NAPAPAIYAK SI MILLET habang kasamang sumusumpa sa harap ng maraming tao si Gabrielle bilang bagong Presidente ng Pilipinas. This time, buong puso na nitong tinatanggap ang hamon na maglingkod sa bayan. Nasa ika-anim na buwan na siya ng kanyang pagdadalantao and yet isa siya sa mga punong abala sa pangangampanya para sa kanyang asawa. Hindi naman nasayang ang pagod niya dahil muli itong nanalo. Buo ang kanyang suporta sa kanyang pinakamamahal na asawa dahil alam niyang mahusay ito at matapat na tao.Pagkatapos ng panunumpa nito ay nagkaroon ng maliit na salu-salo. Inanyayahan rin sila ng ilang mga samahan para maging panauhing pandangal. Tanggap na niyang hindi niya solo ang buhay ng kanyang asawa dahil kahati niya ang sambayanang Pilipino sa oras nito. Pero nang pakasalan niya si Gabrielle ay tinanggap na rin niya ang lahat dito kasama ng political career nito. Masaya ito sa ginagawa kaya buo ang kanyang suportang ibinibigay dito. Besides, tunay at taos sa puso nito ang palil
NAPAPAIYAK SI SELINA habang nakatingin sa larawan ng kanyang yumaong ina na si Lianela. Duon na siya ipinanganak ng ina sa selda at halos kalahati ng buhay niya ay duon na siya tumira. Nang mamatay ito ay kinuha siya ng tatay niyang si Chief Inspector Mike Calatrava ngunit dahil anak siya sa pagkakasala ay hindi naman siya pinatutunguhan ng maayos ng asawa nito at mga anak. Kung hindi nga kaharap ang ama niya ay para siyang katulong kung ituring ng mga ito.Mabait naman sa kanya ang tatay niya ngunit hindi naman ito palaging nasa bahay nuon kaya madalas ay ang madrasta at mga kapatid ang nakakasama niya nuon. Nito na lamang retired na ito at may sakit niya nakakasama ng matagal ang ama.Naisip niyang baka karma ito sa mga kasalanang ginawa ng nanay niya nuong nabubuhay pa ito. Minsan ay naikwento sa kanya ng ina ang dahilan kung bakit ito nakulong. Dati raw itong isang matagumpay na abogado. Ngunit natanggalan ito ng lisensya dahil pinagtangkaan nitong patayin ang asawa at anak
“BALITA KO may malaking pagtitipon na magaganap sa bahay nina Mayor Alcala, darating raw iyong panganay na anak nito mula Amerika. Imbitado raw ang lahat. Punta tayo?” Excited na balita ni Karla, ang bestfriend niya mula nang tumuntong siya sa pamamahay ng tatay niya. Kapitbahay lang din nila ito at saksi si Karla at mga magulang nito sa lahat ng pang-aaping dinaranas niya sa madrasta at mga kapatid nito. “Minsan ko nang nakita iyong pananganay na anak ni Mayor. Ang pogi.”Parang wala siyang narinig, abala siya sa pamamalengke at lumalampas lang sa kabilang tenga ang sinasabi ni Karla sa kanya.“Uy, nakikinig ka ba?” Tanong nito nang mapansing hindi siya interesado sa kwento nito.“Ha?”Rumulyo ang mga eyeballs ni Karla, “Masyado mo namang sineseryoso ang pamamalengke!” Sita nito sa kanya.“Alam mo naman kung bakit, hindi ba?” sagot niya rito.“Ano? Magwawala na naman ang mga bruhita mong kapatid kapag hindi nila nagustuhan ang pinamalengke mo? Bakit kasi pumapayag kang alilain
“ANAK, BUKAS na ang paganap sa munisipyo, eto ang isang libo, bumili ka ng susuotin mo at pumunta ka sa pagtitipon,” sabi ng tatay ni Selina nang lapitan siya nito habang abala siya sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Iniabot nito sa kanya ang one thousand pesos.“Naku tay, itago nyo na lang yan pandagdag sa mga gastusin nyo,” aniya rito, “Hindi naman po ako mahilig sa mga ganuong party. Saka wala po kayong makakasama dito kung aalis ako.”“Kaya ko naman ang sarili ko. May sakit lang ako anak pero hindi pa naman ako inutil,” tugon nito sa kanya.“Hindi naman po iyon ang ibig kong sabihin ‘tay.” Paliwanag niya sa ama.“Anak, gusto kong makawala ka sa ganitong buhay. Natatakot akong baka kapag namatay ako, kung ano na ang mangyari saiyo kaya hangga’t maari gusto ko sana bago ako mamatay ay makitang nasa mabuti ka ng kalagayan.”“Itay. . .”“Anak, maganda ka. Gamitin mo ang kagandahan mo para makawala sa ganitong buhay. Ang balita ko, naghahanap si Mayor ng babaeng nababagay sa kanyan
NAPAANGAT ANG isang kilay ni Erlinda nang makita ang anak sa pagkakasala ng kanyang asawa. Ayaw man niyang aminin ay talagang napakaganda ni Selena at magmumukhang mutchacha ang kanyang mga anak sa tabi nito. Natatakot siyang baka ito ang mapansin ng mga bisitang mayayaman lalo na ng anak ni Mayor. Pangarap niyang isa man lamang Kina Yvone, Trixie o Bianca ang makapag-asawa ng mayaman nang sa gayon ay mapabuti naman kahit na paano ang buhay nila.Kabilin-bilinan niya sa mga ito na huwag na huwag gagamitin ang puso gaya ng nangyari sa kanya. Mas lalong huwag kumuha ng babaerong paris ng ama ng mga ito. Kung maari nga lamang maibalik ang panahon, gagamitin niya ang kanyang utak kesa pagtiyagaan ang babaero niyang asawa!Pero dahil mahal na mahal niya ito nuon, kahit paulit-ulit na sinasaktan ang damdamin niya ay kumapit pa rin siya. Maski nga ng dinala nito si Selena sa bahay nila ay nanahimik lamang siya. Matagal rin siyang nagtiis. Ngunit ngayong may sakit na si Mike at wala n
AKMANG susubo ng pagkain si Selena nang marinig niya ang boses ng isang lalaki mula sa kanyang likuran, “Mabuti naman nag-eenjoy ka sa mga pagkain,” Narinig niyang sabi nito.“Shit, iyong anak ni Mayor Narciso Alcala,” dinig naman niyang bulong ni Karla mula sa kanyang tagiliran. Ramdam niya ang kilig sa tinig nito.Dahan-dahan niyang nilingon ang lalaki, hindi naman niya masisisi ang kaibigan kung kinikilig man ito sa ngayon. Talaga naman palang napakaguwapo ng panganay na anak ni Mayor. Hindi niya alam kung ngingitian ba niya ito or hindi na lamang papansinin. Ayaw niyang ilabas ang kanyang mga ngipin sa takot na baka may naiwan duong mga tinga. Napabaling siya sa kanyang pinggan na punong-puno ng mga pagkain. Parang gusto niyang lumubog mula sa kinatatayuan. Kung bakit naman kasi napakatakaw niya?“I’m sorry kung naabala ko kayo sa pagkain nyo. By the way, my name is Anthony,” sabi nitong bahagyang tumabi sa kabilang gilid ng kinatatayuan niya at inilahad ang isang kamay sa
UNTI-UNTING NAGLAHO ang mga ngiti ni Archie, “Bakit kung magsalita ka, parang nainlab ka na kaagad sa babaeng iyon?” Pabirong tanong nito sa kanya, “Pare, gusto ko lang ipaalala saiyo, oo nga at maganda ang babaeng yan pero hindi maganda ang family background nyan kaya paniguradong hindi yan magugustuhan ni Tito Narciso para saiyo. Pero kung laruan, okay sya,” Tatawa-tawang sabi nito sa kanya.“Salamat sa concern pero hindi ko hinihingi ang advice mo.” May sarcasm na sabi niya rito saka tumayo na at iniwan ito.Napakunot ang nuo ni Archie habang sinusundan siya ng tingin. Sa totoo lang ay lihim na inis si Archie kay Anthony kahit magkaibigan sila mula pa pagkabata. Paano, lahat na lamang ng pabor ay nakukuha ni Anthony. Maski sa mga babae ay palagi silang iisa ng type at halos lahat ng mga babaeng nagugustuhan niya ay si Anthony ang kursunada. Unti-unting napakuyom ang kanyang mga palad.HINAHANAP NI ANTHONY si Selena sa pagtitipon ngunit hindi na niya ito nakita. May kinausap l
HINDI NA NAKAUSAP PA NI ANTHONY SI SELENA dahil hindi siya binigyan ng chance ng tatlong babae na makalapit dito. Isa pa, narinig niyang sunod-sunod ang utos dito ng ina ng tatlong babae. Ngunit kahit paano ay masaya siyang malaman kung saan ito nakatira. Hindi na rin siya nagtagal pa. Nagpaalam na siya sa tatlo kahit pa nga panay ang pigil ng mga ito sa kanya. Hindi siya sigurado kung ano ang relasyon ni Selena sa mga ito ngunit napansin niyang parang isang alila kung ituring ng mga ito si Selena.“Aalis ka na? Why naman? Ngayon pa lang tayo nagkakapalagayang loob, getting to know each other stage. . .” Bago pa ituloy ni Yvone ang sasabihin ay pinutol na niya ito.“I’m sorry but I have to go. Actually napadaan lang ako dahil nakita ko si Selena na bumaba ng tricycle. Kaya lang mukhang hindi ko naman siya makakausap ngayon kaya aalis na lang ako,” prangkang sabi niya rito. Nakita niya ang disappointment sa mukha ng tatlong babae ngunit wala na siyang pakialam. Mabuti na iyo
NAPAPAILING SI ROD habang pinapanuod si Becka na umiinom. Kanina pa niya ito inaawat pero mukhang gustong ubusin ang isang bote ng whisky. Hinayaan lang niya itong pakawalan ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nagawa itong ipagpalit ng ex nito sa pinsan nito, hindi hamak namang angat na angat si Becka kung pisikal na kaanyuan ang pag-uusapan.At saka ano bang nagustuhan ni Becka sa lalaking iyon? Kung itatabi ito sa kanya mukha lang sakong ng kanyang mga paa ang lalaking iyon. "Hindi ko alam na ganun pala kababa ang standard mo pagdating sa mga lalaki," patuya niyang sabi dito, "Saka bakit kailangan mong lunurin sa alak ang sarili mo sa ganung klaseng lalaki. Hindi ba dapat masaya ka na hindi mo nakatuluyan ang ganun? Imagine, kung hindi sa pinsan mo, hindi mo makikilala ang tunay na pagkatao ng lalaking iyon. . .""Alam mo ba kung bakit masama ang loob ko, ha? Dahil hindi man lang ako nakapaghanda.
KASALUKUYANG nasa shopping mall sina Rod at Becka para ipamili siya nito ng mga gamit nang matanawan niya si Edward, ang kanyang exboyfriend kasama ng pinsan niyang si Jean. Hindi niya alam na nakarating na pala ang mga ito mula sa pagha-honeymoon sa Amerika. Magtatago sana siya, pero nakita na siya ni Edward. At ewan kung bakit parang malalaglag ang puso niya ng mga sandaling iyon. Hindi nakaligtas kay Rod ang pagkabalisa sa mukha niya, napalingon ito sa tinitingnan niya.Kaagad na umakbay si Rod sa kanya, at tila nanadyang nilakasan pa ang boses, "Sweetheart, pumili ka lang ng kahit na ano, sky is the limit para saiyo," sabi nito sa kanya habang abot tenga ang ngiti, "Alam mo namang love na love kita."Bagama't may pagtataka, sinamantala niya iyon, "Ay ang sweet mo naman talaga sweetheart, ang swerte ko namang talaga saiyo. Mabuti na lang nakilala kita, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Pano na lang pala kung hanggang ngayon, nagtitiyaga pa rin ako sa ex ko?" Sinad
TINIYAK NI BECKA na nakalock ang pinto ng kanyang kuwarto lalo pa at hindi nakaligtas sa kanya ang namumukol na hinaharap ni Rod. Hindi na niya papayagang maulit pa ang nangyari sa kanilang dalawa. Wala siyang matandaan pero bakit pakiwari niya ay sumasayad sa kanyang katawan ang maiinit nitong mga labi? At bakit parang nag-iinit siya habang naiisip iyon?Kinilabutan siya. Pinilit niyang burahin sa utak niya ang mga naglalarong kung anu-ano duon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit tila nanadyang nang-aasar sa utak niya ang mukha ni Rod kung kaya’t nagtalukbong siya ng kumot. Hindi niya alam kung kay Rod nga ba siya naiinis or sa kanyang sarili dahil hanggang sa kanyang pagtulog ay apektado siya ng lalaking iyon. Muli niyang naalala ang kanyang tatay. Talagang wala na itong natitirang kahit na anong pagmamahal sa kanya. Kapalit ng bisyo nito ay nagawa siya nitong traydurin. Napaiyak na naman siya sa sama ng loob. Naawa siya sa kanyang mga kapatid pero naiinis rin siya
HINDI MAKAPANIWALA SI BECKA na napapayag siya ng ama na magpanggap bilang asawa ni Rod. Kung hindi nga lamang ayaw niyang makuha ng lalaking ito ang bahay nila, hinding-hindi sya papayag sa kalokohang ito. Pero ito lang ang tanging paraan para maisalba niya ang bahay nila.Hindi siya makapapayag na ipagiba ni Rod ang bahay kung saan siya nagkaisip at lumaki. Napakaraming masasayang alaala ng bahay na ito. Ito na lamang ang mayroon sya. Hindi siya makapapayag na pati ito ay mawala pa sa kanya. Kaya kahit parang hinahalukay ang dibdib niya kasama ng lalaking ito, wala siyang nagawa sa gusto nito. Six months lang naman silang magasasama sa iisang bubong. Siguro naman ay kakayanin niya.Duon siya dinala ni Rod sa condo nito sa Makati. “Siguro naman alam mo na kung ano ang papel ng pagiging may bahay. Don’t worry hindi ako nagbe-breakfast. Lunch time naman madalas sa labas ako kumakain. Kaya make sure, masarap na dinner ang dadatnan ko sa gabi. Ayoko rin ng selosang may bahay. .
ILANG beses nang nakapagbanlaw ng katawan si Becka ngunit hanggang ngayon, pakiwari niya ay naamoy pa rin niya ang katawan ni Rod sa kanyang katawan. Kinikilabutan siya na hindi niya mawari habang naiisip na sa isang iglap, ibinigay niya ang kanyang pagkababae sa lalaking iyon. Muli na naman siyang napaiyak. Sumabay pa ang tatay niya na panay ang tawag dahil kailangan daw nito ng pera. Bakit ba pati tatay niya, naging pabigat na sa kanya?Feeling tuloy niya, pasan niya ang daigdig ng mga sandaling iyon. “Tay naman, bakit parang gusto nyong akuin ko ang lahat ng responsibilidad? Hindi ko naman kayang mag-isa iyon. Okay sana kung nakikita ko kayong nagsusumikap. Ang kaso, inuubos nyo lang sa bisyo nyo ang mga pinaghihirapan ko,” punong-puno ng hinanakit na sabi niya sa ama, “Tay, napapagod rin ako.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi para hindi mapahagulhol, “Sa halip na ipapakain nyo na sa mga kapatid ko iyong iniaabot ko, ginagamit nyo pa sa sugal. . .kung kailan kayo tumanda
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Biglang napabalikwas si Becka mula sa kanyang kinahihigaan nang pagmulat ng kanyang mga mata ay mabungaran sa tabi niya si Rod, nakapatong pa ang mga kamay sa katawan niya. Maya-maya ay para siyang papanawan ng ulirat nang marealize na pareho pala silang hubo’t hubad.Hinatak niya ang kumot at itinakip sa hubad niyang katawan sabay sigaw ng makita ang kahubdan ni Rod, “Ehhhh!!!”Pupungas-pungas na bumangon si Rod, parang balewala lang ditong makita niya ang naghuhumindig na pagkalalaki nito, “Don’t tell me wala kang naalala?”“Ginahasa mo ako, walang hiya ka!” sigaw niya rito habang nakapikit ang mga mata. “Idedemanda kita.”“Uy, hindi ko ugali yan kaya wag mo kong pagbibintangan ng kung anu-ano. Let me remind you, tahimik akong umiinom nang bigla mo na lang akong lingkisin at halikan. Kung hindi ka naniniwala, halika, may cctv dun na magpapatunay sa nangyari!” sabi nitong hinatak ang mga braso niya.Sinipa niya ito, “Bitiwan mo akong hayup ka.” Hindi sinasa
NANG NAGMAMANEHO na si Becka pauwi ay saka niya pinakawalan ang lahat ng mga nararamdamang sakit sa dibdib. Kanina ay nagkukunwari lang siya kay Selena. Ayaw naman kasi niyang sirain ang mood nito lalo pa at masayang-masaya ito sa piling ni Anthony ngayon. But deep inside, gusto na niyang humagolhol lalo pa at nalaman niya mula sa bangko na isinanla pala ng tatay niya ang bahay niya at ngayon ay malapit na itong mailit ng bangko.Wala siyang kaalam-alam kung hindi pa dumating ang sulat mula sa bangko. Ang masaklap, kulang ang naitago niyang pera para matubos ang bahay. Pinahid niya ang kanyang mga luha. Sa halip na lumuwas ng Maynila ay naisipan niyang mag-check in na lamang sa isang resort dito sa Sta. Isabel kahit pa nga ang gusto sana ni Selena ay duon na siya mag-stay sa bahay ng mga ito.Ang totoo, gusto niyang mapag-isa kahit tatlong araw lang para umiyak nang umiyak. Samantala ay nangunot ang nuo ni Rod nang makitang lumiko sa isang resort si Becka. Curious na sinundan
NAGISING SI ROD na nasa ibabaw na niya si Eloisa, ang kanyang ex-girlfriend na kahit ilang beses na niyang hiniwalayan ay gumagawa at gumagawa ng paraan para muling makipagmabutihan sa kanya. Pero pinal na ang desisyon niya, hinding-hindi na siya makikipagbalikan sa babaeng ito simula nang mahuli niyang pinagtataksilan siya. Bigla siyang napabalikwas, “Hey, anong ginagawa mo dito?” Iritadong sabi niya, halos maihagis niya ito sa palabas ng kanyang kuwarto. “Damn Eloisa, hindi ka na nakakatawa!”Kailangan palang palitan na niya ang susi ng kanyang condominium at ipaban ang babaeng ito sa building para hindi na ito makabalik pa dito. Mabuti na lamang at hindi niya ito nabuntis kung hindi’y magkakaroon pa siya ng pananagutan sa babaeng ito.“Rod, mahal na mahal kita. Isang beses lang akong nagkamali, hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?” Parang naiiyak na tanong nito sa kanya, “Pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko saiyo, Rod. I’m so sorry.”“I’m so sorry rin Eloi, pero ilang
LALABAS na sana siya sa banyo nang tumawag ang kinakasama ng tatay niya. As usual, humihingi na naman ito ng pera para sa panggatos sa mga anak nito sa tatay niya. “Kakapadala ko lang sa inyo ng pera last week ah. Naubos nyo na ho kaagad iyon?”“Aba, kung magsalita ka parang hindi mo kapatid ang mga anak ko ah?” Sita nito sa kanya, “Uy, pasalamat ka, inaalagaan ko ang tatay mo. At kahit ano pang sabihin mo, kahit kailan hindi nagawa ng nanay mo ang serbisyong naibibigay ko sa tatay mo!”“Eh paano ho magagawa iyon ni Nanay, duon na nga sya tumanda at namatay sa kulungan!” sagot niya rito, “At saka hindi ko naman obligasyon ang mga kapatid ko. Kayo ni tatay ang may obligasyon sa kanila. Kaya sana pasalamat na lang kayo kapag may naitutulong ako,” iritadong sabi niya. Ang totoo, pinaglalaanan niya palagi ng budget ang kanyang mga kapatid. Pero lately ay napapansin niyang napapadalas na ang paghingi ng pera sa kanya ng Tatay niya at ng kinakasama nito. Hanggang magsumbong sa kanya