Share

CHAPTER 50

RAMDAM NI MILLET na simula nang mabaril si Gabrielle ay maging paralisado ang kalahati nitong katawan ay palagi na itong galit sa kanya. Na para bang ayaw na nitong makita pa siya duon. Ni hindi nito naappreciate ang tulong na ibinibigay niya.

“Iha, pagpasensyahan mo na lang si Gabrielle kung palaging mainit ang ulo saiyo. Siguro ay hindi lang niya matanggap na wala siyang magawa sa sitwasyon niya ngayon,” sabi ni Dr. Bernadette sa kanya, “Besides, he’s emotionally unstable dahil sa nangyari sa Daddy niya. Sunod-sunod ang mga nangyari at hindi niya matanggap ang lahat ng iyon. Alam mo namang halos buong buhay niya, minanipula ito ni Miguel.”

“Siguro ako ang sinisisi nya sa nangyari sa kanya. K-kung hindi naman kasi dahil sa akin, hindi malalantad ang lahat ng bahong itinatago ni Don Miguel at hindi siya baba sa pwesto.” Malungkot na pahayag ni Millet.

Hinagod ng babae ang kanyang buhok, “Iha, kung hindi dahil sa tapang mo, hanggang ngayon ay nabubuhay sa isang malaking kasinunga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status