Handa si Sophia Grant na gawin ang lahat para maisalba ang kasal niya kay Julian—kahit pa unti-unti na itong lumalamig at tila ba nahuhulog na sa bitag ng magandang empleyado nitong si Vanessa. At ngayong may baby na sila, mas lalo siyang kumapit. Umaasa. Nagsusumamo. Pero habang lalong nabubunyag ang mga kasinungalingan at pagtataksil, unti-unting bumukas ang mga mata ni Sophia sa katotohanang ayaw niyang tanggapin—na minsan, hindi sapat ang pagmamahal lang. Wasak ang puso. Luhaan. Napahiya. Sophia chose to walk away… dala-dala lang ang mga sugat ng kahapon at ang pangakong babangon muli. Sa pagkakataong ‘to, hindi para kay Julian. Kundi para sa sarili niya. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na magbabalik siya—mas matapang, mas malakas… at handang ipaglaban ang respeto at hustisyang matagal nang ipinagkait sa kanya.
View MoreRamdam ni Sophia ang bigat sa buong katawan niya habang nakahiga siya sa hospital bed. Para siyang lantang gulay—ubos na ubos. Pero sa kabila ng lahat, may liwanag na bumalot sa puso niya habang nakatitig siya sa munting mukha ng sanggol na yakap-yakap niya ngayon.Napakaganda ng anak niya. May malalambot na pisngi, at mga matang sing-itim ng gabi na unti-unting bumubuka’t tumitingin sa kanya—wala pa siyang kaalam-alam sa lahat ng kalokohang ginawa ng ama niya sa nanay niya.Tahimik ang buong kwarto. Tanging hininga lang ng anak niya ang maririnig, at mga bulong nina Jamella at ng lalaking nasa gilid ng kama—ang taong kamakailan lang ay nalaman niyang tunay niyang ama.Lumapit si Jamella at ngumiti habang hinaplos ang maliliit na daliri ng baby.“Siya ‘yung baby version mo, Sophia,” mahinang sambit ni Jamella, puno ng pagmamahal ang tinig.Napangiti si Sophia, kahit pagod na pagod. “He’s perfect,” aniya, habang nakatitig pa rin sa anak niya. “Siya lang ‘yung may sense sa lahat ng gulo
Umupo si Sophia sa waiting area ng law firm, pakiramdam niya parang hindi siya nababagay sa lugar. Ang kinis ng marble flooring, ang mamahaling leather couch, at ang mga abstract paintings na parang hindi naman niya maintindihan—lahat ‘yun parang nang-aasar lang na “You don’t belong here.”Hinanap ng mga daliri niya ang strap ng handbag niya habang pilit niyang pinipigilan ang halo-halong kaba at curiosity na gumugulo sa isip niya.Bumukas ang pinto ng opisina. Isang lalaking naka-tailored suit ang lumabas, mukhang businessman sa isang teleserye.“Ms. Grant?” tanong nito habang inaabot ang kamay.“Daniel Shaw. Thank you for coming in.”Tumayo si Sophia, nanginginig pa ang kamay habang nakipag-shake hands.“Thank you rin... for contacting me. Pero to be honest, I’m still not sure kung bakit ako nandito.”Ngumiti nang magaan si Daniel, parang sinasabi ng ngiti niya na okay lang kahit litong-lito siya.“Please, come inside. Let’s talk.”Pagpasok niya sa loob ng opisina, parang bigla siya
Kinabukasan, pilit na iniiwasan ni Sophia ang stress. Gusto lang niyang makabawi, makalanghap ng kahit konting katahimikan. Pero natigilan siya nang biglang bumukas ang pinto.Pamilyar ang tinig. Mababang boses ni Julian. Saglit siyang napaasa—baka umuwi ito para makipag-ayos.Pero agad ‘yung pag-asang ‘yon ay naglaho nang marinig niya ang isa pang boses.Pino. Malambing. Tumatawa.Si Vanessa.Nasa harap niya ang dalawang taong unti-unting gumuguho sa mundo niya. Magkasama, nagtatawanan, para bang wala silang nasasagasaan.Hawak ni Julian ang kamay ni Vanessa. At ‘yung ngiti sa mukha niya—matagal nang hindi nakita ni Sophia ‘yon. Hindi para sa kaniya… kundi para sa ibang babae.Nanikip ang dibdib niya, pero pinilit niyang huminga. Tumindig siya ng diretso, pinipigilang ipakita kung gaano siya nasasaktan.Wala man lang silang pakialam. Ni hindi siya napansin. Hanggang sa nilinaw niya ang lalamunan niya.Napalingon si Julian. At sa halip na konsensya ang makita sa mukha nito, inis pa an
“May business trip ako,” malamig na sabi ni Julian.“At kasama ko si Vanessa.” Wala man lang pag-aalinlangang binigkas niya ‘yon.Napakurap si Sophia, halos hindi makapaniwala sa narinig niya.“Pipiliin mo siya kaysa sa akin?!” mangiyak-ngiyak na tanong niya.“Sa dami ng pinagdaanan natin?”“Hindi ‘to tungkol sa pagpili. This is about what I want,” sagot ni Julian, diretso, walang emosyon. “And what I want is to be free of this.”Parang biglang lumiit ang buong kwarto. Sumikip ang dibdib ni Sophia. Nahihirapan siyang huminga.“P-paano naman ang kasal natin? Ang baby natin?” Nanginginig ang boses niya.Pero si Julian? Wala man lang pagbabago sa ekspresyon.“I’ll take care of the baby, gaya ng sinabi ko. Pero wag mong asahan na mananatili ako.”Unti-unting bumagsak ang luha ni Sophia. Bawat salitang binibitawan niya, parang kutsilyong dumidiretso sa puso niya.“So... aalis ka na lang ng gan’to?”“I’m not walking away. I’m moving forward.”“Moving forward? ‘Yan ba ang tawag mo sa ginagaw
Tumigil si Sophia sa harap ng salamin, dahan-dahang huminga ng malalim habang inaayos ang neckline ng pulang dress na suot niya. 'Yung red dress na pinili niya para ngayong gabi—hugging her body just right, enough to remind Julian of those passionate nights they used to share.This is it, Sophia. Ito na ang pagkakataon niyang subukang buuin ulit kung anong meron sila dati. Para ipaalala sa asawa niya na siya pa rin ang babaeng minahal nito noon.“Tonight is going to be different,” bulong niya sa sarili, pilit na ngumiti kahit ramdam niya ang kaba sa dibdib.Paglabas niya ng kwarto, nadatnan niya si Julian nakahiga sa sofa, naka-focus sa cellphone niya. 'Yung ilaw ng screen ay tumatama sa mukha nito, giving him that distant, cold look. Para bang may sarili itong mundo at hindi siya kasali doon.“Julian,” tawag niya nang marahan, tinatangkang gawing magaan ang tono. Halos hindi namam siya nito nilingon.“What?”“I thought... we could have a special dinner tonight.” Pinilit niyang ngumit
Tahimik silang dalawa ni Jamella habang nakaupo sa sala, pareho silang may hawak na kape pero ni isa sa kanila walang gana uminom. Tumigil sa pagkalikot ng ballpen si Sophia at muling tumingin sa orasan.Bakit parang ang lakas-lakas ng tik-tak nito ngayon?“Okay,” mahina pero matatag ang boses niya. “Simulan na natin. Gusto kong maisulat lahat ng sasabihin ko. Hindi na ako pwedeng magkamali.”Tumango si Jamella at agad kinuha ang notepad niya. “Simulan mo sa kung ano talaga yung nararamdaman mo. Walang filter, Soph. Masyado mo nang tinago ‘to sa sarili mo.”Napakagat si Sophia sa labi habang iniisip ang sasabihin.“Gusto kong malaman niya kung gaano kasakit ‘yung ginawa niya. Hindi lang ‘to tungkol sa pambababae niya—it’s about trust. Trust na binuo namin ng taon. Tapos ngayon, malalaman kong ninanakawan niya pa ako?”Mabilis na sinulat ni Jamella ang sinabi niya.“Tama. Dapat alam niya ‘yon. Tapos idagdag mo na rin ‘yung pregnancy mo. Ipaalala mo sa kanya na hindi lang ikaw ang nasas
Nakapaupo si Sophia sa gilid ng kama, ni hindi alam kung paano tatanggalin ‘yung bigat na nakadagan sa dibdib niya—yung sakit ng pagtataksil ni Julian. Tahimik ang buong bahay. Tahimik na parang nananakal. Binuksan niya ang phone niya at dahan-dahang nag-scroll sa contacts. Hindi niya alam kung sino ang dapat tawagan. Sino ba ang maiintindihan siya? Sino ba ang hindi siya huhusgahan sa gulong pinasok niya?Huminga siya nang malalim at pinindot ang “Call” sa pangalan ni Jamella—ang best friend niyang kanlungan sa lahat ng gulo.*Ring… Ring…*Namumuo na ang luha sa mga mata niya habang hinihintay sagutin ng kaibigan. Ilang segundo pa lang pero parang isang buong taon ang lumipas bago may sumagot.“Hey, Sophia! Grabe, it’s so good to hear from you!” Masigla ang boses ni Jamella. Walang kaide-ideya ang kaibigan niya sa bigat ng pinagdadaanan niya ngayon.“Hey, Jamella…” pilit niyang pinangiti ang boses niya.“Can we talk?” mahina niyang tanong.“Of course! Anong meron?” Biglang nagbago a
Nakatayo lang si Sophia sa gitna ng sala, habang kaswal lang na pumasok si Julian—parang wala lang. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Diretso siya sa sofa, kinuha ang remote, at naupo na parang hindi lang siya nahuling may ibang babae.Mas lalo lang nag-init ang dibdib ni Sophia sa katahimikan nito.“Julian,” malamig at matalim ang tono niya, para na ring kutsilyong tumaga sa katahimikan ng bahay.Pero hindi pa rin siya nilingon nito.“What is it now, Sophia?” aniya, walang emosyon.“*What is it now?*” ulit ni Sophia, nanlaki ang mata, hindi makapaniwala.“Nakita ko. Ako mismo. Huwag mo na akong gawing tanga. Alam ko na may iba ka.” Sa wakas, tumingin din ito sa kanya—pero walang gulat, walang konsensya. Wala. Wala siyang nakita kundi walang pake.“So?” simpleng sagot nito. Parang sinabi lang na mainit sa labas.“So?!” bulyaw ni Sophia, halos mapasigaw na.“Julian, niloloko mo ako! May iba ka! At ang kapal pa ng mukha mong umasta na parang wala lang ‘yon?! My God, kasal tayo!”
"I’ll handle it, I promise. Just give me some time," mariing sabi ni Julian habang nakatingin sa malayo. Matatag ang tono niya, pero ramdam ni Sophia na may kakaiba. Parang may tinatago.Napakapit siya sa railing ng balcony habang unti-unting bumabagsak ang tiyan niya sa kaba. Shit. Something’s not right.Hindi lang 'to tungkol sa pagbubuntis niya. May mas malalim pa. May lihim. At sa bawat segundo ng pananahimik ni Julian, lalo lang lumilinaw sa kanya ‘yon. Parang isang piraso ng salamin na unti-unting nababasag habang tinitingnan mo.Napapikit siya, nangingilid na ang luha. Binalingan niya ang loob ng bahay, pero kahit gaano kaganda ang set-up ng dinner, kahit gaano kainit ang pagkain sa mesa—wala nang init sa pagitan nila. Naubos na.Pagpasok niya, napatingin siya kay Julian na kakababa lang ng tawag. Wala sa mukha nito ang emosyon. Blanko. At doon siya lalong kinabahan."Julian," panimula ni Sophia, bahagyang nanginginig ang boses pero pinilit niyang panindigan."We need to talk."
Nakatayo ako sa kitchen, hawak-hawak ang wooden spoon habang nakatitig sa nilulutong manok sa oven. Kumakabog ang dibdib ko, pero hindi ko alam kung dahil sa excitement… o kaba. "Hmm... may nakalimutan ba ako?" bulong ko sa sarili habang napatingin ako sa orasan sa dingding. Tick. Tock. Tick. Tock. Parang niloloko ako ng oras. Ang bagal ng galaw ng minuto, parang sinasadyang pasabikin ako. Ngayong gabi ang inaasahan ko. 'Yung moment na balak kong sabihin kay Julian… na buntis ako. Three weeks pa lang, pero ramdam ko na agad 'yung saya, 'yung fear, at higit sa lahat, 'yung hope. Akala ko, baka ito na ang sagot. Maybe this baby could bring us back together. Puno ng aroma ng roasted chicken ang kitchen—gamit ang special recipe kong may lemon rosemary. Sa gilid, naka-plate na rin ang sautéed vegetables—may red and yellow bell peppers, zucchini, at talong. Kulay pa lang, panalo na. “Sigurado akong magugustuhan niya ’to,” mahina kong sabi habang inaayos ang mesa. Nilagay ko ang folde...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments