Napakunot ang noo ni Vanessa. Halatang may bumabagabag sa kanya habang nakatitig sa mukha ni Sophia na parang may gustong alamin.“Talaga bang iniisip mong kaya mong tapatan ako?” madiin at punong-puno ng pang-uuyam ang boses ni Vanessa.Bahagyang ngumisi si Sophia habang tumagilid ang katawan niya at nagkrus ng mga braso.“Kahit wala siya, buo pa rin ako.” Tumindig siya nang diretso. “Ikaw? Sa tingin mo ba may halaga ka kung wala siya?”Napataas ang kilay ni Vanessa. “Akala mo lang ikaw ang may laban. Don’t get too comfortable. Hindi ako papayag na apak-apakan mo lang ako. May sarili akong plano.”Napangisi si Sophia, isang ngising nakakapikon.“Plano? Eh anong gagawin mo, Vanessa?”Lumapit si Sophia, halos isang dangkal na lang ang pagitan nila. Bumababa ang tono ng boses niya, parang isang lihim na ibinubulong pero may matinding impact.“Let’s just say… may paraan ako para ipaalam sa kanya na ako pa rin ‘to. Gusto mong manatili sa tabi niya? Be my guest. Pero wag mong iisipin na ma
Hawak-hawak ni Sophia ang cellphone niya habang nakatingin sa bintana, habang unti-unting pumapasok ang liwanag ng umaga sa kwarto. Parang manhid na siya sa lahat ng nararamdaman. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang taon, malinaw na sa kanya ang sagot.Kailangan na niyang iwan si Julian. At, for once, hindi na siya dapat makaramdam ng guilt.Tumunog ang cellphone niya — mahina pero sapat para basagin ang katahimikan. Halos automatic na sinagot ni Sophia ang tawag.“Hello, Sophia speaking,” mahina niyang bulong, baka kasi magising ang baby niya na mahimbing ang tulog sa crib.“Mrs. Sebastian?” boses ng abogado ng papa niya ang narinig niya sa kabilang linya. Bago pa siya makasagot, mapait na ngiti ang dumaan sa labi niya nang marinig ulit ang apelyido ni Julian.“Nag-request po kayo ng consultation?”“Yes, tama. Gusto ko sanang pag-usapan ang tungkol sa mana ko... at saka yung divorce papers,” sabi niya, medyo nagulat pa siya na mas matatag ang boses niya kaysa sa inaasahan.“Of cou
Pumasok si Sophia sa nursery, agad na lumambot ang puso niya nang makita ang anak niyang mahimbing na natutulog, mahigpit ang pagkakayakap sa maliit niyang kumot. Lumuhod siya sa tabi ng crib at mahina niyang ibinulong,"Konti na lang, baby... Tayong dalawa na lang. Sa mas maayos na lugar."Habang nagpapahinga siya sa sofa, sinubukan niyang damhin ang kaunting kapayapaan, pero biglang tumunog ang cellphone niya. Unknown number. Akala niya abugado lang ulit, kaya sagot agad siya."Hello, Sophia Sebastian speaking," mahina niyang sabi, baka magising ang anak niya."Mrs. Sebastian?" May kaba sa boses sa kabilang linya, parang nagmamadali pa."This is St. John’s Hospital. Na-admit po ang asawa ninyo."Napakagat-labi si Sophia, napaupo ng diretso. Tiningnan niya ang repleksyon niya sa salamin—halatang nag-aalala pa rin kahit anong pilit niyang maging kalmado."Ano pong nangyari?" halos pabulong niyang tanong."May insidente po involving his company... Hindi pa po buo ang details, pero kail
Nakatayo ako sa kitchen, hawak-hawak ang wooden spoon habang nakatitig sa nilulutong manok sa oven. Kumakabog ang dibdib ko, pero hindi ko alam kung dahil sa excitement… o kaba. "Hmm... may nakalimutan ba ako?" bulong ko sa sarili habang napatingin ako sa orasan sa dingding. Tick. Tock. Tick. Tock. Parang niloloko ako ng oras. Ang bagal ng galaw ng minuto, parang sinasadyang pasabikin ako. Ngayong gabi ang inaasahan ko. 'Yung moment na balak kong sabihin kay Julian… na buntis ako. Three weeks pa lang, pero ramdam ko na agad 'yung saya, 'yung fear, at higit sa lahat, 'yung hope. Akala ko, baka ito na ang sagot. Maybe this baby could bring us back together. Puno ng aroma ng roasted chicken ang kitchen—gamit ang special recipe kong may lemon rosemary. Sa gilid, naka-plate na rin ang sautéed vegetables—may red and yellow bell peppers, zucchini, at talong. Kulay pa lang, panalo na. “Sigurado akong magugustuhan niya ’to,” mahina kong sabi habang inaayos ang mesa. Nilagay ko ang folde
"I’ll handle it, I promise. Just give me some time," mariing sabi ni Julian habang nakatingin sa malayo. Matatag ang tono niya, pero ramdam ni Sophia na may kakaiba. Parang may tinatago.Napakapit siya sa railing ng balcony habang unti-unting bumabagsak ang tiyan niya sa kaba. Shit. Something’s not right.Hindi lang 'to tungkol sa pagbubuntis niya. May mas malalim pa. May lihim. At sa bawat segundo ng pananahimik ni Julian, lalo lang lumilinaw sa kanya ‘yon. Parang isang piraso ng salamin na unti-unting nababasag habang tinitingnan mo.Napapikit siya, nangingilid na ang luha. Binalingan niya ang loob ng bahay, pero kahit gaano kaganda ang set-up ng dinner, kahit gaano kainit ang pagkain sa mesa—wala nang init sa pagitan nila. Naubos na.Pagpasok niya, napatingin siya kay Julian na kakababa lang ng tawag. Wala sa mukha nito ang emosyon. Blanko. At doon siya lalong kinabahan."Julian," panimula ni Sophia, bahagyang nanginginig ang boses pero pinilit niyang panindigan."We need to talk."
Nakatayo lang si Sophia sa gitna ng sala, habang kaswal lang na pumasok si Julian—parang wala lang. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Diretso siya sa sofa, kinuha ang remote, at naupo na parang hindi lang siya nahuling may ibang babae.Mas lalo lang nag-init ang dibdib ni Sophia sa katahimikan nito.“Julian,” malamig at matalim ang tono niya, para na ring kutsilyong tumaga sa katahimikan ng bahay.Pero hindi pa rin siya nilingon nito.“What is it now, Sophia?” aniya, walang emosyon.“*What is it now?*” ulit ni Sophia, nanlaki ang mata, hindi makapaniwala.“Nakita ko. Ako mismo. Huwag mo na akong gawing tanga. Alam ko na may iba ka.” Sa wakas, tumingin din ito sa kanya—pero walang gulat, walang konsensya. Wala. Wala siyang nakita kundi walang pake.“So?” simpleng sagot nito. Parang sinabi lang na mainit sa labas.“So?!” bulyaw ni Sophia, halos mapasigaw na.“Julian, niloloko mo ako! May iba ka! At ang kapal pa ng mukha mong umasta na parang wala lang ‘yon?! My God, kasal tayo!”
Nakapaupo si Sophia sa gilid ng kama, ni hindi alam kung paano tatanggalin ‘yung bigat na nakadagan sa dibdib niya—yung sakit ng pagtataksil ni Julian. Tahimik ang buong bahay. Tahimik na parang nananakal. Binuksan niya ang phone niya at dahan-dahang nag-scroll sa contacts. Hindi niya alam kung sino ang dapat tawagan. Sino ba ang maiintindihan siya? Sino ba ang hindi siya huhusgahan sa gulong pinasok niya?Huminga siya nang malalim at pinindot ang “Call” sa pangalan ni Jamella—ang best friend niyang kanlungan sa lahat ng gulo.*Ring… Ring…*Namumuo na ang luha sa mga mata niya habang hinihintay sagutin ng kaibigan. Ilang segundo pa lang pero parang isang buong taon ang lumipas bago may sumagot.“Hey, Sophia! Grabe, it’s so good to hear from you!” Masigla ang boses ni Jamella. Walang kaide-ideya ang kaibigan niya sa bigat ng pinagdadaanan niya ngayon.“Hey, Jamella…” pilit niyang pinangiti ang boses niya.“Can we talk?” mahina niyang tanong.“Of course! Anong meron?” Biglang nagbago a
Tahimik silang dalawa ni Jamella habang nakaupo sa sala, pareho silang may hawak na kape pero ni isa sa kanila walang gana uminom. Tumigil sa pagkalikot ng ballpen si Sophia at muling tumingin sa orasan.Bakit parang ang lakas-lakas ng tik-tak nito ngayon?“Okay,” mahina pero matatag ang boses niya. “Simulan na natin. Gusto kong maisulat lahat ng sasabihin ko. Hindi na ako pwedeng magkamali.”Tumango si Jamella at agad kinuha ang notepad niya. “Simulan mo sa kung ano talaga yung nararamdaman mo. Walang filter, Soph. Masyado mo nang tinago ‘to sa sarili mo.”Napakagat si Sophia sa labi habang iniisip ang sasabihin.“Gusto kong malaman niya kung gaano kasakit ‘yung ginawa niya. Hindi lang ‘to tungkol sa pambababae niya—it’s about trust. Trust na binuo namin ng taon. Tapos ngayon, malalaman kong ninanakawan niya pa ako?”Mabilis na sinulat ni Jamella ang sinabi niya.“Tama. Dapat alam niya ‘yon. Tapos idagdag mo na rin ‘yung pregnancy mo. Ipaalala mo sa kanya na hindi lang ikaw ang nasas
Pumasok si Sophia sa nursery, agad na lumambot ang puso niya nang makita ang anak niyang mahimbing na natutulog, mahigpit ang pagkakayakap sa maliit niyang kumot. Lumuhod siya sa tabi ng crib at mahina niyang ibinulong,"Konti na lang, baby... Tayong dalawa na lang. Sa mas maayos na lugar."Habang nagpapahinga siya sa sofa, sinubukan niyang damhin ang kaunting kapayapaan, pero biglang tumunog ang cellphone niya. Unknown number. Akala niya abugado lang ulit, kaya sagot agad siya."Hello, Sophia Sebastian speaking," mahina niyang sabi, baka magising ang anak niya."Mrs. Sebastian?" May kaba sa boses sa kabilang linya, parang nagmamadali pa."This is St. John’s Hospital. Na-admit po ang asawa ninyo."Napakagat-labi si Sophia, napaupo ng diretso. Tiningnan niya ang repleksyon niya sa salamin—halatang nag-aalala pa rin kahit anong pilit niyang maging kalmado."Ano pong nangyari?" halos pabulong niyang tanong."May insidente po involving his company... Hindi pa po buo ang details, pero kail
Hawak-hawak ni Sophia ang cellphone niya habang nakatingin sa bintana, habang unti-unting pumapasok ang liwanag ng umaga sa kwarto. Parang manhid na siya sa lahat ng nararamdaman. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang taon, malinaw na sa kanya ang sagot.Kailangan na niyang iwan si Julian. At, for once, hindi na siya dapat makaramdam ng guilt.Tumunog ang cellphone niya — mahina pero sapat para basagin ang katahimikan. Halos automatic na sinagot ni Sophia ang tawag.“Hello, Sophia speaking,” mahina niyang bulong, baka kasi magising ang baby niya na mahimbing ang tulog sa crib.“Mrs. Sebastian?” boses ng abogado ng papa niya ang narinig niya sa kabilang linya. Bago pa siya makasagot, mapait na ngiti ang dumaan sa labi niya nang marinig ulit ang apelyido ni Julian.“Nag-request po kayo ng consultation?”“Yes, tama. Gusto ko sanang pag-usapan ang tungkol sa mana ko... at saka yung divorce papers,” sabi niya, medyo nagulat pa siya na mas matatag ang boses niya kaysa sa inaasahan.“Of cou
Napakunot ang noo ni Vanessa. Halatang may bumabagabag sa kanya habang nakatitig sa mukha ni Sophia na parang may gustong alamin.“Talaga bang iniisip mong kaya mong tapatan ako?” madiin at punong-puno ng pang-uuyam ang boses ni Vanessa.Bahagyang ngumisi si Sophia habang tumagilid ang katawan niya at nagkrus ng mga braso.“Kahit wala siya, buo pa rin ako.” Tumindig siya nang diretso. “Ikaw? Sa tingin mo ba may halaga ka kung wala siya?”Napataas ang kilay ni Vanessa. “Akala mo lang ikaw ang may laban. Don’t get too comfortable. Hindi ako papayag na apak-apakan mo lang ako. May sarili akong plano.”Napangisi si Sophia, isang ngising nakakapikon.“Plano? Eh anong gagawin mo, Vanessa?”Lumapit si Sophia, halos isang dangkal na lang ang pagitan nila. Bumababa ang tono ng boses niya, parang isang lihim na ibinubulong pero may matinding impact.“Let’s just say… may paraan ako para ipaalam sa kanya na ako pa rin ‘to. Gusto mong manatili sa tabi niya? Be my guest. Pero wag mong iisipin na ma
“Trabaho na naman,” sagot ni Sophia, pilit na ginagawang biro ang tono niya.“Dapat siguro magpahinga ka rin minsan, Julian.”“’Wag mo akong alalahanin,” mabilis niyang sagot habang nakatitig sa TV, ni hindi siya tumingin kay Sophia. Napangiti si Sophia sa sarili niya.“Hindi naman ako nag-aalala. Curious lang. Parang masyado kang invested sa trabaho mo lately.” Saglit siyang tumingin kay Sophia—matigas ang mukha, malamig ang mata.“Ano na namang pinapahiwatig mo?”“Wala. Promise.” Umamba siyang sumandal sa counter na para bang chill lang. Pero may gigil sa ngiti niya.“Gusto ko lang malaman kung ‘yang ‘bagong project’ mo ba eh sapat na para kalimutan mo ako—hindi, para kalimutan mo ang responsibilidad mo sa anak natin.”“Tumigil ka nga,” biglang seryoso ang tono ni Julian, nanlilisik ang mga mata.“Bakit ba, hon? Hirap ka bang aminin na baka busy ka masyado sa... pagtikim ng hindi kontentong pagkababae ng iba? Takot ka ba sa karma kung sakaling nandiyan na sa likod mo?” sarkastikong
“Yan talaga ang susuotin mo sa meeting?” sarkastikong tanong ni Julian pagkapasok na pagkapasok pa lang sa bahay. Mabilis ang mata niyang tumama sa suot ni Sophia.Nasa kusina si Sophia, nakatalikod habang abala sa paghahalo ng niluluto. Nang marinig ang sinabi ng asawa, dahan-dahan siyang lumingon na para bang kunwari’y nagulat.“Bakit, anong problema?” sagot niya, bahagyang nakangiti. “Komportable naman ‘to.”“Komportable?” Umirap si Julian at inihagis ang briefcase sa counter. “Pwede ba, Sophia. Baka pwedeng mag-effort ka naman kahit konti. Ayusin mo man lang itsura mo.”Tumango si Sophia, tinaasan siya ng kilay, pero hindi nawala ang bahagyang ngiti sa labi niya.“Ayusin ang itsura?” kunwaring nag-isip siya. “Hindi ba si Vanessa ang expert diyan?”Biglang nanigas ang panga ni Julian. Kita sa mukha niyang hindi nagustuhan ang nabanggit.“Wag mong idamay si Vanessa dito.”“Ay pero kasama na siya, ‘di ba?” Walang pakialam na balik ni Sophia habang patuloy lang sa pagkahalo. Kunwari’y
Ramdam ni Sophia ang bigat sa buong katawan niya habang nakahiga siya sa hospital bed. Para siyang lantang gulay—ubos na ubos. Pero sa kabila ng lahat, may liwanag na bumalot sa puso niya habang nakatitig siya sa munting mukha ng sanggol na yakap-yakap niya ngayon.Napakaganda ng anak niya. May malalambot na pisngi, at mga matang sing-itim ng gabi na unti-unting bumubuka’t tumitingin sa kanya—wala pa siyang kaalam-alam sa lahat ng kalokohang ginawa ng ama niya sa nanay niya.Tahimik ang buong kwarto. Tanging hininga lang ng anak niya ang maririnig, at mga bulong nina Jamella at ng lalaking nasa gilid ng kama—ang taong kamakailan lang ay nalaman niyang tunay niyang ama.Lumapit si Jamella at ngumiti habang hinaplos ang maliliit na daliri ng baby.“Siya ‘yung baby version mo, Sophia,” mahinang sambit ni Jamella, puno ng pagmamahal ang tinig.Napangiti si Sophia, kahit pagod na pagod. “He’s perfect,” aniya, habang nakatitig pa rin sa anak niya. “Siya lang ‘yung may sense sa lahat ng gulo
Umupo si Sophia sa waiting area ng law firm, pakiramdam niya parang hindi siya nababagay sa lugar. Ang kinis ng marble flooring, ang mamahaling leather couch, at ang mga abstract paintings na parang hindi naman niya maintindihan—lahat ‘yun parang nang-aasar lang na “You don’t belong here.”Hinanap ng mga daliri niya ang strap ng handbag niya habang pilit niyang pinipigilan ang halo-halong kaba at curiosity na gumugulo sa isip niya.Bumukas ang pinto ng opisina. Isang lalaking naka-tailored suit ang lumabas, mukhang businessman sa isang teleserye.“Ms. Grant?” tanong nito habang inaabot ang kamay.“Daniel Shaw. Thank you for coming in.”Tumayo si Sophia, nanginginig pa ang kamay habang nakipag-shake hands.“Thank you rin... for contacting me. Pero to be honest, I’m still not sure kung bakit ako nandito.”Ngumiti nang magaan si Daniel, parang sinasabi ng ngiti niya na okay lang kahit litong-lito siya.“Please, come inside. Let’s talk.”Pagpasok niya sa loob ng opisina, parang bigla siya
Kinabukasan, pilit na iniiwasan ni Sophia ang stress. Gusto lang niyang makabawi, makalanghap ng kahit konting katahimikan. Pero natigilan siya nang biglang bumukas ang pinto.Pamilyar ang tinig. Mababang boses ni Julian. Saglit siyang napaasa—baka umuwi ito para makipag-ayos.Pero agad ‘yung pag-asang ‘yon ay naglaho nang marinig niya ang isa pang boses.Pino. Malambing. Tumatawa.Si Vanessa.Nasa harap niya ang dalawang taong unti-unting gumuguho sa mundo niya. Magkasama, nagtatawanan, para bang wala silang nasasagasaan.Hawak ni Julian ang kamay ni Vanessa. At ‘yung ngiti sa mukha niya—matagal nang hindi nakita ni Sophia ‘yon. Hindi para sa kaniya… kundi para sa ibang babae.Nanikip ang dibdib niya, pero pinilit niyang huminga. Tumindig siya ng diretso, pinipigilang ipakita kung gaano siya nasasaktan.Wala man lang silang pakialam. Ni hindi siya napansin. Hanggang sa nilinaw niya ang lalamunan niya.Napalingon si Julian. At sa halip na konsensya ang makita sa mukha nito, inis pa an
“May business trip ako,” malamig na sabi ni Julian.“At kasama ko si Vanessa.” Wala man lang pag-aalinlangang binigkas niya ‘yon.Napakurap si Sophia, halos hindi makapaniwala sa narinig niya.“Pipiliin mo siya kaysa sa akin?!” mangiyak-ngiyak na tanong niya.“Sa dami ng pinagdaanan natin?”“Hindi ‘to tungkol sa pagpili. This is about what I want,” sagot ni Julian, diretso, walang emosyon. “And what I want is to be free of this.”Parang biglang lumiit ang buong kwarto. Sumikip ang dibdib ni Sophia. Nahihirapan siyang huminga.“P-paano naman ang kasal natin? Ang baby natin?” Nanginginig ang boses niya.Pero si Julian? Wala man lang pagbabago sa ekspresyon.“I’ll take care of the baby, gaya ng sinabi ko. Pero wag mong asahan na mananatili ako.”Unti-unting bumagsak ang luha ni Sophia. Bawat salitang binibitawan niya, parang kutsilyong dumidiretso sa puso niya.“So... aalis ka na lang ng gan’to?”“I’m not walking away. I’m moving forward.”“Moving forward? ‘Yan ba ang tawag mo sa ginagaw