NAGLULUTO ako ng hapunan nang biglang tumunog ang aking cellphone."Francheska, kailangan kita," ang boses ni Diana, ang stepsister ko, mula sa kabilang linya. Agad akong kinabahan. Kilala ko si Diana—lahat ng hiling niya ay may kapalit."Ano'ng kailangan mo?" tanong ko, ang boses ko ay may halong pag-aalala."May kailangan akong takasan," sagot niya, may halong kaba sa boses. "Gusto nila akong ipakasal sa Montenegro.""Montenegro? Iyon 'yung bilyonaryo, 'di ba?" napakunot ang noo ko. Alam kong hindi ordinaryo ang mga Montenegro. Kilala ang pamilya nila sa larangan ng negosyo. Ito ay para na rin mapalakas ang connection sa kanilang negosyo, at nagbibigay sa kanila ng dagdag kapangyarihan at koneksyon sa kanilang industriya."Oo. Pero hindi ko gusto ang ideya ni mommy na ipakasal ako. I love my boyfriend. I need your help," ang pagsusumamo ni Diana. "Pumunta ka sa kanila, magpanggap ka bilang ako. Gawin mo ito para sa akin. Bukas may susundo sa'yo na driver na ipapadala ng pamilya Mont
Read more