I LEFT the dining table for Senyora's request. Kung tutuusin, pwede kong baliwalain iyon pero masyado naman yata akong abusado kung ganoon ang gagawin ko. I have to do it. And I have to do it fast just so I can get this over with.
Kumatok ako sa kwarto ni Elyes. Si Petrina ay nasa likod ko. Kanina nang nasa kwarto ako at nag-aayos, inabangan niya talaga ako para maihatid dito. Nilingon ko si Petrina na ngayon ay medyo kabado rin yata. She's seen Elyes's wrath a while ago and she's probably expecting that kind of viciousness now.
"Dito lang po ako sa labas mag-aantay, Miss Diana," si Petrina.
She stepped back to emphasize her choice. Kakatok muli sana ako nang biglang bumukas ang pintuan
Hindi ko alam kung alin ang naunang nangyari, ang pagkakakita ko ba sa kanyang katawan, pagkakaamoy sa kanyang bango, o ang pagkakapansin ko sa kanyang anyo. He looks dark especially with the dimmed yellow light on his background. Isang maliit na puting tuwalya ang nasa kanyang leeg. Basa ang buhok niyang mas humaba sa naalala ko kanina. His crouch defined the deep sculpted canals of his upper extreme's muscles.
Nakahawak ang kamay niya sa pintuan at painsultong nakatitig sa akin. Paano kami magkakaayos kung sa simpleng titigan ay hindi ko na siya maarok?
Hindi na siya nagsalita pa. He opened the door of his room Widely. Naglakad siya papasok sa kanyang kama. His gesture told me that I must go inside his room. Akala ko magtatalo pa kami at hindi niya ako papasukin sa mahiwagang kwarto niya.
Pinadaan ko ang mga mata ko sa buong kwarto. His room was definitely bigger than mine. Isang king size bed sa gitna, may nakalatag na itim na carpet sa sahig, at isang pintuan sa right corner, probably leading to his walk in closet and bathroom.
Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kama at inilipat sa isang maliit na lamesa sa gilid nito. And then he opened the large windows that I could see the moon and the stars in the sky. Bumaling siya sa akin. Mumunting patak ng tubig ang tumulo sa magulo niyang buhok. Ang ilaw sa labas ay nagpadepina sa bone structure ng kanyang mukha and I can't help but compare him to the men I usually imagine while reading a book.
"Inutusan ka ni Lola?" panimula niya na siyang nagputol sa aking mga iniisip.
Mabilis kong nakalimutan kong paano nga ba ako nakumbinsi ng matandang pumarito.
"Look, ayaw ko ng gulo. I am not rude. I can easily adjust to all kinds of people so just tell me what or how do you want this to work para hindi na tayo mag-away ulit."
He laughed mockingly. Nakapamaywang siya habang tumatawa. Nag-ugat ako sa kinatatayuan at muling narealize kung gaano ko siya ka ayaw. Umiling siya at panandaliang pinagpahinga ang dila sa labi, licking it thoroughly like a yummy desert. Tinikom ko ang bibig kom
Naglakad siya patungo sa maliit na mesa bago bumaling sa akin.
"Do you know why you're here in Siargao?"
Ilang saglit akong nalito sa sinabi niya. Of course, I know. I don't have to answer that. I will look dumb.
"You're here to get to know me because we will marry each other before the year ends," mataman niyang sinabi.
Alam ko 'yon. Anong problema niya?
"Do you honestly believe that we will work as husband and wife when you've just told me who you want to marry instead?" may pagbabanta sa tono niya dahilan kung bakit ako kinabahan.
He advanced. I was too rooted to even step back.
I am a calm and soft spoken person kaya naiistress ako sa mga taong gaya niya. Ayaw ko sa mga masyadong maenergy at magalaw. And like my first impression of him, he really is brisk and full of vigor. He's stressing me out!
"Hindi ka narito para sumang-ayon lang sa inutos sa'yo! Nandito ka para gampanan ang gagawin nating dalawa sa buhay na ito!" he said angrily.
Aling parte ba roon ang hindi ko naintindihan? Hindi ko kasi alam.
"This is a serious matter! This is marriage and you're here like some negotiator nodding at my grandma's bidding! Tayong dalawa ang magsasama habang buhay at dapat ay ngayon pa lang, nag-aaral ka na kung paano maging magaling na asawa at magseryoso. But instead, you're wasting your time entertaining other men, flirting, and drinking..." he put emphasis on the last three words na tila ba nakakadiri ang lahat ng iyon.
"Sandali nga..." pinigilan ko ang sarili ko pero hindi ko na nagawa pa. 'Sino sa atin ang hindi ito siniseryoso, huh? Hindi ba ikaw itong maraming babae? I am here to get to know you. And yes, I got to know you a bit well for a week of being here. At kahit Linggo, Elyes, may kasama kang babae? Tingin mo ginagampanan mo rin ng maayos ang pagiging asawa mo sakin? Hindi!"
Umigting ang kanyang panga at wala siyang naidugtong. There! I fucking said it!
Hindi ko maintindihan kung ano ang pinaglalaban niya. Galit siya kasi sinunod ko ang sinabi ng Lola niya? Galit din siya dahil hindi ako nagseseryoso sa mga bagay na ito? Ano ba ang dapat kong gawin para hindi siya magalit? And hell, I won't bend for him when he can't even keep his hands off his girls!
"You're a big hypocrite! All is fair, men and women. If you can entertain, why the hell can't I? I haven't explored much! Kaya huwag mo akong pagbawalan kung kahit ikaw na mas matanda'y 'di rin magawa!"
Ramdam ko ang galit niya sa akin. He advanced more making me step back till his bed. Ngayon ko lang napansin kung gaano siya katangkad at kalaki. His expanse made me feel small even at 55. Dahil nakalapit na siya, nakatingala na ako sa kanya. Dark and brooding, his aura is screaming of authority and menace. Para akong trapped na small animal, sa harap may nagbabantang leon.
"Oh, you want to explore, huh? You don't understand the meaning of marriage. When we are married, you are forbidden to explore with other men. Kaya bakit hindi ka na lang mag-aral, magpaturo kay Mercy paano magluto at paano mag-alaga ng asawa? No matter how much you explore, with my brother, you're still going to marry me in the end!"
Pumikit ako ng mariin, hindi maiintindihan kung ano ba talaga ang punto niya.
"I was not informed, Elyes, na seryoso ka pala sa pagpapakasal nating dalawa. Tuwing nakikita kitang nambababae, hindi halatang nag-eensayo ka na rin pala sa pag-aasawa natin. Ano 'yong practice mo? Kung paano magkaroon ng kabit?"
The gleaming anger in his eyes made me shut up. Sa takot ko'y pakiramdam ko'y sasaktan niya na ako! His chest heaved. Tinalikuran niya ako, tila kinakalma ang sarili. Now that he's out of my reach, I can finally complete my rant. Saktan niya man ako, I could probably duck because he's far from me.
"Galit ka dahil mas gusto ko si Samuel kesa sa'yo? Syempre, I would like him. You're an asshole, he's not!"
"What the fuck did you just say?" the cold baritone in his voice made my skin tingle.
It was like hearing the mythical prince charming's voice only with a curse. Damn it! Kasmbilis ng pagkakasabi niya ang pagbaling. Natahimik muli ako, nanlalamig sa takot.
"He's with women, too! How dare you call me an asshole and skip him!" I shuddered at his cold and angry baritone.
"So you admit now, huh? Na asshole ka nga?" I said softly.
Hindi siya nagsalita. Nanatili lang ang madilim at malalim niyang mga matang nakatingin sa akin. Nararamdaman ko ang pagpipigil niya ng gigil. Nararamdaman ko ang galit na sasabog na kung hindi ako tumigil.
"You know what? Forget it! I don't think magkakasundo tayo eventually."
Tinalikuran ko siya. Hinablot niya ang aking braso at pinaharap ako. My heart hammered violently in my ribcage, slightly shaking my small frame.
"Why don't you fucking tell my grandmother how you want Samuel instead?"
Binawi ko ang braso ko sa kanya. "Oh, don't worry. I will!" I spat before finally leaving him in his room.
KUMALABOG ang pintuan pagkalabas ko. Hindi ko na nilingon muli ang kwarto niya o kahit si Petrina. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko sa sobrang panggigigil at pagkakairita.I hate him. I hate him so much! His attitude, his voice, his expression, his cursing and crudeness... I hate everything about him.Sumakit ang ulo ko sa sagutan namin ni Elyes. Hindi ko mabalikan ang lahat dahil hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang pinag-aawayan namin. Sa sobra kasing dami ng argumento, hindi ko na mapagconnect ang lahat. Hindi ko alam ano ang puno't dulo.Nakay Diana man ang lahat ng kailangan ko para makapag-aral at makamit ang mga pangarap ko, nagpapasalamat parin ako ngayon na hindi ako siya."Pakisabi kay Senyora na okay na kami ni Elyes," sabi ko kay Petrina at pumikit ako ng mariin."Bakit padabog mong sinarado ang pintuan, kung ganoon, Miss?"Huminga ako ng malalim. 'Hindi pa kami masyadong magkasundo pero ayos na 'yon. Nakapag-usap na kami," paliwanag ko bago umalis si Petrina sa
TAHIMIK na naliligo si Samuel at ang mga kaibigan niya sa dagat. With some cute looking floaters, they looks so relaxed and calm. Ibang-iba sa pagligo nila kahapon na maingay at puro tawanan.Umihip ang pang-umagang hangin sa aking buhok. Nilingon ko si Yvvo na nakikipag-usap sa isang babae. Ngumiti ako. Sa paraan ng tinginan nila, pakiramdam ko'y ni hindi nila napapansin ang kahit ano sa paligid. Not even the beautiful vast sea in front, or my watching eyes... they are both so absorbed on their topic.Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng batuhan, sa may bukana lamang ng kwebang limestone. Bumaling ako sa aking sketchpad at nagsimulang gumuhit ng babae at Ialaki sa ilalim ng kubo. I know who it is. I will probably never give justice to Yvvo and the girl he's with but I want to try.Dadaan pa ang tatlong minuto bago ako titinging muli para makakuha ng detalye sa kanilang dalawa. Sa pangalawang balik ng tingin ko ay nakita kong bumababa na sa batong hagdanan si Betty kasama ang babaeng kaibi
WE CROSSED the highway. Sa simula pa lang ng paglalakad, kita ko na ang matatayog na windmills sa mga burol, hindi kalayuan. Kasabay ko sa paglalakad ang girlfriend ni Yvvo at sa likod namin ay ang dalawang lalaking kaibigan nila.Yvvo'ss girlfriend knows how to maneuver her moves, kahit pa may iilang putik sa nilalakaran namin. I'm trying my best to avoid the muddy and swampy parts but I'm new to this so I couldn't do much"Diana, this is my great grandfather's land," si Yvvo stretches from here to there..."Itinuro niya sa akin ang napakalayong kawalan. I expect the mountains and the hills were theirs, too. Nilingon ko ang malayong kaliwa kung saan mas mayaman at mas mataba ang lupa. May barb wire na nakapalibot doon. It probably means it's not part of their property.Tinanaw ko pa ang mas malayong dako at nakita ang nagtatayugang mga punong kahoy at ang madilim na madilim na kagubatan. Nanliit ang mga mata ko. Inilipat ko ang aking tingin sa mas maaliwalas na parte, ang lawak ng lup
HAPON NA NANG natapos kami roon. Papalubog na ang araw. Gusto ko sanang saksihan ang paglubog nito sa burol, lalo na ngayong nag-aaway na ang kahel at dilim ngunit nagyaya na si Yvvo na bumalik na kami.Binalikan lang namin ang dinaanan kanina. Nang may narinig akong mga yapak ng kabayo kung saan ay bahagya akong luminga-linga. Riding horsebacks, I always remember Elyes. At kapag nariyan siya, saan man ako, lagi na lang kaming nag-aaway.Ang tawa ni Peter sa joke na kakasabi lang ay nalunod sa yapak ng mga kabayo. Tumigil Sina Yvvo sa harap at bumaling sa kananag bahagi kung nasaan ang tanaw kong lupain kanina. I felt relieved when I realized it's not Elyes."Alis ka, Peter," dinig kong sabi ng Ialaki.I craned my neck to see who it is. Kaedad ni Elyes o siguroiy mas matanda ng konti ang nakasakay sa kulay itim na kabayo. He looked at me with so much curiosity bago tumawa si Samuel."Anong nangyari, Richard?" si Yvvo na ngayon ay seryoso.Tinitigan ako noong Ialaki. Wearing a white t-
"HABANG nasa banyo ka kanina, Miss, nagpapatanong si sir Samuel kung sasama ka ba sa kanila."Umaga ng sumunod na araw ay naroon na si Petrina sa kwarto para magligpit at tumulong na rin doon.Kagabi, habang naghahapunan kami'y sinabi ni Senyora Donna na tutulak sila ni Yvvo pa-MayniIa para puntahan ang matandang Senyor. Bababa na ako para makapagpaalam natagalan lang sa sinabi ni Petrina sa akin."Huh? Saan ba pupunta?" tanong ko."Aalis kasi si Senyora at Yvvk. Ihahatid nila at sasama rin sila sa Cali kaya mamamasyal na rin siguro, Nasa sala pa naman si Sir Samuel kasama ang iilang kaibigan."Tumango ako at bumaba na. Nakakahiya na tinanghali pa ako ng gising ngayon sa alis ni Yvvo at Senyora Donna.Mabuti na lang at nang nasa hagdanan ako'y naroon pa si Yvvo, Samuel, at ang mga lalaking kaibigan nila.Pababa ako ay binabati na nila ako. Ngumiti ako sa kanila at nang tuluyang nakababa ay nagsimula na si Samuel."Sasama ka ba? Ayaw sumama ni Kuya. 'Tsaka kagigising niya lang din"Sum
DIRE-DIRETSO ang baba ko sa dalampasigan. Mainit ng sikat ng araw kaya roon lang ako sa lilim ng niyog namalagi. Pwede rin naman ako sa kubo pero mas gusto ko ang natural na lilim ng puno.Natagalan ako bago nagsimulang gumuhit. Paano ba naman kasi, nagpupuyos pa ang galit ko. Kinalma ko ang sarili ko sa pamamagitan ng panonood ng mga alon na humahampas at inaabot ang dalampasigan. The sand pliant with every harsh touch of the waves...One stroke and I heard Petrina's voice from above."Miss Diana? Miss Diana?""Petrina?" tawag ko."Miss, kakain na raw po kayo ng tanghalian ni Sir Elyes."Umikot ang mata ko pagkatapos ay tumayo na. Hindi ko maintindihan kung bakit parehong ayaw at gusto kong tumugon sa sinabi ni Petrina. Ayaw ko dahil nasisiguro akong naroon si Harriet sa hapag. I know Elyes wants to torment me and it will be his way to keep me annoyed. Gusto ko dahil gusto kong ipagpatuloy ang pagtatalo naming dalawa.Habang pinapanood ko ang alon at ang buhangin, iniisip ko rin kung
GUSTO kong bumalik. Hindi ako makapaniwalang wala si Elyes doon gayong inasahan kong naroon nga siya.Lumiliit na ang isla habang lumalayo kami. Nilingon ko si Samuel na ngayon ay katawanan na ang mga kaibigan niya. Ayokong sumalida para lang hingin na pabalikin na ako sa mansyon. But then, how do I explain this to Elyes?Nag-ikot ako, refusing to believe that he really is not around. Nagtatawanan at nag-iinuman ang mga kaibigan ni Samuel. Tumigil ang yate hindi kalayuan sa isang maliit na isla. Kung wala lang akong problema ay inabala ko na ang sarili ko sa kakatingin doon pero I'm really bothered."Let's swim?"Napaigtad ako sa biglaang pagsasalita ni Peter sa gilid ko. He's all smiles and topless, ready for a dip. Nagtatalunan na rin ang mga kaibigan ni Samuel sa malalim na dagat habang tumigil ang yate room"Hindi ako marunong," sagot kong wala sa sarili.Tinuro ni Peter ang kulay orange na salbabida sa dagat. May lubid iyong nakakonekta at nakatali sa yate kaya kung sakaling sasa
MAAGA akong ginising ni Petrina sa sumunod na araw. Binuksan niya ang kurtina ng mga bintana para maarawan ang aking silid. Nagtungo naman ako sa banyo kahit sobrang antok pa.I love searching about Architects and their works in Google. Pakiramdam ko nakakapaglakbay ako kung saan-saan dahil sa internet. But nothing will ever beat seeing it live in front of my eyes so this means so much to me.Pagkatapos maligo ay bumaba na ako. Ang sabi'y tulog pa si Samuel dahil matagal silang natapos kagabi kaya si Elyes na naman ang kasama ko sa hapag.Like our usual dines, the awkward silence filled the air. Tanging ang mga kubyertos lamang ang naririnig.Miminsan ay sumusulyap siya sa akin. Napapatingin din ako sa kanya."You can't ride a horse till the Holgado's..." paunang sabi niya."Akala ko ba tuturuan mo ako?"One perfect brow shot up. "You can't be good at that immediately."Well, I can't help but note that he's right. Bukod sa hindi pa ako nakakasakay ng kabayo kailanman, hindi pa ako sig