All Chapters of It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version): Chapter 11 - Chapter 17

17 Chapters

11: Bare Minimum

“Yan talaga ang susuotin mo sa meeting?” sarkastikong tanong ni Julian pagkapasok na pagkapasok pa lang sa bahay. Mabilis ang mata niyang tumama sa suot ni Sophia.Nasa kusina si Sophia, nakatalikod habang abala sa paghahalo ng niluluto. Nang marinig ang sinabi ng asawa, dahan-dahan siyang lumingon na para bang kunwari’y nagulat.“Bakit, anong problema?” sagot niya, bahagyang nakangiti. “Komportable naman ‘to.”“Komportable?” Umirap si Julian at inihagis ang briefcase sa counter. “Pwede ba, Sophia. Baka pwedeng mag-effort ka naman kahit konti. Ayusin mo man lang itsura mo.”Tumango si Sophia, tinaasan siya ng kilay, pero hindi nawala ang bahagyang ngiti sa labi niya.“Ayusin ang itsura?” kunwaring nag-isip siya. “Hindi ba si Vanessa ang expert diyan?”Biglang nanigas ang panga ni Julian. Kita sa mukha niyang hindi nagustuhan ang nabanggit.“Wag mong idamay si Vanessa dito.”“Ay pero kasama na siya, ‘di ba?” Walang pakialam na balik ni Sophia habang patuloy lang sa pagkahalo. Kunwari’y
last updateLast Updated : 2025-04-26
Read more

12: Inaangkin

“Trabaho na naman,” sagot ni Sophia, pilit na ginagawang biro ang tono niya.“Dapat siguro magpahinga ka rin minsan, Julian.”“’Wag mo akong alalahanin,” mabilis niyang sagot habang nakatitig sa TV, ni hindi siya tumingin kay Sophia. Napangiti si Sophia sa sarili niya.“Hindi naman ako nag-aalala. Curious lang. Parang masyado kang invested sa trabaho mo lately.” Saglit siyang tumingin kay Sophia—matigas ang mukha, malamig ang mata.“Ano na namang pinapahiwatig mo?”“Wala. Promise.” Umamba siyang sumandal sa counter na para bang chill lang. Pero may gigil sa ngiti niya.“Gusto ko lang malaman kung ‘yang ‘bagong project’ mo ba eh sapat na para kalimutan mo ako—hindi, para kalimutan mo ang responsibilidad mo sa anak natin.”“Tumigil ka nga,” biglang seryoso ang tono ni Julian, nanlilisik ang mga mata.“Bakit ba, hon? Hirap ka bang aminin na baka busy ka masyado sa... pagtikim ng hindi kontentong pagkababae ng iba? Takot ka ba sa karma kung sakaling nandiyan na sa likod mo?” sarkastikong
last updateLast Updated : 2025-04-26
Read more

13: Kukuhanin Ko Nag Anak Ko

Napakunot ang noo ni Vanessa. Halatang may bumabagabag sa kanya habang nakatitig sa mukha ni Sophia na parang may gustong alamin.“Talaga bang iniisip mong kaya mong tapatan ako?” madiin at punong-puno ng pang-uuyam ang boses ni Vanessa.Bahagyang ngumisi si Sophia habang tumagilid ang katawan niya at nagkrus ng mga braso.“Kahit wala siya, buo pa rin ako.” Tumindig siya nang diretso. “Ikaw? Sa tingin mo ba may halaga ka kung wala siya?”Napataas ang kilay ni Vanessa. “Akala mo lang ikaw ang may laban. Don’t get too comfortable. Hindi ako papayag na apak-apakan mo lang ako. May sarili akong plano.”Napangisi si Sophia, isang ngising nakakapikon.“Plano? Eh anong gagawin mo, Vanessa?”Lumapit si Sophia, halos isang dangkal na lang ang pagitan nila. Bumababa ang tono ng boses niya, parang isang lihim na ibinubulong pero may matinding impact.“Let’s just say… may paraan ako para ipaalam sa kanya na ako pa rin ‘to. Gusto mong manatili sa tabi niya? Be my guest. Pero wag mong iisipin na ma
last updateLast Updated : 2025-04-26
Read more

14: Mababawi Ko Ang Lahat

Hawak-hawak ni Sophia ang cellphone niya habang nakatingin sa bintana, habang unti-unting pumapasok ang liwanag ng umaga sa kwarto. Parang manhid na siya sa lahat ng nararamdaman. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang taon, malinaw na sa kanya ang sagot.Kailangan na niyang iwan si Julian. At, for once, hindi na siya dapat makaramdam ng guilt.Tumunog ang cellphone niya — mahina pero sapat para basagin ang katahimikan. Halos automatic na sinagot ni Sophia ang tawag.“Hello, Sophia speaking,” mahina niyang bulong, baka kasi magising ang baby niya na mahimbing ang tulog sa crib.“Mrs. Sebastian?” boses ng abogado ng papa niya ang narinig niya sa kabilang linya. Bago pa siya makasagot, mapait na ngiti ang dumaan sa labi niya nang marinig ulit ang apelyido ni Julian.“Nag-request po kayo ng consultation?”“Yes, tama. Gusto ko sanang pag-usapan ang tungkol sa mana ko... at saka yung divorce papers,” sabi niya, medyo nagulat pa siya na mas matatag ang boses niya kaysa sa inaasahan.“Of cou
last updateLast Updated : 2025-04-26
Read more

15: Bingit ng Pagbagsak

Pumasok si Sophia sa nursery, agad na lumambot ang puso niya nang makita ang anak niyang mahimbing na natutulog, mahigpit ang pagkakayakap sa maliit niyang kumot. Lumuhod siya sa tabi ng crib at mahina niyang ibinulong,"Konti na lang, baby... Tayong dalawa na lang. Sa mas maayos na lugar."Habang nagpapahinga siya sa sofa, sinubukan niyang damhin ang kaunting kapayapaan, pero biglang tumunog ang cellphone niya. Unknown number. Akala niya abugado lang ulit, kaya sagot agad siya."Hello, Sophia Sebastian speaking," mahina niyang sabi, baka magising ang anak niya."Mrs. Sebastian?" May kaba sa boses sa kabilang linya, parang nagmamadali pa."This is St. John’s Hospital. Na-admit po ang asawa ninyo."Napakagat-labi si Sophia, napaupo ng diretso. Tiningnan niya ang repleksyon niya sa salamin—halatang nag-aalala pa rin kahit anong pilit niyang maging kalmado."Ano pong nangyari?" halos pabulong niyang tanong."May insidente po involving his company... Hindi pa po buo ang details, pero kail
last updateLast Updated : 2025-04-26
Read more

16: Desperida Siya

"Si Julian hihingi ng isa pang chance? After everything? After he left me, begging for his love… para sa’yo?"Late na ng gabi. Nakaupo ako sa gilid ng kama, nakatitig sa maliit na crib kung saan mahimbing na natutulog ang anak ko.“Baby… hindi mo alam kung gaano mo binago ang buhay ko," mahina kong bulong habang hinahaplos ang maliit niyang kamay. "Binigyan mo ako ng lakas… pero bakit parang ngayon, parang gagawa ako ng pinakamahinang desisyon ng buhay ko?”Kumislap ang mga mata ko, pilit pinipigilan ang pagbagsak ng luha.Nag-Flashback sa utak ko ang boses ni Julian kanina, habang nakahiga siya sa hospital bed—mahina, desperado.---"Sophia, please. Alam kong nagkamali ako... sobra. Tanga ako noon. Pero ngayon, sinusubukan ko nang ayusin lahat. Kailangan ko lang... kailangan ko ng tulong mo. Para sa anak natin, kung hindi man para sa'kin.""At paano naman 'yung mga gabing umiiyak akong mag-isa? 'Yung mga araw na parang multo na lang akong naglalakad kasi pinaramdam mo sa'kin na wala
last updateLast Updated : 2025-04-27
Read more

17: Gumagaling Manloko

Hawak-hawak ni Sophia ang kanyang baby sa nursery, habang marahang pumapailanlang ang tunog ng lullaby mula sa maliit na machine sa tabi ng crib. Kumapit ang maliliit na daliri ng anak niya sa kanya, at kahit sandali lang, parang lahat ng problema sa mundo nawala.Pero hindi nagtagal ang katahimikan. Biglang bumalik sa isip niya ang boses ng kanyang ama—matigas, walang kapaguran."Sophia, nagkakamali ka. Ginagamit ka lang niya. Ulit."At sumunod naman ang boses ni Jamella, mas matalas, mas diretso sa point."Bulag ka kung iniisip mong nagbago siya. Mga katulad ni Julian? Hindi nagbabago 'yan—gumagaling lang manloko."Napapikit si Sophia, pilit itinataboy ang mga salita.Pinipilit niya kasing maniwala—pinipilit niyang paniwalaan na nag-e-effort si Julian. Lagi na itong nasa bahay, nakikipag-bonding sa baby nila, minsan pa nga, siya na ang nagluluto ng breakfast. Pero kahit anong pilit, may bahid ng pagdududa na ayaw siyang bitawan.May mahinang tunog ng pinto na bumungad sa kanya, dahi
last updateLast Updated : 2025-04-27
Read more
PREV
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status