Nakatayo lang si Sophia sa gitna ng sala, habang kaswal lang na pumasok si Julian—parang wala lang. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Diretso siya sa sofa, kinuha ang remote, at naupo na parang hindi lang siya nahuling may ibang babae.Mas lalo lang nag-init ang dibdib ni Sophia sa katahimikan nito.“Julian,” malamig at matalim ang tono niya, para na ring kutsilyong tumaga sa katahimikan ng bahay.Pero hindi pa rin siya nilingon nito.“What is it now, Sophia?” aniya, walang emosyon.“*What is it now?*” ulit ni Sophia, nanlaki ang mata, hindi makapaniwala.“Nakita ko. Ako mismo. Huwag mo na akong gawing tanga. Alam ko na may iba ka.” Sa wakas, tumingin din ito sa kanya—pero walang gulat, walang konsensya. Wala. Wala siyang nakita kundi walang pake.“So?” simpleng sagot nito. Parang sinabi lang na mainit sa labas.“So?!” bulyaw ni Sophia, halos mapasigaw na.“Julian, niloloko mo ako! May iba ka! At ang kapal pa ng mukha mong umasta na parang wala lang ‘yon?! My God, kasal tayo!”
Last Updated : 2025-04-21 Read more