinag-iisipan ang susunod niyang mga hakbang. Ngayong nalaman na ni Anthony ang tungkol sa kanila ni Don Narciso ay tiyak niyang mas mahihirapan siyang maibalik muli ang tiwala nito sa kanya.Kagagawan itong lahat ni Selena. Ito ang sumira sa pagsasama nila ni Anthony kung kaya’t dapat lamang itong mawala.“Pa, saan ka pupunta?” Tanong niya nang mapansing paalis ito.“I’m going to see Anthony para maayos at mapag-usapan ninyo. . .”“Pa, kung may dapat kang unahin, iyon ay ang ipapatay ang kerida niya!” Aniya sa ama, napakunot ang nuo ng Papa niya.“Anak, talaga bang ganyan katindi ang galit mo para humantong sa ganyan ang naiisip mo? Malalagay tayo sa alanganin kapag ginawa mo yan. Ikaw an
HINDI NA NAGULAT PA SI DON NARCISO nang makarating kay Anthony ang namamagitan sa kanila ni Christine. Actually, nuon pa ay gusto na niyang sabihin sa anak ang nangyayari sa kanila ng asawa nito dahil gusto na niyang magsama sila ni Christine, total naman ay alam niyang kahit na kailan ay hindi naman ito minahal ng anak niya. Pero ang ikinagulat niya ay ang inaakusa ni Anthony laban kay Christine.Ipinagahasa nito si Selena? Hindi niya akalaing kailangang humantong sa ganuon ang lahat. Muli ay naisip niya ang sinabi nito sa kanya, gusto nitong ipapatay si Selena para masolo na nito si Anthony.“Anak, patawarin mo ako pero talagang hindi ko alam na may ganuon palang nangyari,” aniya kay Anthony nang makapag-usap sila ng sarilinan habang si Christine ay pinainom ng pampakalma ng mga nurse dahil hindi na ito mapigilan sa pagwawala. Kasalukuyang natutulog na si Christine sa kwarto nito.Nag-aalala siya sa kalagayan ni Christine ngunit mas matimbang pa rin para sa kanya ang nararamdam
HINAGOD NI ANTHONY ang likuran ni Selena upang ipaalala dito na nandito lang siya para dito. This time, gusto niyang iparamdam kay Selena na wala na itong dapat pangilagan at katakutan pa. Hinalikan niya ito sa nuo. Mahal na mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para mapakulong ang lahat ng mga salarin. Kahit masira pa ang political career niya.“Basta wag na wag kang kikilos ng hindi ko alam. Hindi natin alam kung sinu-sino ang mga kalaban kaya dapat hindi na tayo maglilihim pa sa isa’t-isa.” Aniya kay Selena.Tumango ito sa kanya.“Dito lang muna kayo sa safe house. Aasikasuhin ko ang mga kailangang asikasuhin, wag na wag kayong lalabas. Anyway, kumpleto naman na ang mga kailangan nyo. Babalik rin ako mamaya. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka pa.” kabilin-bilinan niya rito saka iginala ang paningin sa kabuoan ng condominium, “Mahigpit ang security dito at saka kinabitan ko ito ng mga cctv para namo-monitor ko ang mga nangyayari dito kahit nasa labas ako.”Hinagod
HINDI MAPAKALI SI CHRISTINE habang paikot-ikot siya sa kanyang kuwarto. Hinihintay niya ang lalaking gagawa ng trabaho niya para patayin si Selena. Kailangan na niyang kumilos. Hindi siya maaring magkamali. Si Selena ang nakita niya. Nasaksihan nito ang namamagitan sa kanila ni Don Narciso. Kailangang mawala na ang babaeng iyon bago pa kumalat ang sekreto niya.Nagsindi siya ng sigarilyo. Ang usapan nila ng hired killer niya ay alas nuebe ng umaga, tatawagan siya nito para sa detalye ng trabahong ibibigay niya ngunit alas-diyes na ay hindi pa siya nito tinatawagan. Hindi naman niya alam kung saan ito kokontakin dahil kahit kailan naman ay hindi nito ibinibigay ang number sa kanya. Maski ang source niya na nagrecommend ng hired killer sa kanya ay hindi rin alam ang number nito.Kaya inis na inis na siya. Mas lalo pang nadagdagan ang inis niya nang tawagan niya ang maid at sabihin nitong hind isa bahay nila umuwi si Anthony. Tiyak niyang magdamag na naman itong nagtampisaw sa