NAGULAT SI MILLET nang hawiin ni Gabrielle ang mga pagkain na ipinatong niya sa mesa para dito.“Gabrielle?” Nagtatakang tanong niya.“Hindi ako nagugutom,” galit na sabi nito sa kanya.“Pwede mo namang hindi kainin, hindi ba? Pero iyong itatapon mo pa ang mga pagkaing niluto ko, sobra ka na.” napipikong sabi niya dito.“Napapagod ka na? Bakit hindi ka na lang umalis kung nagrereklamo ka!” May sarcasm na tanong nito sa kanya.“Gabrielle, ano bang nangyayari saiyo?” Parang maiiyak nang tanong niya dito, “Pinagsisilbihan kita dahil gusto ko. Para saiyo at para sa anak natin kaya ko ginagawa ito. Sana naman maappreciate mo man lang kahit na paano ang ginagawa ko.”Ngunit sa halip na pakinggan siya ni Gabrielle ay pinatakbo nito ang wheel chair palayo sa kanya.Napakagat labi siya. Minsan ay parang gusto na rin niyang sumuko kaya lang ay ayaw naman niya itong iwan. Gusto niyang maramdaman nito na nandito lang sya kahit na ano ang mangyari.Umiiyak na isa-isang niyang dinampot ang mga
ALAM ni Gabrielle na wala na sa lugar ang kasungitan niya ngunit sinasadya talaga niya iyon para galitin si Millet. Gusto niyang iwanan na siya nito para hindi na ito mahirapan pa sa kanya.Bata pa si Millet at gusto na niya itong bigyan ng kalayaan dahil hindi na rin naman niya maibibigay ang mga pangangailangan nito bilang babae. Pero mapilit si Millet na pagtiyagaan siya. Kung ginagawa nito iyon dahil sa pagmamahal sa kanya, hindi niya sigurado. Ang tiyak lang niya, nag-aaksaya lang ito ng oras sa kanya.Napalingon siya nang bumukas ang kanyang kuwarto. Nakita niya ang kanyang ina, bakas ang labis na pag-aalala sa mukha nito.“Anak, bakit ba pilit mong tinataboy si Millet palayo saiyo?” Tanong nito sa kanya, “Hindi ka ba masayang nandito siya para saiyo at. . .”“Hindi ko kailangan ng awa nya!” Matabang na sagot niya sa ina. Lumapit ang matanda sa kanya at ginagap ang kanyang mga kamay.“Anak, ito pa ba ang dapat mong isukli sa lahat ng ginagawa niya saiyo?” Tila nakikiusap n
(PAUNAWA: Ang nobelang ito ay kathang isip lamang. Alam ko pong sa totoong buhay, hindi qualified maging president ng Pilipinas ang isang twenty seven years old. But since fiction lang ito, hayaan nyo pong gumana ang ating mga imagination. Parang ang pangit kasi kung masyadong matanda na ang gagawin kong leading man sa aking kwento.}NAGISING na lamang si Millet na hubo’t hubad katabi ng kanyang amo na si Mr. Gabrielle Dizon, at gaya niya ay wala rin itong saplot sa katawan. Nangangatal ang katawan na bumangon siya at nagmamadaling nagbihis. Para siyang maiiyak lalo pa at wala siyang matandaan kung paano siyang napunta sa kwarto nito. Nagulat siya nang pagbukas ng pinto ay maraming camera ang kumuha ng larawan niya, pati na rin sa amo niya na kasalukuyang mahimbing pa ang tulog.Tinakpan niya ang kanyang mukha at patakbong nagtungo sa servant’s quarter ngunit may ilan sa mga reporters ang sumunod sa kanya.Samantala, naulinigan ni Gabrielle ang ingay na nagmumula sa kwarto niya
“PUMAYAG na ako sa plano mong pakasalan ang babaeng iyon, Lianela, ano na naman ba itong gusto mong mangyari?” Hindi maitago ang iritasyon sa boses ni Gabrielle habang magkakausap sila ng ama at ni Lianela.“Tama si Atty. Mendez, Gabrielle. Mas mainam na tumira muna kayo ni Millet sa isang condominium. At least mas secured kayo duon at walang media na basta-basta na lang makakapasok sa loob ng bahay. Besides, maitatago natin sa mga katulong ang totoong sitwasyon ninyo ng babaeng iyon since kayong dalawa lang ang magsasama sa condo. Alalahanin mong nasa paligid lang ang mga kalaban. Ayoko ng bigyan na naman sila ng pagkakataong mabutasan ka. Nakita mo ang effect ng pagpapakasal mo ng babaeng iyon? Tumaas ang tiwala ng taong bayan saiyo!”Hindi umimik si Gabrielle.Nilingon ni Lianela si Don Miguel, “Please address her as Millet, hindi babaeng iyon, Don Miguel. Or else, lalabas na hindi mo gusto ang ideyang pinakasalan ni Gab ang isang hampas lupa at walang pinag-aralang babae n
NAPALUNOK si Millet nang tumutok ang camera sa kanya. Kinakabahan siya na natatakot na hindi niya maintindihan. Parang babaligtad ang sikmura niya at gusto niyang tumakbo at magtago sa kuwarto ngunit sa tuwing nakikita niya si Atty. Lianela Mendez na nakatingin nang matalas sa kanya, para na lamang siyang dahon na hinahayaang matangay kung saan siya dalhin ng hangin.“Oho, h-hindi ako marunong bumasa at sumulat,” pumipiyok ang boses niya habang kaharap ang isa sa pinakasikat na reporter ng bansa, “N-ngunit hindi naging hadlang iyon sa pagmamahalan namin ng dati kong amo. N-naniniwala po kami pareho na hindi hadlang ang kawalan ng pinag-aralan para sa tunay at wagas na pag-ibig. S-sa katunayan po, ipinaramdam sa akin ni Gabrielle na pantay lang kami. . .na hindi ako isang mangmang na babae sa paningin niya.” Napalunok siya nang makalimutan ang ilang linya kaya nag-adlib na lamang siya ng sasabihin, “Kaya mas lalo ko pong minahal si Gabrielle. Alam ko pong nagulat ang lahat sa bil
NAPALUNOK si Gabrielle lalo pa at nag-init ng husto ang katawan niya. Hey, Gabrielle, kung lahat na lang ng magandang babae papatulan mo, ano pang ipinagkaiba mo sa hayup? Anang utak niya. Umayos siya ng upo at huminga ng malalim, “Pinaiimbestigahan ko na ang nangyari. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ginawa iyon, pero gusto kong humingi ng sorry sa naging kapangahasan ko.”Hindi siya umimik. Nakatungo lang siya habang nakatitig sa kanyang tinapay at kape. Nagising na lang siya isang araw na hindi na siya virgin at ni wala siyang maalala sa mga nangyari.At ngayon ay kara-karakang nalagay siya sa ganitong sitwasyon. Parang gusto niyang mapaiyak.Gustong ma-guilty ni Gabrielle dahil kasabwat siya sa pagsasamantala sa kainosentehan ni Millet. Para tuloy nawalan na siya ng ganang tapusin ang kanyang pagkain. Tiningnan niya ito ng matiim, “Talaga bang hindi ka marunong bumasa at sumulat?”Hiyang-hiyang tumango si Millet.“Ikukuha kita ng tu
KABADONG-kabado si Millet nang mahiga. Sinigurado niyang may nakapagitang unan sa gitna nila ni Gabrielle. Gaya niya, tahimik rin lang ito, nakatingin sa kisame at waring may malalim na iniisip.Pumihit siya patalikod dito. Natatakot siyang baka kapag nakatulog siya ay maghilik siya ng malakas at hindi ito makapagpahinga ng maayos. Hindi na nga komportable ang hinihigaan nito kaya ayaw niyang dagdagan pa ng mga hilik niya ang discomfort nito.Pasimple niya itong nilingon, nakita niyang mulat pa rin ang mga mat anito.“Pasensya ka na k-kung maliit lang ang kwartong ito. Kwarto ito nina Nanay. Ipinahiram lang sa atin bilang espesyal na bisita ka. . .iyong kuwarto ko, sa kabila kasama ng mga kapatid ko. . .duon sila nanay matutulog ngayon.”“Ilang taon ka sa picture na yan?” Tanong ni Gabrielle sa kanya na ang tinutukoy ay ang nakabitin sa dingding na picture niya kasama ng nanay at tatay niya. Iyon lang yata ang picture na mayroon siya. Siya pa lang ang anak ng nanay at tatay ni
“ANG HIRAP siguro para saiyo n-nang sumama sa ibang lalaki ang. . .Mommy mo,” halos paanas lamang na sabi niya sa kanyang amo. Nakita niyang bahagya itong napaismid.“Halos gabi-gabi akong binabangungot nuon. Hindi ako makapaniwalang nagawa nya kaming ipagpalit ni Daddy sa kung sinong lalaki. Since then, ipinangako kong kakalimutan ko na sya at hindi ko na sya hahanapin kahit na kailan.”“At simula rin nuon, hindi ka na naniwala sa salitang pag-ibig?” Halos paanas lamang na tanong niya rito.Hindi sinagot ni Gabrielle ang tanong niya, sa halip ay kumunot ang nuo nito, “Talaga bang hindi ka marunong bumasa at sumulat?”Namula ang kanyang mga pisngi. Nakakahiyang sa edad niyang disnuebe ay maski ang pangalan niya ay hirapan pa rin siyang isulat.“Hindi na ho ako nabigyan ng pagkakataong makatuntong sa school. Napilitan akong magtrabaho sa palengke nang magkasakit si tatay. Ako kasi ang panganay kaya ako lang ang pwede nilang asahan. . .”“May sakit ang tatay mo and yet nagawa pa n