LIMANG TAON ang matuling lumipas. Kakapasa lamang ni Millet sa board exam at masayang-masaya siya na ngayon ay isa na siyang lehitimong guro. Hindi siya makapaniwalang nagawa niyang mapagtagumpayan ang lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan niya.Sa tulong ng kanyang ina at ni Doctora Bernadette ay napagtulungan nila ang pag-aalaga kay Adrian and so far ay maayos itong lumalaki bagamat may mga sandaling nagtatanong ito tungkol kay Gabrielle.Sabagay, maging siya ay madalas ring napapaisip kung kumusta na ba ito ngayon. Pagkatapos nitong lumayo, tuluyan nang naputol ang komunikasyon niya rito bagama’t hindi naman ito humihinto ng pagsuporta para kay Adrian. Actually, sobra-sobra ang perang ipinapadala nito para sa bata. Pero para sa kanya, hindi lang naman financial support ang mahalaga.At aaminin niya, hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito. Hindi naman nagbago ang pagtingin niya rito kahit pa nga may mga sandaling nagagalit siya dahil basta na lamang itong umalis at pagkatapos
BUMISITA SI DOMINIC kina Millet at kasalukuyan silang nagdi-dinner nang may magdoor bell.“Ako na,” sabi niya sa katulong, nagmamadali na siyang tumayo. Nagulat siya nang mabungaran si Gabrielle na nakatayo sa pintuan. Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaction. “G-Gabrielle. . .” parang may bumara sa kanyang lalamunan nang banggitin ang pangalan nito, Napansin niyang wala na itong gamit na wheel chair or saklay. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata.“S-siguro naman ay welcome pa ako dito. G-gusto kong makita ang anak natin,” sabi nito sa kanya.Tumango siya at pinapasok na ito sa loob. Napansin niyang bahagya itong natigilan nang makita si Dominic.“Nagkakilala na kayo ni Dominic, hindi ba?” aniya rito. Tumayo si Dominic at nakipagkamay sa kanya.“Kumusta, pare?” nakangiting bati dito ni Dominic.“Okay naman,” sabi ni Gabrielle, nakipagkamay rin ito sa lalaki saka nilapitan si Adrian at niyakap. Ni hindi niya nakita ang excitement sa mukha ni Adrian nang
“MUKHANG OKAY naman kayo ni Dominic,” sabi ni Gabrielle kay Millet. Pilit niyang binabasa ang magiging reaction nito sa sinabi niya. Sinikap niyang huwag ipahalatang nageseselos siya kahit na ang totoo, parang may matalas na bagay ang gumuhit sa dibdib niya nang maabutan kanina sa bahay si Dominic.Nuong nagpapagaling siya sa Amerika ay parang gusto na niyang hilahin ang mga araw. Nasasabik na siyang makita ang kanyang mag-ina. Kahit naman kailan ay hindi nawaglit sa isipan niya si Millet.Ngunit sa halip na sagutin nito ang sinabi niya ay tiningnan siya nito ng matiim, “Ano ngayon ang plano mo?”“Asikasuhin ang mga negosyong matagal ko ring napabayaan. May nakuha na akong condominium na titirahan ko. Ang bahay na ito ay ipinauubaya ko na sa inyong mag-ina. Alam ko namang hindi ka magiging komportable na makasama ako sa bahay. Besides, hindi rin naman siguro gugustuhin ni Dominic na makita ako kasama ka sa iisang bubong. Ang sa akin lang, hayaan mo akong makabawi kay Adrian sa
HINDI MAKATULOG SI MILLET. Bumangon siya para kumuha ng gatas, nagkataong gising pa rin si Gabrielle at gaya niya ay hindi rin ito makatulog. Hindi niya alam kung guni-guni lamang niya ang kasabikang nakita niya sa mga mata nito nang tingnan siya.“Kukuha lang sana ako ng gatas, h-hindi rin ako makatulog,” medyo naiilang na sabi niya rito lalo pa at alam niyang manipis lamang ang pajama top na suot niya at wala siyang bra. Namula ang mukha niya nang mahuling dumako duon ang mga tingin ni Gabrielle.Naramdaman marahil ni Gabrielle ang pagkaasiwa niya kaya nagmamadali nitong iniiwas ang paningin, “I. . .I’m sorry,” narinig pa niyang halos paanas na sambit nito. Mabilis nitong tinungga ang hawak na baso ng tubig saka nagmamadali nang bumalik sa kwarto nito. Naiwan siyang napapakurap-kurap, at ewan kung bakit biglang sumagi sa kanya ang mga sandaling nakakulong siya sa mga bisig nito.HUMIHINGAL SI GABRIELLE nang makabalik siya sa kanyang kuwarto dahil ramdam niya ang pag-iinit ng kan
“Tama po kayo dra. In fact nag-usap na kami ni Dominic tungkol dyan. I’m not getting any younger at gusto ko rin namang magkaroon ng pamilya eventually,” sagot ni Millet kay Dra. Bernadette.Samantala ay napahinto sa may pintuan si Gabrielle nang marinig ang pinag-uusapang iyon nina Millet at ng kanyang ina. Para tuloy nagdadalawang isip na siya kung tutuloy pa ba siya sa loob or hindi. Mahal niya si Millet ngunit kung nakapagdesisyon na si Millet tungkol kay Dominic, magiging panggulo lamang siya sa relasyon ng mga ito.Magbakasakali kaya siya? Takot siya sa rejection lalo pa at maraming masasakit na bagay ang nasabi niya nuon kay Millet. Laglag ang balikat na bumalik siya sa kanyang sasakyan at pinuntahan si Adrian sa eskwelahan nito.Halos isang oras siyang naghihintay sa paglabas nito. Ipinaalam rin niya kay Millet na siya na lamang ang susundo sa anak nila.“Dad. . .?” tila gulat na sabi ng bata nang makita siya.“Ipinaalam ko na sa Mommy mo na ako na ang susundo saiyo from
HINDI MAKAPANIWALA SI DOMINIC nang ibigay ni Millet dito ang kanyang matamis na oo. Hindi rin niya inaasahang bigla na lamang itong magpo-propose sa kanya.“Hindi ba masyadong mabilis?” Sabi ni Millet dito, “Ngayon pa lang ako nagdesisyon, gusto mo na kaagad magpakasal tayo?”“Matagal na rin naman akong nanunuyo saiyo. Besides, I’m already thirty five. It’s about time na lumagay na rin ako sa tahimik. At hindi na ako makapaghintay na makabuo tayo ng pamilya. Alam mo naman kung gaano kita kamahal, Millet.”Natahimik si Millet. Sa lahat ng manliligaw niya, si Dominic ang pinakamalapit sa kanya. Komportable rin siyang kasama ito kaya nga nagdesisyon siyang subukang makipagrelasyon dito.Pero sa umpisa pa lang naman ay malinaw na dito kung ano ang totoong feelings niya. Alam nitong sa ngayon, hindi pa hundred percent ang nararamdaman niya para dito dahil malaking bahagi pa rin ng puso niya ay si Gabrielle pa rin ang isinisigaw.“Pwede mo ba akong bigyan ng panahon para makapag-isi
“AT NAG-AALALA AKO PARA sa kapakanan ninyo ni Adrian. Tiyak na kayo ang unang babalikan nun ngayong malaya na sya. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, sasamahan ko kayo dito sa bahay!” Giit ni Gabrielle kay Millet.Napaisip si Millet, “Alam mong nagpropose na si Dominic, hindi ba?”“Hindi mo pa sya asawa. At karapatan kong proteksyunan kayong mag-ina.” Mariing sabi ni Gabrielle sa kanya.May pait sa mga labing napangiti siya, “Nagawa kong proteksyunan ang anak natin at ang sarili ko nung wala ka. Ano pa bang ipinagkaiba nun?”“I know, malaki ang kasalanan ko sa inyong mag-ina. Alam ko ring marami akong masasakit na nasabi saiyo. P-pero dala lang iyon ng matinding galit ko sa sarili ko lalo pa at wala namang kasiguraduhan kung gagaling pa ba ako. Ang totoo, nakahanda na akong suyuin ka nang bumalik ako dito sa Pilipinas. P-pero naunahan ako ng takot at hiya lalo pa at nakita kong mukhang okay na kayo ni Dominic. But damn. . .Millet, hindi ko pala kayang basta na lang ipagparaya ka sa
HINDI MALAMAN NI MILLET KUNG paano ipagtatapat kay Dominic ang mga pangyayari. Nuong nakaraang gabi lamang ay ginanap ang engagement party nilang dalawa ni Dominic pagkatapos ngayon ay makikipaghiwalay naman siya rito. Tiyak na iisipin nitong pinaglalaruan lamang niya ang damdamin nito. Paano ba niya haharapin si Dominic? Ayaw niya itong saktan ngunit mas ayaw naman niyang magsinungaling sa kanyang sarili.Lakas loob niya itong tinawagan. “Dominic, m-maari ba tayong mag-usap?” Halos paanas lamang na sabi niya rito nang sagutin nito ang tawag niya.“Don’t tell me nagba-back out ka na?” Tanong nito sa kanya na waring nahulaan kaagad ang pag-uusapan nila.Parang may bumara sa kanyang lalamunan, hindi niya alam kung paano ito sasagutin, “Dominic. . .”“I knew it,” malungkot ang tinig na sabi nito sa kanya saka huminga nang malalim, “Nahuhulaan ko ng isang araw ay magkakabalikan kayong muli ni Gabrielle and yet naglakas loob pa rin akong sumubok d-dahil mahal talaga kita,” ramdam niya
NAPAPAILING SI ROD habang pinapanuod si Becka na umiinom. Kanina pa niya ito inaawat pero mukhang gustong ubusin ang isang bote ng whisky. Hinayaan lang niya itong pakawalan ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nagawa itong ipagpalit ng ex nito sa pinsan nito, hindi hamak namang angat na angat si Becka kung pisikal na kaanyuan ang pag-uusapan.At saka ano bang nagustuhan ni Becka sa lalaking iyon? Kung itatabi ito sa kanya mukha lang sakong ng kanyang mga paa ang lalaking iyon. "Hindi ko alam na ganun pala kababa ang standard mo pagdating sa mga lalaki," patuya niyang sabi dito, "Saka bakit kailangan mong lunurin sa alak ang sarili mo sa ganung klaseng lalaki. Hindi ba dapat masaya ka na hindi mo nakatuluyan ang ganun? Imagine, kung hindi sa pinsan mo, hindi mo makikilala ang tunay na pagkatao ng lalaking iyon. . .""Alam mo ba kung bakit masama ang loob ko, ha? Dahil hindi man lang ako nakapaghanda.
KASALUKUYANG nasa shopping mall sina Rod at Becka para ipamili siya nito ng mga gamit nang matanawan niya si Edward, ang kanyang exboyfriend kasama ng pinsan niyang si Jean. Hindi niya alam na nakarating na pala ang mga ito mula sa pagha-honeymoon sa Amerika. Magtatago sana siya, pero nakita na siya ni Edward. At ewan kung bakit parang malalaglag ang puso niya ng mga sandaling iyon. Hindi nakaligtas kay Rod ang pagkabalisa sa mukha niya, napalingon ito sa tinitingnan niya.Kaagad na umakbay si Rod sa kanya, at tila nanadyang nilakasan pa ang boses, "Sweetheart, pumili ka lang ng kahit na ano, sky is the limit para saiyo," sabi nito sa kanya habang abot tenga ang ngiti, "Alam mo namang love na love kita."Bagama't may pagtataka, sinamantala niya iyon, "Ay ang sweet mo naman talaga sweetheart, ang swerte ko namang talaga saiyo. Mabuti na lang nakilala kita, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Pano na lang pala kung hanggang ngayon, nagtitiyaga pa rin ako sa ex ko?" Sinad
TINIYAK NI BECKA na nakalock ang pinto ng kanyang kuwarto lalo pa at hindi nakaligtas sa kanya ang namumukol na hinaharap ni Rod. Hindi na niya papayagang maulit pa ang nangyari sa kanilang dalawa. Wala siyang matandaan pero bakit pakiwari niya ay sumasayad sa kanyang katawan ang maiinit nitong mga labi? At bakit parang nag-iinit siya habang naiisip iyon?Kinilabutan siya. Pinilit niyang burahin sa utak niya ang mga naglalarong kung anu-ano duon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit tila nanadyang nang-aasar sa utak niya ang mukha ni Rod kung kaya’t nagtalukbong siya ng kumot. Hindi niya alam kung kay Rod nga ba siya naiinis or sa kanyang sarili dahil hanggang sa kanyang pagtulog ay apektado siya ng lalaking iyon. Muli niyang naalala ang kanyang tatay. Talagang wala na itong natitirang kahit na anong pagmamahal sa kanya. Kapalit ng bisyo nito ay nagawa siya nitong traydurin. Napaiyak na naman siya sa sama ng loob. Naawa siya sa kanyang mga kapatid pero naiinis rin siya
HINDI MAKAPANIWALA SI BECKA na napapayag siya ng ama na magpanggap bilang asawa ni Rod. Kung hindi nga lamang ayaw niyang makuha ng lalaking ito ang bahay nila, hinding-hindi sya papayag sa kalokohang ito. Pero ito lang ang tanging paraan para maisalba niya ang bahay nila.Hindi siya makapapayag na ipagiba ni Rod ang bahay kung saan siya nagkaisip at lumaki. Napakaraming masasayang alaala ng bahay na ito. Ito na lamang ang mayroon sya. Hindi siya makapapayag na pati ito ay mawala pa sa kanya. Kaya kahit parang hinahalukay ang dibdib niya kasama ng lalaking ito, wala siyang nagawa sa gusto nito. Six months lang naman silang magasasama sa iisang bubong. Siguro naman ay kakayanin niya.Duon siya dinala ni Rod sa condo nito sa Makati. “Siguro naman alam mo na kung ano ang papel ng pagiging may bahay. Don’t worry hindi ako nagbe-breakfast. Lunch time naman madalas sa labas ako kumakain. Kaya make sure, masarap na dinner ang dadatnan ko sa gabi. Ayoko rin ng selosang may bahay. .
ILANG beses nang nakapagbanlaw ng katawan si Becka ngunit hanggang ngayon, pakiwari niya ay naamoy pa rin niya ang katawan ni Rod sa kanyang katawan. Kinikilabutan siya na hindi niya mawari habang naiisip na sa isang iglap, ibinigay niya ang kanyang pagkababae sa lalaking iyon. Muli na naman siyang napaiyak. Sumabay pa ang tatay niya na panay ang tawag dahil kailangan daw nito ng pera. Bakit ba pati tatay niya, naging pabigat na sa kanya?Feeling tuloy niya, pasan niya ang daigdig ng mga sandaling iyon. “Tay naman, bakit parang gusto nyong akuin ko ang lahat ng responsibilidad? Hindi ko naman kayang mag-isa iyon. Okay sana kung nakikita ko kayong nagsusumikap. Ang kaso, inuubos nyo lang sa bisyo nyo ang mga pinaghihirapan ko,” punong-puno ng hinanakit na sabi niya sa ama, “Tay, napapagod rin ako.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi para hindi mapahagulhol, “Sa halip na ipapakain nyo na sa mga kapatid ko iyong iniaabot ko, ginagamit nyo pa sa sugal. . .kung kailan kayo tumanda
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Biglang napabalikwas si Becka mula sa kanyang kinahihigaan nang pagmulat ng kanyang mga mata ay mabungaran sa tabi niya si Rod, nakapatong pa ang mga kamay sa katawan niya. Maya-maya ay para siyang papanawan ng ulirat nang marealize na pareho pala silang hubo’t hubad.Hinatak niya ang kumot at itinakip sa hubad niyang katawan sabay sigaw ng makita ang kahubdan ni Rod, “Ehhhh!!!”Pupungas-pungas na bumangon si Rod, parang balewala lang ditong makita niya ang naghuhumindig na pagkalalaki nito, “Don’t tell me wala kang naalala?”“Ginahasa mo ako, walang hiya ka!” sigaw niya rito habang nakapikit ang mga mata. “Idedemanda kita.”“Uy, hindi ko ugali yan kaya wag mo kong pagbibintangan ng kung anu-ano. Let me remind you, tahimik akong umiinom nang bigla mo na lang akong lingkisin at halikan. Kung hindi ka naniniwala, halika, may cctv dun na magpapatunay sa nangyari!” sabi nitong hinatak ang mga braso niya.Sinipa niya ito, “Bitiwan mo akong hayup ka.” Hindi sinasa
NANG NAGMAMANEHO na si Becka pauwi ay saka niya pinakawalan ang lahat ng mga nararamdamang sakit sa dibdib. Kanina ay nagkukunwari lang siya kay Selena. Ayaw naman kasi niyang sirain ang mood nito lalo pa at masayang-masaya ito sa piling ni Anthony ngayon. But deep inside, gusto na niyang humagolhol lalo pa at nalaman niya mula sa bangko na isinanla pala ng tatay niya ang bahay niya at ngayon ay malapit na itong mailit ng bangko.Wala siyang kaalam-alam kung hindi pa dumating ang sulat mula sa bangko. Ang masaklap, kulang ang naitago niyang pera para matubos ang bahay. Pinahid niya ang kanyang mga luha. Sa halip na lumuwas ng Maynila ay naisipan niyang mag-check in na lamang sa isang resort dito sa Sta. Isabel kahit pa nga ang gusto sana ni Selena ay duon na siya mag-stay sa bahay ng mga ito.Ang totoo, gusto niyang mapag-isa kahit tatlong araw lang para umiyak nang umiyak. Samantala ay nangunot ang nuo ni Rod nang makitang lumiko sa isang resort si Becka. Curious na sinundan
NAGISING SI ROD na nasa ibabaw na niya si Eloisa, ang kanyang ex-girlfriend na kahit ilang beses na niyang hiniwalayan ay gumagawa at gumagawa ng paraan para muling makipagmabutihan sa kanya. Pero pinal na ang desisyon niya, hinding-hindi na siya makikipagbalikan sa babaeng ito simula nang mahuli niyang pinagtataksilan siya. Bigla siyang napabalikwas, “Hey, anong ginagawa mo dito?” Iritadong sabi niya, halos maihagis niya ito sa palabas ng kanyang kuwarto. “Damn Eloisa, hindi ka na nakakatawa!”Kailangan palang palitan na niya ang susi ng kanyang condominium at ipaban ang babaeng ito sa building para hindi na ito makabalik pa dito. Mabuti na lamang at hindi niya ito nabuntis kung hindi’y magkakaroon pa siya ng pananagutan sa babaeng ito.“Rod, mahal na mahal kita. Isang beses lang akong nagkamali, hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?” Parang naiiyak na tanong nito sa kanya, “Pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko saiyo, Rod. I’m so sorry.”“I’m so sorry rin Eloi, pero ilang
LALABAS na sana siya sa banyo nang tumawag ang kinakasama ng tatay niya. As usual, humihingi na naman ito ng pera para sa panggatos sa mga anak nito sa tatay niya. “Kakapadala ko lang sa inyo ng pera last week ah. Naubos nyo na ho kaagad iyon?”“Aba, kung magsalita ka parang hindi mo kapatid ang mga anak ko ah?” Sita nito sa kanya, “Uy, pasalamat ka, inaalagaan ko ang tatay mo. At kahit ano pang sabihin mo, kahit kailan hindi nagawa ng nanay mo ang serbisyong naibibigay ko sa tatay mo!”“Eh paano ho magagawa iyon ni Nanay, duon na nga sya tumanda at namatay sa kulungan!” sagot niya rito, “At saka hindi ko naman obligasyon ang mga kapatid ko. Kayo ni tatay ang may obligasyon sa kanila. Kaya sana pasalamat na lang kayo kapag may naitutulong ako,” iritadong sabi niya. Ang totoo, pinaglalaanan niya palagi ng budget ang kanyang mga kapatid. Pero lately ay napapansin niyang napapadalas na ang paghingi ng pera sa kanya ng Tatay niya at ng kinakasama nito. Hanggang magsumbong sa kanya